Press Release
March 19, 2014

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. SERGE OSMEÑA AT 'UMAGANG KAY GANDA'

Q: Ano po ang inyong batayan para i-describe ang Pangulong Aquino at iba pa niyang kasama sa Gabinete na 'awful manager?

Serge: Alam naman natin na medyo mabagal ang paglabas, pag-implement ng mga programa. Dun sa DOTC kahit 1 na PPP ay hindi pa natatapos, hindi pa naisasagawa. Eto po ay 'under performance' na nakita ko sa administrasyong na ito.

Q: Bukod sa mabagal sa DOTC, sa PPP, ano pa po?

Serge: Isa din diyan sa Energy. 'Yung nangyari nung December could have been avoided. Pero hindi naman sila nag-iisip, hindi sila pro-active. Alam naman nila 1 year in advance kung kalian magda-down ang mga planta. Eto ang pinaka-malaking supplier ito, 2700MW of natural gas itong Malampaya. They knew that 1 year in advance, wala naman silang ginawa. Naghintay lang sila. May planta diyan ang government na 600MW, hindi pinatakbo. Sumipa tuloy sa P62kwh, 42 times po...

Q: 'Yung mga nababanggit niyo ay mga proyekto na dapat ay inaasikaso ng mga sinasabing alter-ego ng Pangulo, ang mga Cabinet members, hindi po ba sila ang awful managers at hindi ang pangulo?

Serge: Pareho po. Alam naman ng Pangulo, siya po ang Boss, siya ang over-all Boss. Kung alam niya 'yan, na medyo under performing 'yung mga heneral mo, 'yung mga colonels mo, papalitan mo di ba?

Q: Hindi niya pinapalitan, siya po ang may sala?

Serge: Opo. As a matter of fact, 'yung pinaka-unang Cabinet secretary na nag-resign, si Ping de Jesus, napakahusay nun, pero ayaw sumunod 'yung Virginia Torres sa LTO, na under kay Ping de Jesus. Umalis tuloy si Ping sa kanyang frustration.

Q: Ang sinasabi po ninyo, kung hindi pinapalitan ng Pangulo ang mga taong ito na makupad sa pagtratrabaho o hindi ginagawa ang kanilang mga trabaho, iyon ay nagre-reflect sa liderato ng Pangulo?

Serge: Siyempre naman. Kung ikaw ay nagpapatakbo ng korporasyon, dapat binibigyan ka ng target ng Board of Directors mo. Kung hindi ma-meet ang target, hanapin mo kung bakit, ano ang problema. Kung hindi kaya ng mga vice president mo, ng mga managers, eh hindi ba tinatanggal mo? Kung hindi, maapektuhan the rest of the performance of the corporation.

Q: Bukod sa DOTC and Sec. Abaya and the DOE and Sec. Petilla, sino pa po ang itinuturing ninyong non-performing assets sa Gabinete ng Pangulo?

Serge: Marami po diyan pero hindi naman po ako tumututok sa kanila. So, unfair naman kung magkakaroon ako ng hatol sa kanila. Pero nakikita ko na medyo mabagal, just by second hand reports, medyo mabagal ang pag-layout ng projects nila.

Halimbawa, 'yung agrikultura, medyo mali nga eh. Mali 'yung targets nila. These are people na... sabi nga nung genius na si Albert Einstein, 'Insanity is doing the same thing over and over, hoping you'll get different results.' Ginagawa natin 'yan, pare-pareho for the past decades. Hindi naiiba ang resulta diyan. One plus one equals two.

Q: Dapat po ba niyang sibakin ang mga tinatawag ninyong NPAs?

Serge: Siyempre naman. Responsibilidad niya 'yan sapagkat kapag hindi nagkakaroon ng progress ang kumpanya mo, dapat naman sibakin 'yun. Magfo-four years na si President Noy diyan sa puwesto, there's only 2 years left. Speed up naman niya 'yung mga projects niya sapagkat kawawa naman ang mga tao. Kailangan nila ng trabaho, kailangan nila ng progress, ng farm to market roads, ng MRT3, LRT.. lahat wala. Nakakadismaya.

News Latest News Feed