Press Release
February 16, 2013

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW
Interviewed at 930AM

Cayetano: "Dapat ramdam ng lahat ang 6.6 GDP,
para di sila sa 5-6 umaasa"

REPORTER: Paano natin magagawa yung dynamics ng 5-6 kung ili-legalize natin ito?

Senator Alan Cayetano (ASC): Unang-una masaya ang mga tao na maganda ang ekonomiya at wala nang kurapsyon, yung sinasabi ng Pangulo na good governance is good economics. Pero nagulat ako dito sa isang linggo na listening tour na pagkausap sa mga tao sa palengke, flower market, at kahapon sa tricylce drivers, pare-pareho yung sinasabi nila hindi yung 6.6 GDP growth ang nararamdaman kundi ang 5-6.

So yung 6.6 napapanuod sa TV, naririnig sa radyo, nabasa sa dyaryo, pero ang nararamdaman talaga ng mga tao araw-araw ay ang 5-6. At may mga batas naman tayo para i-address ito pero ang problema ay ang red tape at tsaka ang kahirapan umutang sa mga financial institutions.

So ang sinasabi nga nila kasi ang mga 5-6 kasi, itetext mo lang, kakalabitin mo lang nandun na, pauutangin ka na ng 5,000 o 10,000 o 20,000 pero ubos ang kanilang kinikita sa pagbabayad. So ang nakikita ko po na magagawa natin, ma-sasuggest natin sa ating pangulo, maging praktikal lang ating mga solusyon sa problema, tulad nuong may nilaan na siyang pondo sa microfinance.

Idaan natin sa mga barangay, mga kooperatiba, at sa mga asosasyon, at gawin natin style 5-6 din. Ang ibig sabihin, araw-araw ang singilan at ang sisingil ay taga-rito din sa kanila. Ang kaibahan lang, hindi bente porsiyento (20%) ang interes. Siguro tatlong porsiyento (3%) hanggang limang porsiyento (5%) ang interes, malaking bagay na. So yung ibig sabihin nun, yung mga umuutang na Php10,000 na Php2,000 ang binabayad sa interes, eh kung Php500 lang ang babayaran na interes, mauuwi nya yung Php1,500.

So ang nakikita kong magagandang intensyon ng gobyerno at magagandang programa pero hindi nararamdaman sa baba kaya nararamdaman nila na yung mayayaman lalong yumayaman, ang mahirap lalong naghihirap katulad dito sa mga palengke, ramdam nila sa supermarket na nagpupunta ang mga tao dahil nga sa supermarket bulk ang pagbili nila or economies of scale, mas mura.

Sina-suggest ko sa kanila o kung magkapera ang kooperatiba, ang kooperatiba na ang mamili para sainyo para kung dati tig-isang kahon lang kayo mamili kayo ng isang daang kahon para sa buong palengke na, makakamura din. Kaya sa tingin ko hindi yung batas ang problema kundi yung mga praktikal na solusyon na yung CDA man, o DTI, mga local government pwede magtulungan.

REPORTER: Strengthening of the Cooperative Development Authority siguro ang kelangan?

ASC: Hindi lang strengthening ng batas at pagbibigay ng pondo sa kanila pero maging praktikal talaga tayo. Tanungin natin bakit yung mga walang batas, tulad ng 5-6, bakit nag-tthrive at kumikita yung mga nagpapaganun pero yung mga programa ng gobyerno nag-ffail.

Kasi nga naman kung pupunta ka nga naman sa bangko, mg-aabsent ka ng half day, hanapan ka pa ng kolateral, anu-ano pa pipirmahan mo, hahanap ka pa ng pipirma para sayo na magbabayad 'pag hindi ka makabayad, napakahirap umutang, makautang ka man ilang araw ka walang kinain, walang kinain pamilya mo. Di tulad dito, isang tawag mo lang kilala mo yung ngpapa-5-6, hawak mo na.

So nakikita ko, tama yung sinasabi nyo na strengthening ng kooperatiba, strengthening ng CDA, pero ang pag-strengthen dapat maging praktikal ang kanilang mga programa, from 6.6 i-address natin ang 5-6.

REPORTER: Pero over the years sir, base sa risk assessment masyadong risky ito 'pag yung mabilisang pagpapautang kaya siguro walang government institution na ngpapalakas ng ganyan

ASC: Pag-aralan natin bakit ang nagpapa-5-6 tumutubo sila, kumikita sila at tanungin nyo dito, "Sir, ok talaga magbayad sa 5-6, in fact yung nagsisimulang umutang ng Php2,000 later on pwede na umutang ng Php20,000."

