Press Release
January 18, 2013

TRANSCRIPT OF INTERVIEW BOMBO RADYO DAVAO

MANONG JUN (MJ): One of the most outspoken senators, Senator Alan Peter Cayetano. Magandang umaga po.

Senator Alan Peter S. Cayetano (ASC): Maayong buntag! Magandang umaga po Manong Jun at kay Merly at sa lahat po ng mga nakikinig sa buong region 11 at buong Mindanao at sa ating mga kababayan sa live streaming. Pati nga taga-Mindano sa ibang bansa ay nakikita tayo.

MJ: Tumanda ako bigla sir.

MERLY (M): Kinabahan ako bigla dahil magtatagalog tayo.

ASC: Kasamang Jun nalang. Sign of respect lang naman.

MJ: Kayo po ba ang youngest senator?

ASC: Second youngest po. Si Senator Trillanes ang pinakabata.

MJ: But you are one of the most outspoken sir. Palagi kayong nagsasalita sa mga isyu.

ASC: Sabi nila the pen is mightier than the sword. Pero sa Senado ang tanging sandata ng isang nangangarap ng reporma ay ang pagsasalita. Katulad din ng trabaho niyo, Kasamang Jun, bagamat hindi niyo hawak ang bilyong-bilyong pondo ng bayan, ng lungsod o ng probinsya, ang media ang nakakapagreporma sa society. Ito ay dahil tinuturo ninyo kung ano ang mga mali at dapat itama.

MJ: Salamat Sir. Pero may mga nasasabi din kami na mga masasakit sa Senado pero sana hindi niyo ito pepersonalin.

ASC: No one is perfect. Dapat hindi kami balat sibuyas. Katulad nung mga kalamidad na nangyari, although we don't point fingers, trabaho talaga ng media na sabihin na dapat ay mas handa tayo at dapat ang Manila ay maging mas sensitibo sa mga pangangailangan ng mga ibang lugar sa labas nito.

Hindi kasi magbabago ang lipunan hanggat hindi tayo magkakaroon ng administrasyon o posisyon at kung hindi magkakaroon ng fourth estate at ito po ang media.

Kaya isa sa palagi kong idinidiin ay yung Freedom of Information law. Yung FOI ang hinihingi nga lahat ng kababayan natin na mga media. In fact, Kasamang Jun at Merly, minsan ang buhay ninyo ay nalalagay sa alangan dahil sa mga tinutuligsa ninyo. Hindi lamang mga pulitiko, minsan mga pulis, illegal loggers and miners. Kasama sa trabaho natin yan. Pasensya na sa ibang mga kababayan natin pero outspoken tayo. I think a good percentage of the time ay may sense yung mga pinaglalaban natin na reporma.

"Fighting graft and corruption for me is an advocacy"

MJ: Ano pa po bang mga very critical legislation that await us when the Senate resumes?

ASC: The FOI is one of them. Kung ang makikita mo, ang malaking ikinaganda ng ekonomiya natin ay yung sinasabi ng Pangulo natin na "tuwid na daan" o gawin mo lang ang tama. Kasi parang gripo yan. Palaging sinasabi ng mga pulitiko na bubuksan natin ng malakas, more pressure para mas marami tubig, pero kung maraming tulo o butas ay di rin makukuha ng mga tao.

Kaya fighting graft and corruption for me is an advocacy. Katulad pagdating namin kahapon na maulan at may kaunting baha. Na-realize ko na kulang talaga ang gobyerno sa pagiging proactive.

Lingid sa kaalaman ng iba nating kababayan, ang asawa ko ay isang city mayor. She's from the Bicol region but she's the youngest mayor of a highly urbanized city at 28 years old. Kapag ganito na maulan, hindi na mapakali yan o makatulog dahil mag-a-announce ng maaga kung may klase o wala at nagaalala na kung saan bumabaha.

But I noticed na ang gobyerno natin ay may pondo para sa disaster risk management and reduction and later on for relief. What I'm also pointing at is we have budget for relief but none for rehabilitation.

