Press Release
March 27, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar - March 26, 2014

Q: On plans for next session on smuggling investigation

Villar: Gusto lang naming tapusin iyong aming mga tinawag na witnesses, yung subpoenaed witnesses kasi may parang tatlo na umiwas. I feel that we should not tolerate that. Gagawa sila ng reason for not coming tapos it seems not true. Iyon lang ang hinihintay ko, na makapag-witness sila sa Senate para masabi nila ang dapat nilang sabihin. And more or less, alam na namin ang mga recommendation namin in terms of legislation and institutional reform sa BOC at saka sa DA. Gusto ko lang tapusin lahat iyong mga witnesses kasi hindi magandang tingnan iyon na pinatawag ng Senado, nag-reason sila tapos you will allow them not to come anymore for reasons na medyo doubtful naman o strong reasons.

Q: Do you have any plans of calling BOC officials to the investigation?

Villar: Wala pa kasing lumalabas na names except of course, automatic naman kapag BOC dadating si Commissioner Sevilla at saka iyong kanyang intelligence, si General Dellosa. Pero other than that, wala namang lumalabas na specific names na involved in smuggling. Sinasabi nila, Customs as an agency, embedded doon ang smuggling but they never mention na mga tao na nasa top of this. Kung may lumabas tungkol doon, maybe we can call them and it will be an opportunity for them to explain also yung side nila.

Q: Pero narinig nyo na itong isang senator close daw kay David Tan?

Villar: Ang nadinig ko ay close sa NFA, not David Tan.

Q: How will affect the Senate kasi hindi pa tayo nakakabangon sa Napoles issue.

Villar: Wala namang nagsasabi nito, unless may nagsasabi nito in public. Ako naman, iyon kasing mga tinawag ko talagang may nag-witness against them so we have to clarify at may mga ties talaga. Kasi ayoko namang mag-accuse nang walang basis. Hindi naman maganda for a Senate investigation na accuse ka nang accuse wala namang basis. In fact, I tried to tell yung mga nagko-complaint, you have to have a basis kasi ayaw naman nating sirain ang isang tao sa hearsay.

Q: May impormasyon mismo ang Dep. Comm for Intelligence, si Dellosa, nag-submit ng report kay Pang. Aquino tungkol sa mga sangkot sa smuggling including high-ranking officials.

Villar: Hindi ko pa nakikita iyon. Very confidential, hindi ko pa alam ang presence ng document na iyon. It's too early to say but kung halimbawa mafurnish tayo at lumabas sa media na there is such document, wala namang masama na imbitahan natin ang mga ni-name doon para maexplain naman nila ang side nila. Para kung hindi totoo, makita nila at kung totoo makita ng general public.

Q: Would you be interested, manawagan kayo kay Gen. Dellosa na mabigyan din kayo ng report?

Villar: I can ask him if he will be willing to give me a report if such a report exists. I can ask him, wala namang masama doon. Unless sabihin nilang confidential iyon, for the president. Nasa kanya iyon.

Q: Sa smuggling may mga nakasuhan na pero until now nakalaya pa rin.

Villar: Ang problema kasi ng smuggling, bailable. Plus if you look at the penalty, hindi malaki. I mean, hindi kinatatakutan. Maybe one recommendation would be i-differentiate iyong syndicated smuggling sa smuggling. Parang may smuggling na one time, maliit. Meron naman they have been doing that everytime and it's a group of people doing it as a system. I don't know if I can pass that but maybe I can file a case, mas stiffer ang penalty sa syndicated smuggling kaysa sa smuggling. Like for example, yung sa estafa, maliit lang ang penalty sa estafa pero sa syndicated estafa non-bailable. So maybe we can do something like that, that is an option.

Q: Ano ang end goal ng hearing, would you go as far as recommending charges against at least Bangayan?

Villar: Oo, I would recommend sa DOJ na they file charges against proven smugglers kasi paano naman matatakot ang smugglers na hindi gawin iyon kung hindi nila kakasuhan? But of course, how they pursue the case, kanila na iyon. We are not in the judiciary, we don't do that. We just recommend. And of course, on our part, what we can do is make a final recommendation, ano ba ang recommendation natinsa BOC, ano ba recommendation natin sa DA, ano recommendation natin sa system para ma-minimize ang smuggling at the same time iyon nga sabi ko ang penalty sa smuggling napakaliit. In fact, if you will look at the penalties, if the laws have been passed a long time ago, makikita mo ang mnga penalties sobrang liit na parang it doesn't make sense. So maybe it is time to review iyong mga penalties sa ganito.

Q: May idea na kayo in mind kung magkano ang penalty?

