Press Release
March 30, 2014

Transcript of DZBB Interview of Senate President Franklin M. Drilon

Q: Pagkatapos po malagdaan ang CAB, ano na po ang susunod na hakbang?

Drilon: Unang-una ang pagkakaalam ko, ang Transition Commission ng Bangsamoro ay magsusumite ng draft sa Office of the President ng draft para i-review, at pagkatapos, ito ay isusumite sa Kongreso. Ang aking estimate ay mga 1st week of May ito ay nasa Kongreso na. i-refer sa Committee of Local Government. Dito magsisimula ang mahirap na trabaho. Alam mo Nimfa, mahirap gawin ang peace agreement, 7 taon, ngunit ang implementasyon nito ay mas mahirap.dahil dito pa lang mag-uumpisa ang trabaho. Noong signing ay nakausap ko si Cardinal Quevedo, sinabi niya na hindi madali ito dahil masyado pang may mistrust on both sides - not only on government, siguro pati rin sa mga Kristiyano at mga Muslim sa ibang parte ng Mindanao. A lot of convincing must be done, there's a lot of mistrust. Narinig ko rin sa businessman: ano ba ang mangyayari. Ang damdaming ito ay talagan hindi maiiwasan, dahil kinakabahan ang lahat. Ang kailangan ay kumpiyansa, confidence building ay critical sa ating implementasyon nitong agreement. Uulitin ko po, 17 years pinaghirapan ang peace agreement, ngunit marami pong peace agreement sa iba't ibang bansa ay hindi naging matagumpay for a lot of reasons.

Q: Ano po yung timetable?

Drilon: Well, sisikapin naming tapusin bago matapaos ang taon. Sisikapin natin itong maipasa dahilan po ito'y subject pa sa ratification kaya sa aking tansya, yung ratification ay dapat gawin sa susunod na taon dahilan magkaroon pa ng transition commission bago pag magkaroon ng halalan sa May 2016 - that is when the Bangsamoro political entity will be in place.

Q: Baka po may magpetition hinggil sa constitutionality

Drilon: That's beyond my control. Ang aking sinsabi ay sisikapin nating tapusin ang debate bago matapos ang taon. But beyond that, we cannot commit the other branches, nor can I control what the other sectors will do kasi malaya naman sila magkwestyon sa Korte. Ang aking timetable na sana ay pagbigyan ng ating kasamahan - ito ay isang kasunduan that will never come again, it is extremely difficult to get this agreement happen. Ang aking pakiusap sa iba't ibang sektor: pagbigyan po natin ng pagkakataon ang kapayapaan, let's give peace a chance. In fact, yung sa MNLF kay Nur Misuari, hindi nagtagumpay, napirmahan ni Pres. Ramos, ngunit hindi nagtagumpay kasi una na rin, yung MNLF leadership, they failed in expectations of people kasi hindi po sila handa na mag-take over sa government. Ating maalala, ang kritisimo noon, isang floor ng hotel dito sa Maynila ang kanila inokupa.

Drilon: Hindi madali i-implement the revolution rebounds to sons and daughters, dahil hindi po handa ang rebolusyonaryo to take over the government. Ang kailangan dito ay training pa ng MILF - may dalawang taon na lang ang nalalabi bago buuin itong bagong istraktrura. Sana po ay magtagumapy ito dahil ito ay kailangan natin. Sabi nga ni Chair Murad: they will be inclusive kasu gusto nilang isama ang lahat sa usapin ng kapayapaan.

Q: Sabi nga nila, the devil's in the details. Hindi po ba magkakaroon muna ng special briefing, o public hearing kaagad. Kas sabi ni Senators Osmena, Trillanes ni hindi nila lam ang laman nito

Drilon: Opo, wala pa po. Ako, hindi ko pa rin nakikita kasi binubuo pa rin nila yung draft na isa-submit sa OP. Siguro pagkatapos noon ay ipapadala sa Kongreso bilang administration measure. Wala pa akong nakikitang draft kasi dina-draft pa lang sa ngayon, sa pagkaalam ko. At sa pagkakaalam ko, ito ay isusumite sa OP next week. Siguro bago matapos ang buwan ng Abril, that is the time when we will see how it will look like.

Q: Hindi na po ba magkakaroon ng consultations, deretso na sa hearing?

Drilon: Deretso na siguro sa public hearing, although yung Committee on Unification sa Senado, may mga initial hearings na sa Annexes at saka doon sa mga nakalipas na buwan, taon, may regular consultations din na nagawa noon pang panahon ni SP Enrile may ilang beses na kaming naupo sa consultations, although it is not as extensive as we want it to be. Sa ngayon, as of now, we have not seen the proposed basic law kasi hindi pa nabubuo.

Q: Paano po masisiguro na yung laman ay naayon sa Constitution

Drilon: Ang amin pong guideline dito ay ang anumang basic lay ay must be consistent with the Constitution. Hindi po pwede na nangangailangan ng pagbabago ng Saligang Batas dahil iyan ay maliwanag na parameters ni PNoy na ain any basic law must be within the parameters of the Constitution.

Q: Sa pagbuo po nito ay napakalaking papel ng Malaysia, paano po natin ipapasok yung claim natin sa Sabah? Magiging silent po ba tayo?

Drilon: Sa aking tingin, ang Sabah claim ay nandiyan po iyan. The claim is still there. We have not given up anything on that Sabah claim.

