Press Release November 7, 2012 Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile On the rice smuggling in Subic Q: Sir, ano ito? Tinu-turn over niyo na sa NBI 'yung investigation? SP: Hindi. Gusto naming malaman kung ano itong mga trading companies na ito, itong mga kooperatiba na ito, na hindi lumilitaw ang mga opisyales. Kung ito ay mga tunay na kooperatiba o mga paper organization lamang para makakuha sila ng allocation doon sa rice importation ng gobyerno para maiwasan nila ang pagbabayad ng buwis. Q: Paano sir kung napatunayan nga na mga dummies lang sila? SP: Kakasuhan namin ng criminal case 'yung mga gumamit ng dummies sapagkat mayroon tayong batas diyan. Q: Sa ngayon, sir, masa-cite in contempt sila? SP: This is citation of contempt, iba 'yon. Marami sila. 'Yung criminal act, iba 'yon. Mabibilibid sila doon. Q: Kakasya sila rito? Saan sila ide-detain? SP: Dito sa aming detention area. Q: Kakasya sila doon, sir? Andami nila. SP: Magkakasya sila. Gagawa pa kami ng additional room. Q: Ano 'yung condition? SP: Hindi sila makakalabas hanggang hindi nila sasagutin ang aming katanungan. Defiance na 'yon sa authority ng Senado. Q: Sir, anong mangyayari na po sa Indian national na hindi na bumabalik? SP: Titingnan natin kung anong prosesong magagawa natin. Kung hindi natin mapapabalik, idi-dispose 'yung bigas niya ng gobyerno ng Pilipinas. On the US election Q: Sir, any comment na lang sa US election. Sinong bet niyo, sir? SP: Alam mo, huwag nating pakikialaman 'yung eleksyon ng ibang bansa. Ayaw nating makikialam sila sa eleksyon natin. Q: Pero sir, sino mang manalo kina Obama at Romney, ano ang epekto nito sa eleksyon natin? SP: Pareho lang. Ang relasyon natin hindi kay Obama at Romney. Ang relasyon natin sa Estados Unidos. Q: Pero sir, saan mas maganda ang relasyon ng Pilipinas? Sa Republican o Democrat? SP: Pareho lang. Mayroon tayong kasunduan. 'Yon ang batayan ng ating diplomatic relations sa Amerika. On the Sin Tax Bill Q: Sir, are you satisfied doon sa substitute bill ni Sen. Franklin Drilon regarding the Sin Tax Bill? SP: Sa amin, 'yung proseso okay lang pero pinag-uusapan pa. Tinatalakay 'yung nilalaman nung substitute bill. Q: Pero realistic po ba 'yung 40 billion? SP: Hindi ko pa alam. |
Thursday, April 25
Wednesday, April 24
|