Villar: Kasi kung syndicated smuggling, dapat non-bailable iyon. Kasi they make it a system. Dapat pinapara ang mga ganun kasi ang losses sa government massive. Iyong mga maliliit hindi masyado iyon pero they make it a system na parang monopoly nila and then kinokontrol nila ang system, isang grupo will do smuggling na napakalalaki, unabated. Medyo hindi na maganda iyon. So we should think of defining din smuggling.

Q: How is NP moving para sa 2016?

Villar: Wala naman kaming pinag-uusapan. Ako naman, I believe on my part, na anybody can try to run. It's another story na itutuloy nila as candidates in the future. Kasi if you want to run, you can try. You campaign one year, see what will happen and I don't fault anybody for that. Iyan ang right of every person to do that.

Q: Pero wala pa kayong napipisil sa NP?

Villar: Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa candidates. Maski si Sen. Villar na presidente ng NP, sabi niya, okay lang na mag-try ang mga tao, make themselves available and then after a year makita nila na gusto sila ng tao, then they can run. If not, that's for them to decide. Parang hindi naming pinapatay iyong mga option ng aming mga senador.

Q: May tatlong names sa NP na lumulutang, Trillanes, Cayetano and Marcos.

Villar: Deserving naman sila. Kaya naman nila if they want it. Kasi lahat naman iyan popular. It's only a matter only of finding out if you are popular enough to become president or vice president. So wala namang masama doon. Like, Bongbong is a reelectionist, if in the future mag-decide siya na hindi siya tatakbong president or vice president, he can always run for reelection as senator. Wala namang nawala sa kanya kasi he will be camnpaigning as a reelectionist. Si Trillanes and si Alan, okay naman kung sila ay magkampanya at lumakas naman sila, wala namang masama na may maging president o vice president na Nacionalista.

Q: Pero usually sa partido ninyo, paano kayo namimili kung sino tatakbo?

Villar: Hindi naman pinipili, kasi syempre iyong kakandidato gusto ninyang kumandidato. Hindi mo naman pwedeng piliin ang isang ayaw.

Q: Paano kung tatlo sila, pareho nilang gusto?

Villar: Makikita natin. Mag-uusap-usap iyan at the end of the day kasi hindi naman logical na tatakbo silang lahat against each other. They have to be practical. Kasi in the end, the chances of winning pa rin ang pinakamalaking motivation for you to run or not.

Q: Gaano kalaki ang say ni Sen. Manny Villars a magiging standard bearer?

Villar: Siguro malaki say niya, president siya ng partido.

Q: Siya ang magde-decide?

Villar: Hindi naman. Kaya lang, syempre may influence siya, may weight iyon. Any president of the party may weight iyon.

Q: Pero ma'am, come what may, magfi-fill ng sariling candidacy ang NP?

Villar: Depende kung may desidido talaga sa NP at the end of the day to run. Pero kung nasa kanila iyon kung gusto nila huwag umalis o gusto nila mag-run. Si Manny is giving, open mind siya , hindi siya close minded sa ganyan.

Q: Kelan po may possible na meeting with Nacionalista?

Villar: We meet naman. But we all find it too early to decide. We're meeting, yes. We're always meeting socially. Saka minsan may mga problema sila, we discuss them. Pero lahat kami ang feeling namin it's too early to decide.

Q: Ma'am how about Senatorial Candidates ng NP, meron na kayong napupusuan?

Villar: Ang re-electionist lang namin si Bongbong. Si Pia is not running for re-election, end term siya. So, isa lang kaming re-electionist. We'll see kung sino pa iyong gusto.

Kasi sa amin naman, kung gusto, either we coalesce or we feel them. Wala naman problema sa amin.

Q: With coalition with LP, Do you see this until 2016?

Villar: Hindi, wala naman kaming problema with LP ngayon. Pero 2016 election is a different matter.

Q: Anong ibig sabihin Ma'am?

Villar: Hindi, ibig sabihin it's time to review if you still want to coalesce dba? Review time iyon kasi okay naman ngayon pero I think before 2016 magrereview if they want to continue with the coalition or we want to be on our own. Or we want to coalesce with somebody else, open iyon

Q: NP with the Binay, pwede?

Villar: Pwede rin, I cannot answer for them. I don't know. We haven't thought about it.

Q: What will make you coalesce with a particular political dynasty?

Villar: Siguro kaya ka naman magcoalesce kasi you believe in the candidate and at the same time they are treating you well. Kasi importante rin iyon that iyong coalition partner mo is treating you well. Siyempre partido iyan pag di tinatrato ng mabuti, Hindi rin maganda iyon.

Q: So, How's LP treating you?

Villar: Ok naman. As far as I'm concerned ok naman,ewan ko sa iba. Wala naman akong problema sa lahat.

Q: Ma'am nabanggit po last week iyong tungkol kay Tuazon, Paano po iyong pagkakakilala niyo kay Tuazon?