Q: May mga nagsasabi na guarded optimism sila dito dahil tumulong ang Malaysia sa peace negotiation

Drilon: There will always be those who will continue to undermine, to oppose for their own reason - politika man o anuman, i-o-oppose nila ito. Uulitin ko yung sinabi ko, 17 taon itong pinag-usapan ngunit mas mahirap siguro ang implementasyon nito. Dito lang sa atin, yung MNLF noon, napirmaham, maraming napirmahan, ngunit hindi po naayos ang gulo sa Mindanao. Ito po ang ating last na pagkakataon para ayusin. Hindi madali and there will be those who will continue to oppose, ngunit para sa ating bansa, sambayanan, dapat tayong magtulungan para magkaroon ng kapayapaan dahil ito ang tugon sa kahirapan, solusyon sa kawalan ng hanapbuhay, para sa ating mga kapatid sa Mindanao.

Q: Yung sa Sabah, separate issue po?

Drilon: That's correct.

Q: Hindi raw ba magkakaroon ng concession sa pag-facilitate?

Drilon: Wala akong alam na concession. Ito ay in good faith, Malaysia helped us and we are appreciative of their help, but there was no quid pro quo.

Q: May mga binabanggit na kaya inaapura yung negotiation for increased US presence ay dahil darating si Pres. Obama, kayo po ba ay regular na nakakatanggap ng updates?

Drilon: May mga sulat sa amin, although in very general terms on the status of the negotiations and I shared these with all the senators. Although in general language understandably dahil hindi pwedeng detalyahin ang lahat ng pinag-uusapan nila

Q: Sa ngayon po ba pwedeng sabihin na iyon ay executive agreement o treaty?

Drilon: Wala pa kaming nakikita, wala pa sigurong basehan ang ganoong klaseng speculation at this stage.

Q: Pero Sir na-inform kayo na bibisita si Pres. Obama?

Drilon: I have not been officially informed I have read it in media. Wala pa pong official advisory sa akin.

Q: So, habang hindi pa nabubuo yung kasunduan, hindi natin masasabi kung ano ang nature nito whether an executive agreement o treaty?

Drilon: Let's wait kung ano ang kalalabasan nito.

Q: Ngayong araw po yung submission ng Pilipinas ng memorial sa UN hinggil sa claims natin sa West Philippine Sea

Drilon: This is the our only alternative dahilan sa reality, malaking bansa ang China. Tayo naman, ang importante rito ay ating relasyon sa ibang bansa must be based on international laws. Kaya tayo pumunta sa arbitration ay gusto nating malaman kung ano ang katayuan ng claim ng China dito sa West Philippine Sea, ay ito po ay tinatalakay, in accordance with the international law doon sa arbitration committee, sa UNCLOS. Sa aking tingin, our relationship and our standings must be based on the rules, international laws.

Q: Grabe na po yung panggigipit sa atin.

Drilon: Kasama na lahat iyan, but we should remain firm in our position that our conduct on this should be based on international rules kaya po tayo nagpunta sa arbitration.

Q: Ano po ang tingin ninyo na kasabay ng issue sa China ay sinasabay ang pagbili ng mga fighter jets, ect...

Drilon: Well, kailangan natin ito whether or not there is a dispute in the South China Sea. Matagal na pong kailangan ng AFP to modernize it. Panahon pa ni Pres. Ramos, ibinenta ang Fort Bonifacio - pero walang nangyari - and supposed to be yung proceeds is for the modernization of AFP. Even before these conflicting claims ay may mga plano na for modernization, pero wala pa pong pondo noon kaya hindi natupad.

Q: Hindi ito dapat ipakahulugan na lalaban tayo sa China...

Drilon: We can never get to the military level of China, hindi natin kaya iyan. Our modernization is a policy at mahigit 20 years na itong pinag-uusapan. Nilalakasan natin because we have to defend our territory whether or not there is this conflicting claims on West Philippine Sea.

Q: Kahit po nakabakasyon kayo ay authorize naman na magpatawag ng public hearing?

Drilon: Tama po iyan. May authority sa mga chairman, in fact, merong mga komite na nag-conduct ng hearings.

Q: Natanong ko kasi may mga ilang naiinip na hindi nag-conduct ng public hearing hinggil sa pork barrel scam hearing

Drilon: Nakadepende po iyan kay Chairman Guingona. Kung sa kanyang tingin eh kailangan pa. Huwag po nating kalimutan na it is in aid of legislation. The Blue Ribbon will determine kung mayroon na silang sapat na testimony in order to come up with a proposed legislation. Ito po ay hindi criminal investigation.

Sa mga ideal situation, kung naka-9 na hearing na ay pwede ng gumawa ng partial committee report?

Drilon: Nakay Sen. Guingona po iyan.

Q: Sa mga Yung mga line agencies kailangan din pong tutukan?

Drilon: Na kay Chairman Guingona. Pero sabi mo nga, 9 na hearings na, hanggang saan ba ito?

Q: Last point, sabi po ni Sec. Abaya, sa LP raw po ang manok ay si Sec. Mar Roxas

Drilon: Siguro, magtrabaho muna tayo sa Bangsamoro Basic Law bago ang politika. The best politics to me is performing your job. Ang paghahanda, ang pinakamaayos ay yung paggawa mo ng trabaho.

News Latest News Feed