Press Release
April 17, 2013

Sen. Chiz Escudero at Team PNoy press briefing
Team PNoy Headquarters, Makati City

On air time of campaign ads ruling of the Supreme Court

Ginagalang naming yung desisyon, tulad na rin nang sinabi naming, mabebenepisyuhan nito yung mga maliliit na istasyon, radiuo man o TV, dahiul mabubuksan na yung pagkakataon na mag-advertise sa kanila yung mga kandidato, pero sa kabilang banda hindi rin maikakaila na mas lamang dito yung mas maraming pera na kandidato at dehado rito yung mas kaunti siyempre yung pera na walang kakayanan na mag-advertisement. Kami nga mismo yung 120 (minutes for TV) at 180 (minutes) for radio baka ni hindi namin maubos yon so kahit na dagdagan pa wala rin namang dagdag din sa amin. Kaugnay ng SQA (status quo ante) ng Korte Sumprema, pinag-aaralan din namin ang SQA kung ano ang ibig sabihin nito, baka humingi kami ng clarification sa Comelec. Kasi dahil SQA lang ito, status quo ante order, at hindi pa naman final yung dedisyon, papaano hypothetically kung mgdesisyon ang Korte Sumprema come June at sabihin nilang tama pala ang Comelec, bka mamaya may kaharapin yung mananalo na disqualification case dahil maliwanag lumampas sila don sa 120 at 180 ruling ng Comelec. I think we should bear in mind and emphasize the fact that in issuing the SQA the Supreme Court did not say there was grave abuse of discretion on the part of the comelec, SQA lang, so paano pag-June sabi nila tama ang comelec baka may isa o dalawang o tatlong abogado dyan na mag-file ng kaso for disqualification laban don sa mga nanalo dahil lumampas don sa oras. So we're seeking a clarification from that ruling as well, both in the SC and Comelec para malaman ano ba talaga ang ibig sabihin non. Better safe than sorry ang aming polisiya dyan.

Chairman Brillantes was so emotionally at nakapagbitaw pa na magreresign daw siya, reaksyon nyo rito

Well sana huwag naman, matatapos na ang eleksyon, ilang linggo na lamang, I hope he will finish what he's started. Bilang abogado sanay na kami dyan, you win some, you lose some, minsan nananalo ka sa kaso, minsan natatalo ka sa kaso. It's part of the game but we as lawyers were also taught whether you agree or not with the decision of the court that it's still part of the law of the land and you should respect and accept it. However, vehemently you may disagree with the ruling or logic or reason of the Court.

Kayo daw ho ang nagpadrino kay Lito Banayo based sa mga nagkalat na text messages

That is not true and as much as possible actually I don't want to react to black propaganda, text messages, but that is not true. And they also stated a flat out lie that the hearing linked me to it, that's not true as well. Siguro bahagi nay an ng mga naglilipana at naglalabasang black propaganda sa text at hanggat maaari nga sana, maliban na lang kung may magsasabing diretso, may mukha, may pangalan, msa magandang sagutin siguro kaysa magreact sa isang simpleng paninirang text messages. Just today this morning nakatanggap yata ako ng walong ibat-ibang text blast messages labas sa ibat-ibang kandidato, dalawa nga lang doon sa walo labas sa akin.

Nali-link din kayo sa multi-million peso sa rice smuggling

Again alam nyo hindi ko na alam kung paano sumagot eh, may black propaganda laban sa akin na mas pobre pa ako kaysa sa daga, may black propaganda naman na sobrang yaman ko, may black propaganda ako na may kinalaman ako sa ibat-ibang bagay. Para sa akin my record stands clear in so far as my 15 years in the public service is concerned. Isa sa mga adhikain at layunin ko malinis na pamamahala at tapat na panunungkulan. Wala silang mapapatunayan o maipapakitang pruweba sa anumang paninira na ginagawa po nila. Hamon kong binibitiwan pa rin, kaya nga nong nagsimula kami sa pangangampanya, magsubmit ng waiver, lahat ng kandidato para makita natin kung sino ang may tinatago. Imbes na insultuhin ako na nakatira sa townhouse. Sana ma-appreciate pa nga ng mga kababayan natin na ako lang siguro ang senador na nakatira sa townhouse kaya paano magiging totoo ang mga bagay-bagay na yan. Sino ba naman ang ayaw na tumira sa Forbes or sa malaking bahay kung kaya mo naman talaga at legal ang pinanggalingan ng pera at kinita mo.

