Press Release
March 11, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's DZMM Interview
with Ted Failon on March 11, 2014

Ted Failon: Ika nila baka sa pagbabalik ng session on May masimulan yung deliberation, Ma'am are you familiar po sa version ng kamara so far?

Senator Grace Poe: Actually hindi po, hindi ko po alam ang kanilang version, pero sa tingin ko naman sa dami din ng nagsumite ng version nila pag ito ay kinonsolida nila katulad ng aming pagkonsolida nito ibig sabihin lahat naman ay talagang kinuha natin ang kanilang panig ng patas, sa tingin ko, hindi naman magkakaiba din po.

Failon: Ok po, so Ma'am habang hinintay po natin ang kanilang version can you just tell us briefly lang po para sa kapakanan po ng ating tagapakinig, ano lang po ang bawal, ang mga bawal po natin masuri kapag po gusto pong makuha taumbayan ang impormasyon.

Exceptions covered by FOI

Poe: Unang-una po kapag ito ay makakaapekto sa ating national security o seguridad, kasama na din po diyan kapag may pag-uusap na diplomasya sa ibang bansa habang hindi pa ito pormal. Pangalawa, kung ito po ay tungkol sa imbestigasyong criminal, na hindi pa natatapos ang imbestigasyon at hindi pa natutunton ang dapat mahuli at yung mga informers, hindi dapat niyang masabi. Pangatlo, kung ito po ay makakaapekto sa economic security natin katulad ng mga spekulasyon sa merkado. Pang-apat, itong tinatawag nating Presidential communication's privilege alam ko na naging very controversial ito pero ito ay garantisado kasi sa ating Constitution na ang ating pangulo ay may karapatan pag meron siyang pag-uusap kasama ang kanyang gabinete pag hindi pa ito opisyal ay hindi ito dapat masabi, ito po ay pinaglaban din ni Senator Miriam. So ilan lang po iyan sa mga exceptions natin, pero dati na din po iyan pinagtibay sa Korte Suprema.

Failon: Ma'am kapag meron for example Ma'am, deliberasyon sa NEDA, may mga pinag-uusapan doon , so iyon hong mga bagay na iyon kapag sinabi ho nila na ito ay confidential? Hindi po pwede nating hingin ang minutes sa meeting non?

Poe: FOI cannot be used to cover up a wrongdoing

Poe: Hindi po, hindi talaga pwede, alam ko may mga kwestiyon diyan eh kasi noong panahon ni Gloria arroyo nagkaroon ng paguusap, hindi ba, si Neri ay hindi pinayagan na magsalita sa senado. Ngayon iyan po ay kinatigan ng korte at sinabing may karapatan talaga ang pangulo na magsabi na hindi pwedeng ilahad ang isang pag-uusap na ganiyan. Subalit ang FOI po ay hindi pwedeng gamitin para takpan ang isang mali or a wrongdoing so ibig sabihin ito po ay pwedeng i-challenge talaga kahit sa korte. Yun bang pinag-uusapan nila ay makakasama sa ating interest o hindi? So meron naman pong mga remedial measures.

Failon: Opo, well actually ho dito sa inyong panukala na kapag ho ang pinag-uusapan na ay may kaugnayan na sa ongoing bilateral or multilateral negotiations tungkol po sa mga diplomatic relations natin, bagamat iyan po ay controversial pero kinakailangan po sa isang executive order ng president may hangganan lang.

Poe: Tama po, may hangganan naman po, at tsaka alam niyo po pag meron namang mga multilateral o bilateral talks paminsan minsan kasi yung mga ibang bansa ay nagbibigay ng offer or concession, ayaw din naman nilang mapahiya. Importante din sa kanila ang kanilang mga imahe sa sarili nilang bansa kaya pinangangalagaan din natin ang kanilang tiwala satin, ngayon yung hangganan po non pagkatapos na yung pag-uusap na iyon meron pa ding mga bagay doon na marahil ay hindi mailalahad agad-agad, pero katulad nga niyan, kaya nga importante din na pagtibayin natin ang whistleblower's act o yung witness protection kung merong tao sa gobyerno na talagang tapat naman ang hangarin at gusto lamang matigil ang isang pagkakamali, ito ay pwede nilang ibunyag o sabihin sa korte, hindi naman talaga iyan national security, iyan naman ay iilan lamang na gustong magkaroon ng impluwensiya dito, so pwede naman po iyong mga ganung remedial measure.

