Press Release
January 18, 2013

DZBB "Ikaw na ba?"
Anchors: Mike Enriquez & Arnold Clavio
Guests: Sen. Alan Peter S. Cayetano & Cong. Teddy Casino

SALIENT POINTS

Topics discussed:

  • Media and its role in levelling the playing field

  • Campaign in the Philippines

  • Of parties and machineries

  • Political Dynasties

  • Current Issue: Senate Bullying

  • A Critical Minority Leader

  • Call for an Independent Audit of Senate funds

  • Rift with JPE

  • FOI Act will make every Filipino a graft-buster

  • Need for stronger anti corruption institutions

  • I am against Divorce

  • Strengthen implementation of Gun Control Measures

  • Utilization of Pork Barrel

  • A call for Filipinos to participate and exercise right to suffrage

Media and its Role in Levelling the Playing Field

ASC: Interviews like this actually level the playing field. Everyone should be given an opportunity to participate in government - tulad ng oportunidad na ganito na ibinibigay ng inyong programa na makapagsalita kami. Kasi kung hindi ay napakamahal ng kailangan para lang mangampanya ang isang kandidato. Isipin mo ang gastos kung ang buong Pilipinas iikutin, sa ticket pa lang at accommodation, tsaka 'yung pag-ayos ng audience na pupuntahan mo. Sa kabilang banda, 'yung media ads naman po ay napakamahal din.

Kaya lubusang nagpapasalamat ang lahat ng mga kandidato sa ginagawa ng inyong himpilan sa pagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad at airtime.

Campaign in the Philippines

ASC: Pero ika nga ni Senate President kahapon noong ininterview siya kung bakit sila nasa Cagayan at nangangampanya, ang sabi niya, "Hindi kami nangangampanya. Bumibisita lang kami."

Bakit tayo sa Pilipinas, Manong Mike, allergic tayong sabihin kung nangangampanya o hindi? Samantalang sa Amerika, two years bago mag-eleksyon, umiikot na sila at sinasabi, para nga makilala ang kandidato nang husto. Pero kahit naman ano ang gawin mo, kampanya pa rin 'yon.

Kaya kami ni Teddy, nagpapasalamat kami na at least, makilala kami nang mas kaunti pa ng ating mga kababayan. Through your program and this station.

Of Partylists and machineries

ASC: Tama na wala pa naming nagiging senador na partylist representative. Pero noong araw, halos wala ring nagiging senador na independent. Pero later on nagkaroon ng tulad nila Noli de Castro at Gringo Honasan.

Marami ang nagsasabi na kaya may corruption sa ating bansa ay dahil gagastos ka, halimbawa, ng isandaang milyon o limampung milyon, samantalang magkano lang naman ang sweldo ng isang opisyal sa gobyerno.

Na-a-appreciate ko ang pagtakbo ni Teddy (Casino). Actually, kumpare ko ito kahit hindi nila ako iniendorso, ako ieendorso ko siya.

Noong tumakbo ako noong 2007, sinabi ko ito sa radio, "mas gusto niyo ba ang isang politiko na ang magfu-fund diyan ay jueteng lord, drug lord, o kaya mga may hinihinging illegal sa gobyerno, or do you want 10 businessmen giving you 10 million each, or 5 businessmen giving you 20 million each?" Katulad ko po, mahigit sampung milyon ang bumoto sa akin. Can you imagine if only one million of your supporters or voters give you P10 each, that's 10 million pesos. Or if 1 million will give you P100 each, that's P100 million already.

'Yon ang sinasabi ko sa Comelec. Rather than bantayan ninyo ang gastos ng politiko na alam ninyong itatago naman din ng iba, at iyan ay pang-media lang ng Comelec, magandang magkaroon rin ng parang pass-a-load sa isang kandidato.