Para sa mga voters, ano ang pakinabang nila sa SQA ng Supreme Court kung mas maraming mga political ads

Yes and no, kasi at least makikilala nila yun kandidato nila pero kung panoorin nyo yung mga advertisement ngayon halos lahat na yata sa ilalim ng araw pinangako, murang pagkain, mababang presyo ng langis, libreng edukasyon, halos lahat libre na. sana pagkatapos ng eleksyon tunay na madama at makita at mangyari lahat ng pinapangako sa tuwing may eleksyon. Siguro magandang paksa para sa media rin ipunin nyo ang lahat ng advertisement sa mga nagdaang eleksyon at tingnan natin kung alin-alin ang nagkatotoo at nangyari talaga dahil madalas kugn advertisement ang pagkukunan ng impormasyon siyempre galin sa amim yan, sa mga kandidato, mas magandang pagkunan ng impormasyon either debate or actual na platapormang pinag-uusapan na pwedeng matanong kung ano ang basehanm saan galing at paano gagawin.

Hindi ka ba mag-titake advantage sa desisyon ng Supreme Court para maghabol?

I cannot even finish or complete 120 minutes na prime time advertisement, sabi ko nga kanina kahit pa gawin ng Comelec na 500 minutes yan, baka hanggang 120 lang din kami, baka hindi pa kami lumampas o uambot doon, lalo na siguro yung iban gmga kandidato pa. Of the 33 candidates for the Senate I doubt if more than ten or even five can afford to place more than 120 minutes prime time on TV and radio. So para sa akin tanggap namin yon, that's how the cookie crumbles ikanga, that's how the ball bounces. Para sa amin we have to take every punch given to us and work with it the best way that we can.

Gaano kaimportante sa inyo sa pagiging mataas since madami ngang black propaganda laban sa inyo.

Madalas kong sinasabi 1,2, 12, 8 o 5 man, pareho lang naman ang suweldo, six years din ang term, senador din ang tawag. Kung gusto mong gumamit ng plaka, may plaka ka pa rin number 7. Pagalingan na lang siguro pagdating sa senado kaugnay ng trabahong gagampanan namin bilang kintawan ng sambayanan sa senado.

May ini-expect kayo na mas matinding banat sa last days ng campaign

Hindi ko na siguro alam, I think sky is the limit na lang siguro kaugnay ng mga pag-iimbento at anumang pambabatikos pero hindi na rin naman bago sa akin yan dahil una kong tumakbo, baptism of fire ko ikanga noong 1998, congressional seat lang sa malayong lugar ng Sorsogon ang tinakbo ko, lahat naman yan ay nabato na sa akin. Magnanakaw daw, bakla daw, addict daw, lasenggo daw, bastos daw, nabayaran daw ang mga titser kaya pumasa, pati sa Bar, lahat na rin naman yan nabato na pero ang totoo pa rin hindi mo maitatago, lalabas at lalabas pa rin yon. In fact most of these issues we did not even address or answer anymore because we're confident na hindi mo pwedeng lansihin, lokohin o pasakayin ang mga botante ngayon dahil sa lawak ng impormasyon na available sa kanya ngayon gamit ang Internet at makabagong media.

Ayon sa lahat ng survey na lumalabas anumang paninira sa kalaban o black propaganda hindi nakakasira don sa sinisiraan, nakakasira doon sa naninira. If you try to look at the surveys being conducted for the past five elections, yon ang sinasabi.

Nakakadagdag ba sa inyo yung isyu sa inyo ni Heart?

