Press Release
February 5, 2014

Transcript of Interview of Senate President Franklin M. Drilon
DZRH's Arangkada Balita with Neil Ocampo

On the MARINA Bill

SP Drilon: Tayo po ang nagpanukala ng Marina Bill, at bago po matapos ang buwan ng Pebrero, iyan po ay inaasahan natin na magiging batas na at lalagdaan ng ating Pangulo. Atin pong inihain iyan dahilan po sa nanganganib ang hanapbuhay ng higit sa 80,000 na tripulante o seafarers sa ating bansa dahil po sa hindi natin pagtupad sa mga tungkulin sa isang convention (1978 International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers, as amended (STCW Convention) na nagsasaad ng standards. Alam mo, sa mga barko, ang pag-apply ng isang tripulante, kailangan mapagkatiwalaan ng kapitan o may ari ng barko ang kwalipikasyon ng training, ang competency, ang proficiency ng isang seafarer. Kaya dapat mapagkatiwalaan at maayos ang sistema ng training sa isang bansa. Ngayon, ang European Maritime Safety Agency (EMSA), na siyang nangangasiwa sa maritime industry sa Europa, nagkaroon ng audit sa ating sistema ng edukasyon, ng training, ng sertipikasyon sa ating mga seafarers. Ang isang napansin nila, talagang bumababa ang ating training standards, ang kakayahan ng ating mga seafarers. Kaya, ang sabi nila, kung hindi ninyo aayusin ito ay pwede pong pagbawalan ang mga Pilipinong tripulante sa mga European vessels, sa mga barko na galing sa Europa, kaya nanganganib po ang trabaho ng ating 80,000 seafarers. Kaya po itong panukalang batas, ang ginawa natin ay yung Maritime Industry Authority, ay siya pong mangangasiwa at responsable, at siya po ang ahensiya na magsu-supervise ng lahat ng bagay tungkol sa ating mga seamen. Yung kanilang training, certification, yung pagpasa sa examination. Yung competiveness ng mga schools, yung mga curriculum ng mga maritime schools. Lahat po iyan ay mapapasailalim sa MARINA, at ito po ang isang bagay na ibig mangyari, na ating obligasyon, sa convention o treaty na ating pinasukan, importante po ito, dahil kung hindi natin magawa ito, baka po magkaroon ng mga ban sa ating mga seafarers. Maapektuhan lahat.

Q: Katulad ng inyong nababanggit na isa sa mga dahilan ng pagbaba ng kalidad ng ating mga seafarers, ay yung sa mga substandard na unibersidad o yung mga maritime schools sa bansa. Yung panukalang batas ninyo, aabot kaya bago masibak yung mahigit sa 80,000 na Pilipinong seafarers?

SP Drilon: Makakaabot po bago matapos ang buwan, matatapos po ito at pipirmahan ng ating Pangulo. Sa Lunes po, ipapasa namin on third reading itong panukalang batas sa Senado at ganoon din sa Kamara, sa Martes, kanilang aaprubahan, at maiharap kay Pangulong Aquino bago po matapos ang buwan.

Q: Yung mga nagtatrabaho na ngayon na mga seafarers? Paano po sila magte-training ulit?

SP Drilon: Hindi naman siguro kaagad ang babala. Kung wala kang gagawing hakbang, sa susunod, ang mga tripulante, pagkatapos ng kanilang mga kontrata, siguro hihigpitan pagbalik sa kanilang pwesto.

On Mayor Duterte's threat to kill smugglers in Davao

SP Drilon: Alam mo siguro isang bravado yan para kay Mayor Duterte, in his colorful language in order to highlight and emphasize na talaga pong ayaw niyang gamitin ang kanyang Lungsod na isang venue na kung saan magpatuloy ang pag-smuggle ng ating mga bigas. Siguro yan naman, we should take it as bravado rather than a serious threat na pag ginawa mo yun, papatayin kita.

News Latest News Feed