Kasi sa ibang bansa, they give up na ang kandidato gumagastos nang malaki. Si Obama po isang bilyong dolyar. Kaya lang, ang kaibahan ni Obama, hindi siya tumanggap ng malalaking donasyon. Sabi niya ang gusto niyang donasyon ay maliliit lang. Kaya katulad nung kay Teddy, maraming nakikinig, kung gusto ninyong suportahan, sinasabi walang commercial dahil mahal, etc., then they can donate small amounts as a more efficient way to raise funds.

Kapag sa media ka nagsalita, buong Pilipinas ka naririnig. Itong DZBB, galing po ako sa Davao kahapon, naa-appreciate ko sobra ang mainit na pagtanggap, pero sa totoo lang po, bawat affair na pinuntahan ko doon, wala mang isang libong tao, o 1,500 lang. Ibig sabihin, mas magastos pa na umikot ka nang husto.

Kaya actually, the media levels the playing field. But the question is how do you get rid of too much spending? How do you get rid of too much concentration of power? Kaya ako, naa-appreciate ko ang lakas ng loob ni Teddy. But really, it's up to our people kung sila susuporta, not only by voting, but by contributing to the campaign as well.

ON POLITICAL DYNASTY: "Kapag may isang Cayetano gumawa ng mali, lahat damay. Ingat kami sa aming pinangangalagaang pangalan."

ASC: Ang aking lola ay public school teacher, ang aking lolo ay isang mekaniko and during their time, ni walang Cayetano na Barangay Kagawad, Kapitan o Konsehal. May mga dynasty na noon. My dad worked hard, nagkaroon ng pangalan. Ako naman, hindi ko balak na sabayan ang ate ko kung hindi nagkaroon ng impeachment si GMA at nagkaroon ako ng oportunidad na mabilang sa forefront sa labanan ng opposition. Nung naging senador ang ate ko maraming nagsabi na, 'hindi ka na pwede [kasi hindi naman pwede na magsabay]'. Pero nung napunta ako ng opposition at ginipit ni GMA at ng kanyang asawa, nagkaroon ako ng oportunidad. Yung wife ko naman po, of course lahat ng pulitiko, sinasabi talagang pinatakbo sila but she had 3,000 volunteers who volunteered as watchers.

What am I pointing, Manong Mike, kami nga ang tinalo naming mga dynasty na in trench: mga tao ni GMA, mga pamipamilya na nakaposisyon na for years. So, minsan it takes a dynasty to beat a dynasty.

ANCHOR: mag-ingat kayo, Senador ang sinasabi niyo ba ay Dynasty rin kayo? No, Sa tao kasi pagka marami kayo, ang tingin nila dynasty. Actually, Dynasty is a 1960s, 1970 concept. During that time, wala masyadong media; hindi lahat ng tao may radio at may tv; walang twitter noon; walang Facebook. So, pagka-Dynasty ka, tatlo ang 'G' mo noon: (1) Guns; (2) Goons; (3) and Golds.

Ibig sabihin, ngayon sa asawa ko, pag gumawa siya ng mali hindi lang siya ang matatanggal. Pati ako, pati ate ko maaapektuhan. Let's say halimbawa yung ate ko gumawa ng masama sa Senado, kami din [maaapektuhan]. Kung titingnan mo yung konstitusyon, nakalagay doon ANTI-DYNASTY because we want equal opportunity to power.

Halimbawa ako, kung panget ang ginawa ko, kung corrupt ako, hindi na ako iboboto uli. So, madalas kong tanungin kung ano ba ang gusto ninyo: Kung magkapatid pero pareho naman lumaban ng husto sa isang masamang administrasyon, pareho namang tama ang ginawa o yung hindi magkamag-anak pero pare parehong corrupt?

So, I hope people will look at us differently. Kami naman po, ingat na ingat kami sa aming pangalan kasi nga ang gawin ng isa, sasabihin gawain ng lahat.

