Press Release
September 29, 2013

Transcript of Interview of Senate President Franklin M. Drilon
DZBB with Nimfa Ravelo

Q: On additional allocation to senators under the DAP

SP DRILON: Una siguro, liwanagin natin. Nagamit ba nang tama ang karagdagang pondo na nanggaling sa Disbursement Acceleration Plan (DAP)? Yung P100 milyon, natanggap ko po iyan. Ito ay ginamit ko para sa infrastructure projects sa aming lungsod sa Iloilo dahilan sa kami ay mag-bi-bid para mag-host ng APEC ministerial meeting na gagawin kaagad sa 2015. Noong 2005, 2006, at 2007, wala pong infrastructure projects of any significance sa amin sa Iloilo. Mag-bi-bid kami pero wala pa kaming maayos na kalsada, convention center. Kaya hiningi ko iyong pondo under the DAP ng gobyerno para magkaroon ng infrastrucutre para sa turismo to boost out opportunity to host the 2015 APEC.

Ito ay galing sa DAP na binuo dahilan ang batikos ng mga economist noon sa pamahalaan ay underspending, mahina gumasto kaya ang GDP noon ay mababa, nasa 3.6% as against our target na 6 to 7%. Kaya binuo itong DAP para tugunan itong sinasabing underspending. Sa akin, ito ay tinanggap ko at ginamit ko sa tama, inilagay ko sa infrastructure projects para sa Iloilo dahilan sa gusto naming mag-bid sa 2016 APEC ministerial conference. Ang pondo ay hindi diretso sa akin, kundi sa DPWH na siyang nag-implement ng mga proyekto natin sa Iloilo.

Mismo si Sen. Jinggoy ang nagsabi na hindi po ito bribe. Kung ginamit para sa influence, walang logic dahil ginamit at ni-release ito pagkatapos ng trial at conviction ni Corona. Ito ay binigay sa mga senador na may programa. Kahit si former Sen. Arroyo - na bumoto para sa acquittal ni Corona - meron ding pondo na galing sa DAP. Siguro may hiningi rin na proyekto kaya nabigyan. Ito ang huwag nating kalimutan. Ito ba ay ginamit sa tama o binulsa.

Ang tanong: ito ba ay ginamit sa tama? Pangalawa, ito po ay dahil sa mababa ang spending program kaya naapektuhan ang ating GDP. May masama po ba kung ito ay pinagbigyan kung sa tama naman ginamit? Sa aking, walang infrastructure projects na ni-release sa Iloilo ng tatlong taon mula 2005 hanggang 2007. Kayo po, may branch station manager kayo sa Iloilo, pakitanong po doon kung ano ang ginagawa namin sa Iloilo.Uulitin ko, walang logic na this influenced the Corona vote dahilan ito ay nangyari pagkatapos. Si Jinggoy sinabi rin na hindi ito bribe.

Q: Una muna, Sir, kino-confirm ninyo po na mayroong DAP? Noong una kasi dine-deny pa ni Sec. Abad. Pakipaliwanag, bakit kailangan itong DAP?

SP DRILON: Ito po ay ginawa dahil noong 2011, 2012, upang matugunan ang sinasabi ng mga economist tungkol sa underspending, na mahina gumastos ang pamahalaan. Tanong ng taumbayan: ano kung mahina? Kapag mahina ang paggastos ng gobyerno lalo na sa infrastructure, naapektuhan ang paglago ng ating ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ay kasama ang gastos ng gobyerno; kapag hindi nabuo ang spending program, bababa ang ekonomiya. Noon, 3.6% lang ang ating nagging GDP, as against sa target na 6-7%. Kaya binilisan noong last quarter ng 2012 para maabot natin ang expansion n gating ekonomiya. Ang importante: ginamit ba ito sa tama? Walang nagsasabi na mali ang paggamit kasi ito ay mostly infrastructure at hindi livelihood program. Ito po ay nakatulong sa ekonomiya. Sa tingin ko basta tama ang paggamit hindi masama iyon. Kahit sino naman pwede mag-propose, kung tama pagbibigyan.

Q: Bakit kinailangan na sa Senador ito ibigay? Bakit hindi sa agencies?

