Press Release
March 3, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's Kalye Escalera Interview
Hosted by Marlo Dalisay, Jedah Legaspi, Ms T

Marlo Dalisay: Nasa linya na po natin ngayon walang iba kundi si Senadora Grace Poe. Ang chairman po ng mga komite ng Public order and illegal drugs at ng public information and mass media committee sa mataas na kapulungan ng kongreso. Magandang umaga po Senadora Grace Poe.

Senator Grace Poe: Magandang umaga, Ginoong Dalisay at sa lahat ng nakikinig magandang umaga po.

Dalisay: Ma'am kapag ako po'y tinatawag ninyong ginoong Dalisay ma'am, parang ako po'y nag-iisip na rin na maglingkod sa ating sambayanan sa pamamagitan ng pagtakbo sa darating na halalan, Senadora Grace Poe.

Poe: Bakit po hindi, lahat naman tayo ay dapat na mayroong pagkakataon kung iyan ang ating gusting gawin.

Dalisay: Kasama din po natin dito sa ating programa sa 738 Kalye Escalera itong si Jedah Legaspi at si Ms. Tea. at siguro by this time nakausap na naming kayo e kayo po yata ay nakapag-almusal narin?

Poe: Actually sa umaga nagkakape lang ako at saka juice so okay na ako ngayon.

Dalisay: Hanggang tanghali na po iyan?

Poe: Hanggang tanghali na ho, kasi para huwag masyadong lumaki.

Dalisay: At siguro ma'am, kapag tanghalian ay paminsan-minsan nakakapagulam din tayo ng adobo.

Poe: Ah oo, paborito ko nga iyan e, adobo, taba ng talangka, sinigang. Lahat ng masama at pampabata.

Dalisay: Kasi ho sa mababang kapulungan ng Kongreso mayroon isang congressman na nagsampa ng panukala na itong adobo ay gawin na nating simbolo bilang doon sa mga tinatawag na mga "Nationals". National fruit, national fish, ngayon po ang national food daw ayon sa panukala nitong si Congressman Relampagos ay dapat gawing adobo. Ano po kaya ang magiging kapalaran nito kapag umakyat na diyan sa Senado kung sakaling makalusot sa Kamara.

Poe: Hindi ko masyadong naiisip iyan pero kung titignan natin, talagang adobo ay kilala tayo diyan at 'di ba may kanya-kanya tayong bersyon ng adobo. Halimbawa sa Kabikulan, nilalagyan nila ng gata ang adobo, sa Pangasinan yata basta yung tatay ko kapag nagluluto noon ay piniprito niya iyan. Mas tuyo ng kaunti so may kanya-kanyang bersyon ng adobo pero sa tingin ko lahat naman tayong Pilipino alam natin yan bakit hindi? Kaya lang para sa akin kasi na tinatalakay nga natin iyang mga ganyan bagay, konting comment sa ating mga kababayan na parang wala na ba kayong ibang matalakay diyan. Pero sa tingin ko madali naming maipapasa iyang mga ganyan e. Wala naming masyadong debate siguro.

Dalisay: Opo, at napag-uusapan nadin 'ho ang mga natatalakay e puntahan na ho natin yung isa sa mga tinatalakay sa mataas na kapulungan ng kongreso na masarap pong i-partner sa adobo. Itong usapin naman sa pagiimbestiga natin sa bigas. Ewan ko ba kung bakit parang magkakaugnay itong mga nangyayari ngayon. Ano na ho ba ang latest ngayon sa imbestigasyon na inyong dinadaluhan din tungkol ditto sa smuggling?

