Press Release
June 4, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the selection of the next chief justice

Q: Ano po masasabi niyo tungkol sa selection ng chief justice?

SP: Sino ba ang napupusuan nila?

Q: Ngayon pa lang po in-open yung nomination sa JBC (Judicial Bar Council)?

SP: Alam mo pwede naman 'yung politician. Si Recto, Jose P. Laurel, mga magagaling na naging Chief Justice 'yan.

Q: Cabinet members po? Si De Lima at Henares?

SP: Pwede din naman 'yan.

Q: Ano po ba ang mga dapat na maging considerations ni PNoy sa pagpili ng chief justice?

SP: Dapat 'yung pinakamagaling at paninindigan niya ang kanyang trabaho. Walang kinikilingan, walang inuurungan, walang pinapanigan. Trabaho lamang, sa bansa lamang, sa Diyos lamang.

Q: Very crucial po ba ang gagawing pagpili ni PNoy ng next chief justice para masabing naging makabuluhan ang pagpapatalsik kay Corona?

SP: Wala namang kaugnayan ang impeachment sa pagpili ng next chief justice dahil kung wala naman dahilan para ma-impeach iyong nakaupo bakit naman ma-iimpeach?

Q: Reaction niyo about sa waivers daw po para sa mga nominees for next chief justice?

SP: Bakit kailangan pa i-condition ang waiver? Masyado nang O.A. iyon. Para bang wala na tayong tiwala sa mga naununungkulan sa bayan. Kung ganoon lang, mabuti pa siguro buwagin na natin ang Republika ng Pilipinas. Wala ng pag-asa kung lahat tayo ay hindi natin pinagkakatiwalaan ang mga taong halal at iniluklok sa mataas na kapangyarihan sa bansa natin.

Q: Pero sir, sabi po ng iba, bakit daw po kay Corona hiningi 'yung waiver pero sa iba pwede pong hindi hingin?

SP: Dahil nga nagkaroon ng ebidensiya na mayroon siyang hindi naisama na mga ari-arian niya sa kanyang SALN at para malaman kung ano 'yon, hiningan ng waiver. Iba naman ang sitwasyon nito, hindi pa nauupo sabihan mo na, "Hoy, hindi ka namin pinagkakatiwalaan. Pwede ba i-waive mo na 'yung karapatan mo." Kung ako naman, hindi ko tatanggapin 'yun. Ako ay magbibigay ng serbisyo sa inyo, kaagad-agad ay pagsususpetsahan niyo ako.

Q: Sir, ang concern ng ilan mananatili bang independent ang Korte Suprema...

SP: Oo. Hindi naman pinakikialaman ang Korte Suprema. Bakit naman sila matatakot?

Q: So, baseless po 'yung ganoong claims?

SP: Oo. Mga haka-haka na lang 'yan.

Q: Sir, 'yung SALN po correctible siya based sa Civil Service...

SP: Correctible pero kung mayroon na at saka mo i-cocorrect, kung maliit na bagay siguro pwede. Pero ano bang cut-off point na gagawin? 'Yun bang pinag-usapan natin sa impeachment bale-wala na 'yun?

Q: Sir, kasi sinasabi po halimbawa sa senators, dollar account kinonvert to peso, 'yun po ang...

SP: Hindi naman kami impeachable. Ang aming pananagutan ay sa taong-bayan. Di tanggalin kami sa pwesto o sa susunod na eleksyon kung mayroon kaming kasalanan.

Q: Pero kailangan na bang i-distinguish 'yung foreign currency account sa peso account para kapag i-dedeclare sa SALN?

SP: Alam mo, hindi naman kailangan na sasabihin mo na ito ay foreign currency account or peso. Basta pesos, 'yun ang local currency natin. Di lagay mo cash on hand and in banks. Di mo kailangang sabihin kung anong mga bangko. Accounting matter 'yun.

Q: Sir, dapat po ba si Carpio automatic na mag-inhibit as Chairman ng JBC?

SP: Di ko alam.

On the amendments to the Anti-Money Laundering Law

Q: Sir, 'yung AMLA ba kailangang ituloy ngayong hapon?

SP: Oo, kailangang maipasa natin ngayong hapon na ito 'yung dalawang batas, 'yung Anti-Terrorism Financing Bill at saka 'yung No Notice. 'Yung expansion ng predicate crime ay medyo pag-aaralan ng mabuti.

Q: Sir, hindi po ba ang gusto ng FATF ay idagdag 'yung expansion ng AMLC coverage?

SP: Hindi namin kaagad magagawa 'yun.

News Latest News Feed