Villar: Actually, hindi na iyon mga Napoles connection niya. I was so surprised, hindi ko alam iyon. Kilala ko siya as a friend. Alam mo si Ruby, is a well known naman sa circle sa Manila. Marami kaming magkakaibigan, marami naman akong kaibigan. And one of them siya. Hindi ko alam iyong kanyang Napoles connection. Alam ko iyong sinasabi niya na namatay iyong husband niya and then she inherited iyong insurance ng husband niya.

Q: Ma'am iyong pagkakabanggit ba sa iyo, yung pangalan mo ni Senator Estrada last time, do you think my malisya iyon? Na naiimplicate ka on PDAF

Villar: I don't know kung may malice iyon or what pero I'm not concerned it's just a dinner, a social dinner. I don't find anything wrong with that. So, even though may malice or not, I don't care. I have nothing hide.

Q: Have you ever talked with Senator Jinggoy Estrada after the time na namention ka niya?

Villar: Hindi pa kasi wala na kami session. Hindi na kami nagkikita.

Q: Pero nag-dinner pa kayo with Tuazon sa separate circumstance?

Villar: That dinner.

Q: Ma'am isang bite lang po para sa International Women's Day, sorry. Ano ang insight mo lang of the women of today...  ano nakikita mong pagbabago sa mga kababaihan meron ka ba nakikitang importance sa mga kababaihan sa society compare noon?

Villar: I've always felt na importante ang mga babae sa society remember, I was born to a family of empowered women. Ang lola ko very empowered, siya nagsuporta ng pamilya niya. Ang nanay ko very empowered din kasi siya nagsuporta sa amin. Laki- laki ng role niya sa aming pamilya.

So, I never doubted that women are important in this society. Siguro yung lola ko yun dahil strong siya and very strong din ang mother ko, tapos ang nanay ni Manny ano rin, siya rin nagsuporta ng pamilya nila at ako I've always worked all my life I was never a burden to the family and ang anak ko tinuturan ko rin ng ganun. So ako hindi ako, infact kaya ako very strong sa livelihood noong ako'y congresswoman nakita ko noon kapag nangagampanya ako, mga babae tong its ng tong its na shock ako. Sabi ko kasi sa amin lahat ng babae nagtratrabaho. So ngayon sabi ko itong mga babaeng ito bibigyan ko to lahat ng trabaho para tigilan na ang pag totong its.

Interviewer: Thank you Ma'am. Thank You.

Q: Ma'am, yung sa Bangsamoro, ano po ang masasabi ninyo?

Villar: Alam mo yang Bangsamoro, palaging may problema dyan sa House. Kasi siyempre iyong House natin, marami dyan galing sa Mindanao and ang may problema naman dyan, iyong magpapasan ng Bangsamoro... iyong mga Christians at mga Muslims sa Mindanao. May Christian areas, may Muslim areas... kasi naranasan ko na yan eh.

Noong time ni Manny, naging as a Congressman, speaker, palaging nag aargue dyan iyong taga-Mindanao. Tayo naman taga Luzon, Visayas, eh hindi. Ano tayo dyan bystander. Kasi hindi naman ang lugar natin ang affected, sila. So we always say, we give it to Mindanaoans to decide. How they will tackle with Bangsamoro.

Makikiramdaman na lang tayo kasi sila mismo ang magkokontrahan, on how it will be handled. I think they will be very active, iyong mga Congressmen, and Women of Mindanao. Ako, pakikinggan ko na lang. Kasi kung ano yung wish ng majority sa Mindanao, iyon ang sundin natin. Kasi palaging sinasabi ni Manny noong speaker siya na nag-aaway mga yan. Sabi niya pakikinggan na lang natin sila, tutal sila naman ang affected niyan. Hindi masyado tayo kasi. Tingnan na lang natin how they will settle this problem among themselves at isuporta na lang natin whatever decisions they will make kasi mahirap makialam sa problema ng iba eh.

Hindi naman tayo nakatira sa Mindanao tapos very strong ang opinion natin doon. Hindi tayo mapapahamak kung magkakaulo don, di ba? So let's give them the chance to settle it among themselves and whatever they decide, we support. Kasi buhay nila yan. Malaking portion ng buhay nila yang labanan, yang issue of Bangsamoro. Kasi ako, I was in Congress, yung mga Christians strong na strong ang stand nila. Yung mga Muslims, strong na strong ang stand nila. Somehow they have to settle it among themselves, what is acceptable. And then we just support them, kasi they are much affected kasi.

Interviewer: Okay Ma'am. Thank You, Ma'am.

Q: Ma'am, si Trillanes, Cayetano, Bongbong, nagsabi ba sila kay Senator Manny?