Poe: Alam niyo po ang puno't dulo ng lahat ng ito ay korapsyon. Ngayon, siguro ang talagang dapat mangyari dito, ako ha, ito ang aking pananaw. Gusto ko talagang pumunta sa Customs. Bagamat hindi iyan ang aking komite at tignan kung ano ba talaga ang time and motion ninyo diyan. Kapag mayroon dumadating na container, ano ang ginagawa ninyo. Kasi iba naman yung tinatalakay sa Senado-- yung mga regulasyon at iba rin kapag pumunta ka doon. Mayroon akong hinihingi sa aming hearing noon kay Commissioner Sevilla. Sabi ko, Commissioner, magkano ba yung bayad ng intelligence ninyo diyan? Magkano ba yung budget ninyo? Hanggang ngayon hinihintay ko pa ang kanilang report, wala pa iyon. Siguro tatlong linggo na ng nakaraan ang hearing so gusto kong pumunta sa Customs kasi bilang mambabatas alam naming kung paano pinapatakbo iyan. So isang araw siguro pwedeng makadaan tayo. Pangalawa, sa tingin ko lahat ngayon ay nakabinbin doon sa sasampahan ng kaso. Kasi okay ang pagdinig sa senado dahil nadidinig ng taumbayan kung ano talaga ang nangyari sa mga court room ay di natin malalaman yan. Subalit dapat tumbasan na rin ng pagsampa ng kaso dun sa mga korte, e hanggang ngayon yun nga, ang pinaka-prime suspect ay nahuli lamang sa pagnanakaw ng kuryente so parang sa ngayon medyo kailangan bilisan pa ang pag-usad.

Dalisay: Parang lumalabas dito sa mga nangyaring imbestigasyon, kung hindi ako nagkakamali tatlong imbestigasyon na ang nagawa ng Senado dito. Parang sinasabi niyo po ba na sa inyong tingin ay medyo hilaw pa ang ating nakakalap na ebidensiya para tayo'y magrekomenda sa korte para maging ebidensiya sa sarili nilang sa pag-uusig?

Poe: Ang chairman kasi ng Agriculture si Sen. Cynthia Villar nag-rekomenda na siya ng perjury pero parang wala pa rin dun sa mga non-bailable offenses halimbawa, nakikita naman natin hindi pa rin nakukuha itong prime suspect na si Davidson Bangayan. Para sa akin, hindi naman nagkulang sa pagtatanong ang ating mga senador doon sa hearing. Ang problema nga, may kakambal kasi dapat talaga yan, sa Judicial system naman, eh kaso siyempre nag-iingat din po sila pero dapat talaga mas mapablis dahil, habang tumatagal nawawalan ng kredibilidad yung kaso o kaya nagiging dismayado ang ating mga kababayan. Ito pag-uusap lang, pero sa likod nito ay ang milyung-milyong mga magsasaka natin na naging biktima dito. At sa likod nito ay ang ating mga kababyan na dapat nakakatanggap ng tamang subsidiya sa ating gobyerno. Ang talagang mga biktima dito ay mga dapat na pinaglingkuran natin, hindi lamang para hulihin ang mga gumawa ng kalokohan sa ating bansa.

Dalisay: Kasi ako ho ay inoobserbahan ko ang mga pagdinig diyan, hindi ho kaya, ewan ko kung sasang-ayon kayo dito sa obserbasyon ko, hindi ho kaya talagang may mga grupo na talagang gusto nilang palutangin o gustong idiin na itong nasasakdal, itong iniimbestigahan sa Senado ay masukol lamang dito sa kasong perjury dahil ito ho ay lighter lang na kaso kumpara sa mapaptunayan siya sa smuggling?

Poe: Hindi ko masasabi yan ano, ito lang ang masasabi ko, pwede naman kasing magpatong ng dalawang kaso, multiple cases against you. So yun kasi ang klaro doon, na talagang kitang-kita naman, at sinabi din ni Mayor Duterte, na ito nga, siya si David Tan o Davidson Bangayan. Tapos meron siyang kung ano-anong mga testimonya na sinasabi na hindi siya yun, so parang yun ang klaro na ginawa ni Chairman na si Senator Villar na (sampahan) na ng kaso for perjury, ibig sabihin sa pagsisiningaling dun sa mga sinumpaang salaysay. Pero doon sa smuggling pwede ko tanungin din si Senator Villar kung hindi ba pwede na mismo ang committee ang magsampa ng kaso tungkol sa smuggling sa totoo lang po di ko pa natatatanong sa kanya.

