Press Release
January 26, 2012

Transcript of Ambush Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the Impeachment Trial of Chief Justice Renato Corona

Q: Sir, dapat po bang i-subpoena ang mga bank managers and 'yung bank accounts po ni Chief Justice Corona and his wife?

SP: Alam mo, 'yung bank records, bank accounts, dapat sabihin kung anong bank accounts 'yun. Hindi pwedeng i-subpoena namin ang mga records ng lahat ng bangko sa Pilipinas na hindi namin alam na mayroong bank account 'yung respondent. Delikado 'yun. Dangerous 'yun sa mga taong-bayan.

Q: Kung may kinalaman po ito sa allegations ng ill-gotten wealth, ide-deny niyo po...

SP: I-identify nila 'yung bangko na mayroon siyang bank account.

Q: Sir, your assessment po sa prosecution everyday. Kasi po everyday na lang po ninyong pinagsasabihan kung ano ang dapat itanong.

SP: Mas mabilis na ngayon ang proseso sapagkat naayos na ang issue ng Article II.

Q: Sir, paki-clarify lang kung 'yung gag order will stay sa paragraph 2.4 na hindi pwede mag-present ng evidence through the media?

SP: Dapat ang media, 'yung mga ebidensiya na iprinisenta doon, pag-usapan pero be careful that you do not make a mistake. It's a description of the process or kung ano ang nangyari para hindi naman makulayan ang kaisipan ng taong-bayan. Dapat ang dadating sa kanila 'yung totoong pangyayari.

Q: Allowed po ba 'yung prosecution na pag-usapan sa media na nag-ruling po ngayon ang Korte�

SP: Mayroon sa Rules namin na hindi dapat pag-usapan 'yung merits of the case. Maski na sa labas.

Q: Kahit 'yung paragraph 2.4, sir?

SP: 'Yung 2.4 pwede niyong pag-usapan. Pinayagan na makapag-presenta ng ebidensiya doon.

Q: So, allowed 'yun?

SP: Allowed 'yun at pinayagan namin 'yung 2.2 at 2.3 allegations. Q: Sir, to clarify 'yung sa 2.4, sabi kasi ng ibang senators, eventually, pwede pang pag-usapan kung pwedeng i-admit ang evidence on 2.4� SP: Conclusion 'yun kung legal or illegal 'yung property. That's a conclusion. So, kung ang sinasabi ng batas na 'yung mga ari-arian ng isang empleyado ng gobyerno ay ilagay sa kanyang SALN lahat, kung mayroong hindi nakalagay, dapat ay tingnan kung ano 'yun. Kung 'yun ay itinago o 'yun ay hindi kayang bilhin ng kanyang legitimate income. Ngayon, kaya namin pinapayagan, magpresenta sila ng ebidensiya ng mga hindi raw isinama sa SALN para makita, ikumpara ang total value ng acquisition cost nung mga ari-arian na 'yun doon sa kakayahan nung Mahistrado na nakasakdal na bumili ng mga ari-arian na ganoon.

Q: Sir, kino-consider niyo pa rin po bang mag-resign from your post kagaya ng sinasabi niyo kahapon?

SP: Kung 'yan ang gusto ng aking mga kasama at wala silang tiwala sa akin, maski anong oras sabihin nila sa akin, magre-resign ako.

Q: Pero, sir, sabi ni Senator Jinggoy kahit na anong mangyari, hangga't hindi kayo nagkakasakit, hindi siya willing na palitan kayo...

SP: Salamat kay Jinggoy.

News Latest News Feed