Press Release
February 13, 2013

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero on UNA proclamation rally

Program: Magandang Umaga Pilipinas, DZRH
Anchor: Joe Taruc
Interview with Sen. Francis G. Escudero (FGE)

TARUC: Sen. Chiz, ano ho ba ang naging dahilan kung bakit wala kayong dumalong kinatawan doon po sa pulong ng UNA kahapon?

FGE: Well, kino-confirm ko Manong Joe na nagkausap kami at alam din niya na magpapadala ako ng video message. Kasi hindi ko naman ugali Manong Joe na dinadamay o sinasama yung pamilya ko sa mga pangangampanya ko. 'Yung anak ko hindi tulad ng anak ni Grace, 5 years old pa lang po. Yung pamilya ko po hindi ganun ang ugali na sinasama sa kampanya, ganun din po tatay ko noon. Siguro naman mas malaking insulto kung nagpadala ako ng hindi ko man lamang kaano ano. Para sa akin bahagi lang siguro ng mga isyu at intriga 'yan kasabay ng pagsisimula ng kampanya. Bagaman mas marami sanang magandang isyung pwedeng pag-usapan at talakayin kaugnay sa plataporma ng mga kumakandidato.

TARUC: Sa mga ganitong pagkakataon hindi kaya pwedeng mag proxy si Ms. Heart?

FGE: Well, napag-usapan na namin yan Manong Joe na hindi siya lalahok sa kampanya dahil may sarili naman siyang mga obligasyon at ayokong may masabi kahit sino sa akin o sa kanya. Dahil noong kami ay nagkakilala siya naman na si Heart noong nagkakilala kami, ako naman maski na papaano kung sino ako at walang kinalaman 'yun sa relasyon namin.

TARUC: Meron ho bang pagkakataon Sen. Chiz na kayo po ay sasama din sa ilang mga pagpupulong ng UNA kung may pagkakataon?

FGE: Malamang Manong Joe imposibleng hindi mangyari 'yan dahil sa 90-day campaign magkikita kita palagi at magtutugma-tugma palagi. Banggitin ko Manong Joe, hindi kasi ako gaanong naniniwala sa rally bilang paraan para maparating ang mensahe ng isang kandidato. Naniniwala ako sa pag gamit makabago at tradisyonal na media para maparating ang iyong mensahe sa plataporma. Kasi kung hindi ka marunong magsayaw, kumanta, kung hindi ka magpapatawa, kung wala kang kasamang artista o kung wala kang ibabatong give away, malamang sa malamang ni-hindi ka mapapansin sa isang rally na maingay at magulo.

TARUC: Sa Team Pnoy ang aming pagkaka-unawa ay mandatory para sa lahat ng senatorial candidates na sumama sa mga pagpupulong kung saan dadalo ang Pangulong Aquino.

FGE: Hi ndi naman po dahil karamihan ng mga kandidato, nagusap-usap po kami kahapon, ay may mga nauna nang commitments po na na-oohan. Mga graduation, mga induction na minsan po'y hindi naman tumutugma sa schedule na inihanda ng Liberal Party coalition. So babagsak po 'yan sa best efforts o subject sa availability ng bawat kandidato.

TARUC: So hindi naman pala mandatory 'yung ganung uri ng sanctions? Okay, what about 'yung possibility naman halimbawa ngayong araw na ito ay makahiwalay ang meeting ng UNA at ng LP, 'yung isa nandun sa Batangas at 'yung isa nama'y andun sa Bohol. Saan po kayo pupunta ngayon?

FGE: Kami Manong Joe nagtugma na may schedule talaga sa Batangas ngayon. Meron kaming student forum na na-oohan namin nung mga panahong nakalipas. Dadalo kami dun pero may hahabulin din kaming meeting mamayang gabi sa Manila kaya malamang hindi din po kami makakadalo sa rally mamayang gabi sa Lipa.

TARUC: 'Yung iba kasi nag-aalinlangan. 'Yung pagiging common candidate, ano ho, ano po ba ang tingin niyo, nakabuti po ba o medyo naapektuhan ang inyong kandidatura?

FGE: Hindi naman po namin pinili 'yan Manong Joe. Nagpahayag ng suporta ang magkabilang partido sa aming kandidatura at sino ba naman kami para sabihing hindi namin kailangan ng tulong lalo na at lahat ng kumakandidato nangangailangan ng tulong at suporta ng mas maraming grupo, mas maganda palagi 'yun. Subali't sa kabilang banda, hindi naman po siguro 'yun rason para diktahan ng maski sinong panig o grupo 'yung puwede naming gawin o hindi namin puwedeng gawin, 'yung puwede naming sabihin at hindi ko puwedeng sabihin dahil 'yun nga po 'yung pangunahing dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananatili akong isang independent at hindi pa sumasali sa anumang partido.

TARUC: Bukod as tulong at suporta, kailangan din ninyo ng pang-unawa.

FGE: Nagkakaintindihan naman po kami. Siyempre kasama na ang pulitika at eleksyon, ang pagpapainit at syempre ang maiinit na ulo at mga silakbo ng damdamin bahagi na po siguro 'yun ng anumang halalan. Marami-rami na naman na ang halalang pinagdaanan ko. Marami-rami na ring halalan ang nakita ninyo at napanood ninyo sa ating kasaysayan, bahagi na lang po siguro 'yun.

TARUC: Sen. Chiz, maraming salamat po.

FGE: Salamat Manong Joe. Good morning.

News Latest News Feed