Parang isang pamilya na nang OFW ang isang magulang, Nakapagipon at nakapagpundar ng sari-sari store, jeepney or tricycle. Pag sila ay nasunugan, binaha o may nagkasakit at naubos ang pera, ang hirap nang bumangon ulit.

Ang relief ay parang abuloy. Minsan ginagamit lang sa patay pero minsan kapag kailangan ng tulong ng pamilya ambagan kayo. Pero hindi ito sapat para maibangon kayo. Kaya yung ibang mga OFW ay hindi makauwi. Yun ang konsepto ng rehabilitation.

Kaya nung ang Bulacan ay binaha, I allotted part of my funds to give P5,000 to P20,000 to sari-sari stores, barbershops and cellphone repair stores to give them start up funds for them to start over again. But that's only one senator with a little bit of funds.

"More than relief, government should focus on rehabilitation of calamity-stricken areas"

MJ: What if we double or triple it?

ASC: Yan ang sinsabi ko Kasamang Jun. Buti kung bihira magkaroon ng kalamidad sa ating bansa. Normal ang 16 hanggang 20 na typhoons sa ating bansa. Maraming hindi nakakaalam na kapag kakaunti ang typhoon sa ating bansa ay nagkakalindol naman. Paskong-pasko ang daming lugar na nasunugan.

Para sa mga lugar na to hindi sapat ang abuloy. Isipin mo nasunugan ka, lahat ng ari-arian mo nawala, bibigyan ka lang ng P500. While it is good that they give you money to help, this will only be good for a short while.

I think the rehabilitation should at least be six months. Kung makikita mo lahat ng ahensiya ng gobyerno ay mayroong naka-reserve for calamities. It's not enough for a country na ineexpect mo na ganoong kalaki.

For example, region 11 is not in the typhoon belt. This is why it was so shocking that what occurred recently happened. We thank your station for its non-stop help. Pagpunta namin dito ay may dala rin kaming mga vouchers galing sa pondo ko at Taguig City. Pero hindi ito sapat. Maganda na nasa ating mga Pilipino ang likas na pagtulong pero dapat may reserve fund talaga at may mga ahensiya ng gobyerno na walang ginawa kundi magrehab.

Tingnan ninyo ang Cagayan de Oro. Buti nalang ang local government at yung tulong ng national government ay tuloy tuloy. Pero sa ibang lugar, 6 months nang nasa news, 3 months matagal na ang relief, afterwards nakalimutan na kasi nasa ibang lugar na ng bansa ang kalamidad. Paano yung mga nasalanta doon? Paano yung mga maguumpisa ulit? Sa region 11, whole towns and barangays were wiped out. Hindi naman pwedeng hindi napakalaki ang gastusin diyan.

I remember dati noong nag-allot kami ng P1 billion para sa Iloilo, isa lang ang hiningi ko sa Arroyo government: na nasa website kung saan napupunta ang pera para kahit sino pwedeng i-click doon at tingnan. Ang masakit kasi sa ating bansa, maski pangkalamidad na, nakukurakot pa rin.

M: Oo nga po. Nakapunta nga po kasi kami sa New Bataan at nakita namin ang total devastation. Sabi ng mga tao doon gusto sana nilang maipagawa agad ang mga bahay nila. Nakita nga namin doon na iisang classroom nalang ang natitira sa isang buong paaralan. Sabi nila sana ang gobyerno ay makapagpagawa ng bagong paaralan kaagad at hindi lamang magpadala ng mga pagkain.

"My Advocacy focuses on PiTiK: Presyo Trabaho Kita"

ASC: I think ang tawag doon, Ms. Merly, ay pagiging proactive. Ibig sabihin one step ahead dapat ang gobyerno. Alam mo na ganoong kalamidad, dapat isipin mo na ang susunod: sakit. Kasi habang walang sari-sariling bahay, wala silang mga CR at walang malinis na tubig.

