Press Release
January 25, 2013

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER PRESS CONFERENCE
On Election 2013: (1) Last JCOC hearing before session ends; (2) questioning the new rules on media campaigns; (3) increasing people participation to level playing field

ASC: Lahat ng mga bagong issue na lumabas after the last JCOC hearing ay isasama natin sa agenda ng susunod na hearing. We will have one more before the session ends.

Kasama sa agenda ng next JCOC hearing ay yung issue na naconfirm ni Chairman Sixto Brillantes na sinubukang i-tamper ang PCOS machines na naka-store sa warehouse ng Comelec.

Kaya ko sinasabi na kung pwede, mag-audit nalang tayo sa Senado at ilabas ang mga dokumento para matapos na ang isyu ng pondo at matutukan na natin ang mga mas importanteng trabaho sa Senado. Itong dayaan sa eleksyon ay kailangan mapag-usapan. Lalo na ngayon na malapit na magPebrero, although Senador parin kami, kandidato rin kami. Mahirap naman na hindi naming matapos bago magKampanya lahat ng importanteng bills sa Ekonomiya at pati yung may epekto sa eleksyon.

Some important issues to bring up in the next JCOC hearing on the Automated Election System: (1) bakit halos lahat ng kontrata ng Comelec failed bidding tapos parating "negotiated". (2) Bakit hindi nabantayan ng husto ang machines at nagawan na matamper ng ganoon as confirmed by Chairman Brillantes. (3) Kung handa nga ba tayo sa eleksyon at kung makakasigurado tayo na ang hindi paglagay ng thumb-print at ang pagkuha ng NPO ng printer ay hindi bumalik ang mga sindikato na nagmamanipula ng balota.

Questioning the new rules on media campaigns

After saying that, there are also issues outside the automated elections that should also be discussed. We should also discuss the new Comelec rules on media campaigns limiting the time for advertisements. I join the media entities in filing a motion for reconsideration sa Comelec and if needed, a petition sa Supreme Court. I think baliktad. Ang intension ng Comelec ay maibaba ang gastos ng pulitiko. Pero kung i-limit mo ang airtime lalo na sa radio and even sa TV, mas mahal para sa kandidato.

Kasi paano mo iikutin ang 7,107 islands, yung 80 probinsya at iba't ibang regions? Iba iba ang isyu sa bawat region at iba't iba rin ang lengguwahe. Sa record ng Senado noong napagusapan ang Fair Elections Act, makikita na per station talaga ang binalak sa batas na limit.

So alam ko na gusto ng tao na mabawasan ang gastos ng kandidato pero ang nakikita lang ay yung sa TV at radio na naeestimate kung magkano ang gastos sa mga ito. Pero kapag ni-limit mo iyan, makikita mong mas malaki parin ang gagastusin ng kandidato para lang marating ang milyong mamamayan na naaabot ng media.

Alam rin natin na ang ibang kandidato ay kumukuha ng pera sa drug lords, illegal gambling at iba pang illegal na sources. Kung kaya't kahit i-limit mo ang airtime ng mga kandidatong ito, hindi parin sila magtitipid. Gagastusin lang nila ang perang mula sa illegal sa ibang mga bagay na masama tulad ng pagbili ng boto o pagpapamigay ng mga bagay upang makakuha ng boto.

Maganda ang intension ng Comelec to limit spending pero mali naman ata na ang ililimit mo masyado ay ang airtime o ang paggamit ng media. Especially sa radio isipin ninyo 180 minutes ang limit para sa buong pilipinas at sa buong kampanya. Sa 30s that's only 360 spots. Dividing it among different provinces, you'll be left with only less than 5 spots per province to communicate your message to the voters. Hindi naman pwedeng isa lang ang mensahe mo sa buong pilipinas.

Level the playing field by improving people participation rather than focusing on lowering expenses

Lastly, ang dapat gawin ng Comelec at taumbayan ay magisip ng paraan para itaas ang public participation sa pamamagitan ng pagbigay ng pondo, of small amounts, as donation sa mga kandidatong pinaniniwalaan nila. Tulad ng example ni US President Barack Obama,kung saan nakakuha siya ng donasyon mula sa normal na mamamayan na maliliit lang kaysa sa pagkuha ng malalaking pondo mula sa mayayaman o di kaya't mula sa illegal.

This is what I am saying. Napakaraming ibang issues pero ang Senado, sa pondo nakatutok.

News Latest News Feed