Sa America, naging president si George Bush Sr. and then tinalo siya ni Clinton, after Clinton, naging president yung anak niyang si Bush. E ngayon si Jeb Bush po, ang asawa niya latina, ang anak po niya tatakbo. At sabi baka daw ang maglaban sa susunod, si Hillary Clinton at saka yung si Jeb Bush. So sa buong mundo, anong isang bansa ang pinakamaunlad? Singapore. Ang Prime Minister po niyan ay anak ni Lee Kuan Yew na dating Prime Minister.So, it's not really whether magkakamag-anak kayo. Ang tanong kung maganda ang serbisyo ninyo o hindi.

Pangalawa, dapat may opportunity yung iba (na tumakbo at magserbisyo sa gobyerno). Kaya katulad nung kay Teddy, ako nga hindi nila ineendorse, sila ineendorse ko kasi nga I am for the equal opportunity pero may responsibilidad din ang tao eh. Hindi mo pwedeng sabihin na kaya walang makapasok, e kasi mangampanya din tayo sa gusto natin; mag-donate din tayo sa gusto.

SENATE BULLYING

ASC: Nauna 'yan kay GMA, kung maaalala ninyo. Tinanggalan kami ng pondo, tinanggalan kami ng security, tinatawagan ang aming mga district engineer, at 'yung iba pang mapagtatanungan kung mayroong maikakaso sa amin. Hinharass talaga kami. Kaya iyon nga ang sinasabi ko kay Sen. Enrile.

Nanggaling na kami diyan,. Kahit wala kaming pondo, kahit wala kaming staff, hindi magbabago ang boto o ang prinsipyo namin. Noong medyo lumaban ako noong umpisa pa lang, tinanggal ang opisina ko na isa, dalawa kasi ang opisina ng minority leader ever since, hindi na ako umimik.

Pangalawa, kinakausap ako na ate ko daw ang ilagay sa Commission on Appointments, huwag daw ako. Eh namili na kami (minority bloc) na ako. Kaya sinasabi noon na nag-filibuster pa ako ng isang araw doon para makuha ko ang dapat.

Later on, napapansin ko na na minsan, naaasar siya kapag sinasagot siya. Pero wala naman akong choice. I give all the respect at pino-po ko siya, pero paano kung magkaiba kami talaga ng stand? Sa RH Bill, magkaiba kami ng stand. Sa CamSur, magkaiba kami ng stand. Pati sa Sin Tax.

In fact, noong last day, nag-Merry Christmas pa ako at nagmano pa ako sa kanya. Kaya nagulat na lang ako noong tinanggal 'yung mga pondo. And then, 'yung staff ko tinanggal din. Although may paliwanag sila na nag-expire daw 'yung detail sa amin, six years na po ako diyan. Kahit nag-eexpire 'yan, tumatawag 'yung secretariat at sinasabi na mag-request na kami at 'yung staff na ang mag-aasikaso.

Ang dami po sa senado, 'yung iba nga, lima o sampu ang mga naka-detail, kasi 'yung mga naka-detail, experienced na 'yan, mga technical working group experts 'yan. Unlike sa House na permanent ang kanilang committee staff, kami hindi. Ang committee staff, staff ng senador. So 'yung mga nandiyan, mga naglinkod pa sa dating mga senador. In fact, 'yung isang staff ko, naglingkod pa sa tatay ko.

Kaya ang message ko doon sa mga kasama ko sa Senado, 'yung independence at integrity natin apektado.

Kami sa minority okay na 'yan. Sige, sa kanila na ang pondo, sa kanila na ang staff, pero ang tanong ko, paano sa majority kung hindi magustuhan ni Enrile ang stand nila, baka sila naman ang tanggalan. Gusto ba nila iyon?

A CRITICAL MINORITY LEADER

ANCHOR: Minority kayo sa Senado, ibig sabihin po ba oposisyon kayo?

ASC: Oposisyon kami sa administrasyon, hindi kay Enrile. Ang role ko po, kung tama ang ginagawa ng administrasyon, I'll vote for it. Pero kung mali, lalabanan ko. Pero sabi ni Sen. Enrile, hindi naman totoong oposisyon at minority kaya hindi binigyan ng pondo. Eh bakit si Joker Arroyo binigyan ninyo ng pondo? Minority din si Joker Arroyo. Baka mas maganda lang ang smile ni Joker Arroyo kaysa sa akin kaya siya binibigyan, ako hindi.

