Press Release
September 14, 2012

TRANSCRIPT OF INTERVIEW DZMM Dos Por Dos Cayetano
will attend Senate Hearing investigating former U.Sec. Rico Puno

Gerry Baja (GB): Magandang umaga senador! Tuloy po ba ang hearing mamaya?

ASC: Magandang umaga! Nasabihan po kami ng Committee secretary na tuloy po ang hearing mamayang 10:30 ng umaga. Ayon rin sa Sec. 22 ng aming rules, kapag dalawa naman po kami na mag-aattend ay may quorum na ang hearing.

Sa mga inimbitang resource persons, hindi ko pa po alam yung kumpletong listahan kung sino ang pupunta sa mga ito.

GB: Ang members po ng committee ay 11? Hindi ho ba na kapag sinabing quorum ay dapat kalahati?

ASC: Well, all over the world, different parliamentaries have different rules that they follow. May kanya kanyang numero na ginagamit para sa quorum. Sa mga sesyon, kailangan kalahati. Pero sa ibang mga committee, depende paminsan 1/3 o paminsan naman ay 1/5.

In the case of the senate, hindi unusual na may naghihearing na "Chairman plus one other" lang ang nag-aattend. Halimbawa dito ay budget hearing na tumutuloy kahit dalawa o tatlong senador (and andoon).

Kaya lang nasanay po tayo na kapag in aid of legislation at lalo na kapag televised ang hearing ay maraming senador ang nag-aattend. But actually, marami kaming ibang hearing na normal na dalawang senador lang ang nag-aattend.

GB: Pero sa hearing lang po yun diba? Halimbawa kapag may mga isyu na dapat pagbotohan ay hindi ho pwede na dalawa lang?

ASC: Tama ho yun. Lalo na kapag kailangan po mag-subpoena. Usually rin po kapag in aid of legislation, may mga mahihigpit na rules. Pero may katwiran rin po ang sinasabi ni Senator Miriam na ang regular o special meeting, basta sinunod ang notice at sinunod naman po iyon dahil September 11 pa inilabas ang notice para sa hearing na ito.

Depende rin po ngayon kung mag-aattend ang mga inimbitahan na opisyales o hindi.

GB: Kaya po ganito tanong namin dahil kagabi ang balita po ay ni isang senador walang nagcoconfirm pero tama po ba ang rinig ko kanina na kayo po ay nagko-confirm na mag-aattend at sasamahan ninyo si Senator Miriam sa hearing?

ASC: Opo Gerry. Nakapag-confirm nalang po ako noong gabi na kahapon.

Gerry, ang importante naman sa akin dito ay ang tuwid na daan ay applicable hindi lang sa mga kalaban ng administration pero pati narin sa mga kakampi. Of course wala naman tayong inaaccuse o inaacquit at this point in time. Everyone is still presumed innocent.

Pero alam naman natin na kapag illegal logging man ang usapan o di kaya ay illegal gambling, smuggling etc, tapos may nababalitaan pa na nagkaroon ng problema sa bidding ng rifles, mas mabuti na nakakapag-paliwanag ang bawat panig lalo na ang PNP ngayon.

Maganda na ipakita natin dito na ang Senado, kakampi man o kalaban ng administrasyon, patas dapat ang turing sa imbestigasyon.

GB: Kahapon po ay napagusapan rin ang Senate Rules na karaniwan daw kapag may ganitong iimbestigahan o ipatatawag na mga government officials ay kailangan ay nanggaling sa isang privilege speech o di kaya't may resolusyon na naihain. Dito ho ba nagawa ang mga requirements na iyon?

ASC: Nagrerefer po iyon kapag mayroon kang investigation in aid of legislation. Pero tandaan rin natin na ang bawat committee ay mayroong jurisdiction doon sa nasasakupan niyang subject. Iyon ang tinatawag na regular o special meeting.

Actually, parehong may katwiran. May katwiran ang sinasabi ni Senate President Enrile at Senator Lacson na usually may privilege speech or resolution para dito. Pero tama rin naman po si Senator Miriam, na katulad po ng isang budget hearing ng Committee on Finance, walang resolusyon o privilege speech iyon dahil nasa House of Representatives pa ang budget pero may tinatawag na "pre-budget briefing" na ginaganap dito sa Senado.

Ang ginawa po ni Senator Miriam ay ipinasok niya ito bilang bahagi ng kanyang regular Committee activities. Tandaan na mayroon tayong batas na RA6975 na bumubuo ng National Police Commission at naglalagay sa ilalalim ng DILG ang PNP. Pwedeng bisitahin ng Komite ni Senator Miriam ang batas na ito.

Magkakaroon lang ng problema kapag kakailanganing mag-subpoena sa isang hindi pumunta o di kaya't may magkwestiyon sa nature ng imbestigasyon. Tandaan natin na nangyari lang naman ito noong panahon ni dating Presidente Arroyo dahil inutusan niya ang mga kawani ng gobyerno na huwag magattend. Pero during the time of President ERAP, President Ramos, or President Cory, these government officials attend Senate hearings when called upon.

May konti exception ngayon dahil si USec. Rico Puno ay nag-resign na. Theoretically, wala na siyang moral obligation as a government official na mag-attend pero as a citizen, mayroon dapat (na obligation) na pumunta.

Makikita natin dito ang attitude ng Aquino administration kung sila'y pinatawag ay pupunta ba sila o hindi.

GB: Confirmed na po ba si former USec. Rico Puno? May balita na po ba kayo?

ASC: Sa inyong himpilan rin ako nanonood kagabi at ang sinasabi ay wala pang confirmation. Ayon rin po sa text message ng aking staff ay walang confirmation sa ngayon.

GB: May iba na po daw na nagconfirm na pupunta tulad ni Sec. De Lima at ang PNP Chief ay dadalo po daw?

ASC: Yes and I think also secretary Paje will be there.

GB: Pero ang magiging problema po dito ay kung hindi dadalo si USec. Rico Puno, eh siya po ang subject ng investigation, magiging problema ang pag-subpoena?

ASC: Tama po iyon Gerry. Tandaan po natin na ayon sa isang balita, may anim na guide questions si Sen. Miriam. Bibilisan ko lang ang pagbasa ng mga ito:

1. Why go to Robredo's condo?

2. Why didn't Puno ask Mrs Robredo's permission?

3. Why doesn't Mrs Robredo trust Puno?

4. Why did Puno have exclusive control over PNP?

5. Who are Puno's backers?

6. Why give Puno another position?

Ito ang ilan sa mga guide questions ni Senator Miriam. These all have to do with the laws and the PNP in general. Although indirectly, when it comes to Jueteng, SPL, illegal logging, and other matters, we have guests who can clarify these issues. Pero iyong direktang isyu na si former USec. Puno lamang ang makakasagot ay depende nga kung mag-aattend siya o hindi.

Aakyat po ito sa plenary sa lunes kapag hindi siya nag-attend at kung sakaling mag-attempt si Senator Miriam na ipa-supboena siya. Pero pwede rin namang imbitahan nalang muli o di kaya't mag-privilege speech si Senator Miriam sa Monday para mairesolba na ang problema.

At this point in time hindi ako masyadong nag-aalala sa technicality. Mas titignan ko ang nilalaman ng imbestigasyon mamaya.

GB: Aabangan po naming iyan Senator Alan at susubaybayan po naming! Salamat po!

News Latest News Feed