Press Release
January 17, 2013

Transcript: Senator Chiz at Kapihan sa Senado

QUESTION (Q): What is your take on the word war between Senate President Juan Ponce Enrile and Senator Miriam Santiago and now between Sen. Panfilo Lacson and Sen. Miriam Santiago?

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Alam mo, sinusunod ko ang simpleng kasabihan at aral na natutunan ko, kapag nag-aaway ang mga lolo at lola mo, bilang apo, huwag kang makikialam dahil pagdating ng panahon baka bati na sila, kaaway ka pa rin nila. Pangalawa, nag-aalala lang ako na baka ang bangayan na ito ay maka-apekto sa tatlong linggong session namin na sana magamit naming oras para makapasa ng mga makabuluhang panukalang batas. Siguro naman mga unang dalawang araw lang maglalabas ng init ang ilan sa aming mga kasamahan ko pero pagkatapos noon buo ang pag-asa ko na matutukan ng Senado ang ilan sa mga panukalang batas na importante at mahalagang maihabol at mapasa namin bago kami mag-adjourn para sa eleksyon at kampanya.

Q: Sir, hindi ba ito nakakaapekto sa integridad, reputation, o image ng Senado as an institution?

CHIZ: Well, pinasa ang Senado ang Freedom of Information bill. May kalayaan at malaya ang bawat miyembro na magsalita at magsabi kaugnay nang ano mang nangyayari sa kanyang tanggapan o sa institution o opisina na kanyang kinabibilangan at mag-aapply naman palagi diyan ang simpleng pamantayan, kung wala kang tinatago, wala kang dapat katakutan.

Q: Paano, sir, kung beyond the issue na at parang personalan na 'yung palitan ng mga maaanghang na salita?

CHIZ: Hindi para sa akin ang pagsabihan ang mas nakakatanda sa akin. Naniniwala ako na mas madali at mas magaan silang mapapatawad sa isa't-isa kumpara sa mas bata at dagdag pa dito, maganda na siguro recess nangyayari 'yan kaysa nangyari 'yung bangayan na may session kami kung saan araw-araw sila nandito. Araw-araw din kayo nandiyan at mas mainit siguro ang palitan na kung saka-sakali ng maaanghang na salita. Sana itong darating na weekend, malamig naman ang panahon, ay lumamig-lamig ng konti ang ulo ng mga ilan sa aming kasamahan.

Q: Sir, do you think there is a necessity na may mag-mediate between them?

CHIZ: Again, alam na ng bawat isa. Senador na nga 'yan nang bayan, ng bansa. Binoto ng milyon sa ating mga kababayan, alam na marahil nila ang dapat at di dapat gawin, at kung kailan at kung anong gagawin.

Q: Sir, anong ine-expect niyo by Monday? Medyo magiging tensyonado ba 'yung resumption?

CHIZ: Excited na nga ako pumasok sa Monday para makita rin, mapanood, kung anong mangyayari. Gaya ng sabi ko, matapos ang privilege hour, matapos kung ano mang talumpati ang maaaring ibigay ng sino man na miyembro ng Senado, sana may oras pa rin kaming maiwan maski na sa unang araw para magtalakay ng mga panukalang batas.

Q: Sir, hindi ba kayo, in one way, na-offend sa mga allegations ni Senator Miriam sahil sabi nga ni Senator Lacson parang pinalalabas na siya lang ang malinis, the rest of the senators ginagamit sa hindi tama 'yung budget.

CHIZ: Sa edad ko at dahil humaharap ako sa isang eleksyon, wala akong luxury na mawalan ng pasensya o hindi magkaroon ng mahabang pasensya. At para sa akin, wala namang tinatago ang aming opisina at gaya ng unang lumabas ang issue, sinagot naman naming ng tahasan at pinaliwanag naming agad 'yung side namin ng hindi ako nagsasalita sa ngalan ng iba kong kasamahan sa Senado.

Q: Paano sa tingin niyo, sir, mare-resolve ang isyung ito?

