Press Release
February 26, 2014

Transcript of ambush interview

Sa hearing (Committee on Finance) lang, to clarify, anong gagawin don sa mga budget ng impoundment (control) bills, para GAA na lang so you will not pass the bills?

Tamang nasa GAA provision para sa gayon ay mas klaro at aplikable sa budget na pinapatupad namin, in fact we have inserted some anti-budget impoundment provisions in the special and general provisions in the budget of the 2014, hindi lang lahat ng pinapanukala nila don. KasI maski na ipasa pa namin yan ngayon, kapagkapinapasa ang GAA kada taon pwede pa ring tanggalin, baguhin o amyendahan yon kada taon so mas magandang nandon na sa GAA para klaro at maliwanag.

So hindi na siya separate law, para sa GAA na lang?

Kasi kada taon pag-uusapan din naman yon eh, kung baguhin ng Kongreso yon kada taon eh di balewala din yung batas. Congress cannot pass irrepealable laws, any law passed by Congress can always be amended or repealed by the same or the subsequent Congress at some future time.

Yung China ni-reject yung ating protest sa water cannon incident, instead they insisted yung sovereignty doon sa South China Sea

Well karapatan nila, tulad din naman ng karapatan natin na ipaglaban ang ating kasarinlan at soberenya sa pinag-uusapang teritoryo, subalit tama ang ginagawa ng pamahalaan sa ngayon sa dalawang aspeto: Una hindi binabalewala at siniseryoso ang insidenteng yan at pangalawa dinadaan sa tamang forum at dinadaan sa diplomasya ang bagay at isyung ito at hindi hinahayaan ang init ang ulo ang umiral.

Ano ang dapat maging next move ng government kung ni-reject yung ating diplomatic protest?

Well malamang naman talaga irereject nila yan at hindi sila sasang-ayon dyan, ang dapat gawin ng pamahalaan yung ginagawa din nya nong mga nagdaang panahon, kunin at hikayatin ang international support sa position natin para sa gayon magkaroon ng pressure sa bansang Tsina na sumunod, magconform sa international practices kaugnay sa pagsettle ng mga isyu kaugnay nito.

Gusto yata nila Sir idaan na lang sa negotiation

Well arbitration, negotiation, ang gusto natin arbitration, ang gusto nila negotiation, ang gusto nating bansa multilateral, ang gusto nila bilateral, at least nag-uusap at hindi nagbabarilan.

What kind of pressuer ang kailangan kasi it has been going on, yung mga ganong complaints of violations ng China

Well kung titingnan mo ang territorial dispute sa ibat-ibang parte ng mundo, dekada naman talaga ang tinatagal nya, hindi yan nasesettle over night. Sa katunayan maikling panahon pa nga lang kumpara sa ilang territorial dispute na namamagitan sa ibat-ibang bansa. Ang nangyayari kasi sa kasalukuyan sapagitan ng bansang Tsina at ng ating bansa, kaunting pasensiya pa siguro sa bagay na ito, ang importante lamang huwag nating bitiwan yung karapatan natin at pangalawa huwag dumating sa punto na magbabarilan o magsasakitan ang dalawang bansa.

In the meantime kung pending yung mga ganoong complaints natin, so dapat tayo mag-station na rin ng mga tao doon sa disputed areas

I think that is the intention or plan of government to increase our presence in that area to assert our sovereignty subalit kulang pa tayo ng kagamitan para magawa at gawin yon, hindi halimbawa ng bansang Tsina, wala naman tayong forward position don sa lugar na yon, wala naman tayong aircraft carrier pa, subalit sa pagtaas ng kapasidad at kapabilidad ng ating armed forces mag-iincrease din marahil yung presence natin don sa mga lugar na yon.

So we can increase the budget of the defense department?

Sapat ang pondo ng defense department para sa kanilang pangangailangan sa taong ito, given yung iba natin mga pangangailangan lalong-lalo na sa rehabilitasyon at hiwalay naman yung pondo ng modernization fund ng Armed Forces of the Philippines, sa katunayan under any other administration, pinakamalaki ang na-allocate sa modernization program ng AFP sa ilalim ng Aquino administration.

