Press Release
March 6, 2014

Complete Transcript of Sen. Grace Poe's questions during the PDAF probe

Sen. Grace Poe: So para sa aming mga mambabatas, sinisiguro naman namin na hindi naman lugi ang mga taumbayan sa isang state witness. Ang sitwasyon mo kasi ay iba, ikaw ay dati at patuloy na empleyado ng gobyerno at nasasayo nakasalalay ang pagprotekta ng kapakanan ng taumbayan ngunit hindi mo nagawa iyon. Noong una kang lumabas sa GMA News, September 22 and I quote "I would like to say for the record that I have nothing to do with the priority development fund project processed by the TRC on 2007-2009" sinabi ninyo po ba iyon o hindi?

Dennis Cunanan: Baka po hindi ganun yung context ng pagkakasabi ko.

Poe: Pero mayroon po akong quote at mayroon din isang news na basically pareho din iyong pagkasabi na wala kang kinalaman at pagkatapos non marami kang sinasabi na ang iyong partisipasyon ay ministerial lamang, tama po ba?

Cunanan: Baka po your honor, baka po yung sinasabing sa illegal transaction doon po naging irelugar. Your honor, kung i-aallow ninyo po noong mga panahon iyon dumadaan po yung mga usapin ng PDAF sa aming opisina. Wala po kaming kapasidad at that time na malaman kung anomalous ang isang transaction. Hindi tulad ngayon. Ngayon we have to extra carefully check all the transactions.

Poe: With all due respect sir, iyan ang claim mo na merong presumption of regularity lalong lalo na kung bago ka sa gobyerno, maaring mayroon kang presumption of regularity pero ang haba na ng pinanggalingan mo, ikaw ay nagtrabaho na rin sa tanggapan ng Speaker ng Kongreso. Alam mo na iyong PDAF at alam mo na rin kung merong irelugular, ngunit iyan ang sagot mo, tanggapin natin sa ngayon. Sinabi mo rin doon sa presscon mo na you have not met Napoles. During this presscon sinabi mo na that "I have not met Napoles". Ito "Cunanan said noting that he has not met or made transactions with the business woman" do you agree with this quote?

Cunanan: I think your honor it might be a different question at ito ang napicture out. Kasi ang binanggit ko dito sa aking affidavit, they made representation pumunta sila sa opisina at nagpakilala bilang agent ng mga senador at congressman at may dala silang mga projects.

Poe: So ang ibig ninyo pong sabihin doon mo lamang nakita si ginang Napoles? So dito sa pagkakataon na ito kontra na naman sa sinabi ng una nating state witness na ikaw ay nagpunta doon sa opisina ni Napoles? Tama ba? Kontra ba ito?

Cunanan: Hindi po, your honor, noong una po kasi bago sila mag-implement ng any activity sa TRC pumupunta sila sa amin. Poe: Simple lang ang tanong ko eh sinsabi mo kasi na nakita mo lang siya sa opisina mo, ikaw ba ay nagpunta duon sa Discovery? At nakita mo sya duon?

Cunanan: After na po iyon.

Poe: Pero doon po kasi sa presscon ninyo at tsaka dito sa inyong sinumpaang salaysay, kalian ba ito, Feb 20, so ibig sabihin within Feb 20 you met Janet Napoles more than once, correct? But you only claimed in your affidavit that you met her in your office, you did not mention anything about Discovery.

Cunanan: Your honor, actually ang binanggit ko po ay iyong first na nameet ko yung tao.

Poe: Bakit hindi mo sinabi na nagkita din kayo sa Discovery? Kung dun sa alegasyon, lalung-lalo na, na alam mo din naman ang affidavit ni Benhur at importante din na masagot mo yun. Totoo bang nagpunta ka doon sa Discovery?

Cunanan: Ah, wala ho kasing allegations na ganun sa affidavit.

Poe: So pupunta po kayo sa Discovery at nagkikita po kayo ni JLN (Napoles)?

Cunanan: Nirerecollect nga po namin ang situation. Most likely na may chance na may once na part ng inspection na ginagawa namin sa mga institution na nag-iimplement.