Dalisay: Opo, opo. So isa pa ho dito sa mga iniisip ko, bago ko po ibigay ang mikropono dito sa ating dalawang kasamahan magagandang dilag dito senadora Grace Poe.

Poe: Swerte mo pala may dalawang babae ka pala na kasama diyan.

Dalisay: Mas magiging swerte po ako maam kung regular ko kayo nakakasama dito. Kung ito ho ba maam, itong kaso kung saka-sakali ay maaubatan ho ng pagsasabatas nitong minamadali niyo rin na Freedom of Information Bill, ano ho ang magagawa ng inyong minamadaling panukala ngayon para kumbaga sakali makamit ng mga na-agrabyado ang kanilang katarungan na hinahangad tungkol dito sa kasong ito?

Poe: Eto na nga yung maganda diyan sa Freedom of Information, mismo at pati yung mga dokumento, o kaya yung mga report diyan sa Customs, pwede natin kunin ya eh. Pwedeng puntahan ng isang ordinaryong mamamayan at pwedeng kumuha ng kopya. Pwede rin nating malaman kung ano man ang tinatago yung mga records halimbawa dito kay Davidson Bangayan, basta lamang hindi pa ito nasa korte. Hindi sa korte hihingiin yung records, pag public record, bakit hindi? So lahat yan mas madali natin matutunton, mas maraming mga mata ang tumutingin. Ngayon, siyempre ganyan naman talaga. Meron naman mga iba na kawatan na iba naman ang intensiyon pag may kinukuhang impormasyon, pero ang maganda nito kahit sa media mas madali. Alam niyo po kahit kumuha ng SALN ng mga ordinaryong government officials, meron kang mga pinagdududahan, hindi rin ganun kadali. Kaya nga pino-propose natin sa mga senators, sa mga members of the Judiciary, at tsaka yun mga matataas ang tungkulin, dapat naka-post na lahat ng mga SALN kasi doon mo makikita eh. Katulad nito, director level, dun sa panukala ni Senator Miriam sa amendment sa FOI, gusto niya pati director level naka-post sa website ang SALN kasi tingnan mo yung isang resource person, sorry naiiba ako ng konti, yun isang resource person sa darating na hearing natin, nakikita dun na umpisa pa lang yun SALN niya let's say one million, eh di siyempre kung nakikita mo yan sa website, kung ika'y kaibigan nito o kakilala mo sasabihin mo, hindi naman siguro one million yun dahil dito sa mga dina-drive niyang kotse, so importante din yun kasi ito ang mga nagbibigay ng daan sa pagtatanong at para mabantayan ang ating gobyerno.

Dalisay: Kumbaga sa SALN pa lang makikita yun ng publiko sa pinaka-mabilis na paraan, doon pa lamang po nakakapg-create na tayo ng impression kung siya ay sinungaling na tao o nagsasabi ng totoo.

Poe: Ikaw ang nagsasabi nyan ah...hindi ako. Ganyan ang palaging sinasabi.

Dalisay: Binanggit ko lang po Ma'am kasi alam mo naman na siguro hindi lang naman kami ang nakakapansin din. Pati kayo ay may mga napapansin din sa ibang mga inyong binabanggit, sa uri ng pamumuhay ng inyong mga kasamahan at sa mga taong naiinvolve dyan sa mataas na Kongreso.

Poe: Iyon na nga po...

Dalisay: Si Ms. T ay may tanong rin ho yata sa inyo.

Ms. T Ramirez: Good morning po, Senadora. Si Ms. T po ito. Ms. T Ramirez.

Poe: Hi. Ms. Ramirez. Good morning.

