Press Release
July 3, 2013

Full Transcription of Sen. Nancy Binay's Interviews, July 3, 2013

Question: Ma'am, balak pong imbestigahan ng senado ang mga water concessionaires kasi po pinapasa sa mga consumers yung mga income tax expenses nila, sangayon po ba kayo sa imbestigasyon?

Senator Nancy Binay (SNB): Yes, I support the position of Senator Recto who called for that investigation. I support yung mungkahi ni Senator Recto syempre as consumers dapat maprotektahan ang interests ng consumer. Katulad ko, ako ay isang customer din ng mga utilities kaya dapat maimbestigahan at dapat tignan kung nagkaroon ng ganoong pagpasa sa mga consumers.

Question: May specific area po ba na kailangang malaman, Ma'am?

SNB: i guess yung allegation na pina-pass on nila sa mga consumers yung pagbabayad ng tax. Question: Do you see any irregularity sa ganoong mga practice? SNB: Ako, sa ngayon, ay pinag-aaralan muna, together with my legal team kung talagang may basis yung ganung mga allegations.

Question: Ma'amn, the mere fact na yunbg Arroyo administration daw po yung nagbigay ng ganoong pribilehiyo sa mga water distribution concessionaire, sa tingin ninyo dapat ba ang Aquino administration, alisin na ang ganoon kasunduan na hindi paburado sa mga consumers?

SNB: Ako, at the end of the day, ang priority natin ay dapat nating protektahan ay ang interest ng mga consumer, whether Arroyo administration or Aquino administration, dapat patuloy nating binabantayan, bilang part of government, na protektahan ang interest ng ating mga kababayan.

Question: Sa tingin ninyo po ba yung MWSS, sila yung regulating body, do you think they should be subject to investigation?

SNB: I think doon sa hinaing ni Senator Recto, for sure, matatawag sila to explain kung ano talagang nangyaring transaction.

Question: Sa inyo po ba, Ma'am, makatarungan po ba ang gagawin nilang pagpapasa sa mga consumer sa dami na nang mga bayarin?

SNB: Ako, gusto ko munang marinig kung ano talaga ang napagkasunduan bago ako magbigay ng opinyon

Question: Dapat po bang pakinggan ang request ng family ng Filipina Drug mule nabibitayin na privacy para hindi na i-report kung nabitay ba o...?

SNB: I think so... Siguro pagbigyan na natin ang kanilang request ng privacy. Ang hirap ng pinagdadaanan nila. Ako., bilang isang nanay, napakasakit na alam mo na any time yung anak mo ay mamatay na.

Question: Ma'am, about doon sa finile na ninyo about E-violence against women, can you expound on this like what in particular should be regulated sa internet and you know these internet advocates are very cautious about their rights especially if these are violated.

SBN: Actually, I would like to issue a clarification about the bill na pinass ko na During thatbill Electronic Violence Against Women and their Children (E-VAW) bill. Alam nyo na we already have an existing bill, Violence against Women and Children Act of 2004. During that time, hindi nasama yung electronic violence, so yung bill na pinapass ko ngayon ay idinadagdag itong form of violence through new technology. Unang-una, this bill is not about what I have experienced during the campaign. Kasi kasama sa bill na ito, ang pwede magqualify dito ay kinakailangang may personal relationship yung nagcocommit ng crime. Kaya nakaspecify doon kung ex-husband, ex-boyfriend basta kailangang may personal relationship. Eh wala naman akong personal relationship kay Vice Ganda di ba? *laughs* So this is not about me. Nakakalungkot lang kasi parang tinitira na naman ako ulit na parang I'm trying to suppress the freedom. Ito ay another protection para sa ating mga kababaihan. Nakita ninyo naman yung mga nangyari these past years, yung mga posts sa internet ng mga sex videos? So ito yung protection nila, so they can have a way na makapagreklamo.

