Press Release
February 22, 2012

Transcript of interview with Majority Leader Sen. Vicente C. Sotto III

Q: Sir, wala raw po kayong parliamentary courtesy sabi ng House?

Sotto: Perhaps dapat i-define sa amin nang nagtatanong tungkol sa parliamentary courtesy kung anong ibig nilang sabihin ng parliamentary courtesy, sapagkat, pagkaba mali o wala sa rules parliamentary courtesy 'yun? Tatanggapin mo ba kahit mali? 'Yun ba kasama 'yun, para malaman naming ang ibig nilang sabihin. Pangalawa, pagka hindi totoo ang sinabi sa'yo dahil sa parliamentary courtesy tatanggapin mo ngayon? 'Yun ang mga mabibigat na pumapasok sa isip naming pagkami ay hinihingian ng parliamentary courtesy. Probably we should remind some of our colleagues that as a Senate and the House of Representatives there is really what we call parliamentary courtesy, siguro sa mga nasa lugar na bagay pero as an impeachment court, nakakalimutan nila na hindi kami Senate, impeachment court 'yon, kailangan ma-realize ng mga kababayan natin na ibang klase pagka impeachment court, we are no longer part of the Congress, we are wearing different hat at hindi na kami kasama sa tinatawag na kabuoan ng parliament.

Q: Sir, as far as your concern naibigay n'yo na ba ang lahat ng pasensya n'yo gaya ng sinasabi ni Enrile?

Sotto: We've bent backward so many times, we've been very flexible, kaya siguro naabuso eh. Pagka-flexible ka, nasasagad ka minsan di ba? Ganun ang feeling ng aming Senate President. Kung mapapansin n'yo naman not a single member of the court stood up to go against the ruling or even to question the ruling of the Senate President.

Q: Sir, kahit papaano 'yung nangyari kahapon, 'yun na ba ang warning na magiging stricter na kayo this time? Kasi ibang level 'yung galit kahapon ni Sen. Enrile?

Sotto: Kasi lagpas na nga eh and madalas naman kahit ano pwede na nga eh, pagka-ganun tapos nakakarinig pa kami ng mga tirade mula sa labas ng court syempre napapa-init ang ulo ng liderato imbes na maging mahinahon.

Q: So sign na ba 'yan Sir na you will be stricter this time around for both camps?

Sotto: Hindi pa naman but we are trying to do our best on the level, hindi naman kailangan maging over strict or hindi naman kailangan maging strict, as a matter of fact, we bent backwards at naging mas-flexible kami, lalo na sa umpisa palang humingi na agad sila ng flexibility di ba both camps? Pero pagkasumusobra na kailangan may limitasyon.

Q: Sir another impeachment pagbobotohan na raw sa Plenary ng Kamara today, kakayanin ba kung saka-sakali? Sotto: Hindi siguro, unless na gugustuhin nila na hindi na kami magle-legislative works, ibasura na namin ang legislative work at kami ay mag-impeachment court nalang the whole time.

Q: Pwede bang tanggihan 'yun?

Sotto: Wala sa rules naming 'yan, alam mo dapat isa 'yan sa mga napag-aralan namin. Wala sa rules naming katulad ng korte na pwede mong i-dismiss agad.

Q: So, sir no choice kayo pagka-iniakyat nila?

Sotto: Pakikingan naming, pag-aaralan naming, we will see how it goes.

Q: Pero sir pwede kayong mag-decide na 'wag munang mag-start agad?

Sotto: Oo! Nanduduon pa rin 'yung sinasabi ng constitution na to try forthwith or on our phase. Ang ibig sabihin nun hindi na kailangan ng preliminary investigation o hindi kailangan ng preliminary hearings, deretso na agad sa trial pero 'yung trial na 'yun i-schedule naming kung kelan.

Q: Sir, ngayon sa mga dyaryo may full page ads tungkol dun sa wealth ni Corona, hindi ba nila nilalabag ang trial pagka-ganun? Sotto: Hindi ko binabasa, I try not to be affected by anything that comes from either side, siguro karamihan samin ganun din. Tsaka pang-publiko naman nila 'yun.

Q: Pero sir walang power ang Senate na stop ang mga ganung bagay? Sotto: Wala siguro.

Q: Sir pampadagdag init ulo lang regarding sa parliamentary courtesy na hinihingi, discourtesy ba sa impeachment court pagka-pinaghaharapan kayo ng mga furious documents?

Sotto: 'Yan ang magandang punto. Parliamentary discourtesy 'yung babaluktutin ang mga rules at ipipilit, ang mangyayari kami ang masusubo, ang Senado o impeachment court ay malalagay sa alanganin.

Q: like what the prosecution did yesterday?

Sotto: Oo, isa 'yun, may ruling na nga pinipilit pa.

Q: Sir may mga nagki-criticize kay Enrile dahil sa ruling n'ya?

Sotto: Criticizing nila ang buong impeachement court dapat, kasi 'yun ang pananaw ng buong impeachment court itself. Anong iki-criticize nila kahit na mali tanggapin naming, kahit wala dun sa mga charges tanggapin namin, 'yan ba ang gusto nila? Kami naman madaling kausap, itatanong namin sa kanila. Katulad ng defense nag-object na bakit hindi daw sila makapag-object sa mga judges. Sabi ko kahapon kung saan matatagpuan ang ganung rules? Eh sa rules of court nila 'yun eh o sa practice nila o tradisyon sa korte. Tinatanong naman namin sila kung ano ba gusto n'yo? So, anong gusto n'yo pwede, gusto n'yo ba na tumanggap kami ng mali? Kung pipintasan nila ang Senate President dahil dun at pipintasan nila ang buong korte dahil dun, sabihin nila kung anong gusto nila, gusto nila 'wag kaming sumunod sa rules, ganun ba? Sabihin nila sa amin at titignan natin, pag-uusapan naming 'yan sa caucus. Pag-uusapan naming 'yan kung tatanggap na kami ng mali, ng wala sa rules at kasinungalingan. Gusto nila 'yun eh, sabihin lang nila at ilagay sa isang resolution.

Q: Pwede pa ba i-amend ang rules?

Sotto: Hindi na nga pwede 'yun, kaya nga tinatanong naming sila kung anong gusto nila. Kung ipipilit nila pag-uusapan pa rin naming sa caucus 'yun. As I said kahit anong suggestion ite-take up namin sa caucus, bakit hindi, the majority rules and we are in the democracy, that how it goes.

Q: Hindi naman nagbago ang rules ng impeachment court, kasi ang sinasabi ni Congressman Tupaz, all of the sudden naging very strict ang impeachment court?

Sotto: Hindi very strict, hindi all of the sudden, we have been very flexible inaabuso. Bakit nung mga nakaraan ba may pinasok silang mali, hindi naman namin tinanggap gaya ng 2.4 hindi namin tinanggap. How can he say that? Meron ba kaming pinayagan na mali dati? I-point nila sa amin alin ang mali na pinayagan?

Q: Sir comment, kaya raw hindi pina-upo sa witness stand 'yung VP for Sales ng PAL kasi marami ring legislators na may platinum card?

Sotto: Hindi ko alam 'yun, ako definitely wala. Tingin ko walang kinalaman 'yun, kami pa, open kami sa ganyan, kaya maganda ang topic bukas tungkol dun sa SALN at sana i-monitor ninyo, marami kaming gustong itanong dun sa bagong nilabas na directive ng Civil Service Commission about the new form of the SALN pero 'yung sa PAL walang kinalaman 'yon.

News Latest News Feed