Sa akin lang naman, nakakahiya kasi. Ang daming kalamidad. Galing nga kami sa Davao, grabe ang problema pa rin. Tapos 'yung peace and order problems natin, 'yung presyo, 'yung kawalan ng trabaho, tapos ang pinag-uusapan sa Senado, Christmas gift na P1.6 million. Nakakahiya. But then, kaya din hindi kami pwede tumahimik is because 'yung integrity at independence ng Senado ang pinag-uusapan.

I AM PUSHING FOR AN INDEPENDENT AUDIT OF SENATE FUNDS

ASC: Doon sa Senate na budget ngayon, ang proposal ko independent auditing. Bilib na bilib ako kay Chairman Grace Pulido-Tan ng COA. Pero tandaan mo, Senate President ang pinag-uusapan at nagpapasa ng budget ng lahat ng gobyerno ay ang Senado. Kaya ang proposal ko, ang mag-audit, huwag gobyerno o huwag kapwa senador.

Kumuha tayo ng independent audit private firm ngayon.

ANCHOR: Sinasabi ninyo na ang COA kung kwestyonin ang senado maaaring bawasan ang budget?

ASC: May aamin ba na may nagpe-pressure? May balita ako na ang COA auditor na nilagay sa Senate, alam ko kung sino ang nag-request na siya ang ilagay. Tapos sabi ng COA chairman, ang auditor ang titingin. Pero sino ba ang third highest official in the country?

Ang point ko, kapag kami ang nag-iimbestiga, grabe, hindi ba? Sasabihin halimbawa sa oil companies, sasabihin namin, "Bakit ayaw ninyo pumayag? SGV ang aano sa inyo." Pero bakit kapag kami ang iimbestigahan, iba ang standard namin? Dapat kung ano ang standard namin ng transparency sa ibang agency, dapat pareho din iaapply samin.

Halimbawa, may nag-text pa sa akin na galing sa militar na binawasan pa ang sweldo nila dahil dinonate sa mga nasalanta ng bagyo. Tapos sa senado pinag-uusapan ang P1.6 million. Nakaka-demoralize. Pero kapag ang military kung imbestigahan namin, akala mo hindi tao kung kaharap namin sa senado. So bakit kami, hindi magiging open sa investigation?

Kaya ang aking request, private auditing firm. At pumayag sana ang mga senador na tingnan ang mga pondo nila.

RIFT WITH SEN. ENRILE

ANCHOR: Ito bang paglaban sa inyo ni Senador Enrile, ang Presidente ninyo sa Senado, hindi ito dahil ang kanyang anak na Cong. Juan Ponce Enrile, Jr. ay sa pinakahuling survey ay number 5, ibig sabihin, malakas ang dating? Pero in fairness, kayo, number 3.

ASC: Unang-una po, ang Cayetano at Enrile ay generation ng magkaibigan, magkakilala. Ang tawag nga ng tatay ko sa kanya ay "Uncle Johnny". Si Jack ay napakalapit ko din na kaibigan, and he's a decent person.

It doesn't have to do with politics. It's more of, I think, hindi sanay ang Senate President--dahil sa history niya, Martial Law administration--kapag bata ang kausap at iba ang stand.

Ako kasi, I'm very passionate basta alam ko tama, regardless of who I will have to fight against. Hindi ba, nakalaban na din namin noong pro-GMA sila, anti-GMA kami. Kaya minsan, sa mga hearing, nagkakasagutan kami. Sa local din ganoon, because they are very supportive of the Tingas. We have some reforms kasi in Taguig. Halimbawa, sa kontrata ng basura, tinanggalan ng isaang daang milyon at nilipat sa scholarships. And in a lot of these things, tumatakbo sa kanya ang mga kalaban namin, hihingi din ng pondo sa kanila. Halo-halo na. At lumaki ang problema noong sa RH Bill. Dahil nga ang sister ko ang chairman ng health committee, at siya ang lumaban para sa RH Bill.

