Press Release
September 24, 2013

Transcript of DZMM Interview of Senate President Franklin M. Drilon

On the continuation of the Senate Blue Ribbon Committee hearing on the PDAF scam

Q: Tuloy po ba ang hearing mamaya sa Senado?

SP DRILON: Sa pagkakaalam ko, tuloy. May notice po na alas-nuebe kung hindi ako nagkakamali. Kahapon may natanggap akong sulat galing kay Secretary of Justice Leila De Lima na yung mga testigo ay mga testigo sa kaso sa Ombudsman, kaya sinasabi niya na baka hindi pwedeng iharap sa Senado yung mgatestigong nabanggit doon sa kaso doon sa Ombudsman.

Kahapon, mayroon din akong natanggap na request for a subpoena from Senator Guingona para naman kay Mrs. Napoles sa supposed to be may scheduled hearing sa Huwebes. Kaya ang aking ginawa, humingi ako ng advice sa Office of the Ombudsman kung ito ba ay pwede naming gawin given the fact that under the Ombudsman Act, bawal po ang publicity sa mga kaso na nakabinbin kung makakaapekto sa paglilitis ng kaso sa Ombudsman or makakasama doon sa mga nasampahan ng kaso. Kaya hiningi ko ang advice ng Ombudsman at hiningi ko na kung pwede sa lalong madaling panahon ay mabigyan kami ng abiso kung pwede ito.

Q: Sa kabilang banda, yung impresyon na pwedeng likhain nito na baka ilang senador ayaw talagang paharapin si Napoles kasi baka magkapahiyaan?

SP DRILON: Hindi po sa ayaw, kasi may batas po. Kung sabihin ng Ombudsman na pwedeng hindi makakaapekto sa Senado, agad-agad iissue po namin yung subpoena.

Q: Assuming na hindi papayag ang Ombudsman, paano po ang magiging imbestigasyon?

SP DRILON: Hindi ko po alam ngunit marami po namang testigo. Unang-una, nakaharap na po yung isang whistleblower, si Benhur Luy. Pangalawa, yung mga implementing agency ay humarap na rin sa Senado at nagbigay na rin ng kanilang deklarasyon. Ito namang sa amin ay in aid of legislation at tinatanggap itong mga testimony para po makapag-decide kung ano ang karapat-dapat na polisiya na sundin tungkol dito sa pork barrel at kung ano ang gagawin para po hindi na maulit ito.

Q: Ito po ay tila naka-ugalian na. Nuon pong panahon ni Carlos Garcia, obviously may pending case siya sa Ombudsman pero siya ay pinaharap sa Senate investigation.

SP DRILON: Hindi ko po maalaala yung Carlos Garcia, alam ko na humarap siya noon. Hindi ko alam kung may kasyo na siya sa Ombudsman noon, ang pagkakaalam ko yung kaso niya sa Sandiganbayan. Ito yung plea baragaining, although I wasn't a Senate President then. Ang pagkakaalam ko, si Carlos Garcia, nung dinala sa Senado yan, yung plea bargaining. Yung batas po ay tungkol sa Ombudsman, hindi sa Sandiganbayan.

On the Napoles NGOs

SP DRILON: Ang pagkaalam ko nito, ang resolusyon ay dahilan po sa Napoles NGOs ang tinutukoy doon sa resolution na isinampa na siyang nakapagbigay o paguumpisa nitong hearings sa Blue Ribbon. Sa palagay ko, kaya nangyari yan dahil sa dami, hindi naman maasikaso agad at mapaimbestigahan lahat, di po ba? Ito pa nga lang sa walong Napoles NGO. Kaya ganun siguro ang nangyari. Ngunit, there is no attempt to hide on any of this.

Q: Maari po bang sabihin natin na eventually pupuntahan din natin ito ng Senado para talagang maging malawak ang imbestigasyon at makagawa ng safeguard o anuman dito sa paggamit ng pondo ng gobyerno?

SP DRILON: Tama po yan. Eventually, aabot din don.

Q: Dito sa mga iimbitahan ng Senado, yung mga i-subpoena, so far si Napoles lang po ang hindi niyo pinipirmahan ng subpoena because of a pending issue, meron pa po bang iimbitahan like DBM o ilang mga posibleng makapagbibigay liwanag sa release ng funds nito?

SP DRILON: Si Undersecretary Mario Relampagos ay humarap na po sa Blue Ribbon noong nakaraang hearing, nung una po, kaya wala na po yung DBM dyan.

Q: Yun pong Malampaya fund, ano naman po yung gagawin dito ng Senado sa report na ito ay pinagsamantahalang pondo?

SP DRILON: Kung merong resolution yan, iimbestigahin din ng Blue Ribbon. Pero sa ngayon po, wala pang resolution na finifile.

Q: Kelan po ang bakasyon ng Kongreso?

SP DRILON: Sa Biyernes po ang aming legislative calendar mag-break dahilan sa traditionally ito po ay pagkakataon na tatapusin ng House of Representatives yung budget for 2014. Ibig sabihin, approved na nila on second reading pagkatapos gagawin na nila yung final copy at dun iisa-isahin yung 2014 General Appropriations bill para makarating sa Senado by October 13. Yun ay para matapos bago matapos ang taon. Yun po ang traditional na break for purposes of finalizing the budget in the House of Representatives.

Q: Nainterview po kanina si dating Congressman Buboy Syjuco at meron siyang binabanggit na pagkaka-kaso sa inyo ng plunder sa usapin daw po ng construction ng Hall of Justice sa Iloilo noong 1991 nung kayo po ay nakaupong kalihim ng DOJ. Are you aware of this case?

SP DRILON: No. I am not aware. This is the first time I am hearing it (the plunder case), 22 years ako. Kung 1991, ako po ay, kung hindi ako nagkakamali, ay Executive Secretary. Clearly, it is a case of malicious political harassment na isinampa ng taong natalo sa election amin sa Ilolilo. Siya mismo ay humaharap sa Sandiganbayan for overpricing ng TESDA supplies. Malisyoso ito at walang basehan, nakalulungkot na binibigyan ng publicity. Kitang-kita, on its face, na political harassment by someone who is a discredited politician rejected by the Ilonggos last election. He, himself, is facing graft charges before the Sandiganbayan for overpricing TESDA supplies.

After 22 years, ang nangyari, ginagawa ngayon dahil sa nakaraang lindol at may certification ang DPWH na it's structurally sound. In fact, malapit nang matapos. Pinag-usapan, maraming debate, pero pinakita ng DPWH na walang deperensya ang structure.

Kami naman ay handang harapin at ito ay maliwanag na malisyoso, political harassment. Tinyempo sa pinag-uusapan ngayon na PDAF. Sinama ito, 22 taon na ang nakararaan. Ito ay inaayos dahil sa nakaraang lindol, subalit may certification ang DPWH na structurally sound at matatapos na bago matapos ang taon ang nasira dahil sa lindol.

News Latest News Feed