Press Release
February 10, 2013

Transcript of DzBB Interview of Senator Franklin M. Drilon

Q: Kayo ba ay nakokonsulta

Drilon: Kung ilang beses kaming nag-uusap kung ano po ang pwedeng gawin lalo na po at babaguhin ang Charter ng ARMM pag naimplement na itong framework agreement ay isang makasaysayan hakbang. Malaking bagay ito dahil inumpisahan ng ina ng Pangulong Noynoy ang agreement sa kapayapaan sa Mindanao. Ang Pangulong Cory ang nag-umpisa at tatapusin ni Pangulong Noynoy sa pamamagitan ng pagbisita doon sa kampo at ito ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na ito na magkaroon ng kapayapaan diyan sa Mindanao.

Q: Nakokonsulta po ba kayo rito?

Drilon: Nakukunsulta po tayo. Sa Senado, basically tayo ang nakokonsulta kasama si Senator Guingona bilang taga-Mindanao, in fact, nagkaroon tayo ng full briefing together with the President and members of the Cabinet before the framework agreement was signed. Familiar po tayo sa framework agreement.

Q: Pupunta ang Pangulo sa MILF hindi dahil napabagsak ang kampo tulad ng dati na all-out war ang policy, ngayon, panahon ng kapayapaan

Drilon: Tama po iyan. Pupunta ang Pangulo upang ipakita na tayo lahat ay Pilipino. Pupunta siya sa isang implementasyon ng tinatawag nilang Sa Jahara, ito ay isang development project para sa kapayapaan, hanapbuhay, edukasyon at kalusugan ng ating mga kasama sa MILF.

Q: Hindi ba masyado pang maaga ang pagpunta ng Pangulo?

Drilon: Hindi po. Kasi noong nagkita ang Pangulo at pinuno ng MILF sa Tokyo, binatikos din ang Pangulo. Ngayon, kailangan na ipakita ng liderato ng ating bansa na lahat po tayo ay nagkakaisa. Kahit hindi pa po nalalagdaan, pupupunta ang Pangulo dahil ito ay bahagi ng continuing process of peace and development. Hindi po magkakaroon ng katahimikan kung walang development. We must address the causes of the un-peace. Kailangang tingnan ng Pangulo kung bakit nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. With the framework agreement, nagkaroon ng puwang para sa kapayapaan. Ito ay patuloy na ginagawa ng Pangulo sa pamamagitan ng papunta sa Mindanao. He is the second President; the first one, however, ay para sa giyera. Ang ating Pangulo para sa kapayapaan.

Q: Yung framework, dito po ilalatag yung magiging takbo ng peace process?

Drilon: Tama po iyan. Ang sabi mo nga ito yung framework, ito yung four corners, yung big picture. Ngaoyn, yung detalye ang pag-uusapan. Ngunit, isa sa dapat gawin na at hinihimok ko ang ating Pangulo na dapat gawin na ay ang pagbuo ng transition commission. Iyan po ay isang komisyon na may 15 miyembro: pito sa pamahalaan at pito sa MILF at yung chairman to be nominated by MILF. So, iyan po body na bubuo ng basic law o charter na papalit sa charter ng ARMM. Kung iyon maalala, sa Kapihan sa Senado, ang sinabi ko na ang major work ng susunod na Kongreso ay ang pagbuo ng bagong charter ng ARMM na raratipikahin ng mga Muslim sa ARMM area.

Q: So meron pa pong batas na gagawin para mapalitan yung ARMM ngayon?

Drilon: Tama po iyan kasi hindi mo pwedeng palitan ang ARMM kung hindi mo babaguhin ang charter. Kaya yung basic law na tinatawag ay hindi pa effective kapag napirmahan ng Pangulo, kundi after ratification. Yung bagong basic law in accordance with the framework agreement, kung sino po ang mahalal na ARMM governonr, ang kaniyang termino ay, kung hindi ako nagkakamali, hanggang one year before 2016, so hanggang 2015 lang dahil pagdating ng 2015 magkakaroon ng tinatawag nating transition authority na siyang magpapatakbo sa ARMM as a transition to the new regional government, yung Bangsamoro entity in 2016. We will have a transition committee na magda-draft ng suggested basic law na ibibigay sa susunod na Kongreso.

