Press Release
May 23, 2012

Transcript of Unang Hirit Interview with Senator Franklin M. Drilon

Q: Nagulat po ba kayo at nakasama kayo sa binanggit ni CJ Corona?

Drilon: Oo, nagulat ako. Hindi ko akalain na yung dati niyang sinasabi na sa tamang panahon bubuksan niya lahat ng kanyang dolyar, at ngayon isasama niya ako at yung 188 kongresista.

Q: Bakit na-single out?

Drilon: Siguro dahilan kung maalala ninyo noong first day of trial, dahil sa aking tanong ay nabuksan ang kanyang SALN. Kung inyong, maalala ako yung nagtanong.

Q: Ah, oo yung sa clerk of court?

Drilon: Oo, nagtanong ako hindi ko naman akalain na dala-dala niya (clerk of court) ang SALN ni Corona. Dahilan don, iyon po yung umpisa, dahilan iyon ng paglabas ng katotohanan.

Q: Hindi ka na napatawad?

Drilon: Laugh.

Q: Pero, yung hamon na yun, tatanggapon ninyo ba yun gayon hindi naman ikaw yug nililitis?

Drilon: Tama iyan, hindi naman ako yung nililitis. Meron tayong statement of assets, liabilities and net worth at ito lang ang masasabi ko, lahat po ng ari-arian ni Senator Drilon ay nakalagay sa kanyang SALN. At iyan pong SALN, na-published na po iyan at hindi po tinatago iyan. Sa amin sa Senado bukas po iyan, iyan an gaming patakaran. Ngayon, kung sasabihin kong papasok ako sa challenge niya na buksan lahat. Eh, Igan, kung sasabihin mo sa lahat ng panig ng kawani ng pamahalaan, ano po ang mangyayari sa ating banking system. Iyan po ay hindi tama. May patakaran tayo, mayroon tayong SALN, diyan po namin nire-report lahat n gaming ari-arian. Kung iyan po ang kanyang sinabi, eh di ang batas sana sinabi na lahat ng tao sa gobyerno buksan ang bank accounts. Hindi naman po siguro tama iyan. May SALN tayo, bukas po iyan sa publiko at iyan po ay nililitis sa tamang venue. Yung kay CJ, tinitingnan yung kanyang SALN dito sa impeachment trial. Iyan po ang patakaran ngayon. Kitang-kita naman natin na hindi nireport ni CJ ang kanyang dollar accounts.

Q: Dahil sa kanyang interprestasyon ng batas, di po ba?

Drilon: Yes, pero yung kanyang interpretasyon ng batas ibig sabihin po kapag nagnakaw ka ng pera sa pamahalaan, i-convert sa dolyar at ilagay sa bank accounts, at hindi na pwedeng buksan. Hindi naman po yata tama iyon.

Q: Protektado raw po kasi ng FCDU Act. Mali po ba iyon na yung isang batas mangingibabaw sa Saligang Batas?

Drilon: Mali po iyan. Maling-mali. Unang-una, tama ang sinabi mo na hindi pwedeng mangibabaw sa Saligang Batas ang isang pangkaraniwang batas. Ang rule of transparency sa ating Constitution ay dapat mangibabaw. Ang Korte Suprema mismo sa isang kaso ay sinabi nitong hindi pwedeng gamitin ang FCDU law upang itago ng isang criminal ang kanyang dolyar para maitago, doon sa decision of judgment. Ang SC mismo ang nagsabi na parang "you cannot use the FCDU act" for the criminals and for the corrupt.

Q: Senador, para matapos na, masasabi mo bang wala kang dollar accounts?

Drilon: Hindi masama magkaroon ng dollar accounts.

Q: Pero nakadeklara yung sayo sa SALN mo?

Drilon: Yes. Correct.

Q: Yun ang malinaw, syempre alam mo na, ikaw yung kitang-kita na kapag nagtanong akala kaalyado ka sa administrasyon, di ba?

Drilon: Eh kung ang pagtatanong natin, sa paghahanap natin ng katotohanan kung yung SALN ba ay tama, sinasabi nila kaalyado ako ng administrasyon, hindi po nakakahiya iyon, wala pong masama roon.

Q: Noong nabanggit ba ang pangalan mo, sa tingin mo, namersonal ang CJ sayo?

Drilon: Maliwanag naman.

Q: Yung proseso ngayon, sakaling hindi bumalik ngayon, ano ba ang desisyon ng impeachment court?

Drilon: Mahirap sagutin, pag-uusapan pa lamang namin.

Q: Siya na ang last witness, eh.

Drilon: Siya na lang po.

Q: Tama po bang kapag hindi siya bumalik ngayon, mawawala ang kanyang mga sinabi?

Drilon: Iyan po ang nasa rules of court. Iyan po ang sinusunod na patakaran sa husgado.

News Latest News Feed