CHIZ: Hiniling na ni Senator Santiago na tingnan ito ng COA at hindi naman tumutol si Senator Enrile at sinabing bukas ang kanyang opisina, libro at tanggapan para tingnan at imbestigahan ng COA ang bagay na ito bagaman una ng sinabi ng COA na wala silang nakikitang mali dito sa ginawa ni Senate President Enrile.

Q: Senator Miriam is planning to bring this issue to the Supreme Court. Kailangan pa ba, sir, na makarating ito sa Korte Suprema?

CHIZ: Mas maganda na sa Supreme Court dalin kay sa iba pang lugar dalin 'yung isyu na 'to at least once and for all, mapagpasyahan ito ng kataas-taasang Hukuman. Any legal question, any legal query that a person might have, Korte naman talaga ang may last say dito and being a very brilliant lawyer, hindi na siguro nakakagulat na sa Korte Suprema ito dadalin ni Senator Santiago.

Q: On your part, na-receive niyo lahat 'yung P2.2 million additional MOOE fund?

CHIZ: Scattered sa dalawa o tatlong buwan ata. Tinanong ko rin ang aming opisina dahil hindi ko rin naman nakita 'yon. You have to understand that these are public funds. It can only be spent for public use. Hindi pwedeng gamitin pang-personal ito at subject sa COA rules and regulations ang paggastos ng perang ito. Ngayong January pa lang siguro magagastos 'yung mga nabigay noong nagdaang taon bilang MOOE n gaming opisina. Pero kada taon, simula ng umpisahan ito ni Senator Enrile, nagbabalik din naman kami ng savings na sobra sa pondo ng aming opisina. Again, I only speak for my office and not for the other senators. Every year nagbabalik kami simula ng sinimulan ito noong 2010.On average, mahigit P1 milyon ang nababalik namin o narerevert sa National Treasury o pondo ng Senado bilang budget na naka-allocate sa aming opisina o mga oversight committee na pinanghahawakan namin.

Q: Sir, hindi ba parang sobra ng malalim 'yung away nina Senate President Enrile at Senator Miriam kasi hindi naman sila rito nagkaroon ng away? Do you think may tsansa pa na mag-reconcile pa 'yung dalawa?

CHIZ: Well, sa tinagal-tagal ko rito sa gobyerno, sa Kongreso at sa Senado, nakita ko ng nangyari 'yan sa pagitan ng mas nakatatanda sa akin na akala mo halos magsasabunutan na o magsusuntukan sa away at bangayan pero makalipas lang ang ilang araw, linggo o buwan, ay talo pa 'yung mag-bestfriend na matagal ng hindi nagkikita. Kagaya ng sabi ko, ayokong pumagitna at ayokong maipit sa bangayan ng mas nakatatanda sa akin dahil baka bati na sila, magka-away pa rin kami kapag sumali ako diyan.

Q: Sir, kung kayo ang tatanungin, unconstitutional po ba 'yung pagbibigay sa katapusan ng taon?

CHIZ: Hindi unconstitutional 'yan kung ginagawa 'yan ng head of agency. Sang-ayon sa Constitution at sa budget mismo, may kapangyarihan ang head of agency na magre-align sa loob ng kanyang departamento. Pero may nais rin sana akong mabagong sistema, kung talagang sobra 'yan, sa Senado man o sa Kongreso, kung may sobrang budget ang kada departamento ng pamahalaan, dapat sana i-deklara na sa simula pa lamang para wala ng issue, wala ng question, wala ng tanong, wala ng makakaisip na may deperensya o may problema o illegal o bawal ito. Halimbawa, kada departamento ng gobyerno ay nagbibigay ng Christmas bonus sa kanilang mga empleyado pero kung tingnan niyo ang budget, ang General Appropriations Act, wala naming item para sa bonus ng empleyado doon. Pero kapag hindi nagbigay ang isang secretary ng bonus sa kanyang mga kawani, siya na siguro sa kasaysayan ng department ang pinakamahina na kalihim noong departamentong 'yon. Kaya anong ginagawa ng kada-departamento? Napopropose sila sa amin ng mga item, mga posisyon, mga programa na simula't-simula, wala silang intension o planong ipatupad. Ang nakakaalam lang ay 'yung kalihim at finance undersecretary niya na doon huhugutin at doon kukunin bilang savings pagkatapos ng taon 'yung ibibigay bilang bonus. Ang pinaka-example nito noon, hindi ko lang nache-check hanggang ngayon ang item na teacher na minamandato ng Kongresong i-hire. Noon ito. Kada-taon ay mahigit 15,000 teacher. Pero kada-taon, ang hina-hire lang ng DepEd noon ay 7,000. 'Yung 8,000 considered savings 'yon at 'yon ang ginagamit ng departamento bilang bonus sa kanilang mga empleyado. Sana what you see is what you get. Kung para sa bonus 'yan, ilagay na bonus 'yan, wag na tayong maglokohan na nakalagay sa ibang item. Gagastusin din pala para sa bagay na 'yan.

