Press Release
March 14, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's Bombo Radyo Interview
Hosted by Jun Desca

Sen. Grace Poe: Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig.

Jun Desca: Senadora, I understand na pasado na sa Senado yan at ang alam ko 22 senador ang pumabor diyan at syempre yung mga absent siguro susuporta po iyon. Ngayon ang problema natin sa House ay kung kelan maipapasa iyan at ang tanong ko kayo po ba ay nakikipag-ugnayan na sa Kamara para sa inyong counterpart sakali doon nang ito ay para ma-pressure din at maipasa din ng lower house ito.

Poe: Ako po ay nagpaabot na ng mensahe, bagamat hindi naman official, sa media, na pwede naman na kasi kung gusto nilang gawing batayan ang aming naipasa na bill. Ito po ay bunga ng konsultasyon ng maraming iba't ibang grupo kaya yung consolidation na ginagawa sa Lower House ay mas mapapadali sapagkat lahat ay halos naconsidera na rin. Una yon, sana ay meron tayong polisiya na mayroong parliamentary courtesy na. Ang ayaw naman natin na ipressure sila dahil naniniwala naman tayo na meron silang prerogatiba.

Desca: Balita namin ay may pangamba kayo sapagkat ang inyong bersyon diyan sa Senado ay malakas pero baka pagdating sa House ay medyo malabnaw.

Poe: Sabi ko naman iyan ang aking pangamba dahil maaaring mangyari iyon. Kaya nga ang importante pagdating doon sa bicameral conference, ibig sabihin kapag naipasa na iyan sa Lower House at kami ay nag-meeting na ng magkasama, yung sa akin ay gusto kong malinaw na talagang ipaglalaban ko talaga ay ang bersyon na malakas sapagkat huwag naman tayong magpapasa ng batas na balewala dahil katakot takot na problema nanaman ang idudulot niyan.

Desca: Senadora, maari ba ninyong ibigay sa amin ano ang particular na probisyon sa upper house ang hindi dapat matanggal pagdating sa lower house o sa bicam kaya?

Poe: Unang-una yung automatic uploading ng SALN o yung mga ari-arian ng mga nasa gobyerno, kasama na diyan yung mga barangay captain, kailangan kasi pag pay grade 27 and higher at saka yung mga heads of office ay kailangan meron sa website kung magkano talaga yung mga ari-arian nila. Kasi itong FOI ay para naman masiguro natin na hindi tayo nalalamangan ng kahit na sino sa gobyerno. Kailangan yung meron ang gobyerno, transaction ng gobyerno alam natin kung saan ginagamit, so isang basehan ang SALN o ang yaman ng naninilbbihan sa gobyerno. Pangalawa, pag sinasabi ng ating mga kababayan "eh ano bang benepisyo sa mahihirap ng FOI?" Simple lang po kung may FOI tayo noon pa, marahil itong nangyari sa PDAFay maiiwasan natin. At isipin na lang ninyo P11 million na dapat napuntang pera sa magsasaka, sa pinakamahihirap nating mga kababayan ang hindi naipaabot dahil ninakaw ng mga tao. Kaya nga sinusulong koi tong FOI...

Desca: Linawin ko po ma'am, dun sa bersyon ninyo diyan sa Senado, yung right to reply na sinasabi nilang pinangangambahan din sa panig ng media, kasama ba ito o hindi?

Poe: Hindi po kasama. Ayoko din pong maisama sa Lower House version. Pero sa Lower House, naiintindihan nila na hindi naman dapat iyon kasama.

Desca: Kayo po ba ay nananawagan sa Malacanan lalo na kay Pangulong Noynoy na i-certify ito as urgent ?

Poe: Syempre gusto ko i-certify as urgent pero iyan, prerogatiba yan ng presidente. Sa totoo lang, napasa natin yan sa Senado na di naman kinailangan ng ceritification ng pangulo. Kaya magandang magdebate tayo tungkol dito para walang question pag ito'y iyinakda, para walang makakapagsasabi na ang Malacanang ang may kagagawan kaya napasa yan. Sa tingin ko ang social media at mainstream media, may pressure na. Sinong nag-akalang PDAF matatanggal? Meron pong pagkakataon dito.

Desca: Sa lower House, Si Speaker Belmonte, may binaggit sya na handa raw syang magpabitay kung di ito maipapasa.

Poe: Wala pa kaming 8 months pero naipasa na sa Senado, so nag-uumpisa pa lang ang Kongreso, pinag-uusapan na ito. Ganun din sa Lower House, para sana di na umabot sa 2016. Mahirap nyan once nag-uwian na kongresista malamang wala na.

Desca: Talagang may time tayo maipasa ito. Walang alibi na walang oras

Poe: Ngayon pa lang, di pa nakarating sa committee level sa House pero nag-umpisa na yun...Pero sa tingin ko, ang pangit talagang lalabas sa kanila kapag hindi nila nagawa ito, dahil mismong ang kanilang Speaker, mapapahiya. Kaya naman, nagsugal na rin dito si Speaker Belmonte para sabihin bitayin na ninyo ako kapag hindi ito pumasa.

Desca: So anyway, tayo po ay sama-samang magmonitor dyan. Maging si Senate President Franklin Drilion, ang liderato ng Senado ay mayroon silang mga regular meeting din ata eh. Every month, na nasabi nga nya ay dapat imonitor ito sa Kamara kasama si Speaker Sonny Belmonte. Senadora Ma'am itatanong ko na lamang din po ito, sapagkat hindi maiiwasang lumulutangpa ang pangalan po ninyo ay para sa 2016. Ano po ang masasabi nyo dyan?

Poe: Alam nyo po siguro natural lamang na pag baguhan ka, tapos medyo maganda iyong pakita mo nuong nakaraang eleksyon ay makukunsidera ka, pero iyong naging karanasan ng tatay ko kasi sa pagtakbo, sa ganyang klaseng eleksyon, napakahirap. Ang daming hindi mo...baka saksakin ka pa sa likod, sa tingin ko marami pa akong dapat mapatunayan, gayon pa man, ayoko magsalita ng tapos, sapagkat ayokong kainin din ang mga sinabi ko, Sa tingin ko, kung sakali...hindi natin alam diba? Sabi ni Rico Puno sa kanta ,lagi kong sinasabi, kung ang kapalaran nga po natin hindi matagpuan at kung minsan lumalapit ng di mo alam,pati naman tatay ko hindi nya inakala so, basta nagdadasal ako na huwag mapunta sa ulo ko ang mga hindi dapat.

Desca: Pero Ma'am, may umaalok ba sa inyo ngayon?

Poe: Wala.

Desca: Ah, wala pa?

Poe: Wala talaga.walang nag-aalok maski na anong posisyon. Alam mo iyan,ang mga Pilipino na gusto ang excitement diba? So wala, hindi totoo iyon.

Desca: Senadora Grace Poe Maraming salamat sa inyong oras na ibinigay nyo sa Bombo Radyo.

Poe: Salamat po Ginoong Desca at sa lahat ng ng nakikinig Maraming Salamat po!

News Latest News Feed