My advocacy is Presyo, Trabaho, Kita. Kapag ang isang lugar ay tinamaan ng malaking kalamidad you don't go through your normal routine. Kung wala kang inuuwian, apektado yung trabaho mo. Kapag apektado yung trabaho mo, kahit anong presyo ng bilihin ay magiging mahal sayo dahil wala kang kita.

Kaya tama yun, Merly, sa pamamagitan niyong media ay makatok ang mga kinauukulan. Kasi pag hindi ito ginawa, minsan nakakalimutan. That's why ito ang maganda kapag may kampanya. Kasi pag wala nito, hindi umiikot ng husto ang officials. Kapag ang kagawad ng mga barangay hanggang sa Presidente ay umiikot ay nakikita ng personal ang mga kailangan.

Pero hindi dapat subject to personal emotion ang rehabilitation. Dapat kapag may nangyari, automatic na ito. Katulad halimbawa sa Metro Manila, noong nasunugan si Speaker De Venecia, inadvcate niya na ang mga bumbero dapat may mga fireproof na gamit. Nung nagkaroon ng baha, sinabi na dapat magkaroon ng mas maraming pumping stations. Noong nagkaroon ng mga sunog sa malilit na kalye, sinabi na dapat may mga mas maliliit na firetrucks.

Pero lahat ng ito ay nakakalimutan pagkatapos ng ilang buwan. Kasi iba na yung urgent. By being proactive, officials should know the difference between urgent and important. Baka in a few months, hindi na important ang sa region 11 kasi may nangyari na namang sakuna sa ibang lugar. But it is nonetheless important. We sometimes forget the important things because of some urgent events that occur.

"Mindanao is a Land of Promise"

MJ: For region 11, ano ang nakikita niyo dapat na unahin natin?

ASC: Kahit sinong kausapin mo, sasabihin nilang Land of Promise ang Mindanao. They will say that everything beautiful is in Mindanao. First of all, peace and order which Davao is known for, is very important. Itong shoot out na nangyari sa Quezon, my advice to the government is to put up CCTVs in major highways. Most of our success, in livelihood, health, education and peace and order ay dulot ng local government, not national, kasi sila ang frontliners.

Secondly, dapat buhusan ng pondo. Saan ka nakakita ng sinasabing Land of Promise pero palaging minimum ang binibigay. Mas marami parating pera sa Luzon, lalo na sa Metro Manila. Sa Metro Manila, 4-5 flyovers ang ginagawa a year. Nagsimula yan na P150 million per flyover, ngayon kalahating bilyon na ang isang flyover. Samantalang isang flyover ay napakahaba na ng pwede mong gawin na highway sa Mindanao.

Parati mong maririnig sa mga pulitiko sa Metro Manila na "Let's decongest Metro Manila." Ibig sabihin masyado nang maraming tao at yung mga piso na gagastusin mo ay mas kakaunti na ang serbisyong makukuha ng mga tao. Samantalang outside Metro Manila, for every peso you spend, mas malaki yung return.

Pero yung salita at gawa ay iba. Yung allotment ng most amount of money is still in Metro Manila. Halimbawa, transportation. Dito galing yung goods sa Mindanao pero bakit in Mindanao di mo masasabi mas mura nag pagkain at gamot? Because the fundamentals aren't being given.

"More funds for Mindanao"

So for me, let's simplify it. Bring more funds to Mindanao, empower the barangays and the municipalities, the cities and the governors, give them more funds. We have three years. If they're not good, change them. Kung magaling, good.

Ako nakikita ko sa maraming local governments all over the country, give them more opportunities. They are more accountable to people since they live in the area. Mahirap maging accountable kapag ang opisina mo ay nasa Maynila. Kahit na decentralized, most regional office do not have the authority to operationalize projects.