Q: So, may nagpapalusot talaga, sir, sa pinaglalaanan nila ng MOOE fund?

CHIZ: MOOE o item sa budget. Minsan maglalagay sila na magha-hire sila ng ganito karami pero hindi naman pala ganoon karami ang iha-hire para may savings sila para sa dulo may mapapamigay sila sa kanilang mga empleyado.

Q: Ganoon po ba ang sistema sa Senado kaya may savings na malaki?

CHIZ: Hindi dahil ito ay savings mula sa opisina o tanggapan ng isang senador. Hindi tulad ng House of Representatives na moving target 'yung numero. Di ba depende kung ilang partylist 'yung makakapasok? Ang Senado nakalagay sa Saligang Batas na 24 ang miyembro nito. Hindi naming pwedeng bawasan ito dahil lamang ang isang miyembro ay naging pangulo o ang isang miyembro ay maa-aappoint sa isang pwesto. So, kada-taon 'yun talaga ang allocation na nakalagay doon, na may kapangyarihan ang Senate President na re-align sang-ayon sa kanyang discretion.

Q: How about 'yung uneven distribution?

CHIZ: Well, desisyon at pasya ni Senator Enrile 'yan. Mas makakapagpaliwanag siguro siya tungkol diyan dahil siya lamang ang nakaka-alam kung magkano ang allocation ng budget na natatanggap ng kada-opisina. Iba-iba naman kasi talaga ang natatanggap ng kada-opisina at hindi ako nagrereklamo diyan. Ang majority leader syempre mas malaki ang pondo kay sa kami. Ang minority leader syempre mas malaki ang pondo kay sa kami. Depende sa personal na hiling o usapan nila ng Senate President, kung ano pa 'yung dagdag na benepisyong natatanggap nila. Hindi ko nap o pinapakialaman ang bagay na 'yon.

Q: Sir, Kung ikaw yung isa sa apat na Senator na hindi nabigyan nung last two tranches. Hindi ka magrereklamo,sir?

CHIZ: Gaya nga ng sabi ko nung nakaraang taon na nagsimulang magbigay ng savings ay nagbabalik din naman kami ng mahigit kumulang 1 milyon bilang savings at dina divert namin sa National Treasury, kung sobra man o kulang, kung sobra man ay binabalik namin at kung kulang ay pinagtatama-tama napo namin yun'.

Q: It's about the order coming from President Noynoy , order for campaigns both local or national to avoid man seeing. Was he referring to administration candidates? According to Tiangco the president was referring to LP candidates because they are, may mga history daw ng away sa mga campaigns who are now running under LP's team?

CHIZ: Tingin ko walang partikular na tinutukoy sa Pangulong Aquino. "Bato-bato sa langit, Tamaan na lang ay walang magalit," siguro yung kanyang pahayag at statement. Alalahanin natin hindi lamang Liberal Party member si Pangulong Aquino, sya ang ama at pangulo ng bansa at tuwing sya'y nagsasalita ito'y naka address sa bawat kababayan natin sa lahat ng Pilipino.