ANCHOR: Doon lumala?

ASC: Doon lumala, ibig sabihin, kung noong una, sila ang medyo mas close, tapos kami ang medyo magkalaban dahil kung maaalala ninyo noong impeachment, may mga pagkakataon na nagkakasagutan kami, ngayon, mas nagkainitan sila. Pero ano ang gagawin ko kung talagang iba ang view ko doon sa view niya? Iyon po ang nangyayari. Ako, immediately after kami magkasagutan, nilalapitan ko at nagpapaliwanag ako. Sinasabi naman niya palagi, "Okay". Pero biglang ganito ang mangyayari na tatanggalan ka ng pondo.

But he's known for that even before.

ANCHOR: So dati nang ginagawa 'yan ni Senador Enrile?

ASC: Kapag bilang isang Senate President, kapag bilang isang politiko, ganoon naman ang style nila noong araw. Pero si Senator Trillanes kasi, naging close kami. One is because we're both very critical doon sa K-12, na sa tingin namin, 'yung additional two years, dadami ang dropout, but we're working it out with the DepEd.

Secondly, he became critical of Senator Enrile. Ika nga, damay-damay na.

Tapos, thirdly, noong budget hearing kasi, gusto ni Sen. Enrile, tanggalan ng pondo ang committee ni Sen. Trillanes. November pa lang iyon. Hindi pumayag 'yung madami, kasama ako doon sa lumaban kasi minority siya. Obligasyon kong protektahan ang interes ng minority.

FOI BILL WILL MAKE EVERY FILIPINO A GRAFT-BUSTER

ASC: Bilang chairman ng committee, last comgress naipasa na namin 'yan, at pet bill ko 'yan ngayon. I'm hoping na mag-reconsider pa rin ang pangulo kasi, short answer, kapag iyan naipasa, everyone can be a graft buster. Bawat citizen, may access na sa data na may kinalaman sila.

Halimbawa, sa pondo ng senado, kapag naipasa FOI Bill, pati 'yan ay nasa website. I'm hoping na 'yan ay maipasa dahil kapag nangyari iyon, lalakas ang institusyon at lalakas ang anti-graft campaign.

ME: Bakit sa palagay ninyo ayaw 'yan sertipikahang urgent ng pangulo?

ASC: I think binabalanse niya sa dami ng urgent at ang dami nang tinatamaan. Kasi madami din na against at madaming natatakot.

ME: Kasi isa sa mga haligi ng administrasyong Aquino ay ang tuwid na daan.

ASC: Kaya nga kahit nasa coalition ako, I'm still pushing for it. Nakikiusap pa rin ako na isama ito. In fact, ang palagi kong sinasabi, magaling sa anti-graft ang administrasyong ito. Pero personality-centered parin.

PERSONALITY-CENTERED "TUWID NA DAAN" CAMPAIGN NEEDS STRONGER ANTI-CORRUPTION INSTITUTIONS

Ibig sabihin, by example kasi, ang presidente, ayaw ng corrupt. Pero 'yung kanilang institusyon o makinarya, o mechanism for anti-graft, mahina. Remember, 'yung kanilang resolution na magkaroon ng Truth Commission, na-strike down . Tapos 'yung Presidential Commission Against Graft and Corruption tinanggal din niya.

Although pinapalakas ang COA at Ombudsman, kulang ito, dahil itong mga ahensyang ito, kulang ang powers. Ang COA, hindi nagfa-file ng cases. Ang Ombudsman naman, kapag nag-file ka, parang ikaw pa ang magpapatunay. Kaya kailangan natin ng mga institusyon na matulungan na ang ebidensya ay mabuo.

Kaya nga tanong ninyo kanina, kung may napapala ba sa pag-imbestiga. Natitigil naman ang corruption sa imbestigasyon. Iyon ang good side. 'Yung bad side, halos walang nakukulong. Kaya ang ginagawa, lumilipat lang, ibang scam lang ang ginagawa.

