Press Release
February 24, 2012

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO
TRANSCRIPT POST CJ TRIAL DAY23 AMBUSH INTERVIEW

Reporter: Critical daw po yung testimony ni Justice Sereno?

If we want to have the whole picture and not just pockets of truth. Iba yung mismong nandoon talaga. Napagkasunduan na ng impeachment court na wag silang i-subpoena pero pwede silang kusang pumunta. Malinaw sa exception sa judicial privilege o sa confidentiality ng deliberation nila kung may judicial misconduct. Yun nga ang ating nililitis.

Gusto ko sanang malaman from the prosecution or the Justice Secretary kung meron silang nakausap o may impormasyon sila o Justice mismo o mataas ang katungkulan sa Supreme Court ang nakapagsabi sa kanila. Dahil hindi ako naniniwalang mabubuo ang kanilang paniniwala na hindi medyo mabigat ang impormasyon nila.

Actually, mapapaisip tayo sa sagot ni Sec. De Lima dahil nga nung tinanong ko siya ng diretsuhan, pinagisipan niya at I'm glad hindi siya nagsinungaling. Aside from napagisipan, she respectfully asked to decline to answer. Ibig sabihin maaring may mabigat siyang credible information.

Pero ayaw magkamali ng mga senator-judges dahil very thin yung line between advocate ka at partial ka sa isang issue o partial ka sa isang tao. Diba para mong sinabi na yung bank accounts halimbawa. Kung sasabihin mo na yung bank account nung isa payag kang buksan pero yung sa iba hindi pwede, kitang-kita yung partiality dahil iba yung paninindigan mo sa issue.

Pero kung ang sasabihin mo naman ay lahat ng bank accounts ay buksan at may tinamaan lang at popular yung nataaman, ibang usapan yun. So paano natin makikita yung buong picture ng hindi natin napapakinggan (ang impormasyon ng mga andoon talaga)?

Kung wala naman yun, then we'll have to rely on what the prosecution and the defense has shown us. But I'd like to speed things up and I'd like to get to the bottom of it dahil maaring mangyari ulit ito in the future.

Napakahalaga sa atin that people have full faith and confidence in the Supreme Court. At yung lumalabas na ebidensya ngayon ay may kaunting pag-uuga sa integrity o credibility ng Supreme Court.

Gusto ko ring ipahatid sa Supreme Court that we will give them extraordinary courtesy. Ako nga payag akong hindi magtanong o kung ang Senate President lang o may abogado lang na iddesignate at may mga tanong na malinaw.

Pero sana from both sides. From the majority and minority on this issue para yung buong katotohanan at hindi yung mga pira-pirasong katotohanan lang ang malaman ng impeachment court.

Reporter: Ang panawagan niyo magkusang mag-appear dito sa impeachment trial yung mga Supreme Court justices?

Ang pinagusapan kasi namin noong caucus na pag nagkusa sila ay pwede naman naming tanggapin. Ayaw lang namin na pipilitin namin ang mga miyembro ng Katastaasang Hukuman na pumunta dito under a subpoena.

Number two, nabanggit nung prosecution na baka pwedeng imbitahin so baka yun din ang pagusapan namin sa caucus sa Monday. Kasi ganoon din namin tratuhin ang mga congressmen, na hindi namin sinu-subpoena ang mga miyembro ng House of Representatives. Pero iniimbitahan namin.

So you're urging them to appear before the impeachment court?

Ako'y nananawagan o in-u-urge ko ang mga miyembro ng Supreme Court na pagisipan o pagusapan nila na ang mga miyembro nila ay magkusa and pwede naman magkaroon ng extraordinary courtesy sa mga justices. Pwede naman silang magtestify na hindi vina-violate ang sarili nilang rules or to respect the rules with the exceptions because this is of national interest.

Ayaw namin magkamali dito. Ayaw namin magtanggal ng isang Chief Justice kung hindi naman siya partial at walang betrayal of public trust. Pero ayaw din namin na manatili siya kung viniolate talaga niya ang public trust at talagang naging partial siya at magiging hadlang sa hustisya sa ating bansa.

Malamang hindi kami magkakamali kung mismong yung mga andoon sa deliberasyon ay sasabihin sa amin kung anong ang nangyari. Let me reiterate that accepted ng legal community that exception ang pagttestify on the rules of a confidential deliberation kapag ang pinaguusapan ay judicial misconduct.

Kung wala sila, mahihirapan ba silang i-argue yung article 7?

I won't go that far. I'm just saying that if wala sila, we'll have to rely sa kung ano man ang ipresenta ng prosecution at anong ipresenta ng defense. This may or may not be enough. I'm just saying that if we want the whole picture at madami sa ating kababayan ay hindi hawak yung to or hindi naman trained sa batas na na basahin ang concurring majority or dissenting opinion mas magandang marinig nila sa justices mismo.

Yung pag-appear ba ng mga justices ay masasagot kung talagang mayroong partiality?

Ang tingin ko ang buong katototohanan ay mailalabas kapag pumayag ang isa, dalawa o mahigit na justices na magtestigo sa impeachment trial.

News Latest News Feed