TOPIC (T): On the usage of the Internet during Campaign

CHIZ: Paano mo nga mat-trace kung sino gumawa nun? Minsan kailangan mo pa magpunta sa nbi para makuha yung ip adress nung gumawa nu? Pangalawa, sabi nila, yung advertisement na lumalabas dapat for a consideration or assessible pecuniary interest. So paano pag libre on your own ginawa mo lang, counted parin ba yun o hinde Marami pang mga bagong questions sa bagong teknolohiyang ito na maramil ay dapat tignan pa ng comelec at pag-aralan ang panawagan at hiling ko lang sakanila huwag maging masyadong strikto sa pagpapatupad nito dahil nga malamang ay magamit ito laban sa ilang mga kandidato at baka maipit lamang ang kanilang mga kandidatura dahil sa hindi mailawanag pang regulasyon at sistema ng pagbibilang ng advertisements sa internet.

Hindi lang ako, lahat din siguro. Paano pag hindi naman pangit yung ad na pinalabas? Kung pangit siguro pwede mong depensahan "hoy hindi akin yan". Pero pano kung yung ginamit talaga yung aktwal na advertisement mo, na dinownload sa website mo dahil naka-upload yun o tinape sa tv, tapos pinlay ng penalty sa internet ? Paano namn yun? Anong kasalanan mo roon? Sa kabilang banda dahil may gamitong lupol, Gagawin rin talaga yan ng ibang kandidato. Nu kunwari hindi sila ipapagawa nila sa mga kaibigan o kakilala nila? Again, this is a new technology na dapat pag-aralan pa ng konte. Kaya nga dapat hindi masyadong magaang ang kamay ng Comelec sa pagpataw ng anomang parusa kaugnay sa paggamit ng internet. Kahit na may regulasyon sila, dahil napakahirap i-monitor at napakahirap bantayan ito.

T: On the imposition of penalty to candidates who will violate rules on advertisments

CHIZ: Wala silang kapangyarihan mag-impose ng penalty. yung penalty nakalagay parin yan sa Omnibus Election code which is syempre fine, imprisonment and/or disqualification from running. Pero hindi sila pwede magpasa kase ng penal ng any resolution na may penal clause Konggreso lamang ang pwede magpataw ng parusa.

T: On the allowable airtime for political ads

CHIZ: Wala dahil hindi pa naman campaign period. Papasok lamang ang lahat ng prohibition ito pag nagsimula na ang campaign period February 12. Kung baga yung bilangan ng 120 minutes, yung bilangan ng 180 minutes sa telebisyon at radio respectively magsisismula po lamang yan February 12.

T: On the assignment of the LP Coalition spokesperson

CHIZ: Hindi ako pwede magsalita para sa LP Coalition, hayaan ko na lamang magsalaita kung sinoman ang in-assign nilang tagapagsalita tungkol sa bagay na yan. pero hindi pa naman nagsisismula ang kampanyahan hindi mo pwedeng sabihing mas organisado o hindi ang magkabilang grupo habang hindi pa naman opsiyal na piniputok ika nga yung starting ika nga yung starting gun ng kampanyahan.

T: On the donations to be given during campaign

CHIZ: Hindi ko ugali at hindi ko rin ginagawa magreklamo kaninoman kaugnay ng tulong na pwede o maaaring ibigay dahilo naman sa akin yun. Wala akong karapatan hilingin o i-demand yun. Hindi question din kung ano ang mapapala mo kaya't sumasama ka sa isa o particular na grupo. Napaka-selfish naman siguro o makasarili nang ganung kaisipan. Para sabihing maygagawin ka lamang kung may kapalit kang makukuha. Nagpapasalamat ako sa tulong na binigay at ibinibigay sa akin at pag suporta ng LP gayun din ang UNA sa pagdadal nila n gaming kandidatura. Sapat na'yun para sa'kin at anomang dagdag na tulong ang ibibigay, bonus na siguro yun.