Question: Noong kampanya, binabanatan kayo na iniiwasan ninyo ang makipagdebate, ngayon po ba, handa na po kayong makipagdebate sa mga kapwa senador ninyo?

SNB: I think this is the proper forum for the debates. Syempre, pinasok ko na ito kaya handang handa na tayo ngayon.

Question: Ano po ang masasabi ninyo na planong pabayaang makapasok ang troops ng America at ibang kaalyado ng Pilipinas.

SNB: Dapat din nating bantayan kasi baka magkaroon ng violations, kasi nga pinasa na nga natin na hindi pwede yung mga bases so siguro at this time, gusto ko munang pag-aralan kung ano yung magiging terms of reference doon sa gaanong kasunduan.

Question: Terms? You mean yung "period of stay?"

SNB: I guess. Before I pass judgement, gusto ko munang makita kung ano yung kasunduan.

 

Second Interview before New Senators' Briefing

Question: Ano po itong briefing ninyo ngayon?

SNB: This is a continuation, kasi yung ibang nag-briefing sa akin sa NCPAG (University of the Philippines - Nationald Center for Public Administration and Governance), sila yung mga magbriefing ngayon. And as you know naman, last week, inikot na rin ako ni Senator Jinggoy sa different offices so siguro ito, it is a continuation kung ano ang set up ng senado.

 

Interview with TV5 (Meann Los Banos) and GMA 7 (Jam Sisante)

TV5:

SNB: Dapat sa tuwing pupunta ako sa Senado, I'm always "on air." Kaya tuloy-tuloy ang briefing ko at paikikipag-usap ko sa staff. Alam mo, nakakatuwa kasi yung mga senior senators, sila Senator Jinggoy, sila Senator Loren, pati yung ninong ko, si Ninong Frank, give me advices - on how to prepare myself dito sa bago kong trabaho.

GMA7: Naskahanda na po ba kayong makipagdebate sa mga "more veteran" senators? SNB: Oo, kaya nga tuloy-tuloy yung mga ginagawa kong preparations. Siyempre hindi naman ako sasabak sa ganoong sitwasyon kung hindi ko paghahandaan.

TV5: Ma'am, 15 bills po yung una ninyong finile. Ganoon po ba talaga ka rami iyon?

SNB: Ah, hindi. Kasi di ba, mayroong, first five, and then may first ten. Kaya iyon, naging 15.

TV5: ma'am, paexplain nga po ng kaunti yung proposed bill ninyo tungkol sa Rest Period for Female Employees, ano po ang laman po nito?

SNB: Actually, mayroon nang provision sa ating Labor Code na dap[at may rest period. Alam ninyo, noong campaign, naranasan ko na habang nagmomotorcade kami, minsan tatlong oras kaming nakatayo. Ang hirap! And atos think na naka-rubber shoes na ako di ba? Can you just imagine ang mga saleslady natin na, at a given day, nakatayo sila for seven hours na nakatakong pa. I guess, for them to become more productive, malaking tulong na makaupo sila kahit ilang sandali.

TV5: Yung bill na pong iyon, para sa mga anong empleyado po, Ma'am?

SNB: Para iyon sa mga saleslady sa mga mall, sa mga department store.

TV5: Ma'am, ilang minuto, at ilang oras po?

SNB: Ako, maximum ng 15 minutes or kahit bigyan sila ng stool man lang na makakaupo sila na kahit a few minutes lang na parang break lang nila. Di ba nakasaad naman sa Labor Code natin na dapat mayroon tayong break. So ito, mas specific lang kung ano yung mga break na makukuha nila.

TV5: Ma'am, 15 minutes for the seven hours?

SNB: Parang kung two hours silang nakatayo, may 15 mins or less na pahinga.

TV5: Ma'am, nakikita ninyo po ba na baka magreklamo yung mga mall?

SNB: Sana naman. Kasi yun ang expectations ko na yung 15 na bills na naipass ko ay sana man lang, tumulong yung 15 na yun, di ba?

News Latest News Feed