Lagi tayong parang nasa defense side, pwede bang tayo rin ay...

Hindi naman siguro ganoon yon, kung maalaala mo nong nakaraan Coast Guard natin ang namaril, kaya nga Coast Guard naman natin yung namaril, sana hindi dumating sa punto, gaya nga nang nasabi, na magsasakitan, magbabarilan o mag-eescalate ang bagay na ito.

So yung military solution is not an option?

It is always an option, but it should be at the very tail end or last option in so far as this is concerned. Wala pang territorial dispute na nasettle sa pagitang ng paggamit ng armas at dahas sa kasaysayan ng mundo.

Sa blue ribbon committee hearing dadalo si Dennis Cunanan, what do you expect to hear from him?

Well sinang-ayunan ko ang panawagan ni Senator Santiago na ipatawag siya, inaasahan namin na ilalahad nya kung ano yung nasa affidavit nya at sasagot sa mga katanungan ng ilan sa mga senador. Kung maalala natin nong siya ay nag-attend dito nong una siyang pinatawag eh wala pa siyang inaamin non, di pa siya umaamin non, umamin siya matapos yung pagdinig na yon, so tama at marapat lamang pakinggan natin kung no yung inaamin nya.

Ano yung reaksyon nnyo na yung mga respondents ginagawang mga witnesses at medyo dumadami pa sila?

Desisyon at the end of the day ng Sandiganbayan kung sino ang idi-discharge as state witness, alalahanin natin akusado na lahat sila, respondents na sila sa kasong isinampa ng DOJ laban sa kanila. Maski nga si Benhur Luy respondent din sa kasong isinampa sa Ombudsman. So ang pagdischarge sa kanila as state witness desisyon ng Sandiganbayan, maliban na lang kung hindi sila kakasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan, pero kapagka sila ay kinasuhan, ang pagiging state witness nila, ang pagdischarge sa kanila bilang akusado, hindi lamang yan desisyon ng DOJ. Pwede nilang irekomenda pero desisyon yan ultimately ng Sandiganbayan.

Senator Estrada is considering to attend the hearing ng blue ribbon committee to confront Cunanan

Karapatan nya yon, ginalang ko yung kanyang desisyon kaugnay sa hindi pag-attend at hindi pagdalo sa hearing, gagalangin ko rin yung kanyang desisyon na mag-attend sa hearing, dahil voluntary decision yan on his part, karapatan nyang magpasya, one way or the other, kaugnay ng mga pagdinig na ito.

It's a good decision?

Kung ako ang nasa kalagayan nya, yon ang gagawin ko pero ako yon at hindi ko kayang sabihing dapat din nyang gawin yon. Kung ako ang nasa ganoong sitwasyon kokomprontahin ko talaga kung sinuman ang nag-aakusa sa akin.

Sabi ni Senate President posibleng last hearing na ito ng blue ribbon committee kay Cunanan, dapat na bang tapusin?

Hindi ko alam, ang inihain kong resolusyon at hindi lamang para sa Napoles NGOs pero sa lahat pang ibang NGOS na ang ginawa ay katulad nang ginawa nitong si Napoles, wala nga lang testigo, wala nga lang whistle blower kaugnay sa mga NGOS na yan. Subalit gagalangin ko yung desisyon ng chairman at mas nakararaming miyembro ng komite, ang problema ko lang don, paano pag may testigo na namang lumabas sa mga darating na linggo, pwede pa bang buksan yung isinara, kailangan pa bang maghain ng panibagong resolusyon bago yan madinig, hindi ko alam. Yan din siguro ang bumabagabag din sa isip ng chairman ng blue ribbon committee, dahil paano kung ganyan nga dahil may inanunsiyong bagong testigo pa si Secretary De Lima nitong nagdaang lingo.

Sa assessment nyo may enough information na ba na nakuha yung blue ribbon para gumawa ng committee report?

