Press Release
January 25, 2013

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE
PART 2

On Atty. Gigi Reyes: "I didn't link him romantically or anything like that. Lumabas na lang iyon. The issue took a life of its own"

ASC: I haven't read the letter of apology of Atty. Gigi. Pero sa akin, wala naman iyon. Na-mention ko lang siya in context sa tatlong bagay. (1) She was criticizing us by calling us names. (2) Ayaw kong ganyan ang mangyari sa Senado na parang mismong staff umaatake sa mga senador. Halimbawa, sa staff ko, pinagsabihan ko na kahit sa Facebook walang magtutuligsa sa ibang senador o kay Senate President. (3) Si Senate President mismo ang nagsabi na "Let's call a spade a spade." It was in this context. I didn't link him romantically or anything like that. Lumabas na lang iyon. It took a life of its own.

Having said that, although natutuwa akong may public apology, nagtaka naman ako kay Senate President, noong Wednesday, tapos kahapon, paulit-ulit "I stand by her dahil hypocrite talaga 'yang mga 'yan. Tingnan mo si Alan, kung bakit siya naman ang chairman ng accounts noong panahon ni Sen. Villar, 'yan din ginawa nila, bakit ngayon na ako, tinutuligsa?"

Una, kung mali ang ginawa ng ibang SP, at kahit ako involved doon, hindi ibig sabihin na dalawang mali equals tama. Kung mali doon, kayo mali din.

Pangalawa, kung pwede po mag-research nang mas mabuti ang SP. Tutal, buong authority naman lahat ng tao dito sa senado, nasa ilalim niya. Bakit ko ito nabanggit? Hindi po ako ang chairman ng accounts noong panahon ni Sen. Villar. Ang chairman po ng accounts ay si Sen. Kiko.

Buong araw akong tinatawag sa iba't ibang programa at pati doon po sa kanyang campaign sortie na hypocrite dahil ito daw ang ginawa ko noong panahon ni Sen. Villar. I don't know if the Senate President can stand up and also apologize for not only name-calling, but for having the wrong information and drawing conclusions right away. Pero sa akin, wala naman iyon, nagkamali na lang siguro.

Isa pa, sabi niya paulit-ulit na malabo daw mata niya kaya si Atty. Gigi ang nagsusulat at siya ang pipirma. Tapos ang explanation niya at sinang-ayunan ng iba, normal naman na 'yung chief of staff ang magwo-work para sa senador. Hindi naman pwede senador lahat.

In response to my Chief of Staff's letter to the office of the SP regarding my recalled staff members, JPE responded with a handwritten letter saying: "Letter should be written and signed personally by your principal". Why is there a double standard?

Mayroon po ako ditong sulat ng chief of staff ko kay Sen. Enrile, at ang sagot sa kanya dated January 22. Sa sulat kay Sen. Enrile, sinasabi ng chief of staff ko paki-extend at ibalik sa amin 'yung dalawang staff. Normal po ito and for the last 6 years, ganito ang proseso namin. Sinagot po ni Sen. Enrile. Bakit po kapag ganito biglang lumilinaw po ang mata at sarili niyang sulat-kamay ito.

Ang nakalagay, "Dear Mr. Buenaventura, I would like Sen. Cayetano himself to confirm the request signed by you to be sure that the requested employee organic to the Senate Secretariat is really needed by the requesting senator."

I'll give you a copy.

But again, why the double standard? Bakit kapag chief of staff niya, kayo na sa media ang nagsabi, parang senador din. Bakit kapag chief of staff namin, hindi pwede at kailangan kami mismo?

Bakit kapag kinukwestyon ko siya, na sa ibang memo siya ang nakapirma, at sa iba 'yung handwritten ng kanyang chief of staff, sasabihin niya kasi malabo ang mata niya at may sakit. Pero pagdating sa dalawang staff ko, siya mismo ang sumagot. Gaano ba naman kaimportante ang dalawang staff na iyon sa libong empleyado ng senado?

Bakit mayroon nito?

Appeal to Senate employees and staff: The best anti-graft measure for me is values formation

May I use this opportunity also to appeal to the Senate staff. I heard hindi lang sa Facebook may umiikot na black propaganda, ang sinasabi daw kapag manalo ako sa audit o mapalitan si Senate President, ay mababawasan ng bonus o kaya matatanggal 'yung benefits, etc.

This is an effort to turn the employees against me. In the same manner that there's an effort na mag-PR sa labas of issues against me. Buo ang suporta namin sa union ng senado. Palagi kong pinagyayabang na tama lang ang sweldo ninyo. Hindi kayo overpaid, hindi sobra ang bonuses.

