Press Release
March 17, 2014

Transcript of interview after the hearing of Committee on Finance

Sir walang nagmomonitor sa mga private entities na nagpa-fund raising

Ang minomonitor lamang ng pamahalaan ay donasyon na dumaan sa mga ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang DSWD at ang national government mismo, pero yung mga private donations, sa mga private organizations ayon sa DSWD walang nagmo-monitor nito. Ito ay isang bagay na nais naming matingnan bugso ng mga resolusyong hinihain dahil napakasakit naman sa loob non kung magagamit o ginamit ng ilan, huwag nating lahatin, yung kalamidad para makagenerate ng pondo na hindi naman napupunta doon sa mga calamity victims.

May mandate ba o legal basis yung government to monitor private funds?

Meron kasi sang-ayon sa batas, yung nga yung na-point out ko kanina, sinumang organization na nagri-raise ng pondo, nagpa-fund raising para sa anumang purpose, gaano man kaganda yung layunin nila, dapat kumuha ng permit sa DSWD at matapos mabigyan ng permit dapat magsubmit ng report sa DSWD, magkano ba yung nalikom nila at saan ba ito specifically napunta at paano ginastos.

Ibig sabihin private at public, kailangang humingi ng permit?

Halimbawa, kung ikaw gusto mo tumulong, halimbawa, gusto mo magraise ng funds para sa particular na charity or charitable work mo, kung ang pagkukunan mo ng pondo ay sa barangay mo lamang, kailangang mong kumuha ng permit mula sa DSWD representative sa siyudad o munisipyo, kung regionwide yung fund raising mo sa regional office ng DSWD, kung nationwide sa central office ng DSWD. Parang contest lang yan, kailangan mong magregister ka sa DTI, pagfund raising or charitable purpose, kailangan din magregister at kumuha ng permit sa DSWD.

That's under the rules of DSWD?

That's under an old law and under the rules of the DSWD.

Magkano yung penalty?

Yun nga eh ang baba ng penalty, P1,000 lang, at ni wala yatang pagkakakulong. Isang rason para muling tingnan at bisitahin ng Kongreso yon.

Yung sinasabi ng DSWD eh may emergency naman may mga hindi talaga nakakakuha ng permit.

Okay lang yun, hindi ko naman sinasabi dapat kumuha ng permit bago makatulong sa kapwa, ang sinasabi natin, hindi man nakakuha ng permit at that time, ilang buwan naman ang lumipas, siguro naman pwede na silang makakuha ng permit ngayon kahit post facto or after the fact at magsubmit pa rin ng report kung magkano ba ang dumaan at saan napunta. Concerned ito ng marami sa organization at individual na sumusulat sa aming tanggapan at nagsasabing na napakarami nilang nabasa at napakinggang mga donasyon, nasaan na raw ba yung mga yan. Niliwanag kanina na ang iba ay pledges, oo tama yon, pero may mga iba rin na dumaan kung saan-saan na hindi na natin mapin point kung saan napunta, nais rin nating tiyakin na bawat intensyong donasyon makarating sa dapat paroonan.

Implemented this, let's say sa "Yolanda?"

Sa "Yolanda" and other calamities, in fact, we asked the DSWD for the report with respect to other calamities dahil dapat naman siguro by now may report na yung "Ondoy," lahat ng nagfund raising don, magkano ang naraised at saan napunta, required to submit sa DSWD yan, siguro naman by now may report na sila. Yun muna yung hiniling namin, "Ondoy," "Pablo," at tsaka mga nakaraang kalamidad.

May plano bang i-amend yung batas? Pataasan yung penalty?

Yes definitely, matapos ito, matapos pumasok ang datos, kung talagang hindi ito nasusunod baka dahil hindi ito nasusunod: Una kulang sa kaalaman ng ating mga kababayan na may ganitong batas, pangalawa wala pa sigurong nasasampulan, wala pa nga daw nakakasuhan ang DSWD tungkol dito. Baka wala silang ganang magkaso dahil mababa masyado yung parusa o penalty.

Sa palagay nyo gaano kataas dapat ang maging parusa?