Alalahanin natin ang blue ribbon committee, hindi tulad ng ibang committee, hindi lamang naman in aid of legislation yan, ang mga hearing ng blue ribbon committee para imbestigahan ang misfeasance, malfeasance, nonfeasance in office. At para mabigyan ng tyansa at pagkakataon ang publiko na marinig ang sinasabi ng mga testigo kaugnay sa mga anomalya sa pamahalaan para sa gayon mapagbigay-alam sa kanila ang nagaganap sa pamahalaan o sa gobyerno at ma-maintain yung public pressure ikanga para usigin yung mga dapat usigin at papanagutin yung dapat managot.

Pwede bang mag-file ng charges against senators yung blue ribbon kahit hindi sila dumalo sa hearing?

Hindi naman blue ribbon ang magpa-file ng charges against them, they can always recommend but whether they recommend it or recommend the filing of charges or recommend the dropping of charges, charges have already been filed, and that is a fact.

So after Cunanan pwede na yung preliminary report?

At anytime pwede namang magpreliminary report si Senator Guingona.

On Napoles naman, makatwiran ba na gumastos nang malaki yung PNP for a very important suspect?

Alam mo hanggang ngayon ang panawagan ko at hiling ko dapat ilagay na sa ordinaryong kulungan si Napoles. Ang pagkakaunawa ko kaya siya nilagay at tinago don dahil magsasalita siya laban sa mga makapangyarihang tao sa gobyerno, eh hindi naman pala siya magsasalita at wala naman pala siyang naaalala, eh di sinong mananakit sa kanya, anong rason para pangalagaan nang ganyan ang kanyang seguridad. Kung wala siyang alam at naaalala at hindi naman tetistigo laban sa ikanga makapangyarihan daw na mga indibidwal, bakit kailangan siyang bigyan ng ganoong karaming seguridad, sino ba ang mananakit sa kanya, hindi ko maintindihan at maunawaan talaga yon. Kaya para sa akin ilagay na siya sa ordinaryong kulungan, pinanawagan ko na yon matapos siyang tumestigo sa senado at sinabing wala siyang alam at wala siyang naaalala, kayat walang dahilan na bigyan pa siya ng special na seguridad.

Sino nag ba sir ang nagdecide para bigyan siya ng ganoong seguridad?

Korte, korte ang nag-utos na don siya idetina. (So sino ang dapat magpetisyon na...?) Well DOJ, ang piskalya, sana hilingin sa korte na ilagay siya sa ordinaryong piitan dahil wala naman talagang pangamba at wala naman talagang threat sa kanyang seguridad.

Yung medical expenses government din ang gumagastos kay Napoles?

Well dinala siya sa government hospital so expense ng gobyerno siyempre, yung suweldo ng doctor, yung oras ng doctor.

Pwede ba sir yung speedy trial, araw-araw sa mga akusado ng PDAF scam?

Mandated naman talaga yon ng Saligang Batas, speedy trial, sang-ayon sa due process requirements ng konstitusyon, pero yung speedy trial naman talaga mandated ng Korte Suprema at ng konstitusyon. Yung continuous trial iba yon, speedy trial ay garantisado ng konstitusyon, yung continuous trial wala pa tayong rules kaugnay non na iniisyu ng Korte Suprema.

Would you prefer katulad don sa nangyari sa kaso ni Erap na nagcreate ng special division ang korte sa Sandiganbayan just to try Erap?

Para sa akin desiyon ng Supreme Court yan, pero mas maganda sanang hindi na kasi pinapakita tuloy nyan na bibihirang mangyari ito, hindi madalas mangyari ito kaya special palagi ang korteng kini-create. Mas nais kong ipakita at ipalabas na perception ay sinumang makikitang nagnanakaw ng pondo ng gobyerno dapat managot at hindi na kailangang magcreate ng special court. Trabahong ordinary yan ng mga korte na usigin at parusahan ang sinumang nagkasala at nagnakaw sa bayan.

News Latest News Feed