Press Release
July 24, 2012

Transcript of interview with Sen. Chiz

Transcript of interview

Sa pag-upo ni Cong. Tupas sa JBC

Nag-usap lamang kami kagabi, wala pang kasunduan sa pagitan ng House at ng Senate at base sa usapan namin kagabi nagpahayag siya ng pagnanais mag-attend ngayong umaga, sabi ko okay lang basta isa lamang ang mag-aatend sang-ayon sa desisyon ng Korte. Pero ito ay interim, temporary at pansamantala lamang hanggat hindi pa nagkakausap o nakakahanap ng arrangement o kasunduan ang House at ang Senate sa pamamagitan ni Speaker Belmonte at Senate President Enrile.

Nabanggit ba sa pag-uusap kung ito ay magiging alternate?

Wala, ngayon lamang yun pinag-usapan namin hanggat hindi pa nakakapag-usap ang Speaket at ang Senate President. Mamya sa caucus iti-take up ito at nasama na sa agenda ito para pag-usapan ng mga senador.

Ano ang naging kasunduan ng House at ng Senate tungkol sa pag-upo sa JBC?

Wala pang kasunduan, nag-usap lamang kami ni Cong. Tupas na siya muna ang uupo ngayon in the interim, temporarily at pansamantala hanggat hindi pa nagkakasundo at nagkakausap ang Senado at ang Kamara, particular si Speaker Belmonte at Senate President Enrile. Sa caucus mamyang tanghali, ngayong tanghali tatalakayin namin yan sa senado upang sagayon ma-awtorisa si senate President Enrile na makipag-usap kay Speaker Belmonte.

Final na ba si Cong. Tupas?

Hindi, gaya nga nang nasabi ko temporary, interim at pansamantala lamang ito para may kinatawan ang Kongreso sa interviews at ninais ni Cong. Tupas siya ang mag-attend ngayon, okay lang naman sa akin kasi may caucus din naman kami sa araw na ito.

Nag-give way kayo?

Para sa araw na ito. (Tomorrow?) Depende, mag-uusap pa mamya sa caucus ang mga senador, ganundin ang Kamara. Hopefully may kasunduan nang makukuha sa pagitan ng Kamara at ng Senado.

Kayo yung nationally elected, dapat kayo?

Walang ganon, pantay, co-equal body ang House at ang Senate, kung sasabihin nilang national kami sasabihin naman ng mga congressman directly representative sila ng mga ng mga distrito. Halimbawa wala nga kaming pwedeng ipasang tax o appropriation measure nang hindi galing sa House, sang-ayon sa Konstitusyon. Ayaw kong pagbanggain at ayaw kong magbangayan ang Senado at ang House kung sino ang mas karapat-dapat, sino ang mas magaling, dapat siguro mayroong kasunduang mapasukan sina Speaker Belmonte at senate President Enrile tungkol sa bagay na ito nang hindi kailangang maliitin ang Kamarang hindi makakakatawan dyan.

Ano yung sa caucus?

Most likely sa caucus kasi iaawtorisa lamang namin si Senate President Enrile makipag-usap kay Speaker Belmonte.

On Nixon Kua's death

Taos-puso kaming nakikiramay sa pamilya ni Nixon, isa siyang kaibigan, katrabaho at nanilbihan din sa bansa. Sana yung mga gumawa nito ay mahuli at maparusahan at mabigyan ng karampatang pananagutan sa kanilang ginawa. Hindi makatarungan at napakababaw ang pagkamatay niya at pagkabaril din ng kanyang kapatid at marapat lamang na ito ay hindi na maulit o mangyari kanino pa man.

Reflective ba yun kung ano yung true peace and order situation ng bansa?

Hindi ako sang-ayon don dahil kung yan ang true state ng peace and order eh di sana araw-araw sa iba't-ibang lugar ng bansa nangyayari yan, ito ay isang isolated incident na nangyari laban sa kanya at in no way does it reflect on the peace and order situation in our country at present.

News Latest News Feed