Bakit ganon? Meron silang alam na hindi alam ng gobyerno. Pwede din namang merit system. Halimbawa, maliit muna bigay mo sa kooperatiba, 'pag maganda payback system nila saka mo palakihin ng palakihin.

Ang punto ko lang naman, ang mayayaman hindi aabutin ng 15 percent or 20 percent a year ang utang, lalo silang yumayaman. Ang mahirap 5 percent a month ang inaabot so dapat talaga hindi lang may programa kasi meron namang programa. Pero dapat maging mas praktikal yung programa. Baka din naman kasi sa gobyerno sa dami ng red tape, malaki yung administrative cost kaya nalulugi.

Kasi di ba sa 5-6 ngayon ano cost mo? Yung tao lang na nagpapautang at yung motor para umikot at maningil, eh ngayon kung sa gobyerno ka uutang, yung papeles, yung teller, yung pipirma, yung manager, so napakalaki.

Kung sa Conditional Cash Transfer (CCT), bilyon-bilyon nabibigay natin, libre yun ha, para sa mahirap bakit hindi tayo makapag-allot ng kahit Php100 Million bawat region at testingin natin na kumita dun ang mga tao. Kasi higit Php10 Billion binibigay natin sa CCT yun naman wala nang balikan yun, dahil hindi yun pautang. Bakit hindi tayo magkaroon ng 2nd level na pantawid, pantawid naman sa negosyante?

"Dapat magkaroon ng debate tungkol sa plataporma"

REPORTER: Sir maiba ako, kuntento ba kayo sa tinatakbo ng kampanya after the 1st week, na hindi kayo nagkakasundo sa schecule?

ASC: Tingin ko malaki ang epekto nung sinasabi ng COMELEC na kailangan magpaalam muna ng media bago makapag-interview. Marami tuloy himpilan ng radyo even sa pag-iikot namin, nakikita namin na nag-iingat sila na hindi ma-accuse yung mga news network na may pinipili dahil nga sa ginawa ng COMELEC. Sa national po kasi 7,100 islands, 100 million na Pilipino, kung hindi idadaan sa media, paano maipapaabot at malalaman yung plataporma namin.

Kaya agree ako dun sa political analysts na medyo boring daw ang 1st week kasi walang debate sa plataporma. Bakit walang debate sa plataporma? Kasi kailangan mo sumama sa UNA or sa Team PNoy. Pero kung labindalawa kayo, hindi naman kayo lahat mai-interview.

Sa stage 8 minutes ka lang magsasalita. Yung 8 minutes na yun hindi naman interview yun. Hindi diretso sa tao. Siyempre iba yung sasabihin mo sa interview na para sa buong Pilipinas. Iba din yung sa entablado kasi naka-address yun dun sa locality kung nasaan ka.

"Kung gusto ng COMELEC na gumanda ang takbo ng eleksyon, dapat respetuhin nila ang media at maglaan ng sapat na pondo para sa voter education."

Kaya kung gusto ng COMELEC na gumanda ang takbo ng eleksyon at ng plataporma: Number 1, respetuhin nila yung karapatan ng media. Number 2, Php224 Million ang pera ng COMELEC para sa education kaya akit kahit Php100 Million hindi sila bumili ng airtime sa lahat ng himpilan para magkaroon ng COMELEC airtime para sa debate.

Ang problema sinasabi ngayon, si Boy Bawal hinihingan nila ng libreng exposure sa mga network. May Php224 Million sila. 'Wag tayo dun sa panay eto bawal, eto poster, ang tingnan natin yung magandang plataporma at hindi mangyayari yan kung hindi magkakaroon ng debate sa media.

"Every one is doing their best in this campaign. This is what people want to see."

REPORTER: Kuntento ka ba sa pagpapatakbo ng kampanya ng Team PNoy?

ASC: Yes. I think both parties are doing their best. Kasi ang mamamayan gusto ka talaga makita. Gusto kang makamayan. Gusto kang makadaupang palad. Pero hindi mo maiikot lahat ng lugar.

Tulad sa akin, noong nakaraang linggo lang nagusap-usap pero matagal ng nagawa itong mga appointments na ito hindi ko nman pwede indiyanin ang mga ito.

Pero ang nakikita ko po, ang malaking susi talaga diyan ay magkaroon ng debate sa plataporma sa media.

News Latest News Feed