Press Release
July 25, 2012

TRANSCRIPT OF SENATOR ESCUDERO'S SENATE MEDIA INTERVIEW

A.: Hawak ng husgado ang kapalaran ni GMA kaugnay sa paglaya o sa pagkakapiit at kung me nais na gawin ang pamahalaan o ang Comelec pwede silang mag-file ng motion for reconsideration sa Pasay City Court.

Q.: Sir are you disappointed?

A: Siyempre, hindi siguro maiaalis yan sa sinuman pero pinapakita din nyan na hindi hawak o sinusubukang hawakan, na hindi kontrolado o sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ni Pangulong Aquino ang husgado at mga korte maski na hindi sila sang-ayon sa mga pasya o desisyon ng mga ito.

Q.: Sir yun po bang next decison would be not guilty na?

A.: Not necessarily, na pinakawalan ang sinuman on bail ibig sabihin na ang guilt at that time the motion for bail was resolved was not strong enough. Binibigyan nya ng hudyat ang Comelec na magpresenta ng mas malakas at mas matindi pang ebedensya para sa dulo makamit nila ang pagkapanalo sa kaso.

Q.: Sir hindi ba ito halimbawa ng forgive and forget?

A.: Kabaligtaran siguro nun. Pero sinabi naman ni Pangulong Aquino- ang pagsampa ng kaso laban kaninuman at kay Pangulong Arroyo ay pagbibigay sa kanya at sa kanila ng pagkakataon na masagot, maipaliwanag at maibigay sa hisgado ang kanilang panig sang-ayon sa due process, dahil hindi naman pwede na sila na ang uusig, sila pa ang magdedesisyon at huhusga.

Q.: Sir ano ang magiging susunod na gagawin kaya ng DOJ o Comelec?

A.: alam mo kasi sa kaso, wala naman kasing sigurado. Palaging me tsansa na manalo o matalo ka. At sino mang magsasampa ng akso ant magagagarantiyang sila'y panalo, o sinumang magsasabi na sila'y siguradong talo, eh siguro ay hindi pa nagpa-practice o hindi pa nakakatanggap ng magkakaibang desisyon sa korte ng ganun katagal sa practice ng law.

A.: Sir you don't think na nagkaroon ng kpabayaan din?

Q.: Sasabihin mo lang nman na may kapabayaan kung hindi nila ginawa ang lahat ng magagawa nila, at kung talagang available sa kanila lahat ng ebedensyang nais nilang ipresenta dun sa panahong ibinigay ng korte sa motion for bail, na mas mahabang panahon ng Comelec para mag-presenta ng mas matibay na kaso, kung saka-sakali.

A.: Sir Magkuku-deta bakayo...

Q.: Matagal-tagal pa yun at actually kung saan ako nagulat? Na iisa lamang pala ang kaso o rason kung bakit sya nakapiit sa ngayon. Akala ko kasi sa nababasa ko sa dyaryuo na napakarami ng kaso na isinampa laban sa kaniyana non-bailable. Yun pala iisa lamang pala yun. At yung iba ay iniimbestigahan pa lang at hindi pa pala naisasampa sa korte.

A.: So ang kasunod ba nyan sir is not guilt?

Q.: Verdict na yan on the merit of the case. Pero alalahanin natin meron pa ring ibang kasong pending na hindi pa naisasampa kabilang na ang pinakabagong kasong plunder din kaugnay ng PCSO fund. Medyo magulo nga lang sigurong tingnan na kung mafa-file yun sa korte at kung non-bailabale din yun, papasok-labas, pasok-labas ang mangyayari kay Pangulong Arroyo.

Pero pnapatunayan din nito, hindi hawak, kontrolado at diktado ng Malakanyang ang mga nagiging desisyon ng ating korte. At me patas na laban sinuman, kakampi o kaaway man ng administrasyon na makukha ng hustisya sa ating husgado.

Q.: Hindi ba kayo nagtataka, si Abalos hindi pinayagan, si Lentang bedol hindi pinayagan?

A.: Depende .Kasi nga ang akusasyon sa kanila ay iba-iba, separate acts. Buti sana kung singular act at conspiracy lamang ang charge, eh di the crime of one is the crime of all. Pero sa kasong ito iba-iba yung inaakusang papel na ginampanan ni Bedol, ni Abalos at ni dating Pangulong Arroyo. So hiwa-hiwalay din ang basehan, hiwa-hiwalay din ang ebedensya at hiwa-hiwalay din ang magiging desisyon kung saka-sakali bagaman naka-consolidate yung kaso.

Q.: Sir sa JBC, anong napag-usapan nyo?

A.: Napag-usapan namin sa caucus sa senado na ang mas mahalaga ay yung botong ibibigay ng kinatawan ng kongreso- ang Senado at House na gagawin o malamang na gagawin sa Lunes. Siya man o ako ang mag-attend dapat mapakinggan at makonsedera ang opinyon at input ng senado sa isyu at bagay na yan ng botohan. Gaya ng nasabi ko, hiniling ni Cong. Tupas na siya ang mag-attend matapos ang SONA at wala naman akong nakitang dahilan kung bakit hindi ko sya hayaan na gawin yun ninanais nyang gawin.

Q.: Sir, so hiningi nya sa inyo personally?

A.: Oo, at kinlear ko yan sa caucus, ke SP Enrile at sa mga kasamahan ko sa senado.

Q.: Pero hindi nya kinunsulta ang House leadership?

A.: Hindi ko alam kung kinunsulta yan sa House leadership. Ang usapan naman namin ay interim lamang, hanggat hindi pa nagpapasya ang senado at house , magmi-meeting pa lamang kami nina SP Enrile, ako, Speaker Belmonte at Cong. Tupasnitong darating na Biyernes ng umaga.

Q.: Paano sa botohan, ano ang magiging arrangement nyo?

A.: Sinuman ang mag-attend, ang importante makuha ang input ng senado at house dahil ang tatayo dun ay iisa lamang ang kinatawan para sa dalawang kapulungan.

Q.: Sir bakit naging eager si Tupas bigla?

A: Hindi ako ang tagapagsalita niya (hahaha).

Q.: Sir buong interview si Tupas na aattend?

A.: Malamang, siya mag-aattend maliban na lamang, ang alam ko hanggang Saturday ay may interview, maliban na lamang kung magbago yun sa Biyernes matapos naming magkausap.

Q.: Sir sabi nya (Tupas) hindi rin daw nya makukumpleto buong schedule dahil me schedules din sya, so malamang ikaw?

A.: Hindi din nya ako proxy (hahaha). Hindi ko alam.

Q.: Ano ba talaga ang naging usapan nyo?

A.: Yun nga , na sya na muna ang uupo.

Q.: Hindi ka ba nanghihinayang na hindi ikaw ang nandun na nakapagtatanong?

A.: Hindi naman, dagdag away lang yun (hahaha). Hindi naman, may mga katanungan naman akong ipinapadala para itanong na tinatanong naman nya.

News Latest News Feed