Press Release
March 10, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. BAM AQUINO'S INTERVIEW
AFTER THE HEARING OF THE SENATE OVERSIGHT
COMMITTEE ON QUALITY AFFORDABLE MEDICINES

Question:

Senator Bam Aquino: Affordability sa merkado ba may mga cheaper alternatives tayo. Mukhang mayroon naman. In fact, in the past few years, rumami rin ang cheaper alternatives, iyong mga generic versions ng branded medicines. Iyong accessibility, ibig sabihin naman noon, mayroon talagang sa merkado na madaling mahanap dahil marami naman tayong botika pero sa malalayong lugar at rural areas, problema pa rin ito. Kahit nandiyan ang murang gamot, hindi naman itong ma-access ng ating mga kababayan. Of course, acceptability iyong pangatlo at ito ang pinag-usapan namin na mahaba-haba rin na iyong mga Pilipino hindi pa rin tanggap na kapag mura ang gamot ay kasing-bisa ito ng mamamahaling gamot. I think the DOH, the FDA and the media need to work together to be able to make that more know na kahit mas mura siya, hindi ibig non na walang bisa ang gamot. So hopefully, through more of these hearings, we'll be able to get to the bottom of this. How do we make our medicines more affordable, more accessible and more available. Kapag nagawa na natin ang tatlong iyon, siguro masasabi natin na ang Cheaper Medicines Act ay talagang nagawa ang dapat nitong gawin bilang batas.

Question: Pero satisfied na ba kayo sa prices ngayon?

Senator Bam Aquino: Well alam mo ang importante kasi may alternatives ang tao. Meaning, mayroon kang gamot na nasa sampung piso but exactly the same medicine, mayroon kang version na sixty centavos so nasa merkado na iyan. Unang una, affordability should be there. Mayroon kang alternatives. Pangalawa, kung gusto mong bilhin ang mura, dapat mayroon kang pagbibilhan. Sa Metro o sa siyudad, madaling hanapin ang mga botikang iyan. Sa mas malalayong lugar, mahirap hanapin ang ganong murang gamot. At pangatlo, dapat maintindihan ng taumbayan, na ang isang gamot na generic ay kasing-bisa ng branded na gamot. In a survey, the acceptability is not there. As government is improving its testing facility para talagang matest na ang lahat ng generics ay kasing-bisa ng branded, kailangan ding maintindihan ng tao na kapag bumibili ng generic, kasing-bisa iyon ng branded. That's the three things that need to work together to make sure that our people have the option to buy affordable medicine.

Question: Kanina nabanggit ng FDA director na....

Senator Bam Aquino: We've actually talked about that before. In fact, marami sa kanyang ten-point strategy are trying to address those concerns. Specifically, ang mini-mention niya iyong imported. So hindi naman ito lahat ng generic dahil mayroong generic na gawa sa Pilipinas. Iyong mga gawa sa Pilipinas, nache-check na iyan ng FDA. And they need more support to do the check outside the country. Nararapat lang na suportahan natin ang FDA upang masiguro nila na effective ang mga gamot na pumapasok sa Pilipinas.

Question: Pabor po ba kayo sa legislative immunity ni Dennis Cunanan?

Senator Bam Aquino: Well alam mo marami talagang kailangan. Ang problema hindi talaga nagja-jive ang testimonya nila ni Benhur Luy kaya palagay ko until that time happens na mag-jive iyan, mahirap talagang magbigay ng legislative immunity. Ang importante siguro, mahimay natin ang kanyang testimonya, anong parte ba doon ang mukhang kapani-paniwala at anong parte doon ang hindi tumutugma sa ibang witness.

Question: Convinced ba kayo sir na hindi siya tumanggap?

Senator Bam Aquino: It not for me so say kung tumanggap o hindi but I will have to admit na siyempre iyon ang duda sa utak ng maraming tao kasi may witness na tumanggap siya at pangalawa, ang kalakaran doon, noong unang nag-testify si Benhur na mukhang ganun ang proseso. I think in this case, he really has to show na hindi siya tumanggap. Tingnan natin ang kanyang SALN, mag-lifestyle check tayo. We can really get to the bottom of it and hopefully, ma-erase ang doubt ng maraming tao.

Question: Kung sakaling pagbotohan, ano po ang boto niyo sa pagkakaloob ng legislative immunity?

Senator Bam Aquino: Hindi pa namin iyan napag-uusapan. We'll cross the bridge when we get there. Definitely, kapag pinag-uusapan iyan, we really have to make sure na kapag mayroon talagang natanggap, kailangang ibalik man iyan to be able to be part of witness protection program.

Question: Secretary De Lima is saying na bibigyan niya ng chance to rectify si Cunanan. Puwede ba iyon sir, e binago-bago na niya ang kanyang sinumpaang salaysay?

Senator Bam Aquino: Its really up to the DOJ and the Ombudsman to accept people into the witness protection program. That's not up to the Senate. I trust that Secretary de Lima will do the right process but personally...medyo talagang hindi tumutugma ang kanilang testimony.

News Latest News Feed