Pag-aaralan namin, siguro depende sa amount dahil gaya nang nasabi ko napakasakit para sa isang biktima ng kalamidad na ginamit at pinakinabangan at pinagsamantalahan yung kalagayan nila para lamang kumita at para pagsamantalahan yung sitwasyon nila.

For sure yung sa "Yolanda" maraming hindi nakakuha ng permit, paano yung gagawin nyo roon?

Basta magsubmit lamang sila ng report, okay lang naman siguro yon para din malaman ng ating mga kababayan, magkano na ba lahat ang nabibigay, magkano na ba lahat ang napunta, magkano na ba lahat ang nagastos natin from public or private sources para matulungan yung ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo.

Sa mga public agencies, yung dinaan sa kanila, malinaw na ba yon kung saan napunta?

Malinaw na nasa FAITH (Foreign Aid Transparency Hub) portal, isang website yon ng pamahalaan, ang problema nga lang, kasama doon yung pledges, so porke't nandoon ay actual na dumating. So yun ang isang nirerebisa pa, tinatapos pa ng CoA at yung report nila matatapos yon by November pa ng kasalukuyang taon.

Ano yung nasa loob ng FAITH portal?

Lahat ng donations, galing sa iba't-ibang foreign government and institutions, matagal nang ginawa yon, I think November pa lamang, simula pa lamang ng kalamidad, meron ng FAITH portal ginawa ang pamahalaan.

Sabi ni CoA Chair Tan magulo daw non, crazy yung sitwasyon, hindi klaro yung pagpasok ng mga donations, tama na ba yung nagsorry si PNoy?

Hindi naman sa tama lang, pagpapakumbaba yon ng isang lider na para sa akin angkop at bagay at pagpapatunay na tunay nga siyang karapat-dapat maging lider ng bansa dahil kung dapat magpakumbaba hindi siya nagkikibit-balikat at nagdadalawang-isip gawin yon. Kung may pagkukulang naman talaga na nagagawa o nagawa, hindi man siya, ang mga opisyal na nasa ilalim nya.

Yung mga opisyal ba na nasa ilalim dapat kastiguhin?

Kinastigo naman nya ilang ulit na, nabulyawan nya ng ilang ulit ang mga opisyal na pumalpak at may pagkukulang kaugnay sa kalamidad. Unawain din natin, siyempre sa isang kalamidad na maraming naging biktima, mainit ang ulo, maikli ang pasensiya at hindi maayos ang pagpatupad ng anumang nais gawin ng pamahalaan dahil yung basic backbone mo nga, yung local government units ay naapektuhan mismo at biktima mismo yung dapat tumutulong sana on the ground sa ating mga kababayan.

Enough ba yung bulyaw lang?

All officials in government, those who are co-terminus with the President, do so at his pleasure and for as long as they have his confidence. Pasya ng Pangulo kung tatanggalin sila o hindi. Hindi para sa ating idikta kung kanino may kumpiyansa o walang kumpiyansa si Pangulogn Aquino, siya lamang ang pwedeng magdesisyon nyan.

Enough ba yung explanation ng DSWD don sa mga nabulok na relief goods?

Well ayon sa kanila kakaunti lamang naman at kukunti lamang naman, kaysa makain o mapakain o magkamali pang mapadala sa kung saang lugar, maganda na yung ginawa nilang binaon pero nagbabago pa yata yung figures, from one sack naging four sacks of rice and Secretary Soliman committed to submit to us the actual date upon the questioning of Senator Binay.

Sir bakit kasi kailangan pang abutan ng expiration? Mayroon ng inefficiency somewhere.

Well definitely merong inefficiency somewhere, definitely hindi pa natin nape-perfect, kahit na lang yung pagdistribute natin ng plastic bag na may lamang bigas, lata ng sardinas, instant mami noodle at kape, hindi rin naman efficient yon mismo dahil yung mga tinamaan ng bagyo, kalamidad o baha, walang bahay, walang plato, walang tinidor, walang pambukas ng delata. Paano nya isasaing yung bigas, paano nya bubuksan yung delata, paano nya kakainin yung instant noodle? Kahit naman yon ay inefficient at kahit naman yon hindi pa talaga eksakto pero patuloy pa rin ginagawa.