SP DRILON: Unang-una, yung sa akin sa DPWH po pumunta iyan dahil infrastructure projects.

Q: Bakit hindi po idineretso sa mga agencies?

SP DRILON: Dahil karamihan sa mga programang ito ay wala sa budget. Wala naman sa programa ng ahensya na mag-bi-bid kami sa Iloilo sa APEC.

Q: Hindi namin narinig itong DAP na kasama sa GAA, ito ay decision ng budget secretary?

SP DRILON: Ito ay mga items na hindi nagastos o nagamit. Halimbawa, mayroong appropriation para sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund, pondo para sa retirement sa gobyerno. Paano kung hindi nag-retire ang mga empleyado, ito po ay magiging savings at pwede i-realign. Sa Unprogrammed Fund sa 2012, yung sources of funds ay yung dividends ng GOCCs; kung lampas sa programa yung nagging dividends, sayang naman na ilagay mo lang sa bangko. Diyan po nanggaling at nabuo ang DAP para yung mga hindi nalalagyan ng pondo dahil sa deficit, pwede nang pondohan. In other words, savings po iyan.

Q: Paano na-determine? How were you informed na may DAP?

SP DRILON: Depende sa pangangailan. Halimbawa, sa Iloilo kailangan namin ng convention center at mga kalsada to boost our opportunity to host the APEC in 2015, kailangan namin ng pondo para diyan, iyan ay case to case basis kung ano ang pangangailangan.

Q: Sir, ano yung sinasabi na confidential memo?

SP DRILON: My memo simply said please submit projects worth P50 million. Wala namang masama roon.

Q: Bakit kailangang may tatak na confidential?

SP DRILON: Confidential man o hindi, ang importante ay kung paano ginamit. Yung sulat ay request pa lang, kung hindi po pinagbigyan, e di wala rin. Ang importante ay kung nagamit nang tama.

Q: Sir, bakit may ceiling na P50 million?

SP DRILON: Yung ceiling hindi naman sinunod. May mas mataas, may mababa.

Q: Would you know may actual releases?

SP DRILON: Hindi ko alam dahil hindi ako binibigyan ng kopya ng mga releases.

Q: Sa insinuation na ito ay bribe. Kung sa 2012 natin ipapako, bakit yung tatlo na bumoto against the impeachment of Corona, walang releases under the DAP?

SP DRILON: Ang ibig mo bang sabihin na-bribed si Enrile? Sinabi ni Sen. Jinggoy na hindi ito bribe at bumoto siya in accordance sa kanyang kunsensya at dahilan sa kaniyang tingin na tama ang kanyang decision. Si Jinggoy na nagbunyag nito sinabi niya na hindi ito bribe at binigay ito after the vote. Walang releases during impeachment precisely to avoid this insinuation.

SP DRILON: Sa akin lang po: nagamit ba nang husto? Kanya-kanya kaming pananagutan niyan. Sa panahon ngayon, kapag tumanggap ka ng pork, ang tingin ay masama na. Dahilan po diyan, doon sa bilang ng pahayagan, 15 senador na ang nagsabi na pagdating na 2014 amin nang will totally and without any condition give up the PDAF in response to the clamor of the public. Ako po ang mangunguna sa pag-abolish sa Senador dito sa repormang na sisimulan natin sa 2014 budget. I have been open about this. Ang aking PDAF has always been put to good use. Ganunpaman, I will lead the Senate in this reform agenda by starting with the abolition of the PDAF in the 2014 budget. Just to put on record, bukas naman ang aking paggamit ng PDAF. Kasama ang FFCCII, 1,600 na ang classrooms na napatayo. Maliban diyan, yung medical assistance sa mga government hospitals. Lahat po iyan ay naka-record at bukas sa publiko.

Q: Clarification lang po, lahat po may memo na galing sa inyo?

SP DRILON: Hindi ko maalala kung nabigyan lahat, ngunit doon sa press release ng DBM, lahat ay nabigyan maliban kay Miriam at kay Marcos. Sang-ayon sa release. Hindi ko alam what is on record.

Q: Ngayong taong may DAP po ba?