The best anti-graft measure for me is values formation. Secondly is to pay our employees correctly. Hindi ko sinisilip ang kahit anumang bonus. How many times in the past ako mismo ang tumayo para sa inyo para sa benefits ng union at ng employees.

Sana naman, hindi gawing halimbawa ang ginawa ni Ma'am Gigi. I heard they're asking the union to even have a statement against me. Pero bahala kayo, I mean, it's really up to us kung anong klaseng senado ang gusto natin.

Susunod sa aking appeal, 'yung sinasabing argumentum ad hominem.' Yung imbes na 'yung argument, imbes na tayo ang magtuligsaan sa issue, name-calling ang gagawin. Halimbawa, 'yung "hypocrite", pwede mo namang sabihin "Yung sinasabi niya at ginagawa niya, magkaiba."

Bakit kailangan pang magbatuhan tayo ng putik na ganoon ang mga pangalan? Unless nga ayaw mo kasing sagutin 'yung issue

Bakit kailangan pang magbatuhan tayo ng putik na ganoon ang mga pangalan? Unless nga ayaw mo kasing sagutin 'yung issue at mas gusto mo na ang nasa news 'yung mga pangalan na ganyan. Imbes na sabihin mo coward o duwag, sabihin mo na lang na harapin 'yung issue. What good will it do? Mga senador tayo, dapat elevated ang level ng ating arguments.

Pinapanood tayo ng buong bansa, ng ating mga kababayan abroad, ng mga foreigners. I appeal to the Senate President and to my colleagues, 'yung demeanor natin, 'yung words na gamitin natin, let's be professional.

On JPE's accusations: Gusto niyang gawin 'yung pattern na kami walang utang na loob.

Lastly, let us check our facts. In the same manner na mali ang Senate President na sinasabing ako ang chairman ng accounts, therefore, hypocrite ako. Isa pa, ang sinasabi niya, ang nag-fund ng pagtakbo ni Ate ay si FG at si GMA. Dito lumalabas na totoong close siya sa dalawa dahil 'yon ang pinagsasabi nila eversince. Hindi po totoo 'yon. I-check niyo sa Comelec kung sino ang nag-donate sa aking kapatid, i-check niyo po ang number ng minutes ni Ate sa TV at radyo dahil wala siyang time masyado. Walang masyadong TV dahil wala nga kaming masyadong pondo 'non.

He also said na ako din daw po ay tumakbo sa ilalim ng partido ni GMA at ni FG. Nakakalimutan po niya, ako ang nakatulong kay GMA at FG dahil hindi ko po sila kapartido noong 2001, pero pumirma ako sa impeachment noon kay Pres. Erap. At noong 2004 po, ang kalaban ko pa po ay binigyan din ng Lakas-NUCD, o 'yung people's power coalition kung tawagin nila.

Noong 2007 po, nasa Genuine Opposition ako. Kaya hindi ko alam kung nasaan si Sen. President noong 2007 para masabi niyang noong tumakbo ako, 'yon ang partido ko. Gusto niyang gawin 'yung pattern na kami walang utang na loob.

Again, I am so tempted to look at the Senate President's history and say something like that para bilangin kung sino ang walang utang na loob. But that's not the issue.

Allow me not to go further than that and speak about this.

A resolution will be filed, but I'm hoping that the Senate President doesn't wait for that anymore. Huwag nang magtago sa likod ng mga miyembero ng senado. Huwag nang ipitin ang mga miyembro dahil alam ko na ang mangyayari diyan.

'Yon ang palaging ginagawa ni SP in front of the people at sa media. Sasabihin na open siya diyan, gusto niya 'yan, kapag nag-caucus, magdadabog. Sasabihin kung 'yan ang gusto, tanggalin na siya. Alam naman natin na gusto pa naman siya ng marami sa senate presidency. Hindi 'yun ang issue. How hard is it for him to tell Dir. Chua ngayon na ilabas ang dokumento?

Sooner or later, this will happen. Why? Sen. Miriam already said she will convene one of the committees and she will hear this. Ano ba ang gusto nila? Dumating ang time na ilabas ito o magkusa na sila?

Ilang beses nang nasabi sa ating bansa na kapag walang itinatago, hindi ka dapat matatakot. At 'yon din ang sinabi niya kay CJ Corona dati. Bakit ngayon, iba ang standard?

I'll stop there and will entertain questions now.

News Latest News Feed