Poe: So hindi kayo sigurado, "maari" sabi mo? Hindi mo matandaan ang pagpunta sa JLN? So ano ang nangyari sa pera na sinasabi ni benhur luy na naibigay daw dapat sa inyo na kinourse nya sa isang representative, hindi nyo natanggap yun?

Cunanan: Your honor hindi po.

Poe: Gusto ko lang linawin, for the record, na yan ang salaysay mo. Paalala kasi, Mr. Cunanan na kung ikaw ay isang state witness, meron ka nang immunity from criminal prosecution. Pagkakataon mo na ito na lumabas din. Hindi pwede kasi na nagtuturo ka ng iba pero wala ka namang responsibilidad, lalo na kung hindi nagkakatugma-tugma. Ngayon, hindi ko sinasabi na nagsisinungalin ka, yun nga, meron kasing hindi nagkatugma sa salaysay ng aming unang witness sa iyo, gusto ko lang linawin.

Ngayon, sabi mo na merong komisyon na 5% management fee ang TRC, tama? Meron kasi akong kopya ng balance sheet ng TRC nakareflect ba dito ang 5% na nakukuha ninyong service fee dito sa mga NGO na ito? Cunanan: Your honor, ang nangyayari po kasi dyan, hindi automatic yung pag-reflect dahil kailangang pa pong ma-fully liquidate yung operation, ibig sabihin kapag tapos na tapos ibobook ng accounting yung mga accounts na yan pero hindi ho yan.

Poe: Sir, again, with all due respect, pag may natanggap pa na pera, ilalagay mo na natanggap mo ito, tapos ilalagay mo kung ano ang gastos mo, whether natapos mo ang gastos o hindi, ilalagay mo ang pera na natanggap mo. Tatanungin ko lang sa iyo, nakalagay ba sa mga natanggap ninyo ang 5%, tapos isa pa, may resibo ka bang naissue na nakatanggap ka na 5% na service fee para sa TRC. Ibig sabihin, kung pupunta ako sa TRC makukuha ko yung mga recibo na naissue ng TRC dun sa 5% na komisyon natanggap nila for service fee dun sa mga NGO?

Cunanan: Your honor, automatic po na sinsasubtruct ng TRC tapos narerelay po iyon sa trust liability account kung saan doon nakalodge yan hanggang ibobook as income and ibobok sa operational.

Poe: So makikita natin yang mga 5% na yan? SO maaring kunin ntin iyon sa paglawak ng imbestigasyong ito.

Poe: Gusto ko lang pong linawin sa ating mga kababayan dahil tinatanong na ni Senator Angara ang kinita ng TRC, mayroon net flaws sa financial statements ng TRC noon 2007-2010, para sa kaalaman n gating mga kababayan na dito pinapasok ang mga PDAF natin, 2007 ang lugi po ng TRC 274 million, noong 2008 ang lugi ay 207 million,2009 142 million 2010 95 million, 2011 108 million, tama po ba ito?

Cunanan: Your honor, nasama po kasi diyan yung mga OECF funds na kung saan pinapaconvert po namin doon sa Depatment of Finance para maging subsidy. So kung titingnan po doon sa income and expenditure lang kumita po ang TRC.

Poe: Anong OECF funds pakilinaw lang?

Cunanan: Noon po kasing panahon noon Marcos years at noon early time noong 90's meron pong tinangap na foreign funds na for lending ang TRC, ah ang mga photo po na ito na nandiyan sa center, nagkaroon po kasi ng lending faction ang TRC. Pero noong dumating po tayo wala na po iyon, pero nandoon pa po sa libro. Yan ho yung mga account na yan may service fees ang mga account na yan. Kung i-compute yan, kasama sa income and expenses ng TRC, talaga ho syang magiging mabigat. Pero di namin nababayaran yung mga servicing ng mga account na yan sa ngayon dahil nasa DOF na ang servicing ng mga account na yan. Ang mga amount na ho na yan na binanggit pag hi inallow ng DOF na ma-convert into subsidy, eventually, ang mga pera na yan ay magiging positive so magiging plus na ho yan,

Poe: Maaari ngang ganun kaya nga ito ang nakakalito sa inyong statement. Ganun siguro nga po ang acounting procedure. Para sa'kin, meron na nga kayong subsidy from the goverment, meron pa kayong PDAF pero ganyan pa rin ang inyong operating expenses. Sunond kong tanong, kasi mga nadidinig ko tungkol sa inyo, maabilidad kayo, may pakikisama kayo. Dami nyong kilala dito, nakita, nakausap, nakahalubilo. Kaya nga mula huling administrasyon hanggang kasalaukuyan ay nandyan pa kayo. Mr. Chair, we just want to establish the pattern of behavior of resource person which is very relevant to our situation. Kayo po ay naging aktibista nung college kayo, tama po ba?