Ramirez: Good morning po, Ma'am ang tanong ko po ay doon sa mungkahi nyong lifestyle check. Sa isyung pork barrel naman na iniimbestigahan dyan po sa Senado. Hangad po ng Technology Research Center na si Mr.Dennis Cunanan na siya ay mapasailalim sa lifestyle check. Ano po ang masasabi nyo rito? At ano po ang masasabi nyo roon sa mungkahi naman po ni Senator Koko Pimentel na mas makabubuting voluntary na lang gawin itong lifestyle check sa halip na mandatory daw po.

Poe: Mandatory para kay Cunanan. Or para po sa lahat?

Ramirez: Para po sa lahat. Yun po ang mungkahi ni Senator Koko Pimentel.

Poe: Eh nasa BIR naman yan eh o anu mang sangay ng gobyerno kung gusto nilang mag-imbestiga, pwede naman nilang gawin iyon.

Ramirez: Kay Dennis Cunanan po, willing po siyang magpasailalim sa lifestyle check.

Poe: Ah oo, tama. Eh di mabuti. Mas maayos nga iyon. Mabuti pero ang lifestyle check ay hindi lamang bank account ang pagpapakita nuon. Ang pagpapakita ng SALN. Alam mo, maraming nagsasabi, may mga nagsasabing kampo na baka daw sinisiraan ko ang kanilang testigo, baka daw kumakampi sa kabila...ako pa? Parang alam mo, gusto ko na ngang matapos ito sapagkat itong Senado, sirang-sira na ang reputasyon. So sana nga matapos na. Ayusin na, kung sino man ang may kasalanan para naman iyong mga bago rin duon na gusto namang gumawa ng kabutihan ay makausad na. So bakit sinasabi, gusto pang patagalin ang kaso, sinisiraan ang testigo. Ayoko sa lahat, kapag tayo ay nagbibigay ng state witness status sa isang tao hindi lang ito bigay ng iilang sangay ng gobyerno, ito'y bigay ng taumbayan sa isang tao para naman magsabi nang nalalaman nya tungkol sa isang maaring nagkasala sa lahat. So kapag tatanggap tayo ng ganyan alam nyo pinapatawad na nga iyong mga ginawa nilang kalokohan, magsisinungaling pa ba sila? So hindi ko naman sinasabing sinungaling ito ano. Kaya lang dapat pag-aralan din natin ang mga datos halimbawa. Oo, hindi ko bahay yan, nakitira lang ako dyan. O iyong kapatid mo, saan nakatira? Ano bang trabaho ng kapatid mo? Ang SALN mo ay ito lamang. Magkano ang bahay na tinitirhan mo? Magkano ba ang renta sa ganyan kung saka sakali? Pangalawa, ilang beses ka bang nagbyahe, sabihin nating dahil sa isang organisasyon yan, parang hindi naman yata ako nakakrinig ng organisasyon na marangya pati ...ayoko ng talakayin iyon, basta sa susunod na iyon, pero ito yung pangatlo, nabasa natin sa dyaryo ngayong umaga, na ang sabi nga ni dating Commissioner Mrs. David, sa Civil Service nuon, sabi nya nagkaroon ng isyu sapagkat parang naappoint sya dahil malakas ang kanyang backers, na-appoint siya na maging head ng isang government agency ng CHED na hindi pa daw sya nakatapos ng college. Pero okay yun kasi marami tayong mga kababayan na kahit hindi nakatapos eh matalino. Pero ito ay requirement dun sa position na iyon so ibig sabihin nagsinungaling ka na duon pa lang. So pinaalis siya doon, o ang sabi, sya daw mismo ang umalis. Ang sagot pa ng abogado, nagpapasalamat nga sya na sinabihan sya nuon, at hindi daw nya alam ang kanyang status na undergraduate. Pwede ba yon? Hindi mo ba alam kung naka-graduate ka o hindi. So biglang napunta na duon sa isang agency ng gobyerno duon naman sa technology resource center. So mahaba...ito lang ang pagkakataon na para i-eksplika ang kanyang sarili. Bakit ganun? Bakit maraming duda sa kanya? Hindi ito paninira. Ako nga gusto ko nang matapos na ito eh pero dahil mayroon na siyang sinumpaang salaysay, kahit ano pa man ang mangyari sa kanya, sinumpaan na nya iyon. Hindi na nya pwedeng bawiin iyon. Pag binawi pa nya iyon, perjury na iyon siguro. So kung ako sa kanya, sabihin na nya, hindi ba? Kasi nasabi na rin nya. Sabihin na nya lahat tungkol dyan.

