Press Release
May 8, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona

Q Nasasaktan daw ang defense panel sa nangyari kahapon?

SP Bakit sila maghihinanakit? Kami naman ay dinidinig sila pero, dadalhin nila yung mga witnesses na ganun sa amin na very clear na wala namang kinalalaman doon sa impeachment. I-justify nila. At saka, pina-iinhibit ang mga Senador, eh di ipa-inhibit nila ako. I will not inhibit myself, I stand by what I am doing.

Q Ano ang tingin ninyo po doon sa pagpapa-inhibit kay Senator Angara?

SP Kaya nga pinag-uusapan namin, why should he inhibit himself? His son is an adult. He is not a dependent of Senator Angara. Why should there be conflict? They should, instead of raising this technical issues, attend to the defense of their client. Yung mga sinasalang nilang mga witnesses, anong pakialam namin kung illegal yung sale nung lupa sa city of Manila? Binayaran naman si Mrs. Corona ng P34.7 million? Yun ay ipaliwanag nila. Ano ang nangyari doon?

Q Sabi po ninyo noon, bibigyan n'yo po sila ng pagkakataon, ng sapat na leeway?

SP Kaya nga binibigyan namin. I will allow them, pero to come here and talk about non-payment of dues, condominium dues and non-payment of collection of market fees, what has that got to do with the impeachment trial? Tell me. They are supposed to be brilliant lawyers, de-kampana na mga abogado, eh di ipaliwanag nila sa amin, kami ay mga bagito lang na mga abogado.

Q Kahapon po sabi rin ni Atty. Cuevas, parang napansin nila na parang nawala ang simpatya ninyo sa defense team?

SP Wala akong sympathy maski kanino sa prosecution, sa defense. Wala. If they do not know the role of a judge, dapat walang kinikilingan, yun ang alam ko. Pag kumikiling kami sa ibang tao, hindi kami huwes, partisan kami.

Q Mas excited naman daw po sana kayo sa witness kahit na walang pangalan?

SP What are they arguing about? Ano ba yung ebidensiya na gusto nilang palabasin? Palabasin nila na hindi tinanggap ni Mrs. Corona yung condominium, agreed. Hindi tinanggap yun, dapat hindi nilagay sa SALN dahil hindi tinanggap. Pero, nagbayad ng P9 million. Bakit hindi sinama? Dapat yun ipaliwanag nila. Pangalawa, yung tungkol sa koleksiyon ng market fees, yung ay isang testigo, ano ang kina-uugnayan nun? Ano kung nangongolekta ang Maynila ng market fee? Ano ang kabuluhan nun sa impeachment ng mahistrado ng Pilipinas? Hindi ko maintindihan. I'm sorry kung nasaktan sila. They can take their remedies against me.

News Latest News Feed