Cunanan: Opo.

Poe: Kayo ay naging Board of Regent?

Cunanan: Opo.

Poe: Naniniwala naman ako, kahit paano, taglay mo ang ideyalismo at tapanag para di ka naman basta nanginginig pag merong senador na tumawag sa inyo. Anong nangyari?

Cunanan: Your honor, yun pong binabanggti po dito, di naman po ako nanginginig sa sinasabi ko dahil kailangan kong aprubahan o disaprubahan. Wala po iyon sa level ko. Yun pong level ng usapan nga na sinasabi, kaya po sumagot ako, trabaho lang naman ang ginagawa ko. Sinagot ko naman po, ginagawa ko lang trabaho lang. Kaya ginagawa ko po ang mga follow up. Kung takot ako, mismong tawag lang di ko magagawa. The fact po na nagtawag kami ng check, ibig sabihin, kahit pano ginagawa namin aming responsibilidad.

Poe: ...Dati daw ikaw ay nasa CHED, ikaw ba ay umalis ng kusa o kayo ay hiniling na umalis?

Cunanan: Umalis po ako ng kusa. Meron po akong resignation letter dahil alam ko naman pong may problema ako ng time na yun. May deficiency ako na di kayang ayusin at the time. Kaya nagresign na po ako.

SGP: Pwede ko po bang mahingi ang deficiency na yun?

Cunanan: In the course of my life in college, na-involve po ako sa student movement, naging passionate po ako about it. Napabayaan ko po talaga ang pag-aaral ko, aaminin ko. Habang ginagamapan ko yun, napasok na rin po ako sa pulitika. Tri-ny ko pa rin i-accomplish at i-comply at tapusin hanggang mapasok na sa ibang gawain, di ko na po nabalikan.

POe: Pumasok po kayo sa CHED na di pa nakatapos ng inyo undergrad?

Cunanan: Na-appoint po ako at di ko po inapplyan po. Nabigla din ako na doon ako dinala. Nagkonsulta po ako tungkol sa sitwasyon ko at sabi sakin tutal nag-erenroll ka na may ginagawa ka na...

Cunanan: Tutal nakapag re-enroll kana tapos may ginagawa ka na, tingnan mo kung pwede ka magqualify dun sa ETR dun sa accreditation processes, para ma-accredit yung mga pinaggagawa mo atleast ma-highlight na may ganyan kang pwede ka gawin. Noong makita naming na hindi pwede, nag-resign na po ako. We cannot sacrifice it further and push it further. So hindi pwede ...

Poe: Mabuti naman siguro na marami kayong kakilala na maraming tumulong sa'yo na makuha yan pwesto na yan sa umpisa pa lang bagama't may mga konting pagdududa sa mga maaaring mong maging qualipikasyon. Ngunit ang susunod kong tanong, kasi lumabas yan sa pahayagan eh, hindi ko naman to hinukay. Sa pahayagan mismo 'to lumabas eh, na yun nga nagkaroon ng issue sa CHED kasi hindi ka nagtapos sa undergrad, so ang ginawa ko dahil alam ko magkakaroon ng hearing, tiningnan ko ang website ng TRC para masiguro kung ano ba ang qualification mo, at ngayon tiningnan ko din ang DenisCunanan.com, yun sayo naka-update na, yun basically profile ano. Pero sa TRC pagtingin ko, and I would like to read it Mr. Chair, "After finishing high school with honors, Dennis had set to study in the University of the Philippines Diliman. Dennis Cunanan believe that each and every Filipino has the obligation to involve in social transformation etc etc... Walang binabanggit na ibang college ha. He primarily took up economics and later shifted to the National College of Public Administration And Governance majoring in Public Admininstration He served as a student reagent in the board of reagent, the university highest policy making body. Years after graduating from the university, he moved on to further heights." Mr. Chair, there is no mention here of Lacson College, where Denis actually graduated from. Im just saying that you are the director of the TRC, I'm sure you read your profile. Any explanation here sir?

