Press Release
February 3, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: May next hearing pa ba tayo?

Villar: February 25. Kasi may naiwan pa, si Leah Echeverria, si DG Lim, tsaka yung si Faustino nawala na. We will ask them to come so we can hear their piece naman.

Q: Kanina po ba unanimous ang decision to cite David Bangayan in contempt?

Villar: More or less, that's consensus na. Kasi we met and that is their consensus. Sabi nila, useless naman na i-detain, pumupunta naman sa hearing. Maide-detain natin kapag hindi na pumunta sa hearing. Now mas mabigat iyong magdemanda ng perjury, tapos i-watch list na and then we will ask DFA to cancel the passport. Mas mabigat pa iyon.

Q: Iyong testimony po ba ni Mayor Duterte ang naging trigger point na nag-decide kayo as a whole?

Villar: To many. Kasi very definite ang kanyang sinasabi. Kasi kung matapang ka, sinasabi mo na with full confidence na according to my sources, siya lang ang lumalabas na name, siya si David Bangayan at David Tan, you cannot help but be convinced. Consensus po sa Senate, convinced sila na siya ay pareho, si David Tan at si David Bangayan. Iyon ang consensus kaya nga nag-contempt kami but iba ang gagawin in order na ma-penalize siya for lying.

Q: Ano ang tingin ninyo sa statement ni Mayor Duterte na papatayin niya si David Bangayan?

Villar: Ewan ko kay Mayor Duterte pero for me, parang stern warning lang iyon. Kasi minsan dapat ang warning mo medyo stern. Although hindi mo naman gagawin, pero talagang sinasabi niya na he really minded, he will do everything to penalize him if he does it in Davao.

Q: Hindi ba kayo na-disturb? Kasi si Sec. De Lima found that statement disturbing?

Villar: Sanay na po kami kay Mayor Duterte. Sa akin po, normal na iyon. I go to Davao often and kapag nagbibida siya, may mga comment siyang ganoon. Sanay na po ako sa kanya. Maybe si Sec. De Lima hindi sanay sa kanya pero matigas siya. Kapag sinabi niyang umalis kayo dito, umaalis sila, hindi niya na kailangang patayin, aalis na.

Q: Si Bangayan required pa rin next hearing?

Villar: Invited pa siya kasi kung may mga tanong sa kanya, may lalabas, kasi yung iba na hindi sumipot, rice smuggling din iyon si Ms. Echeverria na nawawala, si Mr. and Mrs. Lim, marami pa silang sasagutin tapos si Ms. Elizabeth Faustino na nagkasakit na. Merong mga sasabihin sila at titingnan namin kung may relation.

Q: Saang korte po ipa-file ang perjury?

Villar: Ang magpa-file ay ang Senate Legal Counsel so hindi ko po alam kung saan nila ipa-file ito pero sabi po ni Senator Drilon, maipa-file daw ito before Friday.

Q: Malinaw na po ba ang participation ni David Bangayan when it comes to rice smuggling?

Villar: Hindi pa ba kayo naliliwanagan. Kayo ang tatanungin ko. Kasi sa akin, malinaw. Ewan ko sa inyo. Hindi pa ba malinaw sa audience?

Q: Hindi pa po kasi nagpa-file ang DOJ ng kaso?

Villar: Mukha namang magpa-file na sila. The mere fact na ipapaaresto na, but on a different case, I think they will be forced to file kasi very strong ang pressure to file.

Q: Si David Bangayan ang biggest smuggler?

Villar: Kapag ang pangalan mo ang palaging lumalabas, you must be the most famous and you should be the biggest pero wala po kaming quantitative figures that would support that. Pero sinasabi nga ni Mayor Duterte, kapag nagtanong ka, it's a common knowledge. Pero merong others pa na hindi pa nagsasalita and we will have to ask.

Q: Satisfied ba kayo sa action ng DOJ, o matagal mag-submit ng kaso?

Villar: I think may pressure ngayon to do it. We will always ask them what's happening. Siguro noong nag-committee report in 2013 walang nag-follow up kaya nagpahinay-hinay. But with this, mukhang pressured sila.

Q: You've been saying even before na hindi objective ng committee to establish the identity of Bangayan? What could it do ngayon insofar as the committee is concerned?

Villar: Kasi we have connected David Bangayan to rice. As David Bangayan pwede na rin siyang i-prosecute pero since they are very particular in identifying him as David Tan, iyon daw ang nadidinig sa circle na biggest rice smuggler, then wala namang harm doon. So ako if there is no harm to it, then we go by it.

Q: Do you intend to go after BOC officials na sinasabi ni Mayor Duterte na posibleng in connivance sa activity ni Mr. Tan?

Villar: That's very obvious pero walang nagbibigay ng names. But next hearing, we will go now to reforms. After ma-hear natin ang mga hindi na-hear ngayon, we will go on policies and reforms na. We will suggest what we will have to do in order na mawala ang smuggling kasi kahit mabigat na problema iyan, sabi nila mahirap i-solve, we have to go on doing things to solve it kasi we cannot give up.

Q: Ano po ang nangyari kina Echeveria, mga Lim, Faustino? Kasi ang isa sa agenda sana ngayon is to give attention to Nixon Kua?

Villar: Oo, kasi wala iyong mga tatanungin natin tungkol doon. Pangit na pumunta tayo sa topic na iyon nang walang resource person doon. Patay na siya so ang link niya ang hinahanap natin and hopefully, one of the three iyon. Wala siya so we will wait for next meeting. Anyway, very exhaustive din naman itong hearing na ito. Para naman may pag-uusapan tayo next hearing.

News Latest News Feed