Halimbawa, can you imagine if lahat ng news dito sa station niyo ay sa Manila pag nanggagaling? Irrelevant yun sa marami dito sa Davao dahil iba ang isyu doon at iba dito. But most of the decision-making for the whole country is still being done in Metro Manila even if we have a lot of good public officials who are from Mindanao - TG Guingona and Koko Pimentel. That's only the legislative department and there are some known officials in the Cabinet.

Sa America ba may maririnig ka na taga-San Francisco na magsasabi na "Pumunta tayo sa Washington para makha natin to?" Isipin mo si Sarah Palin taga-Alaska yun at iba ang kultura. Hindi mo sila maririnig na,"Pumunta tayong Washington." In fact nga, we will reject funds from Washington because we don't want that.

So hindi man Federalism, kasi mas mabigat na usapan yun and you need a Constitutional amendment, on its own the government can decentralize. For me that's an anti-graft measure. Marami sa atin, Manong Jun, hindi alam ang difference between graft and corruption. Ang corruption ay yung mag kick back ka or may benefit.

Yung graft ang ibig sabihin nito ay waste, Halimbawa, yung nababalitaan ng mga kababayan natin na walang gamot sa ospital at health center pero sa isang warehouse sa Maynila ay nabulok ang mga medicine. Wala mang kick back ang mga taga-DOH dun, it's still graft because you wasted it na hindi dapat.

Ngayon na ang Aquino administration is on a war against corruption, less ang corruption pero maraming graft. Marami pa ring tatamad-tamad, marami pa ring waste. Dati ang problema natin ay walang pera. Kaya maski sabihin ng mga taga-Mindanao na dalhan sila ng pondo, wala. Ngayon, marami. Ang question lang is if it is efficiently distributed and is it going right away to those who need it.

Even sa calamity, halimbawa. When there's a calamity, you need the money yesterday. Not tomorrow, not the next day. Sa ibang bansa, mayroon na silang MOA sa mga department stores. Para kapag may kalamidad na malaki hindi na sa kung saan saan kukuha. A department store is efficient in its purchases and distribution of goods.

Sa atin, dahil gusto natin na mas mura ng kaunti, sasabihin you have to get the best price. Pero kapag ikaw ay gutom at walang bahay, hindi na yung presyo ang tinitingnan mo, ang tinitingnan mo ay dumating right away ang supply and of course, the rescue.

Pasensya na kayo Kasamang Jun and Merly kung paulit-ulit ako dun. Tingin ko lang po talaga, na-s-shock man ang taga-region 11 dahil first time na ganito kalaki ang pagsalanta dito sa inyo, I live in Taguig na normal na ito. Kailan lang kami nagkaroon ng dike. Kahit ilang beses kami magsabi ng "Be Prepared", may mga tao na hindi prepared and never learn their lesson.

One time magkamali, mapapalampas pa. Pero kung paulit-ulit, hindi na. Kaya kami this is a constant reminder sa amin. Kasi ang weather ngayon ay expect the unexpected.

MJ: The new normal is the abnormal.

ASC: That's right.

MJ: Marami kaming tanong but siguro kailangan namin ng Part 2. Siguro in the next few months. Lastly sir, baka may message kayo sa mga taga-Davao at Mindanao.

ASC: Gusto ko lang paabot sa mga taga-Mindanao na dahil sa technology, naririnig kayo ng lahat ng opisyales ng Metro Manila. Yung iba may Facebook, Twitter, text messaging, etc. Yung himpilan ng radyo, naka-tune in man sa Manila stations, most of the nation politicians ay nagmmonitor din sa local.

So wag po kayong mawawalan ng pag-asa. Parati po kayong maging active. Maski sa pagtutuligsa o pagppropose ng mg measures. Halimbawa, dito po sa inyo, kayo naman ang nakakaalam kung anong maganda sa rehabilitation program.

Babalik ako sa March sa mga graduation, ipaalam niyo lang ang inyong mga kailangan upang maging boses ako sa Senado para sa inyo.

God bless you po. Magandang umaga sa inyo lahat!

News Latest News Feed