Cunanan: Your honor, when we updated our website, ang gumawa na po niyan ay yung team sa opisina. Narinig ko lang ho ngayon, otherwise, I could have called their attention. Actually kung narinig ko yan, ipapalagay ko sana na umabot ako ng Hardvard, sasabihin ko po na.. Poe: Sir, nandito na.

Cunanan: Kaya nga po nabanggit ko ngayon, i-cacall ko po yun attention kasi hindi po tama, hindi po kumpleto.

Poe: Kawawa naman yun mga taga Lacson College, parang di mo pinagmamalaki yon Cunanan: I'm proud your honor.

Poe: I hope so. But I have another question Mr. Chair, because remember we are also establishing lifestyles. You said nag-aaral kayo sa Hardvard ng isang course, tama po ba? Gaano po kayo ka-tagal nag-aral sa hardvard?

Cunanan: Executive education po.

Poe: How long?

Cunanan: Mga one month

Poe: How much did you pay for that?

Cunanan: Napasok po ako, na-allow po ako dun sa sponsorship program so TRC at DOST po ang nagbayad noon.

Poe: So, TRC and DOST ang nagbayad, meron po bang kasulatan na sila ang nagbayad?

Cunanan: Opo, Meron pong liquidation.

Poe: So kahit mababa po ang kinikita ng TRC, nagsponsor sila ng Hardvard program para sa inyo?

Cunanan: Yun topic po kasi ay Managing Change, kalilipat ko po ng center from rationalization, kaya napaka relevant po ng program

Poe: Magkano nga for the record ang total na ari-arian mo sa SALN?

Cunanan: Your honors, can I refer to the record? Networth your honor is P2,161,547.

[Second part]

Sen. Grace Poe: Ang sweldo mo na nakalagay sa inyong ITR ay about P776,216 a year, tama po ba?

Dennis Cunanan: Tama po.

Poe: Lumalabas na halos P63,000 ang swledo mo buwan-buwan. Mga magkano ang kuryenteng binabayaran mo?

Cunanan: Misis ko po kasi ang nagbabayad. I suppose it's in the range of P10,000 to P11,000...

Poe: Ilan po ang anak ninyo?

Cunanan: Tatlo po ang nasa amin.

Poe: Parang imposible kasi ang P10,000 sa ganung klaseng...pasensya na kasi...may dating yung bahay at sa tingin ko kung mga ganun lang (ang inmyong kuryente), parang magrereklamo ako, bakit ganun lang?

Cunanan: May mga economy saver po. Plus yun pong asawa ko taga-Pangasinan, inabutan yata ng kakuriputan ng norte. Lahat po ng pagtitipid ginagawa namin.

Poe: Maswerte ka sa asawa mo, napakahalaga yun. Ang tatay ko ay taga-Pangasinan rin. Kahit noong nabubuhay sya ay hindi pa rin ganun na 10,000 o P11,000 ang kuryente. Di mo na matandaan ano ang electric bill mo? Kadalasan sa mga kalalakihan, kayo lang po nagtatrabaho, kaya dapat alam mo rin. Kahit na P63,000 ang sweldo--P10,000 sa kuryente, meron pang mga stickers sa kotse, gasolina pa. Mahirap intindihin. Ngayon, pasensya na gusto ko lang makita ang consistency dito. Pinapaalala ko kasi sayo na pagkakataon mo nang ilabas ang lahat ng alam mo. Ang pagkakaiba kasi nung mga iba na nauna sayong magtestify, merong pagkakasalang inamin, kakulangan at merong pag-sosorry. Di ko sinasabi na perpekto ang testimonya ni Ms. [Ruby] Tuason pero sya mismo, voluntary nagsabi na magsosoli. Dapat ganun ang ating mga kilos lalo na pag tayo ay nagkakamali. Tatanungin ko si Mr Luy dahil ilang beses na syang dumalo sa pagdinig. Naobserbahan ko na rin po ang inyong kilos. Ang pagkilos mo ay iba sa ngayon, parang mas malungkot ka ngayon, mas mabigat ang dinadala mo. Ganyang ang testimonya ni Mr Cunanan ay salungat sa ibang testimonya. Ikaw ba ay nanindigan pa rin sa iyong sinabi?

