Press Release
February 14, 2014

Transcript of Interview of Senator TG Guingona

STG: Magandang hapon Jiggy, at sa lahat ng mga nakikinig sa GMA News.

Jiggy Manicad:Senator, kanina po nabanggit ninyo na talagang napakabigat ng testimonyang binbitawan at 3 point shot ang isa sa mga terminong nagamit dito sa tesimonya ni Mrs. Tuason.

STG: Yes, 3 point shot buzzer beater at saka winning shot pa. Ang pinaka importante dito ay this is the first time, ika unang okasayon na mayroon isang testigo na nagsabi na siya ang nakapagbigay ng pera sa isang senador. Itong si Mrs.Ruby Tuason nagsabi na: "nagbigay ako ng pera sa isang senador". Kasi dati ang mga sinasabi lang ay nagbibigay ng pera ay hanggang sa chief-of-staff lang. Ito ang pinaka-unang pagkakataon na may nagsabi na siya mismo personally ang nagbigay ng pera sa isang senador.

Jiggy: Kung baga talaga ang inaabangan klasi ng sambayan yung direchong kuwento na ganito. Wala ng tulay kung hindi direcho. ito po ang kinuwento ni Mrs. Tuason.

STG: Nakikita niyo naman sa asta ni Mrs. Tuason talagang sinsero. Nakikita niyo naman sa lahat ng mga nakikinig , nakikita niyo naman pagka-sinsero ng tao. Biruin niyo naman andoon na sa Estados Unidos , bumalik pa siya. Hindi naman siya kailangan bumalik. at ibibigay at ibabalik pa niya ang perang nakuha niya diyan sa eskandalo na yan dahil gusto na niya manahimik at iwasto ang kabaluktutan na ginawa niya. Alalahanin niyo na yung testimonya ni Mrs. Tuason ay nagkatugma-tugma sa mga testimonya nila Benhur Luy, Merina Sulas at iba pang mga whistleblowers. Pangatlo, mayroon pang positive identification ng mga staff ni Senator Jinggoy Estrada dito sa senado sapagkat sinabi niya on several occasion nagdedeliver siya ng pera dito sa senado at sinusundo siya ng staff para umakyat sa opisina ni Senador Jinggoy Estrada. Nakita naman natin na pinaharap natin ang photograph ng staff ay naka identify siya, isang aide at security ni Sen. Estrada.

Jiggy: Kanina po nag press con si Sen. Jinggoy at nabanggit po niya sa kanyang press con ang pamamaraan niyo ng pag-handle ng hearing kanina eh dapat daw kayong macharge ng "offensive foul" dahil kapwa niyong senador ay binabalya niyo. Ano po ang reaksyon niyo dito sa pahayag ni Sen. Jinggoy?

STG: Jiggy, ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Ang katangkulan ng Senate Blue Ribbon ay mag-imbestiga. Ano ba ang gusto nila ? Tumahimik na lang ang senado? Tumahimik na lang ako? Isara ko na lang bibig ko? Isara ko na lang mata ko? at Magkunwari kunwaring walang nangyari? Iyan ba ang gusto nila?

Jiggy: Isa pa pong nabanggit niya sa pinatawag niyang press con eh kung baga baka daw kahit papaano itong nangyayaring hearing kanina makabuti sa standing niyo bilang senador. Maari daw from number 12 maging number 11. Ano po ang reaksyon niyo dito?

STG: Jiggy, trabaho ko ito. Kailangan kong gawin ang trabahao ko regardless sa mangyayari sa election sa 2016. Kailangan ngayon gampanan ko ang trabaho ko. Chairman ako ng Committe on Health, gumagawa ako ng hearing tungkol sa PhilHealth. Chairman ako ng Committe on Peace, gumagawa ako ng hearing tungkol sa Bangsamoro Law at chairman din ako ng Senate Blue Ribbon Committee , ginagampanan ko lang ang trabaho ko. Ngayon kung sa pananaw niya ay ginagawa ko lang ito para sa pamolitika daw sa 2016 ay kayo naman ang makakahusga eh. Ano ba ang ginawa ko kaninang umaga? Tama lang ba mga tanong ko o nag - oa-oa ba ako ? Mahinahon ba ang pagtatanong ko? Tapat ba ang pagtatanong ko? Talaga bang hinahanap ko lang ang katotohanan dito ? Baka naman sa kanya dahil dala ng pikon dahil natutuklasan na ang katotohanan.

Jiggy: Yun bang challenge ni Sen. Jinggoy na ilabas ng OSAA itong mga CCTV footage. Yung impression niyo po sa unang hamon niya na ilabas nga itong mga video kasi considering na ilang taon na din. Sa tining niyo ho ba may laman itong hamon na ito or kung baga eh parang masabi na lang na for the sae of ang kanyang hamon na ito?

STG: In the spirit of fairness yung sinasabing ilabas ang CCTV , sinusuportahan ko yan. Chineck ko kanina sa OSAA sabi nila na gagawin nila at ginagawa na nila . Yun lang konting panahon lang dahil ilang taon daw iyon. Ako, susuporta ako. Ilabas natin yan. In the spirit of fairness para makita ng taong bayan na ang katotohanan lamang ang hanap natin.

Jiggy: Huling mensahe po. Ano pa ang aasahan ng sambayanan sa sususnod na pandinig?

STG: Mga kababayan, ang aasahan pa natin sa Senate Blue Ribbon hearing ay ang mga sagot sa mga katanungan:

Ano ba talaga ang nangyari?

Paano nangyari?

Sino ang mananagot sa nangyari?

at pang-apat ano ang gagawin natin para hindi na mangyari ulit ang nangyari? Ito po ang mga layunin ng Senate Blue Ribbon Committee at tuloy-tuloy po tayo sa paghahanap ng katotohanan. Ito po si TG Guingona, magandang hapon po sa inyong lahat

News Latest News Feed