Press Release
March 15, 2012

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

At impeachment trial:

Sen. Francis G. Escudero (FGE): Matagal na po kayong assessor, o nagtatrabaho sa assessor's office?

Villaruz: I became officer-in-charge of the city assessor Nov. 2010.

FGE: Bago po non dyan din po kayo sa opisinang yon?

Villaruz: I am with the assessor's 2001, your honor.

FGE: Matanong ko lang ho kayo para rin sa guidance naming at mga tao at nanonood sa atin, yung nakalagay don na sworn declaration of owner as to the current fair market value, ito po ba ay pinupunuan talaga ng mga nagpa-file sa inyo, marami ba kayong nakikitang ganito o kaunti?... Palagi po bang blangko yan?

Answer: Karaniwan ho blangko yan.

FGE: Ngayon sabi sa Local Governemnt Code kada tatlong taon kailangan magfile yung may-ari ng lupa. May nagpa-file po ba sa inyo?

Answer: Sa experience ko po sa ngayon wala pa po.

FGE: Wala po. May parusa po ba kapagka hindi nag-file sang-ayon sa Sections 203 at 202, kasi baka may parusa pala yung hindi ko ginagawa, baka hindi ko ginagawa yan eh. May parusa po ba?

Answer: Sa pagkakaalam ko po yung Section 204 po ang ini-implement namin.

FGE: Again I know the Chair already elaborated on this, but also just to inform not only us but also all other government officials with respect to this portion of SALN, sabi ng SALN form current fair market value, sa depinisyon walang nakalagay na current sabi actual value at which the buyer is willing to buy and the seller is willing to sell. Yan din po ang depinisyon sa Local Government Code, hindi po ba?

Answer: Opo.

FGE: Ang nakalagay po sa Local Government Code, Section 199, fair market value is the price at which the buyer is willing to buy and the seller is willing to sell as determined by the Sanggunian. Tatanungin kop o kayo nagpa-file ho kayo ng SALN, hindi po ba?

Answer: Opo.

FGE: Ano ho yung nilalagay nyong fair market value don sa SALN nyo, yung nakalagay po ba don sa ordinansa o yung sa pananaw nyo value nong lupa ninyo at which the buyer is willing to buy and the seller is willing to sell? Nagpa-file ho kayo ng SALN di ba? Kinokopya nyo lang po bar in yung nakalagay na fair market value doon sa ordinansya? Kung may lupa ho kayong pag-aari.

Answer: Sa pagpa-file ko ho ng SALN, usually ang ginagawa is mix eh... merong base don sa tax declaration at merong base sa pagkakaalam komagkano yung value ng property.

FGE: As a last point in this issue Mr. President I have a problem with being strict with the, for the record, with being strict with fair market value, because quite frankly right now or as of December 31 I do not know the current fair market value the townhouse in which I am living in. sino ba yung natatanungin ko yung kapitbahay ko na nagbenta, pinakamalapit sa petsa ng December 31 kung magkano? Paano pagkailangan ko ng pera at gusto kong ibenta ng palugi so ang ilalagay ko willing kong ibenta yung condominium ko, yung townhouse ko worth P5 million sa halagang P2 million lang dahil nagmamadali ako eh, yon ang ilalagay ko dito, tapos sasampalin ako ng magsasampa sa akin ng kaso na ang nakalagay sa fair market value sa ordinansiya mas mataas, in-under value koi to so at the end of the day, Mr. President, your honor, unless the law clarifies it, it's quite, for me it's logical to have a basis, at least hindi ka makukuwestiyon dahil ang nakalagays a ordinansiya ito yung fair market value, that would be the safest I would assume, kesa makuwestiyon ka kung saan mo hinugot yung fair market value the buyer willing to buy and the seller is willing to sell. Taking off from that, Mr. President, your honor, I will shift to my point really, I asked this before we came to this point and I would like to ask the question again of defense and prosecution counsel, nandito na po tayo doon sa yugtong nagkrus na yung dalawang kalye. Sabi at ang teyorya ng prosekusyon yung lupa dawn a nasa pangalan ni Czarina ay sa kanya, kay Chief Justice Corona, bagaman ang taz dec ay nakapangalan kay Czarina at yung titulo ay nakapangalan kay Czarina, sabi naman ng prosekusyon yon din, yung lupa, siyempre consistent sa posisyon nilang yon, inconsistent sa posisyong nilang yon yung lupa na nasa pangalan ni Chief Justice Corona pa rin ay hindi na sa aknya, ayon sa depensa dahil may deed of sale na and yet ang claim ng depensa po ngayon dahil wala sa pangalan ni Chief Justice Corona ay hindi sa kanya yon, I asked both parties to submit a memorandum on this but I don't believe we've received it. Can I get the answer from both counsels now. Let me reiterate ang teyorya po nino Justice Cuevas ay bagaman nakapangalan pa yung titulo at tax dec ay Cristina Corona hindi na kay Chief Justice Corona yan dahl may deed of sale na. Hindi po ba?