Hanggat maaari pinaghihiwalay ko yung personal na buhay ko sa trabaho ko, in fact I stated at the beginning of the campaign hindi ko isasama si Heart sa kampanya, yan yung ginawa namin, can you imagine kung sinama ko eh di may dagdag na namang ibabato sa kin. Hindi. Pilit kong hinihiwalay yon para hindi mabahiran yung ugnay, relasyon naming, hindi kami may gusto kung baki naisapubliko ito pero siyempre kinailangan din naman name, siya at ako, na sumagot. Pero nasabi na naming an gkailangan naming sabihin, sapat at tama na siguro yon. Kaugnay ng relasyon naming dalawa mismo, ito na siguro din ang pinakamabigat na hamon, pagsubok na pwedeng naming pagdaanan, sa ming relasyon, ang tingin ko rito kung malalampasan namin, sana malampasan naming siyempre siguro wala nang pwedeng ibaot pa ang tadhana o panahon o kahit sino pa sa amin na hindi namin kayang malampasan sa darating na panahon.

Nagkakausap ba kayo ng parents ni Heart?

Hindi. hinahayaan naming siguro na panahon na lamang ang makakapagbigay ng pagkakataon na magkaayusan pero siyempre nandoon ang kagustuhan namin na respeto, ang paggalang, nandoon pa rin sa kanila mula sa aming dalawa. Siguro hayaan na lang natin ang panahon na maghilom ng kung anumang sugat na nilikha nito.

Willing kayong makipag-usap sa parents ni Heart?

Mula-mula naman wala namang pagbabago doon. Gaya nga nang nasabi ko hayaan na lang natin ang panahon na maghilom ng kung anumang sugat.

Reaksyon nyo na since 2012 nagli-live in na raw kayo at ikaw daw ang may-ari ng condo ni Heart, pati ang sasakyan niya

Sumagot na kami. Tama na siguro yon. Sumagot na ko, sumagot na si Heart, gaya nga nang nasabi ko, tama na yon. Kung pagtabihin-tabihin nyo na lamang ang mga sinabi masasagot na rin ang kanilang mga sinabi nong nauna nila sinabi. Nong una nais nila kaming paghiwalayin, ngayon hindi naman pala daw kami. Anong paghihiwalayin mo kung hindi pala naman kami. So hayaan na lamang natin yon. May mas mahalagang bagay na dapat at pwedeng pag-usapan kaugnay ng halalan at eleksyong ito maliban sa personal na buhay ng ibang tao.

But this distracts you?

Well definitely, tao lang at walang pusong bato, hindi bato ang puso ko, siyempre maaapektuhan ka rito lalo na kung nakikita mo yung kasintahan mo apektado dito, pero gaya nang nasabi ko hamon at pagsubok ang tingin namin dito, sana malampasan naming at kung malalampasan namin, siguro mas magiging matatag ang samahan namin.

Reaction nyo sa desisyon ng Supreme Court na isang representative lang dapat sa JBC from House at Senate?

Ginagalang at tinatanggap ko yung desisyon ng Korte. In fact nong una silang nagpalabas ng desisyon, if you remember, hindi ako nagparticipate sa interview ng mga applicant for chief justice, si Congressman Tupas lang ang nagparticipate, bilang paggalang sa naging desisyon ng Korte. Matapos non sinabi sa amin ng JBC at ni Chief Justice Sereno na habang may MR okay lang na dalawa uli kayong um-attend kaya nag-attend uli ako, ngayong may desiyon ulit, ginagalang at tinatanggap ko yan. Ang panawagan ko siguro dapat magpulong sa lalong medaling panahon ang mga lider ng Senado at ng House para mapag-usapan kung papaano at kung sino ang kakatawan sa Kongreso at sa institusyon, meaning both House and the Senate, doon sa JBC. Kung sino man ang mapipili nilang kinatawan, mula man sa House o sa Senate, susunod, gagalangin at tatanggapin ko rin yon.

Would you seek endorsement of religious groups at comment na hindi kayo included sa White Vote Movement endorsement?

Karapatan ng bawat grupo na mag-endorso ng kandidato, pagdating sa religious group ang hiling ko lang, lalo na nitong nagdaang buwan at linggo, sana naman huwag magamit ang pulpito, ang sultana at ang relihiyon para dalhin at suportahan ang kandidatura ng sinuman. Bilang mga Filipino may karapatang ang bawat isa, pari man o hindi, na sumuporta ng kandidatura ng isang kandidato. Sana paghiwalayin na lang natin yung opisyal na trabaho natin sa nais nating gawin kaugnay ng isang kampanyahan at eleksyon. Politics is always addition, siyempre anumang dagdag na suporta malaking bagay sa amin yon, anumang hindi pagbigay sa amin ng suporta malaking kawalan sa sinumang tumatakbo yon. Pero ano naman ang magagawa namin, hindi ko pwedeng baguhin ang prinsipyo, ang paniniwala ko para lamang maghanap at makakuha ng boto.

