Press Release
September 27, 2012

Transcript of Kapihan sa Senado
Last part

Malaking kuwestiyon pa rin kung effectively ma implement ang cyber crime prevention law.

Dahil sa mga katanungan tulad nun let say magkaroon ka ng sarili mong avatar sarili mong site at ano iyong nilagay mo roon paano mo hahabulin iyong tao na iyon may kapasidad ba ang NBI para tugisin, habulin at alamin kung sino ang nasa likod ng website o blog page na iyon marami pang tanong na kailangan sagutin doon.

Case ba iyon na negligence iyong pag kalusot nung ganun na provision dahil hindi naman pabor iyong ibang senador.

Hindi ako handang sabihin na hindi pabor ang lahat kaya ko lamang magsalita iyong para lang sa akin.

Marami nag-o-oppose like Sen. TG Guingona kaya nga nag-file siya ng petition sa Supreme Court.

Hindi ko kayang magsalita para sa iba, hindi naman sa negligence dahil may nagtulak naman na mailagay iyon dahil gusto nila iyon. Hindi naman malalagay iyan kung wala.

How soon kayo magfa-file ng bill to amend Cyber Crime Law and decriminalize libel?

Iyong decriminalization ng libel we filed it a long time ago since we started in this Congress and even when I first ran in 2007. Itong pag-amyenda ng Cyber Crime Law within the recess. Before we resume we will file that bill.

Maraming naging back door negotiator and special envoy tama ba iyon na maraming itinatalaga para makipag-usap sa China or mag-appoint na lang ng isang permanent at bagong Ambassador to the China.

Whether may ibang tumutulong o back channel o special envoy kailangan pa rin talaga na mag talaga ng Ambassador sa China. Inaalam pa ng DFA kung kamusta na ang recovery ni Ambassador Brady at kung kaya pa niyang gampanan iyong kanyang tungkulin bilang ambassador at malalaman natin ang kanyang kasagutan sa darating na araw. Para sa akin walang mali at masama sa back channeling. Walang masama sa back door negotiations basta hindi nakakasira at nakakatulong iyon bakit hindi. Senador man o pribadong individual kung may magagawa para mapagaan para mabawasan ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China bakit hindi.

Sa pagkakataon ba nakatulong ba ang back channeling?

Ang basehan ko ay ito: hindi tayo dumating sa punto na nag-giyera, nabawasan ang mga barko, nagkaroon ng pagbubukas ng pagpasok ng ilang produkto natin na ipinagbawal ng China. Kung ang back channeler lang ang responsable lang doon o kung may katulong siya o nagdagdagan sila ng puwersa para magawa iyon hindi ko alam kung anong porsiyento ng tulong nila. Maliwanag nabawasan ang tensiyon and we have to concede that at least whether Senator Trillanes was responsible for that, Brady, the DFA or anyone else will help.

Pinagbabayad tayo ng ating utang sa North Rail Project hindi pa ba ito bahagi ng pagpepressure ng china sa atin?

Hindi tayo pinagbabayad. Alok ng Pilipinas iyan base sa provision ng kontrata na kung hindi natin itutuloy iyong kontrata kailangan nating magbayad ng penalty para sa pagkansela ng kontrata. Lahat ng imbestigasyon ng North Rail nagturo na masama ito at hindi maganda para sa ating bansa at mas malaki pa ang mawawala sa atin kung itutuloy iyan maganda na siguro at agree ako na kanselahin na iyong kontrata pero huwag naman tayong maging balasubas kinansela na nga ang kontrata hindi pa tayo tutupad sa provisions ng kontrata kaugnay ng pagkansela nun.

Hindi ba dapat na pagpanagutin, pagbayaran iyong mga kumita diyan sa project na iyan?

Dapat lamang talaga pero pending pa yata ang kaso sa Office of the Ombudsman kaugnay ng North Rail Project. Sana sa lalong madaling panahon maresolbahan na iyan para hindi naman tayo ma-zero sa ilalabas na pera ng National Government sa pagbabayad ng penalty sa pagkansela ng kontratang ito.

Magtatagumpay ba iyong kudeta ni Sen. Trillanes?

Mas maganda siguro kung siya na lang ang tanungin ninyo. Gaya ng sinabi ko walang kumakausap sa akin, bumubulong o nagsasabi kaugnay sa bagay na iyan.

Makakakuha ba siya ng number pag nagbukas na uli ang Senado?

Hindi ko alam, personally sa parte ko wala akong nakikitang dahilan o rason para alisin si senate president enrile o palitan siya.

Naniniwala ba kayo na may ilang nasa likod ni Trillanes to unseat si Senate President Enrile?

Ayaw ko mag-speculate. Simple lang iyan, kung may numero sila di may bago tayong Senate President kung wala di si Senate President Enrile pa rin.

On Mining, fare share ba?

Tama lamang dahil 2 porsyento lamang ang natatanggap natin sa mga naglalapastangan sa ating kalikasan. Masyado naman talagang mababa iyon. Ang pinag-uusapan ay 5-7 porsyento para manatili pa rin tayong competitive sa ibang mga bansang pinapayagan ang mining sa kanilang mga lugar.

Pero ang national policy ng Malacañang parang gusto nilang dalhin sa Korte Suprema ng mga mining companies dahil wala daw karapatan ang executive na balewalain ang kanilang mga pinapasok na kontrata.

Well ang nasehan nila ay angprobiosyon ng Saligang Batas on impairment of obligations of contracts pero niliwanag naman na sa IRR na inamyendahan ng Malacañang para hindi maisip o magkaroon ng basehan na ini-impair ng gobyerno ang obligation of contracts na nauna nang pinasukan ng pamahalaan sa mga pribadong mining firms. Nasa kamay ng Korte Suprema kunsaka-sakali pero sa pananaw ko naliwanag na ng Malacañang at IRR ang issue na iyan.

News Latest News Feed