Press Release
January 27, 2014

SPEECH OF SENATOR GRACE POE
23rd PNP Foundation Day
27 January 2014 (Monday)
Camp Crame, Quezon City

GREETINGS / SALUTATIONS

Una sa lahat, gusto ko po batiin ang ating makisig na Chief PNP, si Director General Alan Purisima.

Sa lahat nang mga nandirito, magandang umaga po sa inyong lahat.

Isa pong karangalan ang maimbitahan sa inyong 23rd Foundation Day.

OPENING REMARKS

Isa sa mga paboritong role ni FPJ, ang aking tatay, ay maging isang pulis kaya parati ko pong binabanggit ang kanyang alaala tuwing ako'y naiimbitahan ninyo. Di ba nga parang na-"type-cast" na siya bilang pulis? Sino ba dito sa inyo ang hindi pa nakapanood ng "Isang Bala Ka Lang" or "Kapag Puno Na ang Salop" or "Muslim Magnum .357?" Sigurado ako na may iilan siguro dito sa inyo, noong bata pa kayo, inambisyon maging pulis pagkatapos mapanood ang mga pelikula kung saan bida ang mga pulis.

In most of his films, my father would usually play the role of a "crusading cop" who fights single-handedly big-time crime syndicates, corrupt politicians and hoodlums-in-robes. At di ba ang palaging ending, patay lahat ang masasamang loob at wagi si FPJ.

Sa pamamagitan ng kanyang sining, binigyan niya tayo ng larawan ng isang huwarang pulis. Si FPJ bilang huwarang pulis ay mabait at matulungin sa kapwa; matapang pero maginoo; tahimik lang pero lumalaban kapag inaapi; umiiwas sa gulo pero matinik sa bakbakan at mabilis sa barilan; tapat sa tungkulin at di nasisilaw sa pilak; at higit sa lahat, "lapitin ng babae".

Laging patok sa takilya ang mga pelikula ni FPJ and he became so successful in portraying the good cop roles that Filipinos have come to regard.

Si FPJ ang naging imahe ng isang mabuting pulis sa pelikula, pero iba naman ang pelikula sa tunay na buhay. Alam kong napakahirap ng hamon sa ating mga kapulisan. Dapat sikapin niyong ipakita sa taumbayan na ang "huwarang pulis" ay hindi kathang-isip lamang at napapanood lamang sa sinehan. Each and every one of you must strive to uphold your oath to serve and protect our nation in order to convince our people that good cops do exist - not only in movies - but in real life as well.

And I think you have proven that time and again. Ipinakita naman ninyo iyan. Nakita ko ang mga ads ninyo na nakalagay "Mamang pulis, isang mabuting tao, pwedeng lapitan." Naniniwala akong hindi dapat katakutan ang ating kapulisan kung wala kang masamang ginagawa pero kung meron kayong kalokohang ginagawa ay dapat lamang kayong matakot. Ang disiplina ay napakahalaga, hindi pwedeng puro PR lang.

Yan ang lakas ng ating kapulisan, ang trabaho ninyo is to implement the law and to fight crimes. Di naman pwedeng parati na lang dehado kayo. Kaya ako bilang public order chair, iniisip ko ang kapakanan ninyo hindi lamang para sa trabaho ninyo kundi para sa pamilya ninyo. Isipin ninyong kakampi ninyo ako kung wala kayong maling ginagawa. Kaya lahat ng kahilingan ng inyong liderato kung sa tingin kong makakabuti sa pulis, isinusulong ko dahil nakasalalay sa inyo ang ating bayan.

SPEECH PROPER

Maraming kaibigang pulis ang tatay ko kaya napakaraming kuwento tungkol sa pulis sa kanyang pelikula. Marami sana siyang balak gawin para tulungan at mapabuti ang ating kapulisan. Pero kahit wala na si FPJ, nandito naman ako para ipagpatuloy ang plano niya at pareho lang ang aming paghanga at paggalang sa inyo.

Dahil nga malapit sa puso ni FPJ ang kapulisan, kahit nag-aalinlangan ako nang ibinigay sa akin ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay tinanggap ko ito ng buong puso. Buo ang puso kong tumulong sa inyo. This is what my father would have wanted me to do, and I believe that FPJ (wherever he is right now) must be smiling right now since, as head of the Committee on Public Order, I am now in a good position to help you.

Tuwing nag-uusap kami ni Chief PNP Purisima, sinasabi niya ang mga plano nya para sa PNP, such as the plan to implement a new Crime Reporting System and the thrust towards "specialization" in the service. Sabi ni Chief PNP sa akin, tatlo daw ang magiging "career track" sa serbisyo: "Investigative," "Administrative" or "Operations." Ang mga gustong mag-specialize sa field operations work puwede sa Operations Track; yung gusto namang mag "admin" or managerial work pwede sa Administrative Track; at yung gustong mag-focus sa detective work (a la "CSI") mapapasok sa "Investigative" career track. Each police officer must possess a specialized technical skill because criminals today have become more "high-tech." Di tulad sa mga pelikula ni FPJ, ang pagsugpo sa krimen ngayon ay hindi na lamang nadadaan sa barilan kundi sa utak at teknolohiya. Crime-fighting today necessitates specialized knowledge and technological savvy. Samakatuwid, mahalaga na bawat isa sa inyo mayroong kaalaman at expertise sa isang field.