T: On why Senator Escudero does not join LP and UNA campaign sorties but he was seen with Grace Poe

CHIZ: At least hindi kami pwedeng ma-chismis. Nagkataon lang na nagkasama kami nitong araw. Hindi pinlano yun, hindi sadya yun at nagkataon lang. Siguro sa mga susunod na araw, depende kung sino din ang makasabay namin sa biyahe, maaaring sabihin din nila yan. Hindi ko masasabing stratehiya o technique o taktika yun. Nagkataon lamang na nagkasabay kami at tumugma yung schedule namin na pupunta doon sa lugar na yun. Tutulungan ko naman talaga siya at ilang mga kaibigan pang kumakandidato sa abot ng aking makakaya, kaya ko namang sabihin yun dahil maliit din naman ang aking kakayahan. Tugmaan lang ng schedule yan, dahil syempre, may mga kailangan siyang gawin, ako din may mga kailangang gawin, at gayun din ang sino mang kumakandidato sa ano mang posisyon.

Q: Wala pang initial discussion na sinasabing team by team?

CHIZ: Wala pa. Nung nagkausap kami ni Pangulong Aquino last week, nabanggit lang niya na parang ganoon ang plano pero hindi naman siya ang authorized at hindi pa niya alam ang mga detalye at ano mang bagay. Wala pa ring nagtatalakay sa akin ng ganong klaseng pormal na stratehiya.

Q: Kung campaign manager si Senator Drilon at the same time siya na rin ang spokesperson ng grupo?

CHIZ: Wala pa naman hinirang ang slate ng LP, pero ang nahirang pa lamang ay si Senator Drilon bilang campaign manager.

Q: Obviously parang hindi pa ganoon kahanda or organized ang LP coalition?

CHIZ: Hindi naman. Kulang-kulang na isang buwan pa naman bago yon, at gaya ng nasabi ko, hindi ko gaanong kabisado dahil hindi ko alam, hindi ako naka-attend sa unang meeting dahil sa schedule namin ng trabaho dito sa Senado.

T: On being a guest candidate of UNA

CHIZ: Kasama naman pero yung pangalan nandoon na lang sa dulo. Kinausap ko si Toby tungkol doon, sabi ko naman walang problema, salamat na lang at maski na papaano, ay nandoon yung pangalan namin sa dulo. Baka pwedeng lagyan ng picture.

Q: Anong mapapala ni Senator Chiz bilang guest candidate?

CHIZ: Hindi ko ugali at hindi ko rin ginagawang magreklamo kung kanino man kaugnay na tulong na puwede o maaring ibigay dahil hindi naman sa akin iyon wala akong karapatan o I demand hindi question din kung ano ang mapapala mo kung kaya sumasama ka sa isa o particular na grupo napaka selfish naman siguro ng ganung kaisipan parang may gagawin ka lamang kung may kapalit kang makukuha nagpapasalamat ako sa tulong na ibinibigay sa akin at pag suporta ng LP at gayun din ang UNA sa pagdala nila ng aming kandidatura sapat na iyon para sa akin at ano mang dagdag na tulong ay bonus na lang iyon.

Q: Hindi sumasama si Sen. Chiz sa LP at Una campaign pero si Grace Poe ang lagi niyang kasama bakit ganun tandem ba sila o part of Strategy nila. CHIZ Nagkataon lang na nagkasama kami nitong nagdaang araw hindi naman pinlano iyon hindi sadya iyon at nagkataon lamang siguro sa mga susunod na araw depende kung sino ang makasabay namin sa biyahe ay maaring sabihin dinala iyan hindi ko rin masasabi stratehiya o teknik o taktika iyon nagkataon lamang na nagkasabay kami at tumugma ang skedyul namin na papunta sa lugar na iyon.

Q: So hindi ba part ng commitment ninyo kay grace poe na tutulungan niyo siya.

CHIZ: Tutulungan ko naman talaga siya at ilang mga kaibigan pa na kumakandidato sa abot ng aking makakaya kung ano man ang ibig sabihin niyon dahil maliit lang din naman ang aming kakayahan tugmaan lamang ng skedyul iyan dahil siyempre may mga kailangan siyang gawin at may mga kailangan din akong gawin at gayun din kung sino man ang kumakandidato sa ano mang posisyon.