Cuevas: Hindi hindi na po, hindi kanya.

FGE: Hindi na nga po kanya, at hindi na niya kailangang ideklara... yUng sa Marikian po, yung kay Ginoong Vicente.

Cuevas: Ah yung kay Vicente, we've been discussing about the validity of the alleged tarnsaction dahil po don sa torrent certificate of title.

FGE: AKo ho ay sa totoo lang wala akong rason para pagdudahan si Ginoong Vicente matapos siyang tumestigo rito, ang sinasabi ko lang po ay sa teyorya ninyo, hindi po ba, bagaman nakapangalan yung titulo at tax dec(declaration) ay Cristina Corona, hindi na yon kanya.

Cuevas: Tama po.

FGE: Dahil nga po may deed of sale.

Cuevas: Dahil sa deed of sale na pinirmahan niya.

FGE: Kabaligtaran naman po tila ang posisyon ng prosekusyon na kay Czarina naman, sabi nyo kanya yon, nakapangalan sa kanya eh, eh kay Czarina nakapangalan yan sa kanya pero sinasabi ninyo hindi kanya yan.

Answer: Wala ho kasi siyang kakayahang mamili ng property na yon sa McKinley Hill.

FGE: Eh di idemanda nyo po ng tax evasion si Czarina pero ano po yung... na wala po siyang kakayanan dahil hindi siya nagbabayad ng buwis, hindi po ba?

Answer: Opo.

FGE: ANg prinesenta nyo lang pong ebidensiya na kay Chief Justice Corona yan ay hindi nagbabayad ng buwis si Czarina, therefore walang kakayanan, ganon po ba yon.

Answer: Mayroon po kaming ebidensiya na ang nagbabayad, it is a simulated sale, your honor, it is the chief justice who paid.

FGE: Bilang attorney in fact, sang-ayon sa exhibit na prinesenta ninyo, hindi po ba, he signed as attorney in fact.

Answer: Well that came in later, your honor, but the receipts are in the name, I understand of the chief justice.

FGE: So ang teyorya nyo doon, sa kanya pa rin yon bagaman yung tax dec at yung titulo ay waal sa pangalan nya.

Answer: Opo. Siya po ang totoong may-ari nong lupa sa McKinley Hill.

FGE: At ang ebidensiayng nga pong tinitayuan nyo ay siya ang nagbayad, tama ho ba, at walang kakayanan.

Answer: Opo.

FGE: Justice Cuevas.

Cuevas: Hindi pa po kami nagsisimula ng ebidensiya dito eh, nakikiusap po kami sa inyo na bigyan kami ng pagkakataon sapagkat ang nadinig ninyo at nadinig ng impeachment court ay yun lang version ng complainant.

FGE: As a last point, Mr. President, your honor, this is a third matter, yung number po sa item A ng SALN meron pong walong column, hindi po ba: ang kind, location, year acquired, mode of acquisition, assess value, current fair market value, under acquisition cost, land, building, etc at improvements. Pakiguide nyo po kami pag-summation na kayo, alam ko na alegasyon po ng complaint ay non-inclusion lamang at waalng binanggit kaugnay sa hindi kumpletng pagpa-file, maliban na lamang kung kasama sa teyorya nyong hindi nag-file kapagka kulang pero ano po yung, kahit hindi nyo po sagutin sa ngayon, sa inyong summation na lamang po para hindi maubos yung oras natin, natanong ko na rin po ito dati, six out of eight po pinunuan, hindi natin pedeng sabihinh nagsinungaling, na tinayuan nya yung fair market value, iniwang blangko kasi yung acquisition cost eh, ngayon kung ang iniwan nyang blangko ay yung acquisition cost, paglabag ba yon, pakibigay ho sa amin yung argumento at basehan sa inyong mga summation pagdating po ng panahon. Hindi ho ngayon, ayaw ko pong pasukan yan ngayon, para makapagpatuloy ng presentasyon ng ebidensiya.

Cuevas: We're dealing with it when we file our...

FGE: At paki-address din po ano po yung depinisyon at pagtingin ninyo sa kospeto ng substantial compliance at good faith compliance kaugnay po ng isyu at bagay na ito para magiyahan kami.

Answer: We will file our memorandum as well.

FGE: At a proper time, thank you.

News Latest News Feed