Press Release
October 25, 2012

STATEMENT ON THE PLANNED P10 MRT-3 FARE HIKE IN 2013

As chairman of the Senate Committee on Public Services, I reiterate my strong opposition to the impending fare increase on the mass rail transit system in Metro Manila. Last year, I fully supported the Senate Resolution expressing the sense of the August Chamber for the deferment of the implementation to increase the fares of the Metro Rail Transit as well as the Light Rail Transit and toll fees in the country's expressways. Same thing now; I am appealing to our national government to reconsider its decision to raise MRT-3 fare. Next year is still not the time to burden anew the public.

Hindi lang isang rehiyon ang nakikinabang sa ating mass rail transport system gaya ng MRT-3. Marami rin sa mga regular na pasahero nito ay mga karaniwang manggagawa, empleyado at maliliit na negosyanteng galing sa iba't ibang rehiyon na nakikipagsapalaran sa Metro Manila para suportahan ang kanilang pamilya sa probinsiya. Nandiyan din ang mga estudyanteng lumuwas ng Metro Manila para mag-aral. Kung aanalisahing mabuti, doble sa sampung piso ang ikakarga pa sa bawat sakay nila sa MRT. Dahil nga regular silang pasahero nito, balikan ang kanilang pagsakay. Kahit isang sentimo ay mahalaga sa kanila, eh lalo na ang bente pesos.

Bagong taon, bagong dagdag pasanin sa publiko. Hindi naman maganda na iyan ang ipangpasalubong natin sa kanila sa 2013. Hindi matuwid na ang pamahalaan pa ang magbibigay ng panibagong problema sa ating mga mamamayan.

News Latest News Feed