I AM AGAINST DIVORCE

ASC: I'm against divorce. Ang divorce kasi, 'no fault' kung tawagin 'yan. 'No fault', ibig sabihin, 'yung annulment kasi kailanGan may dahilan o may basehan. Pero 'yung divorce, para kayong mag-boyfriend lang o mag-girlfriend na kapag pagkagising mo sa umaga, na-realize mo na sawa na kayo, pwede na mag-divorce.

Unang-una, kawawa 'yung asawa na hindi nagtatrabaho. Minsan, kawawa din ang ibang kababaihan na kasi ang lalaki, kapag tumatanda, naghahanap ng bata. Although nangyayari on both sexes.

I think tama na ang annulment, 'yung psychological incapacity, palakasin na lang.

Kasi naiintindihan ko naman na madami namang trap in the sense na may iba na silang partner, for one reason or the other, hindi na talaga nagwowork out dahil binubugbog halimbawa ng asawa, o kaya adik ang asawa, o kung anuman, pero covered 'yan ng psychological incapacity at ng ibang ground. Ang problema nga, napakatagal ng proseso, minsan hinihigpitan, tapos mahal din magkaroon ng abogado ngayon.

So I think we should fix that system rather than allowing a 'no-fault' divorce.

Sa no-fault divorce kasi, parang ordinaryong kontrata na lang ang kasal. Kung ganoon, bakit pa kayo nagpapakasal? Pero we know that in every general rule, there's an exception. 'Yung annulment ang exception.

STRENGTHEN IMPLEMENTATION OF GUN-CONTROL MEASURES

ASC: Sa Amerika kasi, nasa constitution nila ang right to get arms. Ang problema po sa kanila, pati assault rifles kasama. Isa pa, kung sino-sino ang nakakabili. Sa atin, kung titingnan ang batas natin sa baril, napakahigpit na. Even 'yung may permit, to carry, hindi pwedeng dalhin ito sa mga malls, sa mga commercial places, at tsaka kailangan 'yan na hindi nakikita at nasa loob.

Sa tingin ko, mahigpit na ang batas, katulad ng iba pang mga batas natin pero ang problema ay ang implementation.

Ang isa pang solusyon, rather than sisihin ang PNP, maglagay ng mas maraming CCTV sa major highways around the country. Kasi sa ngayon, local governments lang naglalagay. Pondo lang po kahit wala nang batas. In fact, sa Metro Manila, maraming LGU nire-require pati mga negosyo na maglagay na. Kaya interconnection nalang 'yan afterwards, na magkaroon ng mga command centers.

Sa Japan po, pati traffic ay may cameras na. Kaya kapag may banggaan, aside from 'yung emergency team na nariyan na kaagad, alam na agad kung sino ang may kasalanan. Wala nang away-away doon sa banggaan kasi na-record ito and technology allows you to record it.

Kaya ako, rather than sisihin 'yung mga pulis (iilan lang sila at mabababa din ang sweldo) bakit hindi natin ayusin 'yung crime labs at mga CCTV?

PORK BARREL USED FOR MEDICAL ASSISTANCE, SCHOLARSHIPS, REHAB EFFORTS, SUPPORT FOR SMALL BUSINESSES, AND PUBLIC WORKS

ME: Saan napunta ang pork barrel ninyo?

ASC: Sa halos lahat ng stand, pareho kami nina Teddy sa nine years naming magkasama.

Sa pagiging senador ko, almost 69, 924 medical assistance programs in 19 public hospitals nationwide ang isa sa mga napuntahan ng aking PDAF. Ngayong senador muna, kasi po remember, inipit ni GMA 'yung pork namin nang 3 to 4 years, kaming magkapatid.

