Press Release
September 25, 2012

Interview after a Senate hearing of Committee on Justice and Human Rights

On falsification of medical certificates na narefer sa committee nyo, kasama ba dito yung sa elementary na excuse letter na may sakit daw yung mga estudyante?

Well isa yon sa pinag-aaralan kasi base sa panukalang batas na na-ifile tila kasama yon pero sa palagay ko hindi naman siguro dapat na dahil kumbaga sa sin eh venial sin lang naman yon, hindi mortal sin. Mas pinagtutuunan ng panukalang-batas yung mga false medical certificate na may kinalaman sa proseso sa gobyerno. Halimbawa sa proseso ng senado pwede palang magtestigo sasabihing hindi at may sakit, sa proseso ng korte sasabihinh ito ang ikinamatay hindi naman pala. Mas may kinalaman don na nakakaapekto sa ginagawa at gawain ng pamahalaan, hindi yung mga pampribado na mga gawain tulad nang nag-absent sa eskuwelahan dahil gustong mamasyal ng pamilya.

So exempted din from criminal liabilities ang minors?

Well maliban don ang sinumang gumawa ng isang bagay para makaligtas, ang gagawa naman ng certificate yung magulang eh, hindi naman yung minor, pero ang isang magulang na tumulong sa kanyang anak, ang isang anak na tumulong sa kanyang magulang sang-ayon pa rin sa Revised Penal Code ay wala rin naman criminal liability dahil ina-assume na ng batas na palaging tutulong yan sa kanyang anak o magulang.

Ano yung penalty na lalabag sa falsification?

Tinataas naming ito sa prision correccional, ibig sabihin anim na buwan hanggang anim na taon na pagkakabilanggo, at fine mula sa P1,000 hanggang sa pinakamtaas na P200,000 pero hindi pwedeng lumampas doon.

Ano ba yung penalty ngayon?

Ngayon ang penalty ay arresto mayor, meaning isang buwan hanggang anim na buwan at isang libong pisong penalty lamang.

Sa mga senate probe may napapatunayan ba na may falsification?

Well magandang punto yon kanina, ano ba ang depinisyon ng false medical certificate, na kapagka nagbigay ang isang doctor na ito ang sakit mo, sabi ng isang doctor wala ka namang ganyang sakit, false na ba yon o maling diagnosis lamang na honest to goodness o talagang dinadya nya ba yon. Sang-ayon sa panukalang-batas dapat may criminal intent, ibig sabihin dapat sinadya nyang mag-isyu ng maling certificate, at hindi yung nagkamali lamang siya ng diagnosis in good faith.

So sino yung paparusahan, yung nagpagawa at yung physician?

Yung nag-isyu. Yung nag-isyu pero kung siya ay sinuhulan, sinulsulan, kinumbinse at nakipagsabwatan yung inisyuhan, under the theory of conspiracy the crime of one is the crime of all at magiging principal by inducement. Yung inisyuhan ng certificate kung siya ay nanghingi, nagsuhol at naglagay para makuha yon.

90% daw kayo kasama na sa UNA, ano na ba yung desisyon nyo?

Hindi ko desisyon yon, desisyon ng magkabilang linyada kung sino ang isasama nila sa kanilang mga grupo. Nagpapasalamat ako sa mga naunang pag-anunsiyo na ginawa ng UNA, at gayundin ang LP na bahagi daw ako sa ngayon, ng kanilang mga linyada, bagaman ayokong pangunahan dahil hanggat hindi pormal na inaanunsiyo ng magkabilang kampo, ng magkabilang grupo ng dalawang grupo yan, ayokong manggaling sa akin dahil hindi naman ako bahagi ng governing boards nila. Pero kung saka-sakali mangyayari din naman ito hindi lamang sa akin pati, base sa kanilang pag-anunusiyo, kay Grace Poe at marahil kay Senator Legarda rin.

May committee report na yung picture-based health warning on cigarette packages, being a smoker...

Either mag-iinhibit ako don o boboto ako pabor don, kahit kailan hindi ako boboto laban don dahil either conflict of interest yan, o ang tanging paraan o pagkakataon para bumoto ako dyan ay pabor, balak kong bumoto pabor don, sino ba ang may ayaw tumigil.

Magiging scenario ng senate pagnanalo by 2013 baka posibleng dalawang Enrile, dalawang Cayetano at dalawang Estrada, political dynasty within senate

Desiyon ng taongbayan kung sino ang nais nilang ilagay sa senado, Malaya silang pwedeng pumili kung sino an gnais nilang ilagay sa senado. Hindi para sa batas sa ngayon dahil hindi pa naaaprubhana yung anti-dynasty bill na iidkita kung sino ang pwede at sino ang hindi pwedeng iboto ng tao. Kung mabigat ang ganyang uri ng konsiderasyon sa ating mga kababayan o sa isang botante hayaan nating bumoto siya ayon sa ganyang paniniwala, pero sa ngayon walang batas na nagbabawal o naglilimita sa kahit sinuman na piliin at bumoto para sa kung sino mang kandidato sa anumang puwesto.

