Press Release
March 5, 2014

Transcript of DZRH Interview of Senate President Franklin Drilon
 by Neil Ocampo

Q: This is Neil Ocampo. Meron po muna akong itatanong sa inyo bago po natin pagusapan yung mga mahahalagang panukalang batas at mga batas na naaprubahan na ng Senado. Ilang issue lang po. Yung hamon ng tatlong senador - sila Enrile, Revilla at Jinggoy Estrada - na hindi lamang daw sila, kungdi lahat po dapat ay dapat sumailalim sa lifestyle check? Lahat daw po ng senador, pati kayo.

SPFMD: Alam mo hindi ko alam kung saan pa pupunta itong kontrobersiya na ito. Alam mo, ang dapat asikasuhin ng lahat ay yung kasong naifile sa Ombudsman. Yan po ang kailangan, yaan ang tunay na importante. Etong lahat pong batuhan ng kung ano anong salita, that will not bring us anywhere. Kailangan natin pairalin dito ang sistema ng hustisya. Para makita na ng taumbayan na kung sino man ang may sala, dapat sila ang makulong, at kung sino man ang walang sala ay siyang maacquit.

Yan po ang ating kailangan. Yung mga calls for lifestyle checks, that's neither here or there. Yung aming Statement of Assets and Liabilities (SALN) bukas ho sa buong bayan yan, pinupublish namin. Makikita naman nila ano yung aming mga ari-arian. So the lifestyle checks for all the senators are non-issue. Pinapalabo natin ang totoong issue: Ginamit ba ang pera ng taong bayan sa hindi tamang paraan? Involved ba sa anomalya ang mga kasama ko sa Senado?

Kailangan ilagay natin sa tama, ilagay natin sa sistema ng hustisya para malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Kasi hanggang ngayon ang aming mga kasamahan ay under the shadow of doubt. Lahat ng tao, nagdududa kung tapat nga ba talaga ang mga senador sa kanila, sa kanilang mga tungkulin. Kaya ang sa akin, wag natin palabuin at guluhin ang issue. Nasa husgado ang kaso, at sa lalong madaling panahon ay dapat desisyonan na ang mga nasabing kaso.

Q: Yes, ang bottom line talaga, dapat pabilisin ang judicial process sa ating mga hukuman, mula sa Ombudsman, yang PDAF scam na yan, dadaan pa sa Sandiganbayan, hihirit pa sa Court of Appeals, isasampa pa sa Korte Suprema. 9 to 15 years daw ang posibleng itagal nyan Mr. Senate President.

SPFMD: Totoo yan. Nakakalungkot, pero kung hindi natin aayusin ang sistema sa Sandiganbayan, ganyan talaga ang mangyayari. Dahil sa kasalukuyan, ang isang kaso ay natutulog ng anim o pitong taon sa Sandiganbayan bago desisyonan. Kaya po yung epekto ng conviction ay nawawala.

Wala pong deterrent sa paggawa ng ano mang kasalanan dahilan sa napakatagal bago madesisyunan ang kaso sa husgado kaya yaan po yung importante. May finile tayo na panukalang batas na magrereporma sa Sandiganbayan, at nang mapabilis na ang paglilitis ng mga kaso dito.

Q: Short issue po, yung pagkakatanggal ni Atyy. Baligod bilang lead legal counsel ni whistleblower Benhur Luy.

SPFMD: Alam mo, sa aming mga abugado, ang relasyon ng abugado at kliyente ay nakabase sa pagtitiwala. Kahit ka gaano kagaling, at sinabi ng kliyente na, "Siguro maghiwalay na tayo," for whatever reason ay tanggap po namin yan sa aming propesyon.

Kasi ang pagaabugado ay basi talaga sa tiwala. Kung for whatever reason ayaw na ng kliyente ang abugado, wala pong karapatan ang abugado na mamilit na magpatuloy ng kanyang serbisyo. Kasama po talaga yan sa aming proposeyon, wala pong masama dyan.

Q: Ang mga panukalang batas sa Senado. Kelan po maipapasa ang Freedom of Information Bill at ano ang magiging epekto nito sa taong bayan

SPFMD: Pinangako ng Senado sa ating mga kababayan na aming ipapasa ang Freedom of Information Bill bago kami mag break next week. Noong Lunes ay aming pinasa on Second Reading ang Senate Bill 1733. At ang aking direktiba sa Senado, ay amin itong ipapasa sa third and final reading sa darating na Lunes, kaya yaan po ay siguradong maipapasa sa Senado.

