Press Release
February 13, 2013

TRANSCIPT OF 9:00am AMBUSH INTERVIEW
Cayetano on Comelec regulations and status of preparations
for the Automated Election

Reporter: Sir, ano ang masasabi ninyo sa paninindigan ng Comelec sa airtime?

ASC: Ang panawagan namin sa Comelec, pag-isipan pa nila nang mabuti ulit. Bakit parang medyo nagiging mediaphobic sila? Hindi ako naniniwala na kailangang magpaalam muna ang media sa kanila.

Noong panahon ng dark ages kasi, kakaunti ang tao. Kaya kung magpapa-meeting ka at magra-rally ka, kaya mong abutin lahat ng tao. Ngayon, sa 90 days na ibinigay sa atin, at sa 80 na probinsya, baka hindi sapat. Sa isang araw hindi mo naman maiikot ang isang buong pribinsya. Kaya ang ads at interviews ay napakahalaga.

Nasabi ko na rin sa Comelec na mayroon naman silang P224 million para sa kanilang educational campaign. Bakit hindi nila gamitin kahit kalahati noon pambili ng airtime at ibigay sa mga lesser known candidates?

Hindi naman aangal ang mga incumbent o ang mga more known dahil may access kami sa media, hindi dahil sa mas malakas kami, kung hindi dahil nasa news centers kami. Ang senado ay isang news center. Ang local government, news center 'yan. Ang peace and order sa mga lugar nagsisilbi ding news centers.

Pero kung titingnan mo, halimbawa, sa dyaryo ngayon, 'yung lesser known candidates mas malalaki ang mga litrato, mas malalaki ang pictures kaysa sa amin na incumbents.

I think Comelec should stop being media phobic. At hindi totoo na basta nakakalamang ang ini-interview. Kahit saan man sa mundo, it's a matter of creativity. Dapat mas maging creative ka para maging news worthy ang dinadala mo bilang kandidato.

Halimbawa, si Teddy Casino, ang pagkatkbo niya, ginawa niyang literal. Nag-organize siya ng run. Kaya sa major dailies, nandoon sa lahat ang kanyang litrato. For the media, it's not about the money. It's about newsworthiness.

Sana makita ng Comelec na hindi feasible at hindi makabago ang ginagawa nilang limits, at laban din ito sa batas. Dahil kung titingnan mo ang records sa senate, per station talaga ang nakalagay doon.

Reporter: Ano ang masasabi ninyo sa possibility na bumalik tayo sa manual elections?

ASC: Bilang acting chairman ng Joint Congressional Oversight Commiittee o JCOC, ilang beses kami nag-hearing at ilang beses kaming na-assure na hindi magma-manual. Ilang beses kami inassure na ang labanang Dominion-Smartmatic ay hindi makakaapekto. Pero simula ng ma-appoint si Chairman Brillantes, ako ay nagduda na gusto nila ang manual dahil sa kanilang practice at uri ng election practice na ginagawa nila noong araw.

Let me warn the Comelec. You'll have our 100% support as long as clean and honest 'yung eleksyon at mapaandar ninyo ang automated election. But there's no reason na napaandar ito nang mabuti noong 2010 at hindi ito mapaandar nang mabuti ngayon.

Hindi lang impeachment ang aabutin ni Chairman Brillantes, kung hindi kalaboso din kapag bumalik tayo sa manual at kapag nagkaroon ng dayaan. This is not a threat. This is a simple reminder in the same way nan ire-remind niya kaming kandidato na kapag mangampanya nang tama, wala kaming problema, pero kapag hindi, we'll face disqualification. Ganoon din sa Comelec.

Naglagay tayo ng sampung bilyon last year, naglagay tayo ng sampung bilyon this year para lang siguruhin na ang automation ay mag-work. Huwag naman tayong takutin na baka bumalik tayo sa manual dahil alam natin na sa manual, isa lang ang sagot natin sa Valentine's, "Hello Garci, Happy Valentine's."

Reporter: So that is impeachable?

ASC: That is definitely impeachable. It's betrayal of public trust to go back to manual dahil alam na nating lahat na limited ang dayaan dito sa automated pero sa manual, alam natin na kani-kanyang dayaan. Bakit tayo babalik sa manual?

Reporter: Limited ang dayaan, ibig sabihin may dayaan pa din?

ASC: Limited dahil ang dayaan sa eleksyon ay nangyayari before, during at after. Ang naa-address ng automation ay 'yung voting process at 'yung transmittal at 'yung canvassing. Pero 'yung before the election, 'yung vote-buying, 'yung siraan, etc., hindi naman naa-address ng automation 'yan.

News Latest News Feed