Q: Obviously hindi pa ganun kahanda o ka prepare ang LP coalition CHIZ: Hindi naman kulang kulang isang buwan pa naman at gaya ng sinabi ko hindi ko gaano kabisado kung ano ang nangyayari dahil iyong mga naunang meeting ay hindi ako nakakadalo dahil sa skedyul namin at trabaho namin sa senado.

Q: Di ba guest candidate kayo sa UNA bakit di kayo kasamang tatlo sa ad ng UNA. CHIZ:Kasama naman pero iyong pangalan namin nasa dulo kasama pa rin iyon

Q: Hindi kayo pinagsalita roon. CHIZ:Kinausap at nakausap ko naman si toby tungkol doon sabi ko wala naman problema salamat na nga lang din dahil kahit na papaano naroon ang pangalan namin sa dulo

T: On Smartmatic, CF cards and COMELEC

CHIZ:Concerned palagi pero sino mang tumatakbo, Congressman, Mayor, Senador, o ano mang pwesto sa halalang ito o saan mang halalan, kailangan ibigay yung kumpiyansa niya sa proseso. Bakit ka namang tatakbo kung wala kang kumpiyansa o tiwala man lang o pag-asa sa proseso? D'yan nagsisimula yung reklamo na dinaya o nadaya kapag lumabas ang resulta ng halalan. Para sa akin, merong mga nagbabantay niyan, kabilang ang Senado at ang Committee on Electoral Reforms na nagbabantay n'yan, at gayun din ang ilang government organizations. Sana, kung may anomaly man o may sabwatan man o may makitra at mapigilan nila. Pero, bilang kandidato, bilang isa sa mga kumakandidato sa darating na halalan, Obligado kami na ibigay ang tiwala at kumpiyansa namin sa proseso dahil kung hindi, huwag na lang kami tumakbo.

T: On the senators' MOOE being audited as suggested by Senator Lacson

CHIZ: Hindi ko alam, pero kung may audit mang gagawin, bukas ang aming opisina para sa ano mang audit at nakahanda kaming pakita ng libro, expenditures, resibo. In fact, we welcome such an audit para naman hindi kami madamay sa mga anumang mga lumalabas na balita o palitan ng alegasyon kaugnay sa bagay na yan. Basta sigurado ako wala akong building na nirerentahan ko yung isang opinsina sa building. Anything is possible, bakit hindi. Wala akong personal knowledge na may ganoong situwasyon na nangyayari dito sa Senado o sa Kongreso. Inaaudit yan kada taon pero marahil napag-uusapan ang audit, tinatawag nila na special audit kasi ang audit na ginagawa ay submission galing sa ahensiya. Kung ano lamang ang binigay ng ahensiya, yun lamang ang tinitingnan din ng COA. Iba yung special audit na gagawin ng COA kung saan hindi lamang titingnan ng COA yung sinasubmit, hihingi pa sila ng mga dokumentong dapat isubmit kung may kinakailangan.

T: On the Human Rights Compensation Law

CHIZ: Hindi naman deadlock. Mahaba lang talaga yung proseso and medyo emosyonal yung mga bumabahagi sa bicameral conference committee dahil naging bahagi sila ng pangaabuso nung Martial Law sa ilang karapatang pantao. Natapos na naming karamihan. Actually, isang issue nalang ang nananatili. Yung mga claimants bas sa Hawaii Court and conclusively presumed na biktima na at automatic na i-ccompensate na o bibigyan lang ba naming sila ng disputable presumption. Ibig sabihin pwede pang patunayang hindi ng sinuman dito sa Pilipinas dahil US court yun. Yun nalang ang naiiwan na issue na kailangan naming talakayin. Ang next bicam namin ay sa darating na Miyerkules. Umaasa ako at tiwala ako na maaaprubahan naming yun sa Miyerkules and hopefully ma-ratify naming sa Miyerkules ng hapon.

Q: Na-address na ba sir yung concern ni Sen. Lacson nab aka yung compensation ay mapunta sa members ng New People's Army and gamitin nila sa paglaban sa gobyerno?

