Press Release
October 2, 2012

Interview at the Comelec after COC filing

Bakit hindi mo dala mga anak mo?

My pasok kasi sila, at gusto ko pa ring hiwalay yung personal kong buhay sa trabaho ko at sa ginagampanan kong tungkulin.

Bakit hindi nyo kasama yung ibang mga administration candidates?

Kayo naman kanya kanyang feng shui at kanya-kanyang paniniwala yan, hayaan nyo na sila at hayaan nyo na kami.

Nagpa-feng shui kayo sir?

Hindi rin. Kanya-kanya lang yon. Halimbawa UNA nagfile kahapon kasi unang araw ng October, ala-una, eh di siyempre UNA. Si Koko unang nagfile kasi at least pagtinanong UNA siyang nagfile.

Bakit ngayon ka lang nagfile?

Wala, ayaw lang namin masama sa unang bugso, ayaw ding namin mahuli dahil baka mamaya makalimutan pa naming magfile.

Hindi daw kayo pwedeng umakyat sa stage sa LP?

Una anumang mga isyu tulad nyan, maayos yon naniniwala ako bago magsimula ang kampanyahan, tatlong buwan pa bago magsimula ang opisyal ng kampanyahan. Pangalawa hindi naman ako isa sa mga nananampalataya sa rally kung hindi makabagong uri ng pangangampanya gamit ang tradisyonal at lalong -lalo ang bagong media

So nag-agree kayo na hindi umakyat sa stage kapagka may...

Wala pang usapan tulad non,nababasa lang namin yon sa pahayagan, in fact unang beses naming nagmeeting kahapon bago kami prinoklama ni Pangulong Aquino.

Reaction sabi ni VP Binay babawiin nila yung suporta...

Well nag-agahan kami kanina ni Vice President Binay para pasalamatan ko siya ang ang UNA sa pagdala sa aking kandidatura. Napag-usapan din namin na itong mga bagay na ito dapat maresolbahan, partikular sa tatlong common candidates sa mga darating na buwan. Matagal pa naman bago magsimula ang kampanyahan.

Posibleng hindi kayo magrally nyan kung talagang maging istrikto sila...

Maski na nong 2007, ang dinaluhan ko lang yatang rally out of 30 or 40 rallies tatlong lang yata dahil nga sa pananampalataya at paniniwala ko sa mas makabago at mas murang paraan ng pangngampanya.

Ano yung makabago at murang pamamaraan?

Gamit ang tradisyunal at lalong-lalo na bagong media.

So ibig sabihin mangangampanya kayo ikaw lang?

Yon yung ginawa namin nong 2007, depende na lamang kung sino ang makasabay sa pag-ikot at sa pagsakay ng eroplano o chopper. Ganoon din naman siguro ang mangyayari ngayon. Hindi lamang sa akin pero sa iba rin.

Paki-explain yung traditional at new media

Tradisyunal meaning radyo, diyaryo, telebisyon; bagong media ibig sabihin Internet, Twitter, Facebook at iba pang mga flatforms sa Internet.

Pagnanalo kayo ano pa yung hindi nyo nagagawa na gusto nyong gawin?

Marami pa, bilang legislator na siyam na taon sa Kongreso gayundin mag-aanim na taon sa Senado mabagal naman talaga ang paggulong ng pagbabago base sa mga batas na pinapasa namin, pero ang iisang batas na dapat tinututukan palagi budget ng pamahalaan sa darating na taon. Don natin makikita yung tunay na reflection na nais natign makita sa bansa bilang isang legislator, kung ilalagay mo nga ba ng pondo ang isang bagay o hindi.

News Latest News Feed