Failon: Ok po ma'am, gawin po nating ehemplo. Example po mga board meetings ng GOCCs wala po akong nakikita dito, iyon po pwede po makuha ng taumbayan ang minutes non?

Poe: Opo hindi naman po sila president, ito naman po ay hindi naman sangkot sa presidential privilege, ngayon pag gabinete ang nandon, iba naman po ang pribelehiyo ng isang gabinete hindi naman po kasing taas ng sa presdente, so pag mga ganon po pwede pong mahingi ang kanilang mga pinag-usapan doon kung saka-sakali.

Failon: Opo basta dito po sa panukala po sa Senate version, mga kapamilya, doon po sa mga basic na lagi pong hinihingi ng taumbayan, yung mga SALN, magmula sa presidente hanggang sa mga miyembro po ng Armed Forces basta po kagawad ng pamahalaan dito po talagang bukas na po ito, wala na pong problema kung saka-sakaling ito ay maaprubahan, lahat ng budget di po ba no ma'am? Kasama na yung IRA? Lahat na po ito ay bukas na sa publiko yung mga basic po na lagging hinihingi ng taumbayan ditto po at leastm wala na pong dahilan para hindi ito maibbigay sa publiko?

On automatic uploading of SALNs

Poe: Tama po actually, sabi nga nila noong pinag-uusapan namin ito, huwag naman maging malabnaw ang FOI, actually nung period of amendments lalo pa po nating pinalakas, sapagkat ngayon yung grade 27 and higher. Ibig sabihin, yung mga director level, kailangan naka-upload lahat sa kanilang mga website ang kanilang SALN, kasi alam mo lahat naman ng empleyado ng gobyerno may mga SALN, pero hindi mo basta-basta makukuha pero sa posisyon ganon, mga 27 and above na pay grade naka-upload na po, tapos dahil ang ating mga barangay chairman, wala naman pong mga pay grade iyan, so nakalagay din po doon heads of offices, ibig sabihin kahit wala kang paygrade kung ikaw ay isang head ng government office kailangan naka-upload din ang iyong SALN so mas madali pong makuha iyong impormasyon.

Failon: Opo dito nga po din kasama na po dito ang miyembro po ng Supreme Court?

Poe: Opo tama po

Failon: And I think dito po ma'am member of Constitutional commissions and other constitutional office dito po ba maam kasama na po ang lahat na ng mga huwes?

Poe: Opo kasama po sila��.

Poe: Opo basta kasama po sila. Depende po sa kanilang pay grade pero usually, I can imagine kasama po sila sa 27 and above pero alam ninyo po kung hindi naman po kasama sa automatic uploading pag meron naman pong kwestyon tungkol sa kanilang pagkatao or performance sa gobyerno at ito po ay kasama sa imbestigasyon, pwede naman po talagang mahingi ang kanilang SALN kahit na po hindi sila kasama sa automatic uploading. Yung automatic uploading po mas mapapadali lang po natin para sa ating mga kababayan na agaran na makita ang sitwasyon ng kanilang kayamanan.

Failon: Okay ma'am so siguro ho ay kapag lumabas na ang bersyon ng kamara, saka po tayo magkumpara tungkol dito. If I may use the word, medyo madugo po ito kapag ho malaki ang kaibahan sa bersyon. Papaano po ninyo ihaharmonize yan sa gagawin po ninyong bicameral conference committee kung talaga pong ito ay papasa nga. Pero may isa pong provision na medyo natatanggi po senadora. Iyon pong kapag ang pagtatago ay may kaugnayan na sa cover up ng krimen, wrong doing o graft and corruption, hindi ito pahihintulutan tama ba ma'am?

Poe: Tama, Hindi natin pahihintulutan. Kasi ganito po iyan, para sa kaalaman ng ating mga kakabayan kuwari sa tingin niyo po ay hidi po yan dapat gawing sikreto kasi nagtatakip lang iyan ng kalokohan nila ay pwede po iyan dalhin sa korte, ngayon sa korte pwedeng tignan o ibulong sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari so hindi naman kaagad agad na maibubunyag ito kapag nadetermina ng judge halimbawa na ito ay nagtatakip lang ng isang krimen or kalokohan sa gobyerno, pwede pa din sabihin na hindi ito exception at dapat ito ay mailabas. Ito lang naman po ay nakalagay na sa ating Constitution, nagbibigay lang naman tayo ng mas maayos na proseso, para naman meron tayong mapupuntahan, at para tayo po ay mabigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng ating Constitution. So yun lang naman yun sa atin, matagal na kasi ito, 27 years na. Dapat nagawang batas noon pa.