CHIZ: Inaddress yun sa pagtitiyak na personal na ibibigay yun sa claimant and hindi pwedeng iba ang tumanggap sa ngalan niya. Pangalawa, i-eevaluate pa din ng board yung claim na i-ffile sa kanila. Pangatlo, titiyakin na yung pondo, dahil public funds ito, bagaman 10 billion is escrow ito, public funds pa din itong maituturing at applicable pa din ang usual government accounting rules at COA audit.

Q: Sir, ano yung board na sinasabi ninyo?

CHIZ:Ang board of claims para sa compensation ng Marcos human rights victims. Binuo yun sa batas na binubuo ng 9 na miyembro.

Q: Sino yung mga members?

CHIZ:Wala pa. Binubuo palang. Pipiliin lamang ng Pangulo. May qualifications lang kaming nilagay dun at bahala ang Pangulong mamili kung sino basta pasok dun sa qualifications na pinasok naming.

Q: Ano ang stand ninyo sa claimants from Hawaii Court?

CHIZ:Halos pareho naman yung posisyon medyo emosyonal ang magkabilang panig. Ang gusto ng iba, conclusive presumption. Ang gusto ng iba disputable. Ganun din naman yun eh. Ang ibig sabihin kasi ng disputable, sila na rin yun maliban nalang kung may mag-oppose. Hindi na nila kailangan mag-apply. In fact, minandate pa namin yung board na kunin yung kopya sa Hawaii court nung listahan ng mga tao at kung walang mag-ooppose sa kanilang claim, automatic ay entitled sila sa compensation.

Q: Magkano yung compensation na matatanggap ng bawat victim?

CHIZ: Depende. Kasi sang-ayon sa formula na inagreehan ng komite, may point system na nakaassign sa bawat uri ng human rights violation. Halimbawa, kung namatay o nawawala pa, pinakamataas na points kung hindi ako nagkakamali, 7 to 10 points. Kapag natorture, na-rape or sexual abuse, depende rin sa gravity, bingiyan yata yun ng 3-7 points at yung economically dislocated o ibang uri ng harassment, binigyan ng 1-2 points. Depende kung ilan ang mag-aaply. Iaassign nila yun sa points. Dun palang natin malalaman kung magkano ang paghahati-hatian dun sa 10 billion nan aka escrow. Sa madaling salita, parang lotto yan, mas maraming tumatama, mas maliit yung parte nila. Mas marami yung mag-apply at awardan, mas maliit yung matatanggap nila.

Q: Paano yung mga namatay?

CHIZ: Pwede mag-claim yung kanilang mga heirs, basta merong pruweba sa ginawa sa kanila nung panahon ng Martial Law.

Q: Ano nangyari sa provision na 80-20 na hatian?

CHIZ: Hindi ako pabor dahil gaano tayo kasigurado na yun nga ang tamang hatian. Bakit hindi 70-30 or 60-40 or 50-50? 9000 ang nag-file ng claims sa Hawaii Court, gaano tayo kasigurado na yung 9000 na yun ay 80 percent ng mga biktima? Pano kung umabot sa 200,000 o isang milyon ang magfile na magfile na biktima, 80 percent mapupunta dun sa 9000 at yung 20 percent mapupunta sa mahigit 191,000. Hindi naman siguro tama yun.

Q: Sa proposal naman ni sen. Joker Arroyo na 500 million para sa memorabilia?

CHIZ: Inaprubahan iyon, hindi ibabawas iyon doon sa 10 billion amount. Ito yun humigit kumulang na nagkakahalaga sa 500 million sa ngayon hindi na memorabilia para magtayo ng museum, para magtayo ng monumento at para magtayo ng shrime bilang tanda na never again ito dapat mangyari sa ating bansa.

Q: Na-mention niyo na emosyonal, during the Bicam ba na medyo mainitan ang bakbakan niyo.

CHIZ: Well mainit biglang lalamig dahil gaya ng sinabi ko ang tagal na ng pinagsamahan ng mga taong ito hindi man sila magkaintindihan sa isang punto nagkainitan man sa isang punto isang salita lang ay biglang magtatawanan na kagad.

News Latest News Feed