Hindi ba parang masagwa, anim na upuan tatlong pangalan lamang ang nandoon?

Well para sa yo o para sa akin sabihin yan, para sa lahat ng botante na sabihin yan kung sila ay makakapasok sa senado sa pananaw ng mas nakakarami tama yon at hindi mali yon, kung hindi sila makakapasok sa senado well marahil tama ka sa sinabi mo. Sa demokrasya ang sinusunod natin siguro isang bagay lamang, kung ano ang gusto ng mas nakararami, walang sinumang pwedeng magsabing mali o tama yan, maliban na lamang kung sinabi ng mas nakararama na yan nga ang dapat nating gawin.

Sa pagcreate ng bagong province sa Camarines

Pumirma ako sa committee report ng CamSur bill, pabor ako don sa simpleng mga dahilan. Una yung nagsusulong para mahati ang Camarines Sur politika ang rason, yung ayaw mahati ang Camarines Sur politika din naman ang rason, aminin na natin, bato-bato sa langit tamaan ay huwag magalit. Hayaan nating huwag politiko kundi tao ang magdesisyon sa isang plebisito, subalit ang kondisyon ko kapagka ito ay natalo sa plebisito, habang ako ay nasa senado hindi ko pahihintulutan na may mapasa na namang bill na naghahati na naman sa Camarines Sur, tulad ng ginagawa ng Kongreso sa ARMM na halos kada Kongreso na lamang tinatanong yung mga probinsya na kung gusto nilang sumama sa ARMM. Minsang bill lamang ito at minsanang tanong lamang ito sa mga kababayan natin sa Camarines Sur at matapos silang magpasya dapat settled na yung isyu, pabor man o kontra sa sa panukalang hatiin yon.

Kung may kinalaman ba talaga yung mga Arroyo, pero sinasabi wala naman pala dahil second district naman si Dato

Hindi ko alam din, ang alam ko ang panibagong panukala kasi distrito na laamng ni Congressman Fuentebella ang aalisin sa Camarines Sur at ayon kay Senator Marcos ay qualified naman daw ito. Wala akogn personal knowledge kung may kinalaman o tumatawag nga ba si dating Pangulong Arroyo tungkol sa bill na ito o hindi.

Pero kung mayroon ngang GMA factor should it stop you from...

Well personally mahirap paniwalaan sa ngayon dahil si Sen. Estrada din tila pabor doon, parang langis at tubig pagpinaghalo mo yung dalawa, at hindi ko nakikita yon sa ganyang klaseng konpigurasyon na sumusuporta sa bill.

Railroading mayroon daw nangyayari para maipasa?

Last year pa pinadala sas enado yan bill nay an, mahigit nang isang taong pending yan dito, siguro mas mabilis na yan kumpara sa ibang bill pero hindi ba dapat lahat ng bill na pinapadala dito inaaktuhan ng senado, pabor man o kontra. Tulad nang ginagawa ko sa lahat ng committee ko, lahat ng bill na nai-file sa committee dinidinig naming pabor man o kontra, iaarchive man o aaprubahan dinidinig naming lahat. Siguro naman dapat ganoon ang ginagawa sa lahat ng bill na pina-file sa lahat ng committee sa senado. Nagyong umaga natapos naming lahat ang lahat ng bill sa committee on justice, wala na kaming pending bill na naka-pending pa sa nasabing committee.

Aabot pa ba yon sir?

Iisa lamang ang tiyansa para umabot yon kung i-extend pabor sa kanila ng Comelec ang filing ng certificates of candidacy beyond October 5 or anytime after the plebiscite. Yon lamang ang pagkakataong na pwedeng pang umabot yan sa 2013 elections.

Sa Brady notes lang nagviolate ba si SP nang sinabi nya yung laman ng Brady notes?

Hindi ko nakikitang may national security component yung Brady notes. Ito ay mga notes ni Ambassador Brady tungkol sa opinion ng isang senador na sinabi sa kanya. Hindi ako nakahandang sabihin na anumang sabihin ko sa yo o kaninuman ay national security lalo na sa ganong klaseng tema at pakikipag-usap, lalo na sa mga paksa na wala namang kinalaman sa national security ng bansa. Uulitin ko hindi ako nakahandang sabihin na anumang bibitawang salita ko bilang senador sa sinuamng senador o sinuamng opisyal ay automatically matter of national security na.

So may nilabas bang state secret tungkol sa sinabi?