Sa initial six ng Lakas wala po kayo at sa El Shaddai wala kayo

Again hindi na siguro nakakagulat yon, sa initial list ng UNA nandoon ako at nilaglag ako, at least mas maganda siguro sa simula pa lang wala na agad kaysa naman isama na naman tapos ilalaglag pagkatapos. Okay na rin siguro yon, ginagalang ko yung desisyon ng Lakas, ginagalang ko yung desisyon ng anumang grupo. Nagpapasalamat kami sa nagpapahayag ng kanilang suporta at interest. Eleksyon lamang yan, dahil naniniwala ako sino man ang mananalo sa pagkasenador, senador pa rin sila ng bumoto sa kanila at ng hindi bumoto sa kanila. Senador pa rin sila ng sumuporta at ng hindi sumuporta sa kanila at obligasyon po namin kung saka-sakaling mananalo na pagsilbihan lahat ng tao, lahat ng grupo, kakampi man o kalaban ng nagdaang halalan. Pero may effort kayo na kumausap sa iba pang religious organization like Iglesia ni Cristo?

Hindi, wala kaming pag-uusap kaugnay sa bagay na yon, kahit sa El Shaddai wala rin kaming naging pag-uusap.

Kay Pastor Quiboloy nagpunta daw kayo?

Bago pa man ang eleksyon, magkaibigan kami ni Pastor. Iba sa sa pagiging religious leader nya ikanga, magkaibigan, nagkakilala kami, in fact, sa labas ng kanyang trabaho bilang lider ng kanilang grupo doon sa Davao.

Ano yung ini-expect nyo pang worst black propaganda?

Well hindi na ako magugulat pero isa lang ang titiyakin ko nauman ang lumabas sa panahon ng halalan you should always take it with a grain of salt dahil kung totoo talaga yan, matagal na sanang lumabas at napatunayan yan. Bahagi yan ng balck propaganda pero para sa akin doon sa nagpapalabas ng black propaganda masyadong maliit at mababaw ang tingin nila sa ating mga botante. Na sa simpleng text lamang o sa simpleng salita lamang o sulat lamang ng isang tao biglang magiging totoo na lahat yon, hindi naman siguro. Parang balewala yung 15 taon sa gobyerno naming kung saan pinagkaingatan namin ang aming pangalan, pinagkalinis namin ang aming paninilbihan para lamang masira ng isang text, ng isang kolumnista o ng isang pahayag mula sa kabialng partido, hindi naman siguro ganoon kadali o kabilis magawa yon.

Kamusta na kayo ni dating Pangulong Erap?

Hindi kami nagkakausap, huli kaming nagkausap bago pa nagsimula ang kampanyahan. Mula nang magsimula ang kampanyahan anumang nais iparating ni Pangulogn Estrada, ni Vice President Binay, nababalitaan na lamang namin sa pamamagitan ng media, ni text wala kaming natatanggap. Pero sa kabila non kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya, matatapos din naman itong kampanyahan at eleskyon, magkikita pa rin kami, pinagdaanan ko na yan, mag-iilang eleksyon na ba ako, apat na ako mismo ang kandidato, anim na ako ang supporter nong tumatakbo pa at buhay pa ang Tatay ko, nakita ko nang nangyari yon eh, masyadong emosyonal, personal sa panahon ng kampanyahan, pero pagkatapos, makalipas lamang ang ilang linggo o maikling panahon naghihilom din naman ang anumang paninira o sugat na ginawa o binitiwan. Dahil sa dulo mas maganda pa rin na kasundo mo ang lahat at wala kang kaaway.

