Press Release
February 14, 2014

Transcript of DZRH Radio Interview with Senate President Franklin Drilon

Q: Araw naman po ng mga puso, Senate President. Medyo gaanan na natin ang mga issue. Pero matindi rin ang pagdinig kahapon, hindi ho ba? Ang usapan parang nahalintulad sa basketbol.

SPFMD: Ay ganun talaga. Para masiguro na makapagbigay atensyon sa mga nangyayari. Kasi minsan masyadong mabigat ang usapan, kaya magandang lagyan ng mga labels. Magaan ng konti ang dating.

Q: Pero ang hindi ho siguro dapat mawaglit sa isipan ng ating mga kababayan ang kahalagahan ng pagdinig na ginagawa ng Senado.

SPFMD: Tama po iyan. Ito pong ating ginagawa ay para sa paghahanap ng katotohanan, at para hindi na ho maulit itong dambuhalang kwentuhan ng tungkol sa PDAF. Inalis na natin ang PDAF sa kasalukuyang budget, at itong mga pagdinig ay ginagawa para malaman natin kung ano pa ang dapat nating gawin. Ang pinaka importante dito, ito ang pinakamagaling na paraan upang maipaliwanag sa taong bayan kung ano talaga ang nangyayari.

Q: Kayo po Senate President, bilang isang kinikilalang abugado at dating DOJ secretary, ano ho ang inyong pagtingin sa nangyari sa mga testimonya ng bagong state witness?

SPFMD: Sabi mo nga Joe, bilang Pangulo ng Senado at dating Justice Secretary, ayaw ko pong magbigay ng hatol kung sino kaagad ang nagsasabi ng katotohanan. Dahilan sa ito ay may committee report na gagawin, medyo maselan ang aking posisyon bilang pangulo ng Senado at kung ako ang magbigay ng opinion now eh that might influence the result of the investigation.

Uulitin ko, ito ay isang imbestigasyon kung saan, naghahanap tayo ng katotohanan at ultimately magkakaroon tayo ng committee report kaya hayaan na lang natin ang mga senador na gumawa ng kanilang opinion. At the end of the day, pagdedebatehan sa Senado kung alin o sino ang paniniwalaan dito.

Q: Kung ikukumpara natin sa mga ibang kaso na hinawakan na rin ng Senado sa mga nakalipas na pagkakataon, hindi ho ba masyadong nagtatagal ang mga pagdinig at imbestigasyon sa PDAF scam?

SPFMD: Well, bago pa po lumabas si Ruby Tuason, si Sen. Guingona was already inclined na tapusin na ito nung last hearing. Kung ating maalala, nung last hearing, mga SEC chairman, COA chair at DOJ sec na ang inimbitahan sa meeting. Mga policy issues na ang pinaguusapan. Pero pagkatapos nuon at bago isara ang imbestigasyon, lumabas si Ruby Tuason. Kaya tinuloy ho na naman, dahil tungkulin ng Senado na hanapin ang katotohanan.

Q: Lalo ho yatang dumadami yung gusto tumestigo o magtestify, at maraming pangalan na naman ang naisasama.

SPFMD: Pero at a certain point, mayroon naman nang sapat na ebidensya para mabuo na ang committee report. Magbibigay ng rekomendasyon ang committee report kung ano ang dapat nating gagawing hakbang para hindi na maulit ito.

Q: Huwag ho natin kalimutan na ang responsibilidad ng mga senador ano ho, ay recommendatory lamang. Hindi kayo maari magprosecute.

SPFMD: Tama po iyan. Ang aming nahahagilap na ebidensya, ay aming ipapasa sa Ombudsman, kung ano ang pwede nilang gamitin sa kaso. Ang aming imbestigasyon is not for prosecution.

Q: Kahit papaano po marami na sigurong pagaaral ang ginagawa ng mga senador kung ano sa mga batas ang dapat nating baguhin, upang sa susunod ay maiwasan na ang ganitong uri ng skandalo.

SPFMD: Tama po iyan. In fact, aming pinagtibay na wala nang pork barrel. Bago pa ho lumabas ang desisyon ng Korte Suprema, pinamunuan ko ho ang mga senador na itigil na natin ang pork barrel dahil napakarami na ang nagsasabi na ito ay naging source na ng corruption. Bago pa man ho sinabi ng Korte Suprema na itigil na iyan, binuwag na ho namin ang pork barrel system bilang isa sa mga reporma na agad naming ginawa.

Q: Syempre, kahit kayo ho ay pangulo na ng Senado, kayo din ho ay may Valentines day.

SPFMD: Ito nga ako ngayon, sumasagot sa DZRH, nagpapaliwanag sa taong bayan.

Maliban pala sa Blue Ribbon Committee kahapon, Joe , nagkaroon din ng hearing ang Justice Committee na an gating ding pinagusapan ay tungkol sa korapsyon - na kung paano mapapabilis ang paglitis ng mga kaso sa Sandiganbayan. Alam mo ba Joe na ang isang kaso sa Sandiganbayan ay maaring umabot sa lima o anim na taon bago pa madesisysonan? Isa po iyan sa dahilan kung bakit hindi deterrent ang pagsampa at paglilitis ng kaso sa Sandiganbayan.