Sa aking pananaw wala, ang problema wala tayongbatas din yungkol dyan eh, wala tayong batas tungkol sa anumang secret, anuamng confidential, madalas nakikita ko mayroong binibigay na dokumento ang DND at DILG na may nakalagay "confidential" sa harap, may nakalagay na may mga parusa diumano, pero nong tinanong ko o hinanap ko kung anong batas ang nagsabi nyan wala naman silang maituro. Ano ba ang confidential, ano ba ang secret? Ano ba ang top secret, ano ba ang secure, ano ba yung level of clerances? Wala pa akong nakikitang batas na nagsasabi at nag-a-outline kung anu- ano nga ba ang ibig sabihin nyan. So sa ngayon kung ano ang secret at confidential, yun ay kugn ano ang sabihin ng administrasyon at ng gobyerno na wala pa tayong rules tungkol dyan.

Apart from the contents yung ini-exposed din daw yung pagiging backdoor negotiator ni Senator Trillanes

Well lumalabas naman na yon mula mismo kay Senator Trillanes, kahit sinumang backdoor ay hindi na magiging epektibo kapagka nasa front door na siya, kahit sinong nagbaback channel kung nasa front channel na siguro hindi na rin magiging epektibo, yan din siguro ang rason kung bakit itinalaga bialng special envoy ni Pangulong Aquino si Secretary Roxas sa China.

Kahit na sa executive session halimbawa may confidential na pinag-uusapan idi-divulge nya...

Iba ang rules ng executive session, maliwanag yon sa rules ng senado na hindi pwedeng i-divulge anumang napag-usapan sa executive session at may karampatang parusa yon sang-ayon sa ethics at rules ng senado, ibang usapan yon, at istrikto yung depinisyon non, executive session ng senado at mga senador at dapat ideklara mo, ito ay executive session. Hindi yung nagla-lunch kayo at nagpupulong at nag-uusap-usap lang nang hindi naman executive session.

So Trillanes may not be as effective now?

Tapos na rin naman, ayon sa kanya, tapos na rin naman ang papel na kanyang ginampanan para ma-ease yung tensions at di hamak na malayo naman na yung narating natin at nilambot na puwesto ng magkabilang panig kung ito nga ay dahil sa kanya o dahil na rin naman sa efforts ng ating sariling Department of Foreing Affairs at iba pang mga tumulong para madiffuse yung isyu.

So walang national security yung binasa ni Senate President Enrile from the Brady notes?

Wala akong nakikitang implikasyon kaugnay non dahlia ng na-quote nya ay mga pahayag at sinabi ng isang senador. Ako ay nagsasalita para sa aking sarili, hindi ako nakahandang sabihin na anuamng sabihin ko sa sinuamng ambassador, anuamng sabihin ko sa sinumang opisyal ng gobyerno ay ituturing matter of national security. Maganda yon para sa akin, bakit hindi, pero hindi ako nakahandang sabihin yon.

Sa 2013 saan na kayo?

Sinumang tumatakbo mas maraming grupong sumusuporta sa kanya mas maganda para sa kanya, bakit hindi, hindi para sa akin ang magdesisyon tungkol dyan, desiyon yan ng mga coalition na nagbubuo ng kani-knilang slate, naunang nagpahayag ng posibleng pagkakasaali ko sa LP at UNA slate at nagpapasalamat ako kung yan nga ang mangyayari, sana yan nga ang mangyayari, dahil ang madalas kong sinasabi ang politika hindi tulad ng pag-ibig pwedeng marami at sabay-sabay, at hindi masama yon at hindi illegal at bawal yon.

Pero on-going talks kayo with LP at UNA?

Nakapag-usap na kami sa mga nagdaang panahon, nasa kamay nila ang bola kaugnay ng pormal na pag-aanunsiyo ng kanilang magiging pasya at anuamng napag-usapan, ayokong pangunahan.

Depende na sa kanila yon?

Ayoko ngang pangunahan, depende sa kanila, hawak nila, hindi ako kasama kasi ng governing boards nila. Nagkaroon na ng pag-uusap, ayoko lan gmuna pangunahan yon hanggat hindi sila pormal na nag-aaununsiyo kaugnay nyan.

So hindi pwedeng mangyari na kayo ang mamimili, bahala sila?

Oo, hindi naman para sa akin ang mamili, halimbawa may isang grupo o taong nagsabing susuporta sa yo, sino ba naman ako para sabihing ayoko at hindi. Siyempre ang sasabihin ng sinumang tatakbo, oo at salamat.

How you intend to campaign sa 2013 kung dalawa nga yung gusting dalhin kayo?

Sa palagay ko hindi naman uso tulad ng mga nagdaang panahon ang rally at slate campaign dahil magastos at mahal ito, at sa pagpasok rin ng media at bagong media mas marami ng ibang pamamaraan para mangampanya na mas mura at hindi gaanong magastos, tulad ng ginawa naming nong 2007 elections.

So wala pang nagsasabing na dito ka na talaga sa amin?

Ayokong pangunahan sila, meron mang pag-uusap tungkol dyan ayokong unahan ang pormal na pag-anunsiyo nila.

News Latest News Feed