Failon: Pardon po, may kakulitin po madam senator. Doon po sa kung tawagin na "Neri doctrine" yung nangyari po kay Romulo Neri, kasi po ang claim po dun na kung nagtatago kayo sa executive privilege, ay dahil nga may tinatago kayong katiwalian. Dito ho ba maam pwedeng kasama na sa exemption, dun po sa binabanggit na Neri Doctrine na yun?

Poe: Actually yung sa Neri Doctrine na yun, ito po ay isang court order. At sinasabi na ito ay kasama sa kapangyarihan ng pangulo. Dito pa rin ay hindi. Kaya lang po ang pagkakaiba kasi, kaya nga importante na lahat ng sangay ng gobyerno ay matino, kahit na sabihin mo pa na meron kang karapatan na ganun, sa bandang huli rin yung mga naka-upo sa korte ay nagdesisyon muna kung ito'y karapatdapat o hindi. Kaya importante na mapagkakatiwalaan din natin yung mga nakaupo doon. Kaya nga isa yan sa naging hakbang siguro ng ating pangulo na malinis ang korte, sa kaniyang abot kaya na malinis ang korte dahil nga sabi nila naiimpluwensiyahan din minsan ito ng iba. Ngayon di ko sinasabi na ganun ang nangyayari, kaya nga importanteng palakasin pa rin, ganun din ang witness protection. Sapagkat kung meron talagang may lakas ng loob na magsasabi, kadalasan po dapat maprotektahan yan, at yung ating mga kababayan makikita nila kung sino ba talaga nagsasabi ng totoo katulad ng mga nangyayari ngayon dun sa ating pagdinig.

On penalties

Failon: Ok po. Ma'am last two points po. Ito pong inyong panukala ay meron pong karampatang administrative at penal provisions po. Ok. Dito ho nababanggit na ang penalty po nito ay from less than one month but not more than six months, at ang kanyang multa ay sampung libo hanggang isang daang libong piso. Ito na ho ba ang pinaka-mabigat madam?

Poe: Ang alam ko kasi ay isang taong pagkakakulong eh. Titingnan natin, pero yun ang mga nalagay nating penalties kasi po noon hindi pa po kasama ang administrative at criminal intent. Hiwalay pa po yun. Kasi noon, ang parusa ay parang hindi hihigit sa isang buwan at hindi hihigit sa sampung libo ang penalty. Ngayon po ay pinabigat natin. Ngayon po nakalagay, na meron ding pagkakasalang administratibo. Katulad niyan, maari kang makulong, maari kang magbayad. Pero kung ikaw ay dating empleyado ng gobyerno, yung administrative offense na yun ay pwede mong dismissal din sa pwesto. So meron pong mga iba't-iba rin na naka-kabit diyan na maaaring isampa sa iyo dahil nga sa mga ginawa mo, kung gumawa ka ng kalokohang criminal, kung isa kang empleyado ng gobyerno naman ay pwede kang kasuhan ng administrative penalties or pagkakatanggal sa serbisyo.

Failon: Ma'am kasi dito po sa nakasulat ay one month but not more than six months, yung pong imprisonment dito na penalty. Hindi ho ba ito napakababa ma'am para sa isang offense na kagaya po nitong sinasabi niyo na pagtatakip or pagbibigay sa paghingi ng impormasyon kasama na ang pag alter sa mga impormasyon. What do you think madam? Kasi kung ito po ay aprubado na sa third reading in the senate at tapo nap o yung amendments period, eto po ba ay pwede pang ma-remedyuhan po kung saka-sakali?

Poe: Well, sa ating pag-uusap, isa din yan na pwede nating talakayin pagdating sa bicameral kung sakali na mahina ito, ang sa amin kasi kaya naming nila na ganyan kasi maaring meron pang ibang kaso na maipapatong sa kanila. Poe: Pero maaaring meron pa kasing ibang kaso na maipapatong sa kanila kaya lang ang mga ordinaryong mga mangagawa sa gobyerno na maaaring may mga nagawang hindi karapat-dapat mayroong 6 months pero meron nga, katulad ng nabanggit ko ay may administrative penalties parin po so pwede naman po kung sa tingin natin ay sila naman po ay dumaan sa ating hearing kasama ng right to know right now coalition at ang ibat ibang ahensya ng gobyerno kung ito naman po ay sasabihing malabnaw yung penalties natin ay pwede naman nating pagusapan sa kamara ang pagtaas pa ng penalties.