Yung investigation natin sa DAP, kailan kaya naka-schedule?

Naka-schedule kami, three hearings ang ini-schedule namin, naka-schedule yon sa susunod na pagdinig pero sa kasalukuyan hiniling na namin yung data mula sa DBM para isubmit ano ba talaga yung mga DAP releases na binigay at pinakawalan nila.

Sino-sino yung mg inimbitahan?

DBM lang naman yugn DAP eh.

Anong assurance yung binigay sa inyo ng DSWD na hindi na mauulit (yung mga nasayang na relief goods)?

Palagi naman siguro merong mawawala, ang tanong lang kung paano maiwasan at kung paano mabawasan yan, na magbigay sila ng assurance, hindi siguro magagawa yon, maski na nga ang NFA siguro, nabubulukan nga sila ng bigas at binibenta sa murang halaga yung nabili nila ng mataas dahil hindi nila naaayos yung simpleng rule, first in, first out, unang biniling bigas, unang pakawalan. Ginagawa nila dahil yung unang biniling bigas nasa dulo ng bodega, ang pinakakawalan yung nasa labas ng bodega na mas bago kaya nabubulok yung nasa likod. Yong na nga lang napaka simple hindi pa magawa ng NFA, lalo na siguro ang DSWD.

Sir sa blue ribbon committee dapat may partial report (on pork barrel scam)?

Well desisyo ni senator Guingona kung magpapartial committee report o actual committee report na siya, I think pinag-iisipan at kinukumpleto ng committee yung datos kung kaya na bang magbigay ng partial report, pero with or without the partial report, independently nagpapatuloy naman yung kaso sa Ombudsman, at nasa kamay ng Ombudsman kung kailan at kung sino ang sasampahan ng kaso sa Sandiganbayan. Wala namang kinalaman at hindi naman nila hinihintay ang Senate blue ribbon committee bago nila gawin.

Palagay nyo naka-established na kayo sa senate?

Hindi namin trabaho na mag-establish ng kaso laban sa kung sinuman, trabaho ng Ombudsman siguro at DOJ yon. Ang papel na ginampanan ng senado para sa akin: Una, binigyan ng pagkakataon ang publiko malaman kung ano ang nagaganap sa imbestigasyon, ano ba ang sinasabi ng mga testigo at tsansiyang sumagot ng mga inaakusahan, at pangalawa makalikom ng impormasyon para makapagpanukala ng mga pagbabago na ginawa na namin in part sa GAA, sa General Appropriations Act, para maiwasan itong mala-Napoles na operation. Hindi namin trabahong mag-ipon ng ebidensiya laban sa kung sino mang legislator na ginagawa na in more efficiently ng NBI, DOJ at ng Ombudsman sa ngayon.

Naniniwala pa ba kayo na magsasalita pa si Napoles?

Hindi. Sa totoo lang, hindi, at wala akong nakikitang dahilan na magsalita pa siya, maliban na lamang siguro kung ilipat natin sa ordinaryong kulungan, baka doon pa siya magising at biglang magsalita pagkatapos nating gawin yon.

Kasi pagbalik nyo one month na lang kayo, so kung mayroon recommendation na legislation, di ba dapat meron nang i-submit pagpumasok na kayo ng May?

Well to begin with, kami mismo nakagawa na kami, kaya nagpasa kami ng amendments na binasa ko kanina sa budget, di ba yung paggamit ng NGO, listahan ng NGO, listahan ng DSWD, hindi na pwedeng gumamit ng NGO maliban na lamang kung sumunod sa procurement law. Lahat naman yon bago pa lumabas yung committee report nalagay na namin sa isang batas, hindi nga lang panukalang-batas, actual na batas na, yung GAA ng 2014.

In terms of legislation, enough na yung nakuha nyong information?

Well sa parte ko bilang chairman ng committee on finance, sa parte ng ibang mga komite, desisyon nila kung ano pang panukalang-batas ang papasok, let's say sa DA, baka may panukalang-batas sila, sa DAR baka may panukalang-batas. Sa parte ng committee on finance ito ang naging produkto ng mga pagdinig na yon.

News Latest News Feed