Bakit sa medical assistance? Kasi, bagamat may kaya kami kahit papano, naranasan namin na mahirap magkasakit. 'Yung tatay ko nagkasakit. Si Ate, nawalan ng baby. 8 months ang baby niya na nasa hospital na hindi makakain nang walang tube. At ang tube na iyon, hindi available dito at ini-import pa. Kaya aside from equipment sa mga ospital, most of our projects go to the health sector.

Ang problema sa pork barrel, ang impression ng iba may kick back, ang ginagawa namin, at least kaming magkapatid,binibigay namin directly sa public agencies, katulad ng DSWD, Tesda, etc. Sa individuals naman, katulad po ng scholarship namin, sa bata directly binibigay 'yung pera. Sa mga medical assistance naman, hindi na dumadaan sa ospital, nasa PGH na, at NKTI. Siyempre, may iba ding mga projects.

Ang gobyerno po kasi natin maraming relief efforts pero walang rehabilitation. Kaya halimbawa, ang experiment po na ginawa ko sa Bulacan, five to ten thousand pesos, diretso po sa small business owners. I-certify lang po na dati siyang may sari-sari store, pagupitan, tricycle na binaha, nawala o na-damage. Ang tanging kapalit na hiningi namin ay seminar on small businesses. This is what we also want to do in the Mindanao Area na tinamaan ng bagyo [CDO and Region 11].

I agree with Teddy, hindi naman kailangan na pork barrel 'yung sistema. Basta't equitable 'yung distribution. Payag ako na sa budget mismo i-specify na ang paggagamitan.

ME: Kung walang pork barrel, tatakbo pa rin po ba kayo?

ASC: Mas importante po kasi 'yung pork barrel sa Congressman kasi hinahanapan sila ng kanilang distrito kung ano 'yung nagawa mo. Pero ako at 'yung wife ko--na-elect siya as congresswoman pagkatapos na-elect ako ulit-- kahit wala kaming pork, dahil iniipit 'yung pork namin, hindi nagbago 'yung prinsipyo.

Dito naman sa Senate po, importanteng may magawa ka pero sinasabi ng iba na hindi po ganoon ka-importante 'yung pork mismo. Kasi ang trabaho namin gumawa ng batas. Pero ang General Appropriations Act po ay batas din.

Kung saan ilalagay ang pondo, batas din 'yan. Ang problema, kapag hindi mo kinuha ang pork mo, katulad ng ginawa ni Sen. Lacson, hindi yan binabawas sa budget every year. Vine-veto din ng Malacanang at ibinabalik. Kaya ihahati-hati din ng iba.

Pero payag po ako na sa budget deliberation na lang ilagay lahat ng appropriations para nga sigurado tayo kung ano ang priority.

Lumabas ng asa diyaryo na isa ako sa may pinakamalaking pork. Bilang minority leader, may extra akong budget. Pero sa totoo po noon, isa ako sa may pinakamaliit na pondo. Kasi kapag administrasyon ka, tinatago sa mga ahensya 'yan.

Kaya nga kami ni Teddy, we've always been against lump sums. Kasi sa lump sums, imbes na nakalagay halimbawa na itong kalye na ito ay sa Cagayan de Oro, ang nakalagay lang ang budget na ito ay para sa ganito mga kalye in general.

"IMPORTANTE SA AKIN ANG IBOTO NINYO AKO PERO MAS IMPORTANTE NA BUMOTO KAYO"

ASC: Importante sa akin na iboto ninyo ako pero mas importante na bumoto kayo, na maging active kayo. Kasi kung sino man ang iboboto ninyo, ang importante, bansa natin ito, may stake kayo.

Parati kong sinasabi, ang dami nating problema. Aside from corruption, nariyan pa ang presyo, trabaho, at kita. If you don't vote, if you don't register, if you don't participate, if you don't campaign kung sino ang gusto ninyo, walang magbabago. Kung kaya ninyong mag-contribute ng oras ninyo, talent, o konting pondo, gawin po ninyo ito dahil bansa natin at kinabukasan natin ang nakasalalay dito.

Salamat po ulit and God bless you.

News Latest News Feed