SP DRILON: It's a judgment call on the part of the DBM and our economic managers. Depende sa budget department kung sa tingin nila ay kailangang ituloy ito dahil hindi nagagastos o na-fulfill yung government spending program. They will determine kung kailangan mag-relaign in order to accelerate spending dahil yung paglago ng ekonomiya kasama roon ang paggastos ng pera ng gobyerno sa tamang paraan. Yung DAP kasama sa programa para mapalago ang ating ekonomiya.

Q: Sir, datin ng kayo ay Finance chair, pinapagalitan ninyo yung DPWH dahil sa underspending...

SP DRILON: Tama po iyan buti naalala mo. Noong akong Finance chair, tinitingnan ko ang programmed expenditure, lalo na sa DPWH. Yung 2011, talagang pinapagalitan ko sila dahilan sa hindi nila nagagastos yung pera na dapat gastusin. Hindi maganda na ilagay sa savings o bangko lang dahil walang nagagawang trabaho, economic activities kapag nasa bangko lang.

Q: Noong panahon ni Arroyo, ingat na ingat naman kayo sa paggamit ng pondo. Ano ang kaibahan noon?

SP DRILON: Tama po iyan. Ang pagkakaiba ay maliwanag. Ang pagkakaiba ay hindi ginagawa ang proyekto noon kundi binbulsa. Sa budget noon, may mga budget para ilog sa buong bansa for dredging, ngunit walang dredging na nangyari. Ang implementasyon noon ay mali. That's the big difference.

SP DRILON: Yung DAP po para sa buong pamahalaan. During the trial, walang releases. After the trial, nag-release kasama ang DAP dahilan sa kailangan nating humabol tayo sa infrastructure spending upang matugunan ang sinasabi ng mga economists na underspending. Hindi lang po ang senador ang nag-suggest. Yung LGUs meron ding infrastructure programs to meet our spending program. Yung mga GOCCs nabigyan din ng karagdagang pondo under the DAP.

Q: Does DAP follow government auditing rules?

SP DRILON: Iyan ay programa at sa implementasyon ay dapat tuparin ang lahat ng government auditing rules. Hindi ibig sabihin na may DAP, hindi na susundin ang auditing rules. Ang issue rito at tama ba ang paggamit ng pondo which were made available under the DAP.

Q: Paano i-disabuse ang isip ng taumbayan sa ganitong issue?

SP DRILON: Sana naman buksan ang ating pag-iisp at pakinggan ang paliwanag. Hindi naman ibig sabihin na kung may ni-release na pondo ay binulsa. Ang issue ay ginamit ba nang tama at sumunod sa auditing rules. Naniniwala ako na nag-iisip ang taumbayan; Nguni dahilan sa perception na ito, pagdating sa 2014 budget, nabasa ko sa pahayagan na mayroon ng 15 senators who have decided to abolish their PDAF. Pangungunahan ko po. Si Sen. Legarda, sinabi niya sa akin na ayaw niya sa P200 million at makababa ito sa ating deficit. Si Sen. Sotto, nagsabi rin na hindi na siya kukuha ng P200 million. Kami na po ang mangunguna sa reform agenda para mawala na ang agam-agam na kapag may PDAF ka, mayroong hindi mahusay na pangyayari. Ang ibig sabihin nito kapag tinanggal namin yung PDAF, bababa yung deficit natin.

Q: On the subpoena to Napoles

SP DRILON: Dahil sinabi ng Ombudsman that we would advice that at this time, sa ngayon, huwag munang pasalitain si Napoles.

Ako naman, sinabi ko nga I would rather exercise prudence and caution. Kung nagkamali man ako, on the side of prudence and caution. I deferred to the request of the Ombudsman na sa ngayon huwag muna kaya ni-refer ko muli yung request ni Sen. Guingona. Kahapon, nakita ko sa pahayagan, ayaw ng abugado ni Napoles na humarap si Napoles sa Senado.

Q: Tingin ninyo po suportado naman kayo ng majority?

SP DRILON: Ako naman, sa Senado naman ay majority rules, kung ano ang pagpapasyahan iyon ang masusunod.

Sa palagay ko naman naiintindihan nila ng hiling ng Ombudsman na huwag muna ngayon pasalitain si Napoles.

News Latest News Feed