Failon: Ma'am maligayang bati po sa inyo at sa lahat ng mga authors nito. Sina Ginoong Escudero, Trillanes, Osmena, Honasan, Guingona, Cayetano, Ejercito, Legarda, Angara, and of course kayo ho ang chairperson na nagtimon nito. So ma'am kayo po ay magbabakasyon po ulit ano? Pagkatapos ng inyong sesyon ngayong lingo. Nang kayo po ay mahalal ma'am bilang isang senador, hindi ba kayo nagulat sa dami ng bakasyon?

Poe: Siguro sa iba no, maraming bakasyon, yung official. Oo, actually nagulat ako, tinanong ko nga na parang ang daming break in between? May sumagot naman sa aking isang senador at sinabi na actually humaba na yung days nung sa trabaho pero alam nyo po ako, ewan ko kung papaano ginagamit ng ibang mga kasamahan natin ang kanilang oras. Doon naman po sa mga break na iyon, marami namang pong consultation at pag-iikot kasi akala ko nga itong unang bill na ipapasa ko akala ko two years pa. Tuloy tuloy po talaga ang ating pagsisikap na sana naman mayron na tayong magawa para sa ating mga kababayan so pwede namang gamitin ang oras na iyan sa makabuluhang paraan. Pero ito talagang summer na ito sinasabi ko na sa ating mga kasamahan na ako'y hangga't maari ay tututok sa aking mga anak dahil bakasyon nila pero hindi naman nangangahulugan na hindi ako makikinig kung ano ba ang pangangailangan na emergency o mga isyu sa ating bayan.

Failon: Opo kasi nga po sa ating mga nakakausap din, kapag ho kayo ay nasanay sa marami kayong ginagawa lagi, diba marami kayong trabaho as in super busy minsan po yung iba ho ay nacuculture shock sa dami ng break nanaman? Yung ibang congressman din kasi sa una daw ho siguro ay masipag pang umuwi sa district pero sa dami ng humihingi sa kanya ay ayaw na umuwi. Kaya iyan po ang realidad mga kaibigan sa legislation, actually ho time yan for consultation at iba pang Gawain. Yung iba po naman ay nag-aabroad para sa IPU. Yung International Parliamentary Union.

Poe: Wala pa naman tayong ganon, pero sa tingin ko, ito naman, para sa pagiging patas sa ating mga kababayan, yung mga senador, at least ako, hindi na po yung katulad niyan kapag pupunta ka sa isang lugar ay kailangan ng ganito o ganyan ay alam naman nila na wala nang PDAF. Pero hindi pa din maiiwasan na minsan talagang kailangan ng bayan namin at sasabihin namin na ibibigay namin iyan sa karapat-dapat na ahensya. Pero talagang ang laki ng tulong nitong kamulatan natin sa nakaraang araw.

Failon: Tama po iyan, madam senator. Alam niyo, maraming mga tao po na ayaw nila na nagnanakaw ang mga opisyal ng ating mga pamahalaan lalo na ho ang mga mambabatas pero hingi nang hingi sa kanila. 'di ba ma'am? Ano ho yon? So talagang malaking bagay din po ito. Parang you don't want your congressman or your mayor to be corrupt pero hingi kayo ng hingi ng pambayad ng kuryente ninyo. Saan naman po kukunin ni mayor o ni congressman iyon?

Poe: Yun nga po, pero ang masakit doon kasi, kunwari ay magbibigay ng isang porsyento ibubulsa naman ang 99 na porsyento. Pero unti-unti po, sana po ay gabayan kami ng maykapal na maging mas matibay at mas maging masipag kasi ang dami pang dapat ayusin. At sa tulong din ninyo sa dami ng pinapaalala sa amin kung kami ba ay hindi na tumutupad sa aming mandato malaking bagay po iyon.

Failon: Yes ma'am. Okay. Again maligayang bati po sa inyo lahat diyan na nagsulong po nitong panukalang ito and enjoy your vacation.

Poe: Salamat po sa pagkakataon at sa lahat ng nakikinig magandang umaga po sa inyong lahat.

News Latest News Feed