Benhur Luy: Yes, madam. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang.

Poe: Doon ba sa inyong abogado na si Mr Ligod, sya ba ay abogado ng iba pang whistleblowers?

Luy: Basta ang nangyari lang po ay di sya nakakadalo sa hearings that was the reason. Malungkot din ako sa desisyon. Meron kaming pinagsamahan. I have a responsibility na kailangan kong gawin.

Poe: Alam mo kung ano ang gusto ko sa sinabi mo kanina? Sinabi mo na ang kaso na ito ay hindi tungkol sa akin, hindi tungkol sa aking abogado ito ay tungkol sa issue na nangyari sa pinagbitawan ng ating mga kababayan. Kaya kung ano ang nasa sa inyo, meron man itong salungat sa iba ang mga una mong sinabi, hindi lang para palakasin ang kaso. Ito ang palagi kong sinasabi, we should be able to hold our heads up high that justice is not merely done, but done right, so para sa akin ay napakahalaga po noon. Merong dahilan kung bakit gusto kong sabihing salungat dahil hindi matandaan ni Mr. Cunanan kung siya ay pumunta doon sa Discovery. Pangalawa, sinasabi niya na hindi totoo yung iba na sinasabi mo, gusto ko lang sabihin to, Mr. Chairman, to the Department of Justice, and also to Honorable Secretary de Lima, I wish to reiterate and it is not and will never be my intention to derail the investigation, but I think that we will be remiss to the people if we don't question Mr. Cunanan very well. And last thing, we would like-- and I think the people don't deserve this-- for another witness to put holes on the testimony of other star witnesses. I remain with you, I am in awe of your dedication to your job and I am your ally in finding the truth, but in the end our loyalty is to the people, so Mr. Chair, kaunti lang pong pagrerepaso hindi basta-basta ang benepsiyong ibinibigay sa isang whistleblower or sa isang state witness. Please correct me if I am wrong, Secretary, may health benefits ang buong pamilya, may college degree lahat ng mga anak, may security, may livelihood assistance at higit sa lahat kapatawaran sa pagkakasala o immunity sa kanilang crime.

DOJ Secretary Leila de Lima: Lahat po ng nabanggit ninyo your Honor ay tama. Those are provided doon sa fully covered witnesses lang po, but provisional witnesses are iba pa ho yon.

Poe: Kaya nga po sinasabi ko na nga ilabas na lahat, Secretary de Lima. Alam ko it's very frustrating, ang tagal na rin talaga ng trabahong ito pero siguraduhin sana natin na ang pribilehiyo ay hindi naman masasayang, parang umpisa pa lang kasi kung nagkakaroon na ng hindi pagtugma ay medyo nag-aalinlangan lang ako sa aking sarili, pero at the end, I trust your judgment and I know that you will do what's best and of course the Ombudsman especially, gusto ko lang ding sabihin na unang-una sa isang akusado na nais magbalik loob sa batas, unang-una dapat may pagsisisi. Pangalawa, may solidong hakbang para itama ang mali, at pangatlo kung mayroon mang nakuha sa ating bayan, dapat isauli para naman may benepisyo din ang ating mga kababayan. Hindi ko sinasabi na perpekto ang testimonya ng iba pero may pag-amin na malinaw at may boluntaryong pagsusuri, sana naman, may kasabihan nga, wag tayo sanang mapuwing sa sarili nating alikabok or tamaan ng sarili nating kidlat. Sa pagpili natin ng mga testigo para sa ating kaso wala po tayong kinakampihan pero ang importante talaga ay walang butas ito dahil sa tagal na rin ng panahong dapat na maparusahan ang mga nagkasala. Yun lang po at maraming salamat.

News Latest News Feed