Press Release
February 18, 2014

Transcript of interview at the session hall

On the Supreme Court decision declaring Internet libel constitutional

Ginagalang namin ang naging desisyon ng Korte Suprema pero nandoon pa rin ang pangangailangang maipasa yung amendments kaugnay sa pagtanggal ng libel don sa nsabing btas o yung panukalang batas o bill na naifile namin tungkol don ay nananatiling kailangan at importante pa rin

Bakit sir, ano ang concern nyo?

Well maliban don sa cybercre nauna ko nang naifile ang decriminalization ng libel mula sa Revised Penal Code, pagiging consistent lamang yon sa posisyon namin kaugnay ng libel.

So dapat mapasa muna yung batas dito para mawala na yan sa online?

Para mawala na yan sa online at gayundin para mawala ma rin sana, sabay na sanang maaprubahan, para mawala na rin sa Revised Penal Code natin, civil na lamang ang liability kung saka-sakali, wala na dapat criminal liability ang libel.

To clarify you're for online linel, pero civil na lamang, tama ba?

Decriminalization of libel, I am in favor of decriminalizing libel, inig sabihin kung may liability, civil na lang.

Ano yung concern nyo, kung nandon yung online libel?

Again consistent yon sa posisyon ko na dapat wala ng libel na pinaparusahan ng pagkakakulong sa ating statute books; sa mga modernong demokrasya, kung may liability man civil na lamang.

Some groups are calling to repeal the cybercrime law now that is upheld by the Supreme Court, is there a need?

Hindi ako naniniwala ng dapat irepeal yon, lumalabas ngayon sa dami ng mga cybersex den na mga nahuhuli ng pamahalaan na kinakailangan na may batas tayong mas malakas para maiwasan, mapigilan at maparusahan ang mga gumagawa nito laban sa ating mga kababayan, lalong-lalo na sa kabataan.

Timing ang ruling ng Supreme Court dahil may pangangailangan for that?

Hopefully, medyo nagtagal nga lamang nang kaunti, sana yung ibang nakabinbin pa sa Korte Suprema ay pagpapasyahan din sa lalong madaling panahon, kabilang na rito, halimbawa, ang Reproductiv Health na hanggang ngayon ay pending pa rin sa Korte Suprema, sana mateaolbahan ito one way or the other para makapag-adjust, makapagconform ang pamahalaan at ang kongreso sa mga dapat naming gawin.

Ano sa tingin nyo ang safeguards kasi concern pa rin yung mga Internet users at bloggers about the possible abuse of the law?

Wala ng take down clause, wala na ang monitoring so wala akong nakikita na dapat pang katakutan kaugnay sa cybercrime law, yon lamang naman yung dalawang probisyon na maaaring lumabag sa right to privacy ng ating mga Internet bloggers at users.

Sa hearing ng blue ribbon committee sa tingin nyo may foul don sa parang prejudgment daw ng chairman ng komite sa naging testimonya ni Ruby Tuason?

Well opinyon na yon, hindi naman nangangahulugang opinyon ng lahat ng miyembro ng komite, at hindi nya naman ini-imposed yung kanyang desisyon o opinyon sa mga miyembro, so para sa akin karapatan nyang sabihin siguro kung ano yung ninanais nya, basta din nyang ipagtanggol at depensahan kung ano yung pinanggalingan non mula sa kanyang pananaw.

Pero siya yung chairman ng blue ribbon committee, di ba siya ang gagawa ng committee report may ganon na syang prejudgment?

Well siya ang gagawa ng committee report pero alalahanin natin pinoproposed din lamang din nya yung committee report for the signature of the members, mga miyembro pa rin naman ang magbobotohan, majority of which will decide kung anong version ng committee report at ang dapat nilalaman ng committee report.

News Latest News Feed