Press Release
July 23, 2013

Transcript of Interview of Senate President Franklin Drilon
with Korina Sanchez

Q What is the first thing in order as Senate President?

SP Unang una, kukumpletuhin po natin ang mga committee chairmanships. May mga ilan pa, isa o dalawang committee na hindi pa po nabuo, pero marami na pong committee na nabuo. Mamayang hapon, uumpisahan na ng Majority Leader ang pag-numbra ng mga chairmanship sa iba't-ibang committee.

Q So traditionally, kung sino po yung majority ruling party, yun po ang makakakuha ng committee chairmanships. Ganoon po dito sa pagkakataong ito na halos lahat ng mga importanteng mga committee ay mapupunta sa mga miyembro ng Partido Liberal?

SP Tama po yan Korina, sa atin namang sistema, kami po ang responsable at babatikusin kung hindi maipasa itong priority na mga agenda ng administrasyon, kaya karapat-dapat lamang na yung mamumuno ng komite yun pong aming ka-alyado at sa aming tingin ay makaka-deliver ng legislative agenda ng ating Pangulo. Yan po ang tradisyonal at sinusunod na patakaran kahit saang lehislatura, hindi lang po dito sa atin.

Q Ano po sa palagay ninyo ang magiging konsikwensiya sa minorya? Sa palagay po ninyo magkakaproblema sa Senado?

SP Hindi naman siguro, naiintindihan naman nila yan, na ganoon talaga ang tradisyon at ang parliamentary system natin na kung sino ang nasa mayorya, siya ang may sagot sa legislative agenda ng administrasyon. Naiintindihan po nila yan dahil mahirap naman, halimbawa sa nakaraang kampanya, puno ng batikos ang administrasyon tungkol sa mga polisiya, tungkol sa mga programa. Mahirap naman sa kanila na bigla na lang ika-campaign sila ng administrasyon at magtutulak sila ng mga polisiya na binabatikos nung halalan. Sila po ay nasa oposisyon, babantayan po nila at titingnan po nila kung maayos ang programa na sinusulong ng administrasyon. Natural po yan sa demokrasya at hindi po yan bago sa ating sistema.

Q Meron na po bang shortlist ng mga pangalan?

SP Meron na. Hindi pa kumpleto. Mamayang hapon may ilan nang mga komite na isasalang for purposes of chairmanship sa plenaryo. Hindi pa lahat, ngunit marami na pong mga komite ang nabuo.

Q Sa palagay ninyo, yung inyong bagong Blue Ribbon chairman, hindi pa rin niya iimbistigahan yung tungkol sa mga PDAF?

SP Ang posisyon ko po diyan sa PDAF, mahirap po na kami ang mag-imbistiga dahil sa maliwanag ang aming conflict of interest pagdating sa PDAF. Kahit ano pa po ang resulta ng aming imbestigasyon, hindi po maniniwala ang taong bayan dahil sasabihin nila, sila-sila lang ang nag-iimbistiga ng sarili nila. Kaya sa atin po, ipaubaya ko na sa NBI, ipaubaya ko na sa Ombudsman, at sa Department of Justice. Patapusin muna natin silang mag-imbistiga at pagkatapos, kung sa tingin natin ay hindi sapat o may kailangan pang panukalang batas na kung saan ating dapat itulak dahil sa resulta ng imbestigasyon, atin pong gawin, ngunit sa ngayon, hayaan na natin at ipa-ubaya na natin sa independent agencies ang pag-imbistiga nitong PDAF na ito. Lalo na po sa Office of the Ombudsman dahil yan ay Constitutional body, wala pong pwedeng magsabi o mag-bigay ng direksyon kung ano ang gagawin sa imbestigasyon.

Q Sa palagay po ninyo, dito po sa Majority, nagkakaintindihan na po ba kayo kung ano ang mga major na kailangang isulong at maipasa dito po sa Kongresong ito?

Meron na po at aking binanggit kahapon. Isa po dyan yung monopoliya ng ating shipping industry dahil sa yan ay walang capital na pumapasok. Ang dahilan po dyan ay medyo masyadong mataas ang bayad sa ating mga kargo at ito po ay makakaapekto sa ating ekonomiya. Alam mo ba Korina, kung magkarga ka ng palay mula sa Cotabato hanggang Maynila, mas mahal pa po ang bayad kaysa mag-imbak ka ng palay o bigas mula sa Thailand. Kaya dahilan po sa ating inefficiency sa shipping industry. Domestic shipping.

Q Both cargo and passenger?

Both cargo and passenger but principally cargo dahil yung passenger po ay other than the cruise lines, yan po ay nasa eroplano na. Yung cargo po ay malaki po ang presyo ng handling ng ating cargo. Malaki pong bagay sa ating ekonomiya sa presyo ng ating bilihin. Kaya importante po na we become more efficient. This will become more efficient if we introduce competition. Yan po ang isa sa mga bagay na titignan natin agad. Kasi alam mo Korina, isa sa mga problema naming sa Senado at Kongreso ay hindi po makakarelate ang taongbayan sa aming mga ginagawa na itong mga polisiya na aming gagawin ay makakatulong sa trabaho, sa pagbigay ng mga trabaho sa ating mga manggagawa, pag-unlad ng ating ekonomiya para makatulong sa pag-unlad n gating buhay.

Q Maliban po dito sa shipping, ano pa po?

Yung sa mining po. Hindi po umuusad yung ating mining industry dahil po sa yung batas natin ay masyadong maliit yung buwis na nakukuha ng gobyerno. Malaking bagay po yan kaya po taasan natin ang excise tax sa mining at isa po yan sa reporma na ating gagawin. Yun pong mga industriya naman po na nakakalusot dahil sa mga buwis na binabayad nila, medyo nakakalusot na pioneer kaya meron silang mga pribilehiyo na di dapat ibigay sa kanila at kaya dapat magbayad sila ng buwis para lumago yung ating koleksyon sa ating mga buwis. Isa pa po ay yung Organic Act sa Mindanao. Alam naman natin na merong usaping pangkapayapaan sa Southern Philippines at ARMM. Ang resulta po nito ay kailangan isabatas natin ang pagbabago na ating gagawin sa pamahalaan ng ARMM at kung magkano ang sharing ng National Wealth. Yun po ay ilagay natin sa batas and I expect that magkakaroon ng debateng matindi pagdating sa Senado.

Q Pero pwede naman po lumabis o magkulang po dito sa inyong mga plano, yung mangyayari sa isang buong Kongreso?

Yes. Yun po ay indicative list lamang. Ang bawat senador ay may sariling agenda yan. Yun po yung sinasabi nating common legislative agenda.

Q Sir, your relationship with Congress, ano po yung inyong prediksyon tungkol sa ugnayan ng gustong mangyari ng majority dito sa Senado sa mababang kapulungan?

Kami po ay magkasundo ni Speaker Belmonte. Hindi naman po magkalayo ang aming tinitignan na mga batas at ang aming layunin na palaguin an gating ekonomiya ng mas maraming hanapbuhay ang ating mga manggagawa.

Q Do you predict anything controversial in any of the bills you intend to pursue?

Alam mo naaalala ko yung mga sinabi sa akin nung mga nauna sa akin sa Senado. There is no such thing as a simple bill in the Senate. That is how the Senate operates.

Q Kamusta po si Senator Enrile?

Mabuti naman. Kahapon po ay ibinoto ko po siya at binoto din po naman niya ako.

Q Ganun po ba ang tradisyon?

Opo.

News Latest News Feed