Press Release
February 14, 2012

Transcript of interview with Unang Hirit
Anchor: Winnie Monsod and Connie Sison

SISON: Magandang Umaga po sa inyo Sen. Escudero.

ESCUDERO: Magandang Umaga sa inyo, sa ating televiewers, Happy Valentine's day po.

SISON: Happy Valentine's Day din po.

MONSOD: Happy Valentine's Day. Sen. Chiz, what do you think, you know I don't know whether you can talk about this, but yung sinasabing CCTV , talagang definite na definte na wala palang 'small lady' na nagbigay ng dokyumento. Ano ang implication nito doon sa mga prosecution na nagsabi na binigay sa kanila ng isang small lady na hindi naman nakikita doon sa Senado?

ESCUDERO: Well, they can be subject Mareng Winnie, to disciplinary action and contempt or any other penalty by the Senate. Kasi Mareng Winnie maliwanag, ayon kay Sen. Sotto mula noong natapos yung impeachment hanggang sa nakasakay ng auto si Cong. Umali ay wala hong nakikitang lumapit sa kanyang small man o big lady na nagbigay ng envelop. Utang kasi ng mga prosecutors at defense-- candor, fairness and truthfulness sa korte although hindi sila under oath. So kung maliwanag na pinagsinungalingan niya korte, maari siyang i-subject to disciplinary action ng korte at kung maliwanag din na sila'y may kinalaman sa paglalabas ng dokyumento sa PSBank, paglabag din yan sa Republic Act 1405 o secrecy bank deposit na ang maximum penalty ay limang taon na pagkakakulong.

MONSOD: Sen. Chiz, can you also tell us, yung bank deposit ay mukhang peka ba daw?

ESCUDERO: Personally Mareng Winnie, hindi ko po alam. Bukas namin malalaman kung peke nga ba o tama yung mga dokyumento. Pero isa lang yung hindi namin maintindihan din, ang pinagbasehan ng prosecution sa pagsabing may '$700,000' si Chief Justice Corona, ay yung entry doon sa opening deposit na nagsasabing '700K.' Eh Mareng Winnie ang 'K' diba ginagamit sa text yan. Ewan ko kung gagamit ng 'K' ang bangko.

MONSOD: Talaga nga naman.

ESCUDERO: Di ba 700,000.00 dapat yun at hindi sinasara ng 'K' lamang yun.

MONSOD: So you are convinced at this point na hindi pa nakakakita ng evidence with the contrary na may problema ang ganyang klaseng dokyumento.

ESCUDERO: Opo. Tila may problema ang ganyang klaseng dokyumento.

MONSOD: So kung may problema yan, sino po ang may kagagawan? Who is responsible for that? Do you hold the prosecution responsible?

ESCUDERO: We will Mareng Winnie because hindi namin alam kung saan galing yung dokyumento, ika nga last touch yan eh. Sino ba ang huling may hawak at nag-abot o nagbigay sa amin? Ang hindi ko kasi maintindihan Mareng Winnie, pwede naman sana sinulat nalang nila sa request for subpoena ang mga bank account numbers. Hindi nila kailangan i-attach pa yung mga dokyumentong yun, pero inattach pa rin nila. One more noticeable thing is none of the private prosecutors ang nag-sign ng request of subpoena. Ang pumirma lamang nito ay dalawang public prosecutors, si Cong. Tupas tska si Cong. Abaya.

MONSOD: Diyosko! Anong ibig sabihin nun? The private prosecutors thought that this was going too far?

ESCUDERO: Either that or they disagreed na ia-attach yung dokyumento na hindi naman kailangan at baka nga magkaroon ng ganitong uri ng kuwestyon na lumabas.

SISON: Senator, meron lang akong katangungan tungkol sa isyu ng suhulan naman. Humingi na ho ng paumanhin ang defense para sa pagsabing sinubukan kayong masuhulan. Balak niyo ho ba silang parusahan o palabasin kung sino yung sinasabi nilang source?