Mga ilang araw pa lang ang nakaraan, ating nabasa na ang ating conviction rate ay after 10 years of trial. So isa po sa mga ating gagawin ang pagpapabilis ng paglilitis sa Sandiganbayan, sa pamamagitan ng paglalagay ng kapangyarihan sa isang hukom na tumanggap ng ebidensya . Ngayon kasi Joe, kailangan tatlo na hukom ang nakaupo bago duminig sa isang testigo. Eh ngayon ho, tatlong libo ho ang kaso sa Sandiganbayan, kaya isa ho talaga yan sa mga ating gagawing reporma. Ang pangalawa ho ay ang reporma na duon na sa regional trial court na ang mga maliliit na kaso.

Q: Kasi nga ho malimit na napapansin ng ating mga kababayan, madaling napagpapasiyahan ang mga maliliit na kaso, at madaling napapatupad ang kautusan ng hukuman. Pero pagdating sa mga malalaking kaso at pangalan, ay talagang bibilang ka ng kopong-kopong bago ka makarinig ng desisyon.

SPFMD: Sampung taon yan Joe. Tama nga iyan, kaya nga ho ang aming balak ay malalaking kaso na lamang at malalaking halaga ng salapi na lamang ang dadalhin sa Sandiganbayan. Tutal naman ngayon, yung mga minor employees ay pwede na sa regional trial court. Pero ngayon kahit maliit lang na amount - say sampung libo lang- pero mataas na opsiyal ay sa Sandiganbayan parin dinidinig. Kaya talaga dapat naming ayusin yan. Siguro bago kami magbreak in the middle of March, pagdedebatehan na ho iyan sa Senado. Isa ho iyan sa mga ating gagawin para makatulong sa laban sa korapsyon.

Q: Lalo na ho siguro yung mga backlog cases dyan ano? Yung karamihan ay kaliitan lang? Hindi na nabibigyan ng panahon?

SPFMD: Tama ho yan. Sa aming pagaaral, 60% ng mga kaso sa Sandiganbayan ay involving P1million or less. Ibig sabihin, ang bulk ng mga kaso ay maliit, pero dahil sa jurisdiction ngayon ay sa Sandiganbayan napupunta - ay kaya po napupuno ang docket nila. Kaya ngayon ho ay ating ililipat ang mga ito sa mga regional trial court, at ang kanilang mga desisyon ay appealable na lang sa Sandiganbayan.

Q: Ibang topic naman, tungkol naman po sa Charter Change. Mukhang tumitindi na ang usapan duon sa Mababang Kapulungan o Kamara de Representates. What about po sa inyong mga kasamahan sa Senado? Ano po ba ang kanilang sentimyento?

SPFMD: Hindi ko pa po napupulsuhan. Ngunit ang posisyon ng leadership ng Senado, dahil nagusap na kami ni House Speaker Sonny Belmonte, ay tapusin muna nila sa House. Pag naipasa nila sa House ang aming pangako, ilalagay namin sa aming calendar, at aming tatalakayin ang sinasabing Charter Change.

Pero atin lang liwanagin. Ang sinasabi nga nila Speaker Belmonte ay hindi agad ang pagbabago ng Saligang Batas. Ito po ay ang pagbabago ng proseso, kung papaano mapapalitan ang mga polisiya na nandiyan sa ating Saligang Batas. Halimbawa, ang sabi sa Saligang Batas, ang negosyo ay dapat hawak lamang ng Pilipino, let's say 60% o nationalized. Ganun po ang trend 30 years ago. Eh hanggang ngayon hindi natin mapapalitan yan, dahil yan ang nakalagay sa Saligang Batas. Ang sinasabi ng amendment, lagyan natin ng " ito po ang ating polisiya: 60% ng negosyo ay dapat hawak ng Pilipino, unless otherwise provided by law." So binibigyan natin ng pagkakataon na pagdebatehan itong ganitong polisiya sa ating Saligang Batas. Hindi natin sinasabi na ayan agad ay papalitan sa pamamagitan ng batas na ipapasa ng Kongreso. Yun po ang proposed amendment.

Q: Bago natin pagusapan ang mga babaguhin, ay mapagkasunduan muna ang proseso kung paano babaguhin ang mga probisyon sa Konstitusyon.

SPFMD: Tama. Hindi po substance ang ating pinaguusapan, kung hindi process.

Q: Kinakailangan ganun ang pagusapan. Mamaya sa mga pamamagitan ng Constitutional Assembly o Constitutional Convention o kung ano pa man ho, eh malaki ang pagkakaiba ng mga paraan na yan. Merong mga pamamaraan na baka magkaroon ng pagkakataon ang karamihan na baguhin yung gusto nilang probisyon, hanggang sa term limits ay baka umabot pa.

SPFMD: Kaya nga po ating inaalagaan yan. Alam naman natin ang sentimyento ng taong bayan pagdating sa lifting of term limits o extension of office , yung mga ganoon. Hindi natin gagalawin yan. Ang binabalak lang ng Kamara de Representates ay ang alamin ang proseso kung paano tayo makakapagpairal ng mga polisiya maliban duon sa sinasabi ng ating Saligang Batas.

Q: Again Senate President Drilon, Happy Valentines Day, at magandang umaga po.

News Latest News Feed