Villar: Hindi naman sila nagsasabi directly pero napi-feel mo naman yon, di ba? Hindi mo naman kailangan sabihan ka eh, napi-feel mo yan.

Q: Hindi pa po alam?

Villar: Hindi naman, nagsasabi din. Lahat naman sila nagsasabi na, testing the waters.

Q: Humingi na sila ng permiso?

Villar: Hindi naman kailangan humingi ng permiso kay Manny, okay lang yun testing the waters. Siguro end of the year would be reasonable, diba? Maski kayo tanungin, tingin ko yun ang sasabihin niyo eh.

Q: Pero if ever Ma'am, ready kayo on your own with NP tatakbo?

Villar: Oo. Siyempre mag-aadvise si Manny dyan. Kung malakas naman walang problema, pero kung mahina, hirap din. Mahal ang Presidential campaign.

Q: But definitely, NP will participate?

Villar: Of course. Meron kaming mga... si Bongbong is a Senatorial Candidate. Kailangan tumakbo siya and siguro may iba pang gustong tumakbo na Senador, So, we have to participate. Hindi naman pwede mabawasan kaming Senador. Lima kaming NP eh. Gusto siyempre naming, forever lima kung madagdagan pa.

Q: Ilan po kayo sa House?

Villar: I think 25.

Q: May naririnig naba kayo na aakyat sa Senate?

Villar: Alam mo, mahirap yang Senate eh. Nung araw na, nung 2013 ang daming aakyat sa Senate. Noong matapos, mag-isa akong umakyat sa Senate. Kaya mahirap iyan. Marami magpa-plano pero sa bandang huli, tsaka sila magdi-decide if they will do it or not pero mahirap natin sabihin yon. Ano kasi ang Senate, mahirap na campaign. Like ngayon, anim ang re-electionist, may comebacking Senators pa, siguro available na lang mga tatlo o apat diba? Eh kung hindi ka naman masyadong kilala matatakot ka niyan at tsaka yung chances of winning maliit.

Q: Ma'am, nadinig ninyo iyong aside sa Senators, kasi dun sa report, apparently, may isang malaking na opisyal na involved sa Rice Smuggling?

Villar: Wala pa akong nadinig na ganun. Maski iyong sa Senator, wala namang definite. Sinu-surmise lang natin. Unless may magsabi talaga na lumabas. Tsaka yung senator, 24 lang kasi. Siyempre ang hirap samin iyong inimbestigahan colleague naming. It's so hard. In fact napaka bigat sa amin yung PDAF. As an institution, pero yung outside wala namang problema dun tsaka na-mention sila, tinawag ko sila. Tapos pumunta sila. Siguro gusto din nila i-clear ang name nila di ba? Mag explain sila. They don't come to the hearing. They just make Press Release, interviews, di ba? Better pa yon para wala na tayong ano, baka sabihin nila pulitika.

Ako naman, I'm very confident, not even of course DOJ will prosecute, but makakagawa naman tayo ng magagandang institutional reforms-- ang mga legislations na ma solve natin iyong problem but not totally this will solve the problem. Nakikita naman natin like for example, hindi nila bibigyan ng budget ang intelligence, paano magwo-work ang intelligence without the budget at the condition like this diba? Parang maling mali din. So mga ganun.

Q: So, why would you, like reforms sa BoC?

Villar: Ah, ofcourse. Hindi pwedeng hindi sila mag reform. Grabe. Tapos siguro, yung pay. Kung hindi man mabigay sa salaries, kasi may standardization tayo. Dapat may sapat na incentives para ganahan Customs. Alam mo na ganun kalaki ang ilalagay nila, hindi mo sila bibigyan ng incentives eh paano yun.

Q: So yung mga sinsabi nila ng mga conspiracy, mga pulitiko, mafo-fold pa kaya yun?

Villar: I think so, basta alam mong nakikita ko ah pag ikaw ang Presidente, hindi mo gustong... hindi naman completely malinis, minimal. Dyan ko i-appoint ang pinaka matinong taong kilala ko, diba?

Eh siyempre pa ang eh malinis, eh tendency namimi-minimize sa baba, pino proceedings sa public work, ganun. Pumili ka na, kapag disidido ka, pumili ka ng pinaka matinong kilala mong tao na competent din to do it.

Q: Ma'am nagawa na kaya yan?

Villar: Yon, okay yon. Okay yung isang yon. Hindi lang natin alam if he will succeed but matino, malinis. Yung ganon, yung disididong maging malinis. Si Sevilla, investment banker ata yun eh. Yung mga professional na ganun, sanay sila . They just do their job. Hindi sila yung may mga agenda. Basta job nila tapos binigyan naman siguro nila ng pangako. Thank you.

Q: Thank you, Ma'am.

News Latest News Feed