And speaking of "performance," Director-General Purisima also informed me that he has modified the performance indicator for the PNP. Whereas before "efficiency" is measured in terms of the number of cases filed in court, sa ngayon daw ay performance will be measured in terms of the number of court convictions.

For my part, I filed a bill (Senate Bill No. 1239) that will enable K-to-12 graduates to join the PNP, para matulungan kayo. Kung sila ay makatapos na ng kolehiyo, maaari silang kumuha ng exam para tumaas ang kanilang ranggo katulad ng mga enlisted personnel sa military.

Hiniling din ni Chief PNP sa akin na gawing "mandatory" ang drug testing sa lahat na mga arestado. Hiningi din niya na kung puwede gawing "regular" na anti-narcotics unit ang AIDSOTF.

Kinakailangan din nating amendahan ang Anti-Wiretapping Law (RA 4200) to allow for court-sanctioned wire-tapping of illegal drug operators. Sa ngayon kasi mga terrorista lang ang pwedeng i-wiretap sa ilalim ng RA 4200. Napapanahon nang amendahan ang batas at isama ang mga drug lords sa listahan ng mga puwedeng ipa-wiretap sa ilalim ng batas. Incidentally, in the U.S. 87% of all wire-tapping requests involved illegal drug cases.1 In other words, there is really an urgent need to amend the law. Kung na-amendahan na natin ang batas, baka hindi lang siguro ang Sinaloa Drug Cartel ang bumagsak sa kamay ng batas. Nais ko rin pong i-congratulate ang PDEA sa kanilang efforts sa kanilang mga nahuhuli nitong mga nakaraang araw.

Incidentally, I intend to file a resolution calling for a Senate investigation into the Sinaloa Drug Cartel and how they were able to penetrate our shores. Importante na malaman ng taumbayan kung paano tayo napasok ng Mexican drug cartel at ano ang mga hakbang na dapat gawin ng ating gobyerno upang di na sila manatili dito.

Lalo pa nating pa-igtingin ang kampanya laban sa "narco-terrorism," and I wish to congratulate the PNP for achieving great strides in the fight against illegal drugs and trans-national terrorism. Pero meron sana akong isa pang kahilingan: sana huwag din natin kalimutan ang mga perpertrators ng child pornography dahil ang mga bata ay walang kalaban-laban, cybersex at online prostitution. According to international news reports, nagiging "cottage industry" na daw ang child porn at cyber-sex sa Pilipinas.2

CONCLUDING REMARKS

Marami pa po sana akong gustong sabihin pero hindi ko na po siguro pahahabain ang speech ko, dahil ayaw ko po kayong sobrang mabilad sa araw. Pero dapat paminsan-minsan naaarawan din tayo dahil sabi nga ng mga doktor - "sunlight is good for you." Sunlight daw strengthens our bones and disinfects the germs in our bodies. And speaking of "sunlight," (at bilang pangwakas na rin siguro), nais ko lang banggitin sa inyo ang patungkol sa Freedom of Information (FOI) bill na kasalukuyang tinatrabaho ko sa Senado.

Naniniwala po ako na "transparency" ang sagot sa problema natin sa korupsyon. The FOI Act will promote greater transparency in government. We will achieve transparency by applying the "Sunshine Principle" in government. Ano po ba ang "Sunshine Principle?" According to the "Sunshine Principle," ang lahat daw nang bagay na hindi nasisikatan ng araw, tinutubuan ng mikrobyo at nagkaka-germs. Tulad halimbawa ng sapatos, pag ito po ay itinago mo ng matagal sa isang madilim na sulok ng inyong cabinet, di ba nagkakaroon ng amoy at nagkaka-amag? Ganun din po sa gobyerno. Dapat binibilad at hindi tinatago ang mga transakyon upang hindi tubuan ng germs at mikrobyo at malaman ng taumbayan ang nangyayari sa ating gobyerno - yan po ang "Sunshine Principle."

Pero wag po kayong mag-alala dahil kasama po sa ating exceptions ang national security matters at ang investigation into ongoing criminal activities na maaring mag-jeopardize sa investigation. Protektado po ang karapatan natin sa pagpoprotekta sa ating sarili laban sa krimen.

Ako po ay kakampi ninyo sa Senado. Kung ako man ay nagbibigay ng puna, katulad po ito ng isang nanay sa kanyang mga anak. Naniniwala po akong kung wala kayo, hindi naman magtatagumpay ang republikang ito.

Sa ngalan po ng aking ama, kahit wala na sya dito, maraming salamat po sa ating kapulisan.

1 Wiretap Report 2012, Administrative Office of the U.S. Courts http://www.uscourts.gov/Statistics/WiretapReports/wiretap-report-2012.aspx

2 http://www.rappler.com/world/regions/europe/48082-uk-us-australia-police-probe-ph-sex-abuse-ring

News Latest News Feed