Press Release
May 13, 2013

Press statement of Senator Revilla

Mariing kinondena ni Sen. Bong Revilla ang sukdulang panggigipit ng pulisya sa kanyang pamilya at taga-suporta.

Matatandaang noong Abril 6 ay pinagdadampot ng mga elemento ng PNP PRO-4A Regional Public Safety Battalion (RPSB) ang ilang mga supporter ng Lakas-Magdalo sa Trece Martires City.

Ilang linggo makalipas ay pinagbabaril ang isang Brgy. Captain na asawa ng konsehal kung saan 2 ang namatay. Isang ex-Brgy. Captain din ang pinagbabaril sa Cavite City at gayundin sa Dasmarinas.

Dalawang araw bago ang eleksyon ay pinagbabato ng road spikes ang harap ng tahanan ng mga Revilla. Napag-alaman na 'di umano ay mga pulis mismo ang nagtapon ng spikes.

May mga ulat ding natanggap na ang mga namimili ng boto sa Cavite ay may escort na elemento ng RPSB.

Kaninang umaga (May 13) ay tinangka ng pulis na pasukin ang tahanan ng mga Revilla matapos muntik maka-engkwentro ang ilang elemento ng NBI.

"Matagal na kaming humihingi ng ayuda sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno pero hindi kami pinakikinggan," ani Revilla. "Buti na lang at tumugon ang NBI, pero mukhang sila ngayon ang binabaliktad."

Dagdag pa ng senador na tila sine-set-up sila ng mga pulis nang pilit nitong palitawin na punong-puno ng mga armadong elemento gayung inalok naman niya ang mga ito na sasamahan niyang maglibot sa loob ng kanilang tahanan, na tinanggihan naman ng provincial director na si P/Supt. Alex Rafael. Ang gusto umano nito ay pumirma ng consented search waiver si Revilla, na hindi na nito sinang-ayunan.

Sa kasalukuyan ay pilit pang naghahanap ang PNP ng judge na mag-iissue ng warrant matapos itong tanggihan umano ni Judge Garcia ng RTC-Bacoor sa kawalan ng probable cause.

Libo-libong mga supporter ni Revilla samantala ang sumugod sa tahanan nito para ipakita ang kanilang suporta at kondenahin ang pang-aabuso ng mga pulis.

News Latest News Feed