Ito pong batas na ito ay kasama sa ating layunin na anti-corruption drive. Dahilan ay ito ay magiging deterrent laban sa maling gawain sa gobyerno. Ang mga information na sakop ng FOI ay yung mga public record tulad ng mga report, kontrata, mga transcript ng official meetings sa gobyerno, pati na rin yung video at audio recordings. Yaan po ay pwedeng tingnan ng publiko, kung sino mang citizen ng ating bansa na ibig tingan itong mga transaksyon na ito. Ito po ay kasama sa transparency sa ating pamahalaan, at ang presumption ay may access para sa lahat. Maliban na lang kung involved ang security ng estado.

Q: Yung panukalang batas requiring cigarette makers to display graphic health warnings on cigarette packs, and pati itong extradition treaties with UK, Spain at India, pati itong abolition of GOCCs.

SPFMD: Neil, ikaw ba ay naninigarilyo?

Q: Naku po, wala po akong bisyo kung hindi magmahal.

SPFMD: Pareho pala tayo. Itong paninigarilyo ay nakakalungkot, pero siguro sa nakalipas na 5 minuto na tayo ay naguusap, may namatay na isa nating kababayan dahil sa paninigarilyo. Dahil sa isang oras, sampung Pilipino ang namamatay sa paninigarilyo. Sa bawat taon, 80,000 na kababayan natin ang namamatay taon taon dahil nga sa paninigarilyo. Kaya itong bisyo na ito ay dapat nating pigilin, kung hindi man bawasan, lalo na sa mga kabataan.

Ngayon ang aming panukala ay na sa bawat pakete ng sigarilyo ay ilagay natin yung imahe ng mga parte ng katawan na naapektuhan ng paninigarilyo. Yung baga, yung ngipin at yung puso, at iba pa. Yaan po ay maiintindihan siguro ng ating mga kababayan kapag nakita po nila na ang istura ng kanilang baga kapag sila ay naninigarilyo, matatakot sila at malamang ay tumigil. Ang mahalaga dito ay yung ating mga kabataan, na wag simulan itong bisyo na ito, dahilan sa napakasama nito sa ating karamdaman.

Q: Ano po ang update dito sa extradition treaty sa UK, Spain at India?

SPFMD: Mahalaga poi tong batas na ito, dahilan sa kung atin pong maalala, may mga lumalabas na balita na may mga British national na nagpatakbo dito sa atin ng mga child prostitution ring. Meron mga balita noon na talagang nahuli dito sa Pilipinas ang mga British national na nagtatago pala dito.

Ito po ay importante para hindi makapagtago ang sinuman dito sa atin, halimbawa mayroong British national dito na wanted pala sa UK, dahil sa extradition treaty, pwedeng hilingin ng Britain na ibalik na sa kanila yung kriminal. Ganun din sa Pilipinas, kapag may criminal na tumakbo sa UK, pwede nating hilingin na ibalik siya dito. Ito po ay makakatulong sa sistema ng hustisya sa bansa at kahapon nga po yaan ay aming niratify, kasama ang mga extradition treaty sa Spain at sa India.

Q: Explanation po sa pagbuwag sa mga GOCC, Mr. Senate President?

SPFMD: Alam mo noong 2011 o 2012, tayo po ang bumuo sa GOCC Act. Dahil po ating nakita na higit sa 167 na GOCC ang walng nagsusupervise, kaya po nakita natin ang mga abuso na ginawa nila noon. Ngayon po ay ating binigyan ng kapangyarihan ang GOCC Council na ating binuo under sa batas na magreview ng mga GOCC na ito, at yung mga wala namang ginagawa na nagsasayang lang ng salapi ng taongbayan ay pwede nang iabolish. Kaya po ang ginagawa nila ngayon ayon dun sa batas na ginawa natin -ako po ang author nun - hindi na kailangan pa pumunta sa Kongreso para iabolish yung mga GOCC na walang ginagawa.

Q: Maraming salamat po Senate President Drilon.

News Latest News Feed