Q: I-repeal po yung organic act that created ARMM?

Drilon: Tama, but only after it is ratified. Hindi po batas lang kundi may ratification. Dito sa batas na ito, ang termino ng bagong halal ay puputulin by 2015 at papalitan ng transitory authority, subject to the law kung ano ang lalabas sa batas na gagawin ng Kongreso at ira-ratify.

Q: First order of the day ito ng susunod na Kongreso?

Yes, na siyang mag-uumpisa ng trabaho na irerekomendang batas sa Kongreso.

Q: Pagpasok ng 16th Congress, hindi pa natin alam kung madodomina ng opposition ang Kongreso. Pero doon tayo sa optimistic, pero kung sakaling madominahan at hindi sila pabor dito, what happens?

Drilon: What happens then is wala. Yung peace agreement ay hindi matutuloy kasi under the framework agreement may bagong basic law na bubuuin. Kung walang mayorya ang Pangulo, ang ibig sabihin ayaw ng taumbayan nitong transitory authority, ayaw na palita yung ARMM. Ganoon lang po iyon. Iyan ay indikasyon na ang polisiya na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa ARMM sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong basic law, ng pagbuo ng bagong istraktura ng pamamahala sa ARMM ay hindi sang-ayon ang taumbayan at hindi sang-ayon sa polisiya ng Pangulong Noynoy.

Kaya importante para kay PNoy na yung kanyang mga kaalyado, yung kayang handpicked na kandidato sa Team PNoy ay mailuklok sa Senado dahil sila ang magtutulak ng kanyang mga polisiya tungkol sa kapayapaan sa ARMM.

Kaya nga itinataya ang kaniyang political capital. Sa kaniya, importante ito at he is willing to risk his political capital. Pupunta siya sa Mindanao para maipagpatuloy ang nasimulang landa para kapayapaan. Ang development importante sa kanya. Kaya ngayon, kung hindi mailuklok ang kaniyang mga inendorsosa Kongreso, hindi mabubuo yung bagong basic law. That's natural kaya nga ginagawa ng Pangulo ito dahil sa kaniyang tingin ay ito ay makabubuti. Kaya kung hindi maniniwala ang tao sa kanya at hindi dadalin ang mga kandidato na kaniyang ineendorso, there's a clear signal from the electorate na hindi payag ang taumbayan sa konsepto ng framework agreement.

Q: Bago pop ala bumaba sa pwesto ang Pangulo, may final peace agreement na?

Drilon: Tama po iyan. Hindi lang final peace agreement kundi consistent with the peace agreement, may bagong sistema ng pamamahala sa ARMM.

Q: Na-consider ba ang MNLF?

Drilon: Yung MNLF, si Pres. Ramos also signed the peace agreement with them, and that remains in place. Kaya po hindi magiging effective itong bagong basic law kung walang ratipikasyon. Kailangan ang ratipikasayon dahil ibig nating tingnan kung ano ang pasya ng ating mga kapatid na Muslim doon sa bagong framework agreement.

Q: Paano yung sinasabi na yung MNLF, nanganak ng MILF; at sabi baka kapag hindi ma-meet yung kanilang demands ay manganak ng naman ng bagong rebeldeng grupo?

Drilon: We cannot negotiate on the basis of fear. Sa aming tingin, ito ang daang matuwid na dapat sundan at iyan din ang paniniwala ng ating mga kasamahan sa MILF. At the end of the day, ang taumbayan ang maghuhusga sa pamamagitan ng plebisito. At the end of the day ang taumbayan ang maghuhusga by either rejecting the President's candidates for 2013 elections or supporting the President's choices together with this framework agreement.