Ramirez: So talagang, mahabang proseso pa po iyan. Yan ay aming aantabayanan Senador, Ang amin pong kasamang si Ms .Jedah ay may additional questions. Jed?

Legaspi: Good morning po Senator.

Poe: Hi Good morning Ms. Jed.

Legaspi: Ito naman, mga light na katanungan naman, kasi recently, may nabasa ako na parang maganda po iyong pinapanukala nyo para magkaroon ng isang grupo o parang ahensyang mag-aacommodate sa mga banyagang gustong magshoot dito sa bansa. Ano pong development dito dahil malapit na ang Oscar Awards, maya-maya na.

Poe: Ay oo nga pala...salamat sa pagpapaalala ah. Sana nga makapanuod ako. Kaso, aalis na ako.

Dalisay: Maputol ko lang po kayo Ma'am, meron palang na-ispotan dyan na nagsusuot ng gown na galing dito Pilipinas yung gown na iyon ah. Poe: Ah ganun? Monique Lhuillier?

Dalisay: Yes Ma'am. Ganun yata.

Poe: Ang galing talaga nya, in fact yung kanyang shop ay nandun mismo kung saan naroon ang mga celebrity sa Beverly Hills. So isang malaking karangalan din sa ating mga kababayan iyan. Alam mo mas gusto ko iyong mga topic na ganito eh tungkol dun sa Film Tourism na nabanggit mo Ms. Jed. Iyan po iyong ibig sabihin nito. Alam mo iyong datos-- ang dami-daming mga walang trabaho sa ating bansa. Patuloy pa rin iyan, lalo na sa mga kabataan, malaking tulong, kung ang ating bansa ay pipiliin ng malalaking kumpanya na gumagawa ng mga pelikula, o kahit na maliliit para gawing shooting destination, bakit kamo? Dahil sa isang pelikulang gagawin, ilan ang kanilang dadalhin dito, upang magtrabaho ilang hotel ang gagamitin, ilang mga sari-sari store ang magtitinda ng pagkain. May multiplier effect. Pangalawa, alam nyo, kapag mayroon kang pelikula na ipinapakita ang kagandahan ng isang lugar, ilang libo, ilang daang libo ang nakakapanuod nyan, so libreng advertising pa rin sa mga taong gustong pumunta sa atin. So iyon po iyong sa atin na malaking bagay, hindi lamang dahil malapit sa puso ko ang pelikula, Iyon ay para magkaroon tayo ng kabuhayan rito at dumami ang ating mga turista. Ito ay napatunayan, dun nga sa New Zealand na nuon naman hindi masyadong kilala, duon nag shoot ang Lord of the Rings, sobrang halos isang daang porsyento ang increase ng kanilang tourist arrival at marami pang ibang mga lugar kung saan ginamit sa pelikula at nagging mas lalong tanyag sa mga turista.

Ramirez: Yes, thank you po Senator and with that medyo magpapaalam na po kami.

Poe: Oo, mahaba na nga.

Ramirez: Sumesenyas na nga ditto sa Boot Tech.

Poe: Maraming Salamat sa inyong tatlo at sa lahat ng nakikinig, maraming salamat. Magandang umaga pong muli.

News Latest News Feed