ESCUDERO: Well, tatayo na dapat ako kahapon para i-reprimand nalang sila, para tapos na, wala ng kulungan, wala ng ganon. Kaya lang pina show-cause ng isa sa mga kasamahan ko. Show cause na they should not be cited in contempt daw, so inantay ko na lamang. Pero para sa akin censure or reprimand or a stern warning would be enough for them not to repeat it again...

MONSOD: Sen. Chiz, mukhang napaka sensitive niyo naman, kasi the statement was very clear, that was personally contacting and phoning senator-judges to persuade or pressure them to defy a TRO, since when does that reflect badly on senator-judges? Wouldn't that reflect badly on Ochoa or the administration rather? You know, what did the defense say that was so insulting to Senator-judges?

ESCUDERO: That is correct Mareng Winnie, principally perhaps to Sec. Ochoa and the administration... But Mareng Winnie, kung tsismis lang din naman pala, duda ang impormasyon nila they could have raise that before the court, one. Number two, may punto si Sen. Cayetano kahapon noong nagpapaliwanag, sabi niya 'alam niyo yung sa noong isang araw, feeling ko lahat kami ay kailangan isa-isang lumabas at magpaliwanag na hindi totoo yan.' Which is unfair na bakit kami kailngang magpaliwanag at mag eksplikang hindi totoo yan. Eh kung may punto naman kayo't nais i-raise, sana dito nalang sa harap ng korte para dito na rin mismo kung saka-sakali na ipaliwanag yan.

MONSOD: Ang iniisip niyo talaga na-insulto kayo, ganoon ba po Sen. CHiz?

ESCUDERO: Ako po hindi.

MONSOD: (laughs) Because the truth hurts...

ESCUDERO: (laughs) Hindi naman ako tintatamaan. Sabi ko nga, I admitted that I've talked to Sec. Ochoa, two occasions last week, but even my vote Mareng Winnie hindi naman nagbago, because my vote was the same since I expressed it Friday last week.

MONSOD: In other words, if anything that is sa akin ay honoring or praise to the senators kasi yung boto was still 13-10. If there was any attempt, aba mukhang matatag na ang mga senador. ganon ba yun?

ESCUDERO: Either hindi totoo Mareng Winnie or walang basehan talaga yung kwento. Kwentong kutsero nga o kantsawan eh. Baka drawing lang naman talaga yun,.

MONSOD: Okay. You know Executive Secretary Ochoa very well di ho ba? Do you think he's capable of doing that?

ESCUDERO: It would be out of character first to do that at least to me Mareng Winnie, I'm sure about that kasi alam ho niya pagdating sa maraming bagay ay hindi kami nag-kakaintindihan talaga eh. So far the others are concerned, Mareng Winnie, Jojo Ochoa is came from a local exposure eh, from being administrator of Quezon City, doesn't really know personally most of the national official. So i don't think that he will be brave enough at magiging ganoon kalakas ang loob niya na hindi niya naman ganoon kakilala o kaclose eh bibigyan niya ng ganyang uri ng alok na hindi sisingaw o lalabas.

MONSOD: Sounds like, in other words nakukuryente tayo or nakuryente ang defense. So why do you think the defense would do that where it will be so obvious na mahahalata sila. In other words, do you think the defense did that with malice after thought?

ESCUDERO: Actually Mareng Winnie, I don't attribute any malice to anyone unless I have proof. Siguro the most I can attribute to them is they panic, may ganyang balita, crucial issue sa kanila, akala nila papunta sa direksyong yun ang boto ng Senado and they simply miscalculated the vote of the Senate and they panic as a result of this.

SISON: Alright, magpapasalamat na po kami sa inyong time. Happy Valentines po Senator-Judge...

ESCUDERO: maraming salamat din po sa inyong lahat, Happy V-day!

News Latest News Feed