Q: Bakit si PNoy ang pinayukod at hindi ibang official muna ang pumunta?

Drilon: Ano ang masaba don? Bakit kung bababa ang Pangulo sa alinmangg probinsiya sa ating bansa, wala namang masama. Ang Pangulo ay pangulo ng buong bansa hindi lamang ng Manila, ng Malakanyang, ng Visayas, at ng Ilokano. May karapatan at may tungkuling ang Pangulo na pumunta roon.

Ano ang masama kung manunuyo ka para sa kapayapaan ng ating bansa? Walang masama as long as you can govern. Hindi po bumababa ang prestiyo ng kaniyang tanggapan sa pamamagitan ng pagpunta doon sa Mindanao, sa MILF. Kapag pumunta sa Cebu, yumuyuko ba ang Pangulo kay Garcia? Hindi naman siguro.

Q: Sakop ba ng ban on appointment ang transition commission?

Drilon: Kung saklaw man, hindi naman absolute ang ban kailangan lang ng permiso ng Comelec. Kung kailangan ng permiso ng Comelec, hindi ko lang alam kung within the period of the ban; ang ban naman hindi absolute. We will secure the consent of Comelec if it is necessary in accordance with election laws.

Q: Kailang mabubuo ang transitory commission?

Drilon: Siguro bago matapos ang buwan ng Pebrero mabubuo na iyon.

Q: Dapat masimulan na kasi malapit ang yung 16th Congress

Drilon: Tama po iyan. Ang proseso, simultaneously, habang pinag-uusapan sa transition commission, patuloy yung pag-uusap para mabuo yung final agreement, logically, hihintayin munang mapirmahan ang final agreement bago yung batas.

Q: Ano ang tingin niyon sa Comelec?

Drilon: Sa akin lang, dapat si Chairman Brillantes huwag mapikon, ang taumbayan naman may kani-kaninyang opinion; tingnan kung may merito ang sinasabi ng mga nagbabatikos sa kanya. Ang pikon talo. Hindi pikunan ito, ang kailangan natin ay malinis at mapayapoang halalan. Hindi pwedeng balewalain ang mga panukala ng iba't ibang sector. Meron na po tayong batas kaya hindi ko maintindihan yung mga posisyon na kung ayaw ninyo ng automated, mag-manual tayo. Meron na tayong batas. Hindi pwede iyan. Ang Kongreso ang may kapangyarihan na magsabi kung manual o automated. Nagpasya na ang Kongreso na automated tayo. Walang kapangyarihan ang Comelec na bumalik sa manual, dahil ang batas ay automated. Hindi option ang manual, wala po sa batas iyan. Pahabain pa niya ang pasensya niya.

Q: Wala po kayong duda na magbibilang ng tama ang PCOS machines?

Drilon: Tama po iyan. Iyan po ang objective.

Q: Wala bang reklamo sa ibang interpretasyon sa limit sa pag-air ng ads?

Drilon: Sa akin, ang 120-minutes is really the limit on the candidates; yung interpretasyon ng 2010, to me, was not consistent with law. Ako po sang-ayon diyan. Ang hindi ako sang-ayon, yung bago ang interview, ipagpapaalam muna. Wala po sa batas iyan. Hindi pwedeng bago magsalita, i-clear muna sa kanila.

Q: Kritikal ba na mapalitan yung 2 bakanteng pwesto sa Comelec?

Drilon: Kailangang mag-appoint ng kapalit dahil may halalan ngayon at importanteng full force ang Comelec. Kasi na-assing yung mga Commissioners sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Kung kulang, medyo mabigat yung lawak ng trabaho ng mga Commissioners.

Q: Paano yung appointment ban?

Drilon: Nasa Consitution po iyan na dapat magkaroon ng appointment dahil hindi naman pwedeng acting diyan dahil dapat ad interim appointment iyan at dahil constitutional body ito at kailangang i-fill up ng Pangulo.

News Latest News Feed