Press Release July 28, 2012
KIKO NAGBIGAY PUGAY SA MGA PINOY
Bingyang saludo ni Senador Francis 'Kiko' Pangilinan ang mga kababayang atleta na sasabak sa 2012 Olympic games sa London. "Ang Olympics ang pinakamataas na antas ng kompetensya na susubok sa tapang at tibay ng loob at pag-iisip ng indibidwal at grupo sa larangan ng sports. Sa pagsasabak ng ating mga atleta sa tanghalang ito, karapat-dapat na sila'y bigyan ng pugay dahil di biro ang pagdadaanan nila dito." "Sa ating mga kababayang atleta na nasa London, mabuhay kayo at todo ang suporta ng bawat mamamayang Pilipino sa inyong layon na maitaguyod ang ating bandila sa Olympics." |
Sunday, April 27 Friday, April 25
Thursday, April 24
|