Dalawa nga daw sa magulong mundoi ang politika at showbiz at pareho kayong nandoon

Parang nasa gitna ng dalawang batong nagbabanggaan. Maging ganoon pa man, pilit ko pa ring hinihiwalay yon, akala ko pa nga yung mga kuwento kaugnay sa bawal na pag-ibig sa teleserye lang, sana sa inyo na lang nangyari, hindi sa akin, maging ganoon pa man hinaharap naman namin at pilit pa rin naming pinaghihiwalay yon sa bot nang aming makakaya dahil walang kinalaman ang personal kong buhay sa trabaho ko, hindi yon nakakaapekto rito at hindi ko hinahayaang makaapekto ang trabaho ko sa personal kong buhay.

May pagkakataon ba na iniisip nyo na sana hindi na lang kayo nagmahal ng artista, may pagsisisi ba?

Kailanman hindi mo dapat pagsisihan, parang love advice. Kahit kailan hindi mo dapat pagsisihan kapagka ikaw ay umibig o umiibig.

Politically motivated ba yung nangyayari sa inyo ngayon?

Ayaw kong isipin, ayaw kong dagdagan pa, pero sa gulo ng mundo ng politika, madalas hindi na ako nasosopresa kaugnay sa mga kuwento, alegasyon o akusasyon dahil bahagi siya, nakakalungkot man na lumang politika hanggang ngayon nandirito pa rin sa piling natin ang lumang politika dito sa bansa kung saan hindi plataporma, hindi track record, hindi plano, vision o layunin ang mas madalas pinag-uusapan kundi paninira ng kapwa kandidato.

On US military bases, nasa Constitution daw yon

Well sinabi naman na ng Malacanang na panukala lang naman at kaisipan yon ni Secretary Gazmin, hindi yon seryosong proposal. Para sa akin nga mas pabor akong i-review ang Visiting Forces Agreement kung saka-sakali dahil sa dalawang bagay. Una sa criminal jurisdiction dapat maliwanag na may jurisdiction tayo at hindi sila pag may ginawang krimen ang sinumang US serviceman. Pangalawa klaruhin nga natin ang ibig sabihin ng "visiting," ang alam kong kasing bisita hindi palagi nandyan eh, ngayon lang ako nakakita ng bisita na 24 hours a day, seven days a week, 30 days a month, 12 months a year ay nandito sa Pilipinas. Hindi na ho bisita ang tawag doon, resident na ho ang tawag doon. We should do one of two things be true to the title of the agreement, talagang bisita lang sila, o baguhin na natin, Resident Forces Agreement na gawin natin para at least we call a spade a spade. Tinanong ko minsan ang isang kinatawan ng US Embassy tungkol dyan, sang sabi nya hindi totoo yan, "visiting" talaga sila kasi ibat-ibang sundalo daw yung nagpupunta rito, hindi raw permanenteng nandito, 365 days a year, pero para sa akin po ang Amerika at ang kanilang puwersa 365 days ay nandito in one year. Mag-iba man yung mukha, mag-iba man ang pangalan ng sundalo yung presensiya nila nandirito pa rin. Hindi ko sinasabing tutol ako roon, hindi pa ako handa sabihin yon, pero ang sinasabi ko lang magpakatotoo lang tayo, kung palagi silang nandito sabihin na lang natin Resident Forces Agreement. Kung bisita lang talaga sila rito, panatilihin nating Visiting Forces Agreement.

May plano kayong magseek ng higher position sa 2016?

Wala akong plano, pangarap meron. Ang pagkakaiba ng plano sa pangarap yung plano kailangang bayaran, yung pangarap libre at hindi mo kailangang bayaran. Unlike Vice President Binay, unlike Secretary Roxas perhaps, unlike Senator Estrada, unlike Senator Revilla, hindi sila nahaharap sa isang halalan ngayon 2013 kaya siguro mas may kalayaan silang mag-isip, magplano at maghanda kung mayroon man silang balak sa 2016. Ako nahaharap sa eleksyon sa 2013, I do not have that luxury, nakatutok lamang ako sa halalan ng 2013 sang-ayon sa simpleng kasabihan, "Huwag masyadong malayo ang tingin mo, baka madapa ka sa bato at lubak na nasa harap mo, lalo kang hindi makarating sa nais mong paroonan."

News Latest News Feed