Press Release
August 27, 2013

Transcript of interview in the Senate

On budget hearing

... para sa gayon malapit na tayo sa pinatutunguhan nating line-item budgeting para sa kada ahensiya ng pamahalaan. Dagdag pa dito, sa kaunaunahang pagkakataon din nandito ang CoA na nagbabantay sa ahensiya, partikular para magkasingilan na dahil minsan winawalis lamang sa ilalim ng rug yung findings ng CoA na naka-lima, sampung taon na yung findings nandoon pa rin at wala pa ring aksyon.

Sir anong gagawin sa P25 billion?

Pagdedesisyunan pa yan ng Senado sa mga susunod na araw at linggo, malamang pagdating na ng plenary debates, in fact isa yan sa dapat i-settle one way or the other ng Senado, partikular base, bugso ng mga resolusyon, kabilang na ng sa akin, kaugnay sa abolisyong yan.

Ano yung option nyo sir?

Depende sa pagbobotohan ng Senado, unang option siyempre i-abolish, iawas sa budget. Pangalawang option i-abolish, ire-allocate sa ibat-ibang departamento o sa isang departamento o proyekto lamang. Pangatlong option na nilabas na rin ng ilan sa aming kasamahan, linisin, ayusin, tanggalin yung nirereklamong mga probisyon at i-line item. Hindi ko pa alam kung anong nasa loob ng mayoriya.

Ano sir ang gusto nyo?

Naghain ako ng resolusyon para i-abolish.

Yung natitira sa 2013 na hindi nyo magagamit, anong mangyayari?

As of now ayon kay Senate President Drilon hold muna yon hanggat hindi naglalabas ng guidelines o panibagong guidelines kaugnay nito ang Pangulo. Desisyon ng kada mambabatas kung mag-aavail sila doon.

Hindi yon isasauli sa national (government)?

Hindi sa isinasauli yon, either hindi i-expend or aantabayanan yung mas istriktong guidelines bago yon ma-expend, wala pang desisyon ang Senado tungkol dyan.

Assessment nyo kahapon sa rally?

Nagpapasalamat ako naging mapayapa ang pagtitipong yon, karapatan ng bawat mamamayan na gawin yon at para sa akin dapat dinggin ng mga naninilbihan sa pamahalaan ang panawagang yon kaugnay ng pork barrel.

Na-pressure ba kayo sir sa mga tao?

Bago pa man ang rally naghain na ako ng resolusyon so hindi siguro aplikable sa akin kung anumang pressure meron.

Sinasabing hindi naman talaga abolition, iibahin lang, irereformat?

Yon ang panukala ng Malacanang pero hindi pa naman pinagpapasiyahan ng Kongreso yon, iba ang panukala ko kaugnay ng aming resolusyon.

Kailan idi-discuss kung anong gagawin sa P25 billion?

Ni hindi pa narerefer yung aming resolusyon kasi nagbagyo last week at hindi pa rin nag-uusap yung mga senador at pinagbobotohan ang bagay na yan. In the course of the budget deliberations, hindi pwedeng maaprubahan yung budget nang hindi na-sessettle yung isyung yan, one way or the other.

Iko-consider muna sir yung mga resolusyon?

Kabilang yan sa mga ikokonsidera, pwede ring hindi, pwedeng diretsong pagbotohan na dahil pinag-uuspan din naman yung budget at bahagi yan sa pagbobotohan namin.

Anong way para hindi bumagsak ang (inaudible)

Hindi naman kasi may mga lump sum allocations na mahirap naman talagang i-unbundle kabilang na halimbawa ang calamity fund ng Pangulo, paano mo naman sasabihin kung paano mo gagastusin yan eh hindi pa natin alam kung anong kalamidad ang tatama sa atin sa darating na taon. Malawak naman ang pang-unawa ng Senado kaugnay nyan, ng inyong committee kaugnay nya, pero hanggat maaari ila-line item namin lahat ng pondong lump sum na makikita naming bilang pagtugon sa panawagan ng ating mga kababayan.

Balik tayo sa PDAF , yung people's fund at taxpayers' fund saan ina-allocate?

Ginagawa na yon sa ngayon in so far sa P20 billion of the budget is concerned, yung bottom-up budgeting, kinunsulta yung POs, NGOs, LGUs, ano ba ang pinakamagandang proketong gawin sa inyong munisipyo bilang poverty-reduction project. Ginawa na yan in so far as P20 billion of our budget is concerned. Malaki na yung in-increase mula sa nagdaang taon. And from 500 plus municipalities, 1,226 municipalities halos lahat na ang covered ng BUB (bottom-Up budgeting) na ito.

News Latest News Feed